You are on page 1of 13

10

Filipino
Unang Markahan
Modyul 8: Pagtala Ng Mga
Impormasyon (Isyung
Pandaigdig)
10
Filipino
Unang Markahan
Modyul 8: Pagtala Ng Mga
Impormasyon (Isyung
Pandaigdig)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SIQUIJOR

PAMATID SA COPYRIGHT

Ayon sa “Section 9, Presidential Decree No. 49”, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.

Ang materyal na ito ay binuo sa pamamagitan ng inisyatiba ng Curriculum Implementation Division (CID)
ng Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Siquijor.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


OIC-Schools Division Superintendent: Dr. Neri C. Ojastro
Assistant Schools Division Superintendent: Dr. Edmark Ian L. Cabio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Agnes C. Lubguban

Mga Tagasuri: Charity E. Dimagnaong, Christine V. Marchan, Anabel R. Jimenez, Rodson M. Jumalon,
Kathleen Rose A. Ocay, Gene T. Gica, Christine Gaye D. Largo, Mary Jean L. Larot

Tagapamahala: Dr. Marlou S. Maglinao


CID – Chief

Flora A. Gahob
Education Program Supervisor (Filipino)

Edesa T. Calvadores
Education Program Supervisor (LRMS)

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng _______________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Region VII, Dibisyon ng Siquijor
Office Address: Larena, Siquijor
Telephone No.: (035) 377-2034-2038
E-mail Address: deped.siquijor@deped.gov.ph
INTRODUKSIYON

Ang modyul na ito ay isinulat bilang pagtugon sa programa ng K to 12 Basic


Education na tiyakin ang pagkatutong inaasahan mula sa iyo bilang mag-aaral.

Nilalayon nitong makamit ang mga kinakailangang kaalaman at kasanayan sa


pagtatala ng mga impormasyon tungkol sa napapanahong isyu.

Kabilang sa modyul na ito ang mga sumusunod na gawain:

 Introduksiyon/Layunin – dito nakasaad kung tungkol saan ang paksa ng


modyul at kung ano ang mga inaasahang gawain na kailangan mong
masunod at matupad.

 Panimulang Pagtataya – dito inaalam at tinutukoy ang dati mong kaalaman


tungkol sa paksang pag-aaralan.

 Pagtatalakay sa Paksa – dito inilalahad ang mga mahahalagang kaalaman,


simulain o panuntunan na makatutulong sa iyong pagtugon sa mga
inaasahang gawain at kasanayan.

 Mga Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay tungkol sa paksang pinag-
aaralan na susubok sa iyong kaalamang natutunan at kasanayang nakamit
mula sa pagtatalakay sa paksa.

 Pangwakas na Pagtataya – dito tinataya ang iyong kabuuang pangunawa at


pagkatuto sa modyul.

Ang iba’t ibang gawaing nakapaloob sa modyul na ito ay magsisilbing tulong


tungo sa ikatatagumpay ng iyong pagkatuto at lilinang sa iyong kritikal na pang-
unawa.

1
Alamin
Pagkatapos ng aralin, inaasahan na iyong:
• Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig
• Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig

Subukin
Sagutin ang kasunod na paunang pagsusulit. Susukatin lamang sa pagsusulit
kung ano na ang nalalaman mo tungkol sa paksang iyong pag-aaralan sa modyul na
ito.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong kuwaderno.

1. Ano ang tawag sa isang nakakahawang sakit dulot ng SARS-COV2?


a. Influenza c. Cholera
b. COVID-19 d. HIV
2. Saan naitala ang unang kaso ng COVID-19?
a. Wuhan, China c. Tianjin, China
b. Beijing, China d. Guangzhou, China
3. Kailan naitala ang unang kaso ng sakit na ito?
a. January, 2020 c. February, 2020
b. December, 2019 d. November, 2019
4. Ano ang mga sintomas ng magkasakit ng COVID-19?
a. lagnat c. ubo
b. pangangapos ng paghinga d. lahat ng nabanggit
5. Ilang araw ang karaniwang pag-apekto ng sakit?
a. 1-3 araw c. 5-6 araw
b. 4-6 araw d. 7-8 araw
6. Ano ang komplikasyon ng sakit na ito?
a. pneumonia c. pagtaas ng presyon ng dugo
b. kanser d. sakit sa puso
7. Paano maiiwasan ang pagkahawa ng sakit?
a. paghuhugas ng kamay c. kuwarantina
b. pisikal na pagpapalayo d. lahat ng nabanggit

