You are on page 1of 25

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales Philippines 2201
Telfax: 047-811-1683 | Email: www.prmsu.edu.ph

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Masusing Banghay-Aralin Kontemporaryong Isyu

Corona Virus Disease (COVID) -19 PANDEMIC

Inihanda ni :
_________________________
JOSHUA AUGUST R. DALIPOSA
BSE Social Studies III-A

Binigyang Pansin ni:

_____________________________
MARIE FE D. DE GUZMAN, Ed. D.
Associate Professor V
I. Layunin

1. Natutukoy kung paano naipapasa ang COVID 19


2. Naiisa-isa ang mga hakbang upang maka-iwas sa COVID-19
3. Naisasagawa ang mga hakbang upang maka-iwas sa COVID 19

II. NIlalaman

A. Paksa
 COVID-19 Pandemic
Tiyak na Paksa
 Paraan kung paano naipapasa ang COVID-19
 Mga Hakbang upang maiwasan ang COVID-19

B. Kagamitan
 Tulong biswal
C. Teknik
 Tree Diagram
 Video Clip Review
 Picture Critque
 Pop, pick, think and share

D. Sanggunian
Hango mula sa Internet
 Department of Health Philippines. (2020). ―Ano ang COVID-19?‖. Retrieved from
https:// www. doh. gov. ph/node/19123
 Department of Health Philippines. (2020). BIDA: Solusyon sa COVID-19.
Retrieved from https:// www. doh. gov. ph/node/19123
 Ravelo, J. L., Jerving, S. (2020). COVID-19 — a timeline of the coronavirus
outbreak. DevEx. Retrieved from https://www.devex.com/news/covid-19-a-
timeline-of-the-coronavirus-outbreak-96396
 Gregorio, X. (2020). Philippines confirms first case of novel coronavirus. Rappler.
Retrieved from https://cnnphilippines.com/news/2020/1/30/Philippines-
coronavirus-case.html
 Sam Langford.(2020).Pangkalahatang Pananaw: Ano ang COVID-19? COVID.
SBS News. Retrieved from https://www.sbs.com.au/language/filipino/audio/lahat-
ng-kailangan-mong-malaman-tungkol-sa-coronavirus
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Pagbati ng Guro
Magandang umaga sa ating lahat
Magandang umagadin po Sir.

2. Panalangin
Manatili tayong nakatayo, simulan natin ang
araw na ito sa isang panalangin

Sophie, maari mo bang pangunahan ang


pagdarasal
( Ang mga mag-aaral ay magdarasal)

3. Pagtatala ng lumiban

Maaari ko bang malaman mula sa ating


kalihim kung mayroon bang lumiban sa klase sa
araw na ito? Sir, ikinagagalak ko pong sabihin na wala pong
lumiban sa ating klase sa araw na ito.
Salamat binibining kalihim. Nakakatuwang
pakinggan na lahat at narito sa araw na ito, dapat
araw-araw ay walang lumiliban sa ating klase
gayon din sa iba ninyong klase.

Dahil diyan bigyan and inyong sarili ng


tatlong palakpak at tatlong padyak ( tiktok steps)
(Gagawin ang naturang palakpak, padyak at
talon)
4. Pagbabalik- Aral
Bago tayo dumako sa bago nating aralin,
Mayroon bang makapagbibigay ng paksang ating
tinalakay kahapon? Sir, ang ating paksang tinalakay kahapon ay
tungkol sa kahulugan ng COVID 19 at
pinagmulann po nito.
Tama! Ngunit ano nga ba ang Covid-19, ito ba ay
isang uri ng sakit, epidemdya o kaganapan?
Mayroon bang makapagbibigay ng kahulugan ng
Covid-19? Sir, ang Corona virus o Covid-19 ay isang
malaking pamilya ng mga virus na maaaring
magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon
hanggang sa mas malubhang sakit o
komplikasyon na siyang maaaring maging
dahilan ng pagkamatay ng isang tao

Mahusay! Ito ay nasa hanay ng pamilya ng mga


virus tulad ng Middle East Respiratory Syndrome
(MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory
Syndrome (SARS-CoV).

Para sa susunod na katanungan hingil sa ating


tinalakay kahapon, maari niyo bang Ilahad kung
saang parte ng daigdig nagsimulang kumalat ang
COVID 19?

Naitala po ang unang kaso ng COVID-19 sa


Silangang Asya partikular po sa bansang China
sa sa Wuhan City sa lalawigan ng Hubei. Ito po
ang unang natiala na kaso ng COVID-19 sa
buong mundo.
Tama! Noong ika-31 ng Disyembre 2019, Isang
bagong uri ng coronavirus ang natuklasan sa
Wuhan, China, sa gitna ng mga kaso ng
pneumonia.Napag-alaman kamakailan lamang na
ang mga kaso ay dulot pala ng isang uri ng hindi
pa kilalang coronavirus, na ngayon ay tinatawag na
SARS-CoV-2 o ang sakit na Coronavirus Disease
2019.

