You are on page 1of 3

Ang Pandemyang Bumago sa Buhay ng Nakararami

Marami ang naapektuhan at nagbago sa ating pamumuhay dahil sa paglaganap ng


pandemya sa ating bansa. Naitala ang kauna-unahang kaso ng covid-19 sa Pilipinas noong Enero
20, 2020 sa isang 38 taong gulang na babae. Marso 11, 2020 naman ang pagdeklara ng WHO o
World Health Organization na ang coronavirus ay isang global outbreak.
Ang coronavirus-19 o COVID-19 ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong
strand ng coronavirus. Karamihan sa mga taong nagkaroon ng impeksyon ay nakakaranas ng
hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba naman ay nakakaranas ng malubhang sakit.
Kung kaya’t sinuspinde ang klase sa buong bansa nang mahigit anim na buwan at hindi maaaring
lumabas ang mga tao maliban sa mga healthcare workers upang mapigilan at mapababa ang kaso
sa bansa.
Kinakailangan ng bawat isa na makibagay sa tinatawag na new normal na pamumuhay
upang magpatuloy. Karamihan din ng mga trabaho at klase ay ipinatupad sa online setting.
Talagang napakahirap nang naging simula dahil sa kawalan ng kagamitan at kakulangan ng
kaalaman sa mga makabagong teknolohiya. Marami ang hindi makasabay dahil sa bagal ng
internet at signal sa ating bansa na nakakahadlang upang maunawaan mabuti ng mga mag-aaral
ang mga tinuturo.
Ngunit pagkatapos ng dalawang taon na quarantine, pagsunod sa health protocols, at
pagbabakuna, unti-unting lumiliit ang bilang ng bagong pasyente at unti-unti ring bumabalik ang
buhay na ating nakasanayan. Ngayong taong 2022, maraming establisyemento ang nagbukas,
marami ring malls ang nagpapasok ng mga kabataan at matatanda, at ang ibang paaralan ay may
face-to-face classes na. Tunay ngang bumabalik ang dating normal na buhay na aking
pinapangarap at gustong balikan.

Kahulugan at Katangian ng mga Salita


1. Global outbreak
Kahulugan: sakit na laganap sa buong mundo
Katangian: Pormal na Wika na ginagamit sa mga akademikong sulatin at artikulo
2. Coronavirus-19
Kahulugan: uri ng virus na nagdudulot ng lagnat, sipon, at ubo at maaaring mamatay
ang mga taong naimpeksyon
Katangian: Pormal na wika na ginagamit ng mga karaniwang manunulat
3. Quarantine
Kahulugan: pananatili sa isang lugar upang maiwasan makahawa o mahawa sa virus
Katangian: Ito ay pormal na wika na may uring pambansa.
4. Pagbabakuna
Kahulugan: pagtanggap ng bakuna na nagtuturo sa iyong katawan na labanan ang
COVID-19
Katangian: Pormal na wika na may uri ng pambansa na nanggagaling sa salitang ugat na
bakuna.
5. Establisyemento
Kahulugan: gusali, opisina o pook ng komersyo
Katangian: Pambansang uri ng pormal na wika

References:
https://www.who.int/docs/default-source/wpro---documents/countries/philippines/
emergencies/covid-19/who-phl-sitrep-1-covid-19-9mar2020.pdf?sfvrsn=2553985a_2
https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-
upang-maprotektahan-ang-sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32191675/

Mga Halimbawa

You might also like