2
8. Paano nakakahawa ang COVID 19 sa ibang tao?
a. kapag umuubo c. kapag sinisipon
b. kapag nakakalanghap d. kapag nakakausap
9. Ano ang mga panganib sa sakit na ito?
a. pagbibiyahe c. pagkalantad sa birus
b. pakikipag-usap ng malapitan d. lahat ng nabanggit
10. Ilang milyon ang naitalang nahawaan ng sakit na ito noong July 23, 2020?
a. higit 10 milyon c. higit 5 milyon
b. higit 20 milyon d. higit 15 milyon
11. Ano ang inirekomendang isusuot ng isang taong nagsusupetsang may virus?
a. mask c. payong
b. panyo d. damit
12. Kailan idineklara ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang
pagkalat ng Koronabirus ng 2019-20 bilang pandemya?
a. February 28, 2020 c. January 30, 2020
b. March 30, 2020 d. December 30, 2019

Balikan
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, pumili ng dalawa sa mga napapanahon na
isyung panlipunan at ibigay ang kaibahan ng bawat isa. Isulat ang sagot sa isang
papel.

Swine
COVID
Flu

3
Tuklasin
Coronavirus disease 2019
(COVID-19)

• "Coronavirus"
Mga ibang
• 2019-nCoV acute
pangalan
respiratory disease
• Novel coronavirus
pneumonia[1][2]

Mga sintomas

Paraan ng • /kəˈroʊnəˌvaɪrəs
pagbigkas dɪˈziːz,_ˈkoʊvɪd/

Espesyalidad Nakahahawang sakit

Mga sintomas Lagnat, ubo, pangangapos ng


hininga[3]

Mga Pneumonia, ARDS, paghinto ng


komplikasyon bato

Karaniwang pag- Yugto ng inkubasyon


epekto ng sakit karaniwang 5–6 araw (maaaring
nasa pagitan ng 2–14 araw)

Mga sanhi SARS-CoV-2

4
Mga panganib Pagbibiyahe, pagkalantad sa
virus

Paraan ng pagsusuring rRT-PCR, iskanang


pagsusuri CT

Pag-iwas Paghuhugas ng kamay,


kuwarantina, pisikal na
pagpapalayo

Treatment Sintomatiko and pag-aalalay

Dalas 15,077,182[4] kumpirmadong


kaso

Mga nasawi 620,257[4] (4% ng


kumpirmadong kaso)[4]

Ang COVID-19 (coronavirus disease 2019)[5] o sakit sa koronabirus 2019 na


dating kilala bilang 2019-nCoV acute respiratory disease, ay isang nakakahawang
sakit dulot ng SARS-CoV-2, isang birus na may kaugnayan sa SARS-CoV.[6][7]
Naitala ang mga unang kaso nito sa Wuhan, kabisera ng lalawigan ng Hubei, sa
Tsina noong Disyembre 2019, at mula noon ay kumalat sa buong mundo, na
humantong sa nagpapatuloy na pandemya ng koronabirus 2019–20.[8][9] Kabilang sa
mga sintomas nito ang lagnat, ubo, at pangangapos ng hinihinga.[10] Kabilang sa
mga iba pang sintomas ang kirot sa kalamnan, pag-uuhog, pagtatae, pamamaga ng
lalamunan, pagkawala ng pang-amoy, at sakit sa tiyan.[3][11][12] Habang nagreresulta
ang karahiman ng kaso sa mga di-malubhang sintomas, maaaring humantong ang
ilan sa pulmonya at pagkasira ng iilang sangkap.[8][13] Noong pagsapit ng Hulyo 23,
2020, higit sa 15 milyon kaso ng COVID-19 ay naitala sa higit sa 200 bansa at
teritoryo, na nagresulta sa kamatayan ng humigit-kumulang sa 620,000.[14] Higit sa
8,580,000 katao ang gumaling na.[14]