Ayon sa mga eksperto saan nga ba nagmula ang


virus na ito? Nagmula ba ito sa mga hayop o sa
mga tao?

Ayon po sa World Health Organization, wala


pang malinaw na pag-aaral o ebidensya na
magsasabi kung saan nga ba talaga nanggaling
ang COVID-19, Ngunit malaki po ang
posibilidad na ang COVID-19 ay nagmula sa
mga hayop, posible na ito ay nagmula muna sa
mga hayop bago naapektuhan o naisalin sa mga
tao.
Magaling! Binigyang linaw ng World Health
Organization na wala pang konkretong ebidensya
na nagsasabing ang coronavirus ay nagmula nga sa
mga paniki o ahas taliwas sa kumakalat na larawan
sa social media ng mga Chinese na humihigop ng
soup na gawa sa ahas at paniki na nagsasabing dito
raw nagmula ang virus. Ngunit malaki nga ang
posibilidad na sa hayop ito na nagmula tulad ng
SARS dahil ito ay ―zootonic virus‖o nagmumula
sa hayop at maaaring maipasa sa mga tao.

Naunawaan ba ang ating nakaraang talakayan?


Opo, naunawaan po naming lubos
May gusto pa ba kayong bigyang ng linaw sa ating
nakaraang talakayan?
Wala na po

At dahil diyan, binabati ko kayo dahil naunawaan


ninyo ng lubos ang ating nakaraang aralin. At
alam kong handa na kayo sa ating panibagong
talakayan.

5. Pagganyak : Video Clip Review


Sa pamaamitagan ng isang ―video clip‖ masusuri
ang paksang tatalakayin

Para buksan ang pinto ng ating talakayan, kayo


ay may matutunghayan na isang maigsing video
clip.

Madali lamang ang ating gagawin, habang


tinutunghayan ninyo ang naturang video clip,
maaari kayong magtala ng mga ideyang
nakapaloob dito.

Sa dulo ng video clip ang bawat isa ay


magkakaroon ng tiyansa na magbahi ng kaniyang
sentimiyento o ideya mula sa naturang video clip.
Kaya inyong bigyang pansin ang bawat detalyeng
nakapaaloob dito.

Naintindihan ba ang ating panuto?


Opo
Handa na ba kayo?

Opo, handa na po

Kung gayon, halina‘t tayo ay magsimula


(Isasagawa nag nasabing gawain. Ang mga
mag-aaral ay manunuod ng isang video clip na
may kaugnayan sa bagong aralin)

Inyo bang napakinggan at naunawaan ng mabuti


ang maikling presentasyon?
Opo

Gaya ng aking nabanggit kanina, bawat isa ay


magbibigay ng ideya tungkol sa inyong
natunghayan.

Magsisimula tayo sa unang hanay, ano ang nabuo


mong konsepto mula sa iyong napanood?
Sir, hango po sa video clip, ito po ay may
konseptong imporatibong base sa pagkakalatag
ng mga impormasyon at detalye
Tama! Ito ay impormatibo sapagkat ito ay
naglalahad ng mga impormasyon na layong
ipabatid at bigyang kaalaman ang mga
manunuood.

Mula naman sa ikalawang hanay, ano ang nais


ipabatid ng napanood na video clip?
Sir, nais pong ipabatid ng video clip na mabilis
ang pagkalat ng COVID-19 dahil lamang sa
isang simpleng aksyon na ating gagawin.Kung
kayat ipinapabatid ng video clip na dapat tayo
ay maging responsable sa ating mga ikinikilos.
Mahusay! Ikinagagalak ko na iyong binigyang
pansin ang mga detayle ng video clip.

Mula naman sa ikatlong hanay, ano ang tema ng


video clip??
Sir nakatuon po ito sa pagbibigay impormasyon
na tumatalakay sa pagkalat ng COVID 19 dahil
lamang sa simpleng pakikisalamuha sa ibang
tao at nagbibigay impormasyon kung sino ang
mga madaling mahawaan ng sakit na ito.
Tama! Binigyang pansin sa video clip na kapag
ikaw ay nahawaan madali mo na itong maipasa sa
ibang tao.

Mula sa inyong mga nabanggit at aking


ibinahaging impormasyon, maari ba kayong
magbigay ng inyong ideya o hinuna sa paksang
ating tatalakayin sa araw na ito?
Sir, pag-aaralan po natin kung paano po
nakukuha o paano naipapasa sa ibang tao ang
COVID-19.
Tama! Iyan ay isa sa ating bibigyang pansin sa
ating talakayan.

