You are on page 1of 3

IV Pamamaraan

A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin

SALITANG HIRAM
Ngayon tayo ay mag babalik tanaw at nais kong subukin ang inyong mga natutunan sa ating
nakaraang pag tatalakay.

Ano nga ba ang “Salitang hiram?”

- Ito ay ang mga salitang bahagi ng wikang filipino na hango o kinuha sa salitang ingles, Intsik,
Kastila at iba pa.

- Halimbawa ng mga salitang hiram sa Ingles na may regular na ispeling:bag,basket,order,transistor


-Halimbawa ng mga salitang hiram sa Ingles na may iregular na
baybay:trak(truck),dyip(jeep),radyo(radio)

Ngayon, Ako ay mag papakita ng mga larawan at tukuyin ang salitang hiram nito

Dayari- Diary

Drayber- Driver
Jeep- Dyip

Ketsap- Ketchup

Keyk- Cake
B. Pag hahabi sa Layunin ng Aralin
Para ma habi ng guro ang layunin ng aralin ipapabasa niya sa kanyang mga mag aaral ang sanaysay
“Banta ng COVID 19” na isinulat ni Bb. Catherine D. Diaz

Buwan ng Marso, 2020 nang magkaroon ng Enhanced Community Quarantine dahil sa paglaganap
ng Coronavirus o COVID-19. Malaking banta ang sakit na ito sa kalusugan ng lahat dahil ito ay
nakamamatay. Nakahahawa o naipapasa ang sakit na ito kaya kailangang proteksiyunan, ingatan at
alagaan ang sarili.

Ang mga taong positibo sa COVID-19 ay nahihirapan sa paghinga, may sintomas na lagnat,
pamamaga ng lalamunan, ubo at pananakit ng katawan. May mga positibo rin sa sakit na ito na
hindi kinikitaan ng sintomas o ang tinatawag na asymptomatic.

Proteksiyunan natin ang sarili at komunidad sa COVID-19. Para maiwasan ang sakit na ito, ugaliing
maghugas ng kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig, magsuot ng facemask pag nasa labas
ng bahay, takpan ang bibig kapag umuubo o bumabahing. Panatilihin din ang social distancing at
kalinisan. Sundin natin ang mga tagubiling ito para maging ligtas tayo sa banta ng COVID-19.

C. Pag uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin.


Pagkataos mabasa ng mga mag aaral sasagutin nila ang mga sumusunod na tanong
1. Ano ang paksa ng binasang teksto?
2. Ano-anu ang sintomas ng COVID-19?
3. Paano mapapangalagaan ang sarili at komunidad laban sa COVID-19?
4. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin o patakaran na ipinatutupad tungkol dito?
5. Para sa iyo, Mag mungkahi ng iba pang ppamamaraan para makaiwas sa mapanganib na sakit na
ito.
6. Tingin nyo ba anong uri ng teksto ang nabasa? Ito ba ay maikling kwento, sanaysay o parabula.

You might also like