Karaniwang naipapasa ang sakit sa mga ibang tao sa malapitang pakikitungo,[a]


kadalasan sa pamamagitan ng mga maliit na patak kapag umuubo,[b] bumabahing,
at nagsasalita.[15][16][18] Kadalasan, nahuhulog ang mga patak sa sahig o sa mga
ibabaw sa halip na lumipad sa hangin sa malalayong distansiya.[15] Di-ganoong
karaniwan, maaaring mahawaan ang isang tao kung hahawakan niya ang isang
kontiminadong bagay at pagkatapos nito ay hahawakan niya ang kanyang
mukha.[15][16] Pinakanakahahawa ito sa unang ikaltlong araw sa pagkatapos ng
paglitaw ng sintomas, ngunit maaaring makahawa bago lumitaw ang mga sintomas,
at mula sa mga taong walang sintomas.[15][16] Ang pamantayang pamamaraan ng
pagsusuri ay sa pamamagitan ng real-time reverse transcription polymerase chain
reaction (rRT-PCR) mula sa pamahid sa nasoparinks (nasopharyngeal swab).[19]

5
Makatutulong din ang Chest CT para sa pagririkonosi ng mga indibidwal kung saan
may mataas na paghihinala ng impeksyon batay sa mga sintomas at salik sa
panganib; ngunit hindi

inirerekumenda ng mga patnubay ang paggamit sa CT imaging para sa rutinang


pag-iskrin.[20][21]

Kabilang sa mga inirerekumendang hakbang upang maiwasan ang pagkahawa ay


madalas na paghuhugas ng kamay, panlipunang pagdidistansya (pagpapanatili ng
pisikal na distansya mula sa ibang tao, lalo na sa mga may sintomas), pagtatakip ng
mga ubo at bahing ng tisyu o panloob na siko, at paglayo ng maruming kamay mula
sa mukha.[22][23] Inirerekumenda ang paggamit ng mga mask sa mga nagsususpetsa
na may birus sila at sa kanilang tagapag-alaga.[24] Nagkakaiba-iba ang mga
rekomendasyon sa paggamit ng mask ng publiko. Hindi nirerekumenda ng iilan ang
kanilang paggamit, nirerekumenda naman ng iilan ang paggamit, at inaatas ng mga
iba pa ang paggamit.[25][26][27] Sa kasalukuyan, wala pang mga bakuna o tiyak na
gamot panlaban sa birus para sa COVID-19. Kasali sa pangangasiwa nito ang
paggamot ng mga sintomas, pag-aalalay, pagbubukod, at eksperimentong
pamamaraan.[28]

Noong 30 Enero 2020, indineklara ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan


(WHO) ang pagkalat ng koronabirus ng 2019–20 bilang isang Kagipitan ng
Pampublikong Kalusugang May Pandaigdigang Pakundangan (PHEIC)[29][30] at
bilang pandemya noong 11 Marso 2020.[9] Naitala ang lokal na transmisyon ng sakit
sa maraming bansa sa lahat ng anim na rehiyon ng WHO.[31]

Suriin
Pagtatala ng mga Impormasyon

Ang impormasyon ay nakuha mula sa:


- Pagbabasa
- Pagsasaliksik
- Pag-oobserba
- Pag-iinterbyu
- Pagtatanong
- Pakikinig sa mga lektyur

Mga nararapat gawin upang maayos na makapagtala ng impormasyon:

1. Makinig o basahin ng mabuti ang pinagmumulan ng impormasyon.


2. Isulat ang mahalagang bahagi nito
3. Intindihin mabuti ang pagkakasunod-sunod ng binanggit na impormasyon.
4. Pilitin na gawaing malinaw ang pagtatala.

6
5. Gawin ang lahat upang makapagtala ng impormasyon, gumawa ng guhit
(drawing), gumuhit ng linya patungo sa susunod na hakbang. Ang bahaging ito ay
nasa indibiduwal,(do whatever works for you).
6. Pag-aralan ang mga nakuhang impormasyon.

Ang pagtatala ng impormasyon ay may pamamaraan:


1. Pabuod- ang epektibong pagbubuod ay pagtatala ng pangunahing ideya at mga
pansuportang detalye at pagtatanggal ng ibang mga hindi-kahalagang detalye.

2. Tuwirang sipi-paggamit sa aktuwal na sinabi ng awtor/ may-akda sa teksto ng


pananaliksik.

3. Parapreys- ito ay muling pag-uulit ng ideya at mga pansuportang ideya tulad ng


isang pagbubuod subalit walang pagtatanggal ng mga detalye.