Mayroon pa bang makapagbabahagi ng kanyang


ideya sa paksang ating tatalakayin?
Sir, ating tatalakayan sa araw na ito ay ang
mga hakbang upang maiwasan ang sakit na
COVID-19 at pagkalat nito
Mahusay! Mula sa inyong mga nabanggit, ang
paksang ating tatalakayin sa araw na ito ay may
kinalaman sa CoronaVirus Disease o COVID-19

Paano nga ba naipapasa ang COVID 19, ito ba ay


sa pamamagitan ng pag-ubo, pag atching o
paghawak sa mga bagay na marumi?

At ano-ano ang mga paraan na ating magagawa


upang maka-iwas sa sakit na ito. Dapat ba ay hindi
na tayo lumabas ng ating bahay, o kaya naman
dapat ba na tayo ay magpakonsulat sa doctor
kaagad?

Ilan lamang ‗yan sa mga katanugan na ating


bibigyang kasagutan. Halina‘t umpisahan natin ang
talakayan.

Handa na ba kayong matuto ng bagong kaalaman


at mapalawak ang inyong nalalaman.
Opo
Halina‘t tuklasin ang lalim ng ating aralin.
Magsimula tayo sa mga dahilan kung paano
naipapasa ang COVID 19.
B. Pagtatalakay

1. Tree Diagram

Sa pamamagitan ng tree diagram, naiisa-isa ang


mga paaran kung paano naipapasa ang COVID 19.

COVID 19: PAANO ITO NAIPAPASA?

RESPIRATORY PAGHAWAK SA
DROPLETS KONTAMINADONG

PAG-UBO PAGHAWAK SA MATA

PAGBAHING PAGHAWAK SA ILONG

PAGSASALITA -19 PAGHAWAK SA BIBIG

Ano ang inyong nakikita sa larawan?

Sir, makikita po sa larawan ang dalawang tao


na magkalapit, ang isa po at umuubo ng hindi
nakatakip ang bibig at may mga tumatalsik sa
\
hangin na maliliit na bagay.

Mahusay! Ayon sa World Health Organization at


Department of Health, ang dahilan kung bakit
naipapasa ang COVID-19 ay dahil sa mga
―respiratory droplets‖ o iyong maliliit na talsik ng
laway na mula sa isang taong may COVID-19

Mayroon ba kayong ideya kung paano ang droplets


na ito ay naipapasa sa ibang tao?
Sir, Ito ay naipapasa ng tao-sa-tao sa
pamamagitan ng pagsagap ng mga malilit na
talsik ng laway mula sa pagsasalita, pagbahing,
o pag-ubo ng isang taong may COVID-19 nang
hindi nagtatakip ng kanyang bibig.

Magaling! Ito ay pangunahing naikakalat o


naipapasa sa tao sa pamamagitan ng mg droplet
mula sa taong may sakit na COVID 19 pag siya ay
magsasalita, uubo o babahing. Ang mga droplet na
ito ay maaring pumunta sa bibig o ilong ng mga
taong malapit sa kanya.

Mayroon ba kayong mga katanungan? Sir, saan po napupunta ang mga droplets kapag
ang isang taong may COVID 19 ay umubo o
bumahing?

Salamat! Iyan ay magandang katananungan.

Mayroon ba kayong ideya kung saan ito na


pupunta?
Sir sa sahig po

Maaari. Maaari pa ba kayong maghayag ng iyong


ideya kung saan napupunta ang mga droplets na
ito?
Sir sa ibang parte po ng katawan ng tao tulad
ng braso po o kaya naman po sa damit.

Mahusay, ito rin ay maari.

Ang iyong katanungan at kasagutan ay ang


maghahatid sa aking susunod na punto.

Masyadong mabigat ang mga droplet na ito upang


maglakbay ng malayo sa hangin, umaabot ng
hanggang isang metro ang pagtalsik nito at kaagad
na mananatili sa ibabaw ng mga bagay.

Sa inyong palagay, ang mga bagay ba katulad ng


doorknob, ballpen o kahit na lamesa o ibang bagay
sa iyong paligid ay maaring madapuan ng virus na
mula sa droplets?
Opo sir.

Tama, sino sa inyo ang nais magbigay ng maikling


paliwanag dito?
Sir, Kapag ang tao pong may COVID-19 ay
umubo, bumahing o kahit nagsalita lamang ng
hindi nagtatakip ng bibig ay maaring tumalsik
ang mga droplets sa mga bagay na nakapaligid
sa kanya. Maari itong mahawakan ng ibang tao
at maging sanhi ng pagkakaroon din nila ng
COVID 19.
Mahusay! Ang kontaminadong droplets ay
maaring maiwan sa madalas hawakan na bagay
gaya ng doorknob, switch ng ilaw, hagdan, ballpen
at iba pa. Maari tayong mahawa kapag ang mga
nabanggit ay ating nahawakan at ang ating kamay
ay naihawak natin sa ating mga mata, ilong o kaya
naman bibig.

Inyo bang naunawaan?

Opo
Kung gayon, sa inyong pag-unawa sa paanong
paraan naipapasa ang COVID-19?
Sir, pwede pong maipasa ng taong may sakit na
COVID-19 ang virus sayo noong siya ay
umubo, bumahing o kahit simpleng pagsasalita
lamang dahil sa droplets na nagmula sa kanya.
Maari rin pong nahawa ka dahil humawak ka sa
mga bagay na kontaminado at natalsikan ng
droplets ng taong may COVID-19.
Tama, Ating tatandaan na mahirap malaman kung
sino ang may virus, pero madali itong maipasa sa
iba. Ito ay naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan
ng pagsagap ng mga malilit na talsik ng laway
mula sa pagsasalita, pagbahing, o pag-ubo ng isang
taong may COVID-19. Ito ay karaniwang
nangyayari sa mga taong may malapitang
pakikisalamuha sa may sakit – tulad ng mga
kapamilya at healthcare workers. Maari rin tayong
mahawa kapag ang ating mga kamay ay
nakahawak ng kontaminadong bagay at naihawak
din natin ito sa ating mga mata, ilong o bibig.

Nauunawaan ba?
Opo.
Mayroon pa ba kayong mga katanungan?
Sir, ako po. Paano po ba natin maiiwasan ang
pagkahawa at pagkalat ng COVID-19?

Salamat! Ang iyong katanungan ay magsisilbing


ating boleto o ticket upang tumungo sa susunod na
paksa. Ang mga hakbang upang maiwasan ang
pagkahawa ng sakit na COVID-19.

Ano ang inyong nakikita sa mga larawan?

Sir, sa unang larawan po makikita ang isang


babaeng naka facemask.
Tama! Makikita sa larawan ang isang babae na
nagsusuot ng facemask, Kung gayon, maaari mo
bang ilagay ang naayon na tatak nito na mula sa
ting word pool (Lalagyan ng tatak o label ang unang larawan)

Mahusay! Sa ikalawang larawan naman ano ang


inyong napapansin?
Sir, ipinapakita po ng larawan ang paghuhugas
ng kamay.

Magaling! Ito nga ay nagpapakita ng paghuhugas


ng kamay. Maari mo bang lagyan ng tatak ang
larawan na ito? (Lalagyan ng tatak o label ang ikalawang
larawan)

Mahusay! Mayroon ba kayong ideya kung ano ang


nais ipahiwatig sa ikatlong larawan?
Sir, ipinapakita po sa ikatlong larawan ang
dalawang tao na magkalayo o may distansya.
Magaling, iyong binigyang pansin ang mga guhit
sa kanilang pagitan. Ipinapakita ng larawan ang
dalawang tao na magkalayo. Maaari mo bang
ilagay ang tamang tatak ng larawan na ito?
(Lalagyan ng tatak o label ang ikatlong
larawan)
Tama! Ano naman ang nasa ika-apat na larawan?
Sir, Makikita po sa larawan ang paglalagay ng
alcohol o hand sanitizer po.

Tama! Ipinapakita sa ika-apat na larawan ang


paggamit ng alcohol o handzanitizer. Maaari mo
bang ilagay ang tamang tatak ng larawan na ito?
(Lalagyan ng tatak o label ang ika-apat na
larawan)

At para naman sa huling larawan, sino ang nais


magbigay ng ideya?
Sir, mula po sa huling larawan makikita po ang
isang pamilya na nasa loob ng kanilang
tahanan.

Mahusay! Iyong nasuri ng maayos ang huling


larawan. Ipinapakita nito ang isang pamilya na
nananatili sa kaninalng tahanan. Maaari mo bang
ilagay ang tamang tatak ng larawan na ito?
(Lalagyan ng tatak o label ang ika-apat na
larawan)
Mula sa limang larawan na inyong nakikita at base
sa mga ibinigay na ideya ng inyong mga kamag-
aral ano ang konseptong nakapaloob dito?
Sir, mula po sa limang larawan na iyan,
masasabing ito po ay ang mga hakbang na
dapat nating nating isa-isip at dapat gawin
upang maka-iwas sa sakit na COVID-19.
Tama! Ang bawat larawan na inyong nakikita ay
ilan lamang sa mga hakbang upang maka-iwas
tayo sa COVID-19. Ang bawat konsepto na
nakapaloob sa larawan ay ating bibigyang linaw sa
ating talakayan sa mga oras na ito.

Para labanan ang banta ng COVID-19 sa ating


bansa, mahalaga ang kooperasyon ng bawat isa.
Ang pananatili sa loob ng bahay ay isa sa
pinakasimple pero pinaka-epektibong paraan para
hindi kumalat ang virus.