Pagyamanin
Pansariling Gawain 1 : Pagtatala ng mga Impormasyon

Panuto: Mula sa nabasang impormasyon tungkol sa Covid 19, manood ng kaugnay


na balita sa telebisyon at punan ang tsart sa ibaba.

Pansariling Pagtataya 1:
Information Sheet sa Covid 19

Napanood Nabasa Reaksyon

Isaisip
Pagkatapos ng mga Gawain
Nalaman ko na ang pagtatala ng impormasyon ay ang pag-iisa-isa ng
mahahalagang impormasyon kinalap o kinuha sa iba’t ibang sanggunian katulad
ng aklat, diyaryo, magasin, at iba pa. Maaari din na ang impormasyon ay kinalap
sa pamamagitan ng panayam o pagtatanong sa mga taong may sapat na
kaalaman sa paksa.

7
Isagawa
Panuto: Pumili ng isang sa napapanahong isyung pandaidig at gumawa ng
reaksyong papel tungkol dito. Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.

Rubriks:

Nilalaman------------------------------35 puntos
Organisasyon ng Ideya-------------35 puntos
Orihinalidad----------------------------20 puntos
Kalinawan at Kalinisan---------------10 puntos

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong kuwaderno.

1. Saan naitala ang unang kaso ng COVID-19?


a. Wuhan, China
b. Beijing, China
c. Tianjin, China
d. Guangzhou, China
2. Kailan naitala ang unang kaso ng sakit na ito?
a. January, 2020
b. December, 2020
c. February, 2020
d. November, 2019
3. Ano ang tawag sa isang nakakahawang sakit dulot ng SARS-COV2?
a. Influenza
b. COVID-19
c. Cholera
d. HIV
4. Ilang araw ang karaniwang pag-apekto ng sakit na ito?
a. 1-3 araw
b. 4-6 araw
c. 5-6 araw
d. 7-8 araw
5. Ano ang komplikasyon ng sakit na COVID-19?
a. Kanser
b. Pneumonia
c. Sakit sa puso
d. Pagtaas ng presyon ng dugo
8
6. Ano ang sintomas ng ng magkasakit ng COVID-19?
a. Ubo
b. Lagnat
c. Pangangapos ng paghinga
d. Lahat ng nabanggit
7. Ano ang mga panganib sa sakit na ito?
a. Pagbibiyahe
b. Pagkalantad sa birus
c. Pakikipag-usap ng malapitan
d. Lahat ng nabanggit
8. Paano maiwasan ang pagkahawa ng sakit na ito?
a. Kuwarantina
b. Paghuhugas ng kamay
c. Pisikal na pagpapalayo
d. Lahat ng nabanggit
9. Paano nakahawa ang COVID-19 sa ibang tao?
a. Kapag umuubo
b. Kapag sinisipon
c. Kapag nakakausap
d. Kapag nakakalanghap
10. Ano ang inirekomendang isusuot ng isang taong nagsusupetsang may virus?
a. Damit
b. Mask
c. Panyo
d. Payong
11. Ilang milyon ang naitalang nahawaan ng sakit na ito noong July 23, 2020?
a. Higit 10 milyon
b. Higit 20 milyon
c. Higit 5 milyon
d. Higit 15 milyon
12. Kailan idineklara ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang
pagkalat ng Koronabirus ng 2019-20 bilang pandemya?
a. January 30, 2020
b. February 26,2020
c. March 30,2020
d. December 30,2019

9
Sanggunian

Ambat, Vilma C., Ma. Teresa B. Barcelo, Eric O. Cariño, Mary Jane R. Dasig, Willita
A. Enrijo, Shiela C. Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn C. Sayson, Mary Grace
A. Tabora, at Roderic P. Urgelles, eds. Filipino – Ikasampung Baitang Modyul
para sa Mag-aaral. Unang Edisyon 2015. Pasig City: Vibal Group, Inc.

Google.com
https://brainly.ph>question (accessed August 21, 2020)

Google.com
https://www.slideshare.net/MilaSaclauso/mga-estratihiya-sa-pagtuturo-ng-
filipino-milagros-m-saclauso-lala-national-high-school (accessed August 23,
2020)

Google.com
https://philnews.ph/2019/07/19mga isyung-panlipunan (accessed August 10,
2020)

You might also like