Matatandaan na noong January 30, 2020 naitala


ang kauna-unahang kaso ng COVID 19 sa
Pilipinas. At noong March 9, 2020 si Pangulong
Duterte ay nagdeklara ng emergency sa kalusugan
ng publiko. Kasunod nito ang pagsasailalim sa
lockdown or General Community Quarantine ng
ilang rehiyong upang maiwasan ang paglobo ng
kaso ng CoVID-19 sa bansa,

Bakit kaya sinasabi na ang pananatili sa ating mga


tahanan ang pina-epektibong paraan para hindi
kumalat ang virus? Sir, dahil po kapag kami po ay nasa loob lang
ng aming bahay, mababa po ang tsyansa na
kami ay mahawaan ng sakit at makahawa sa
ibang tao.
Tama! Ito ang pinaka-simpleng paraan upang tayo
ay makatulong sa pagbaba ng kaso ng COVID-19
sa ating bansa. Ito man ay maliit na sakripisyo
lamang para sa buhay ng kapwa nating Pilipino
Kaya‘t hinihikayat na ang bawat isa na hanggat
maari ay huwag nang lumabas ng kanilang bahay
kung hindi naman kinakailangan at walang
importanteng pupuntahan. Kung kaya‘t mga bata,
buntis at matatanda ay pinapayuhan na huwag
munang lumabas dahil sila ay mas madaling
makapitan ng virus o sakit, dahil sa mihinang
resistensiya.

Ngunit kung kinakailangang lumabas upang bumili


ng gamot, pagkain o anumang essential good, Ano
ang ating kinakailangang gawin?
Sir, Kinakailangan po natin magsuot ng
facemask at faceshield

Tama! Ayon sa World Health Organization at


Department of Health kapag tayo ay lalabas ng
ating mga bahay kinakailangan na tayo ay lagging
magsuot ng facemask. Naglabas din sila ng
impormasyon sa tamang pag-susuot ng facemask
ay faceshield.
(ipapakita ng guro ang tamang pagsuot ng
facemask)

Kung kayo naman ay hindi gumagamit ng


disposable facemask, siguraduhing natatakpan ang
parte na mula sa ilong hanggang sa inyong baba.
At labahan ito matapos ninyo itong gamitin.

Nagkakaintindihan ba tayo?
Opo
Kung gayon, bakit ba mahalaga na mag-suot ng
facemask at facesheild ang isang tao kapag ito ay
nasa labas o pampublikong lugar?
Sir, dahil po ang pag-susuot ng facemask at
faceshield ay isang mainam na paraan upang
hindi pumasok sa ating bibig, ilong at mata ang
virus. Sa pagsussuot po ng mga ito mababa ang
tyansa na ikaw ay mahawaan ng ibang tao na
may COVID.
Iyan ay tama. Dapat ako, ikaw at tayong lahat ay
palagiang nagsusuot ng facemask kapag tayo at
lalabas ng ating mga tahanan. Hindi dahilan na sa
tingin mo na ikaw ay malusog at hindi na
tatamblan ng COVID-19 ay hindi kana magsusuot
ng facemask at faceshield.

Kung kayo ay may nakikitang tao na hindi


nakasuot ng facemask maari niyo silang
paalalahanan sa pamamamgitan ng simpleng
aksyon tulad nito.
(isasagawa ng guro ang naturang aksyon)

Nakasunod ba ang lahat?


Opo
Kung gayon sabay-sabay nating gawin ang
pagpapa-alala ng pagsuot ng facemask sa ibang
tao.
(gagawin ng sabay-sabay ang naturang askyon)
Magaling! Bigyan ninyo ang inyong sarili ng
palakpak babye corona virus
(gagawin ang naturang palakpak)

Nauunawaan ba?
Opo
Maliban sa pagsusuot ng facemask kapag tayo ay
nasa labas ng ating tahanan, siguruhing isang
metro o higit pa and layo sa ibang tao o ang
tinatawag na social distancing o physical
distancing

Ating matatandaan na kapag ang taong may sakit


na COVID ay umubo, bumahing o nagsalit ang
kanyang droplets ay maaring tumalsik, masyadong
mabigat ang mga droplet na ito upang maglakbay
ng malayo sa hangin, umaabot ng hanggang isang
metro ang pagtalsik nito at kaagad na mananatili sa
ibabaw ng mga bagay. Kaya‘t mainam na tayo ay
maging mapagmatyag sa distansya natin sa ibang
tao.

Kapag tayo ba ay naka facemask at faceshield na,


hindi na natin kailangang ng social distancing?
Kailangan pa rin po, Sir
Tama! Mayroon bang makapagbibigay ng
eksplinasyon kung bakit kailangang pa rin nating
isagawa ang social distancing kahit tayo ay
nakasuot na ng facemask?
Sir ang pag-susuot po ng facemask, faceshield
at pag sunod sa social distancing ay ang pinaka
mabisang paraan upang hindi maipasa ang
virus. Kung ang mga tao po ay pare-parehong
naka facemask at may isang metro and
distansya mas malaki ang tiyansa na hindi sila
mahawaan ng sakit at makahawa sa iba.
Mahusay! Dapat nating panatilihin ang isang
metrong layo sa ibang tao kapag tayo ay nasa
pampublikong lugar upang makaiwas sa sinuman
na maaring carrier ng virus.

Kapag kayo ay nasa pampublikong lugar at


napapansing ninyong dikit-dikit na masydo ang
mga tao, maari niyong tawagin ang kanilang
atensyon at gawin ang aksyon na ito na
nagsisilbing paalala na dapat ay mag hiwa-
hiwalay.
(ipapakita ng guro ang naturang aksyon sa
Nasundan ba ang aking ipinakitang aksyon? klase)

Opo.
Kung gayon sabay-sabay nating gawin ang
pagpapa-alala sa mga taong hindi sumusunod sa
social distancing. Maari bang tumayo ang lahat?
(tatayo ang mga mag-aaral) Ate/ Kuya
(isasagawa ang naturang aksyon)
Magaling! Bigyan ninyo ang inyong mga sarili ng
palakpak babye corona virus
(gagawin ang naturang palakpak)

Mahusay! Kung kaya‘t hinihikayat ng Kagawaran


ng Kalusugan o Department of Health na
panatilihin ang isang metrong layo o higit pa sa
ibang tao sa mga pampublikong lugar tulad ng
palengke, grocey, opisina at iba pang matataong
lugar upang mas maiwasan ang pagkakapasa at
pagkalat ng virus.

Nagkakaintindihan ba tayo?
Opo
Sinasabi ng mga eksperto na ang ating mga kamay
ay maaring kontaminado ng virus, lalo‘t marami
itong hinahawakang mga bagay. Kaya iwasan ang
paghawak ng mata, ilong at bibig dahil maaaring
lumipat ang virus sa iyo sa pamamagitan ng
kontaminadong kamay.

Ano sa inyong palagay ang dapat nating gawin


upang hindi magka COVID-19 sa pamamagitan ng
kontaminadong kamay?
Sir, mag hugas po ng kamay o kaya mag
alcohol.
Tama! Isa sa pinaka epektibong panlaban sa
COVID-19 ay ang palagiang paghuhugas ng ating
mga kamay gamit ang sabon at tubig, hand saniter
o medical alcohol.

Bakit kaya na dapat tayo ay laging maghugas ng


kamay?
Sir, dahil po ang ating kamay ay humahawak sa
iba‘t-ibang bagay. Maari pong ang isa sa mga
ating nahawakan gaya ng dooknob, switch ng
ilaw, o Ballpen ay kontaminado na ng virus.
Kung kayat po dapat na tayo ay mag sanitize or
maghugas ng ating mga kamay.
Tama! Ang madalas na paglilinis ng kamay gamit
ang hand sanitizer na may alcohol o sabon at tubig
ay ang pinakepektibong paraang upang maiwasan
ang COVID-19.

Ayon sa Department of Health, hindi lamang basta


paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
Dapat ito ay nasa 20 segundo o higit pa habng
kinakanta ang ―happy birthday‖ ng tatlong bese at
siguruhing ang bawat daliri at nahugasan ng maagi.

Para mas bigyang kayo ng malinaw na


representasyon, ating tunghayaan ang maikling
video na ito na nagpapakita ng wastong
paghuhugas ng kamay.
(ang mga mag-aaral ay tutunghayanan ang
maikling video presentation tungkol sa wastong
paglilinis ng kamay)
Nasundan ba ang tamang paghuhugas ng kamay?
opo

Malinaw ba ang bawat detalye ng ating aralin?


Opo
C . Paglalahat

Pagbibigay ng mga katanungan sa paksang


tinalakay

Tiyak bang naunawaan ang ating talakayan?

Wala na ba kayong mga katanungan? Opo.


Wala na po.
Kung gayon, maaari niyo bang ibigay ang paaran
kung bakit naipapasa ang COVID-19?
Sir, naipapasa po ito sa pamamagitan ng mga
droplets na nagmula sa taong may COVID-19
kapag ito ay nagsalita, umubo o bumahing.
Ang mga droplets po na ito ay mabigat kung
kayat iyo ay tumatalsik hanggang sa isang
metro ay nalalaglag sa ibabaw ng ibang bagay.
Kung kayat ang paghawak sa kontaminadong
bagay ay nagiging dahilan ng pagkahawa.
Tama, ating nabanggit kanina na kapag ang taong
may COVID-19 ay nagsalita, umubo, o bumahing
at ang droplets nito ay tumalsik sa ibang tao,
malaki ang posibilidad na ito ay makahawa.

Ano ang dapat nating gawin upang maiwasan na


tayo ay matalksikan ng kontaminadong droplets?
Dapat po ay panatilihin natin ang physical
distancing o ang isang metrong layo mula sa
ibang tao at ugaliing mag-suot ng facemask at
facesheild kapag tayo po ay lalabas ng ating
mga bagay upang makaiwas sa pagkakawa sa
virus at maiwasan na maipasa sa ibang tao.
Tama! Dapat siguraduhin natin ang isang metrong
layo o higit pa sa ibang tao kapag tayo ay nasa
pampublikong lugar.

Paano ba ang tamang pagsusuot ng facemask?


Sir, kapag tayo po ay magsusuot ng facemask
siguraduhin pong ang parte na mula sa ilong
hanggang sa ting baba ay natatakpan ng ating
facemask. Dahil ito po ay mainap upang
maprotektahan ang ating ilong at bibig na
siyang pangunahing entry point ng virus.
Tama! Dapat ang ating ilong at bibig ay natatakpan
ng mabuti kapag tayo ay naka facemask. Atin ding
tatandaan na labhan ang ating facemask matapos
gamitin kung ito ay cloth at re-usable, kung ito
naman ay disposable.

Nagkakaintindihan ba tayo? Opo.

Maliban sa droplets, sa papaanong paraan


Ang kontaminadong dropltes ay maaring
naipapasa ang COVID-19?
maiwan sa madalas hawakan na bagay gaya ng
doorknob, switch ng ilaw, hagdan, ballpen at
iba pa. Maari tayong mahawa kapag ang mga
nabanggit ay ating nahawakan at ang ating
kamay ay naihawak natin sa ating mga mata,
ilong o kaya naman bibig.

Mahusay! Sinasabi ng mga eksperto na ang ating


mga kamay ay maaring kontaminado ng virus,
lalo‘t marami itong hinahawakang mga bagay na
maaring kontaminado ng virus.

Ano ang dapat gawin na hakbang upang upang


hindi magka COVID-19 sa pamamagitan ng
kontaminadong kamay? Sir, isa sa pinaka epektibong panlaban sa
COVID-19 ay ang palagiang paghuhugas ng
ating mga kamay gamit ang sabon at tubig,
hand saniter o alcohol.

Paano ba dapat ang paghuhugas ng ating mga


Sir, ayon sa World Health Organization at
kamay gamit ang sabon at tubig?
Department of Health, hindi lamang basta
paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at
tubig. Dapat ito ay nasa 20 segundo o higit pa
at siguruhing ang bawat daliri, kuko at ibang
parte ng kamay ay nahugasan ng maagi.
Matatanggal nito ang virus kung ito ay nasa
iyong mga kamay.
Magaling! Iminumungkahi ng mga eksperto na
dapat ay lagi tayong naghuhugas ng kamay dahil
maaring nakahawak tayo ng mga bagay na
kontaminado ng virus. Ito ay dapat isagawa sa loob
ng dalawampung Segundo o higit pa upang
masiguradong malilinis ang bawat parte ng ating
kamay.

Nauunawaan ba?
Opo, nauunawaan po
Mayroon pa ba kayong ibang katanungan?

Wala na po.

Ikinagagalak ko na inyong lubusang naunawan ang


mga detalye at impormasyong ating nabanggit.
Tiyak, kayo ay handa na para sa ating pangkatang
gawain.

D. Pagpapahalaga at Indibidwal na Gawain


―Pop, Pick, Think & Share‖

Ngayon naman ay susubukin natin ang inyong


galling sa pag-arte, pagkumpas ng kamay o
paggaya sa mga larawang inyong mabubunot. Ito
ay tatawagin nating ―Pop, Pick, Think & Share‖

Handa na ba kayo?
Opo
Ang bawat isa ay simple lamang ang gagawin,
mayroon akong mahiwagang kahon dito na
naglalaman ng mga hakbang upang maiwasan ang
pagkakapasa at pagkalat ng COVID-19. Bago kayo
maaaring makabunot sa ating kahon, kailangang
niyo munang patayin ang virus sa pamamagitan ng
pagputok ng lobo na ito. Ang bawat isa ay
magsasagawa ng kilos ng nabunot na hakbang at
mabibigay ng ideya tungkol dito. Maari kayong
gumamit ng mga props na nasa mesa. Kayo ay
bibigyan ng marka base sa rubrics.
Iskala ng pagmamarka:

3 - 100- Lubhang Kasiya-siya


2- 90- Kasiya – siya
1 - 80- Di - kasiya

Naiintindihan ba ang ating panuto?

Handa na ba kayo?
Opo.
Mag-sisimula na tayo sa unang manlalaro
(puputukin ang lobo, bubunot sa mahiwagang
kahon at gagawin o idi-demonstrate ang
napiliping larawan at magbibigay ng
impormasyon ukol dito)

Mahusay! bigyan natin siya ng palakpak babye


corona virus
(gagawin ang naturang palakpak)

Mukhang handing-handa na ang ikalawang


manlalaro. Maari ka nang magsimula. (puputukin ang lobo, bubunot sa mahiwagang
kahon at gagawin o idi-demonstrate ang
napiliping larawan at magbibigay ng
impormasyon ukol dito)

Magaling! Kaya naman, bigyang natin siya ng


palakpak babye corona virus.
(gagawin ang naturang palakpak)
Handa na ba ang ikatlong manlalaro?
Handang-handa na po.
Kung gayon, maaari ka nang magsimula
(puputukin ang lobo, bubunot sa mahiwagang
kahon at gagawin o idi-demonstrate ang
napiliping larawan at magbibigay ng
impormasyon ukol dito)
Magaling! bigyang natin siya ng palakpak babye
corona virus (gagawin ang naturang palakpak)

Ngayon naman ibigay natin ang entablado para sa


huli at ika-apat manlalaro. Handa ka na ba?
Handa na po.
Maari na ka nang magsimula.
(puputukin ang lobo, bubunot sa mahiwagang
kahon at gagawin o idi-demonstrate ang
napiliping larawan at magbibigay ng
impormasyon ukol dito)
Magaling! bigyang natin siya ng palakpak babye
corona virus
(gagawin ang naturang palakpak)
Kayo ay aking binabati dahil sa inyong aktibong
partisipasyon at pagbibigay ng hinihinging
impormasyon. At dahil diyan, tanggapin ninyo ang
aking munting papremyo.
Maraming salamat po.
Base sa inyong mga ipinakita o ginawa. Maari niyo
bang ilahad sa klase ang kahalagahan ng mga ito sa
ating buhay ngayon na tayo ay may kinakaharap na
krisis pangkalusugan?
Sir, ang mga ito po ay mahalaga sa ating pang-
araw-araw na buhay dahil po ito ay
nagsisilbing ating pananggalang at proteksyon
laban sa COVID-19.
Mahusay! Ang mga nabanggit na hakbang ay dapat
nating sunduin at mahala na isa-isip palagi ang
ating kalusugan at kapakanan ng mga taong
nakapaligid sa atin.

Mayroon pa bang makapagbibigay ng kaniyang


sintemiyento? Sir, mahalaga pong sumunod sa mga
patakarang pangkalusugan upang kahit sa
simpleng paaran po ay makatulong tayo sa pag
pagpapababa ng mga kaso ng COVID-19 sa
ating komunidad at sa bansa.
Tama! Importante ang ating aktibong partisipasyon
sa mga patakarang ipinapatupad ng ating gobyerno
upang kahit sa simpleng paraan kapag pinagsama-
sama ay ay may malaking ambag upang malabanan
ang virus na ito.
Ngayong alam na natin kung paano naipapasa ang
COVID-19 at mga hakbang upang ito ay
maiwasan, isang paalala sa ating lahat na hindi
madaling malaman kung sino ang may virus o
wala, kung kaya‘t matuto tayong sundin at gawin
ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng
COVID-19. Wala pang konkretong gamot o
bakuna para sa sakit na ito. Kaya hanggat maari ay
huwag na munang lumabas ng bahay, maghugas ng
kamay, magsuot ng facemask at panatilihin ang
social distancing. O laging isa-isip ang ―BIDA‖
ayon sa DOH.

Sa wastong pag-iingat, ang virus hindi kakalat.

At diyan nagtatapos ang ating talakayan sa araw na


ito.

Nauunawan ba?
Opo.

Mayroon ba kayong gustong bigyang linaw o


klaripikasyon?
Wala na po.

Kung ganon, tiyak na handa na kayong isalin ang


inyong mga kaalaman at pang-unawa sa isang
maigsing pagsusulit.

Handa na ba ang lahat?


Opo.
IV. Pagtataya

A. IDENTIPIKASYONS ( 2 PUNTOS/ AYTEM)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at pahayag. Isulat ang tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

__________1. Ito ay tumutukoy sa bagay na lumalabas sa bibig ng taong may COVID-19 kapag
siya ay umubo, bumahing, o nagsasalita
__________2. Sa anong bahagi ng ating katawan naipapasa ang COVID-19 mula sa mga
kontaminadong bagay.
__________3. Ito ay nagpapakita na ang mga tao ay dapat may isang metro o higit pa ang layo.
__________4. Tumutukoy ito sa oras kung gaano katagal dapat isinasagawa ang paghuhugas ng
kamay.
__________5.Isa itong bagay na kinakailangan isuot ng bawat-isa kapag nasa labas ng bahay
upang matakpan ang parte ng mukha mula sa ilong hanggang sa baba.

B. ESSAY (10 Puntos)

Panuto: Sagutin ang pahayag ayon sa sariling pananaw. Gumamit ng lima hanggang sampung
pangungusap sa pagpapaliwanag.

Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagwa upang makatulong sa pagpapababa ng COVID-19 cases
sa ating bansa? Ipaliwanag.
Takdang-Aralin:

Magsaliksik at magtala ng mga hakbangin na isinasagawa ng Gobyerno upang mapababa


ang mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa, maaaring ito ay hango sa internet, telebisyon,
diyaryo at iba. Ibigay ang sanggunian o pinagkunan nito at isulat ito sa inyong kuwaderno.

You might also like