You are on page 1of 9

PODCAST LESSON EXEMPLAR IN FILIPINO FOR THE FIRST

COT
FUSINA ELEMENTARY SCHOOL Grade: IV
Teacher: Carol O. Pabelonia Subject: Filipino
GRADE FOUR
Date: November 16, 2021 Quarter: 2nd
LESSON EXEMPLAR

I-LAYUNIN
A. Pamantayang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin
Pangnilalaman:
B. Pamantayan sa Nasusulat ng talatang naglalarawan
Pangganap:
C. Pamantayan sa Naisusulat nang wasto ang baybay ng saliatng natutuhan sa aralin:
Pagkatuto salitang hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura. F4PU-IIa-j-1
II- NILALAMAN
III- KAGAMITANG Mga salitang hiram
PANTURO
1. Mga pahina sa Gabay
sa Pagtuturo:
2. Mga pahina sa Spotify and Anchor Applications
Kagamitang Pang
Mag-aaral:
3. Mga pahina sa
Teksbuk:
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource:
5. Iba pang Kagamitang Ikalawang Markahan Filipino Module 1
Panturo:
IV-PAMAMARAAN

Pagbati:

Masayang bati at masayang pag-aaral mag-aaral sa ikaapat na baitang.


Kumusta ka na? Ako si Gng. Carol O. Pabelonia ang iyong guro sa
Filipino 4 sa Mababang Paaralan ng Fusina Distrito ng Camalaniugan.
Halina at sabayan mo ako sa bago natin leksiyon. Pero, bago natin
simulan, ihanda ang bolpen, modyul at papel. Handa ka na ba?

A. Pasimula sa bagong Ngayong araw, ating pag- aralan kung paano naisusulat nang wasto ang
aralin: baybay ng salitang natutuhan sa aralin: salitang hiram; at salitang
kaugnay ng ibang asignatura.

B. Paghahabi sa layunin
ng aralin. Ano ang nararanasan nating pandemya ngaun? Ano ang dapat natin
gawin para makaiwas sa sakit?
May inihanda akong babala o paalala na ang pamagat nito ay “Maging
Ligtas sa COVID-19. Handa ka na ba makinig? Magaling! Kung ganon,
Ano ang gagawin mo habang nakikinig? Tama! Dapat tumahimik at
magtala ng mga importanteng detalye. Ngayon, makinig nang mabuti
upang masagot mo ang mga tanong pagkatapos nito.

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Aking nang babasahin ang babala o paalala. “Maging Ligtas sa
aralin: COVID-19.” Para maiwasan at maging ligtas sa COVID-19 may
protective measures na dapat sundin. Ito ay bahagi na ng tinatawag na
new normal. Dapat itong gawin at sundin bilang proteksiyon sa sarili
laban sa mapanganib na virus na dulot nito. Narito ang ilan sa mga
dapat nating gawin:
Una, Kung hindi kailangang lumabas, manatili na lamang sa bahay.
Pangalawa, Kung kailangang lumabas, umiwas sa matataong lugar.
Ugaliin ang pagsuot ng face mask at face shield at sumunod sa social
distancing.
Pangatlo, Panatilihin ang isang metrong layo sa mga taong may
respiratory symptoms o ubo’t sipon.
Pang-apat, Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig at
gumamit ng hand sanitizer at alcohol.
Panglima, Gumamit ng tissue o panyo at takpan ang bibig sa tuwing
uubo at babahing.
Pang-anim, Palakasin ang immune system at uminom ng vitamin C.
Pampito, Isabay sa pag-aalaga sa sarili ang laging manalangin na
patuloy na maging malusog, malakas, at ligtas.
Naintindahan mo ba ang mga babala o paalala? Magaling!

Ngayon, ako ay magtatanong tungkol sa babala o paalalang


pinakinggan.

Unang tanong, Ano ang paksa ng iyong binasa?


Kung ang sagot mo ay tungkol sa maging ligtas sa Covid-19. Ikaw ay
tama!

Pangalawang tanong, Paano magiging ligtas laban sa COVID-19?


Kung ang sagot mo ay umiwas sa matataong lugar upang mailigtas
laban sa Covid-19 Tama! Ano pa? Palaging maghugas ng kamay gamit
ang sabon at tubig.
Pangatlong tanong, Bakit mahalagang ingatan ang sarili at maging
ligtas sa anomang uri ng sakit gaya ng COVID-19?
Kung ang sagot mo ay para hindi magkasakit at hindi mahawaan ng
virus. Magaling!

●Value Infusion
Dapat sundin ang mga paalala at mga protocol na pinapatupad ng ating
D. Pagtatalakay ng bayan. Yan ay upang makatulong tayo na malutas na ang pandemyang
bagong konsepto No.1 dulot ng Covid-19.

Ang pagbabaybay ng salita nang pabigkas ay sa paraang patitik.


Binibigkas ang bawat letra nang paisa- isa na ayon sa pagkasulat ng
salita.
Ang wastong pagbabaybay ay pagsusulat ng salita o mga salita sa
pamamagitan ng lahat ng kinakailangan na letra sa wasto nitong
pagkasunod-sunod. Ito ay isa sa mga napakaimportanteng bahagi ng
wika. Kung ano ang bigkas ay siyang sulat, at kung ano ang sulat ay
siyang bigkas.
Ang mga bagong salitang dumadagdag sa ating wika, na hindi orihinal
o hindi likas sa atin ay mga salitang hiram. Ito ay mga salitang
ginagamit tulad ng Ingles, Espanyol atbp. Binabaybay natin ito ayon sa
salita o wika.
Halimbawa: pizza, Zeny, spaghetti, cake, x-ray, atbp.

Narito kung paano ang pagbabaybay ng mga salitang hiram


Una, Sa pagbaybay ng salitang hiram, ginagamit ang walong dagdag na
letrang C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z sa sumusunod:
Letra a. ginagamit ang walong dagdag na letra C, F, J, Ñ, Q, V, X. Z sa
pangngalang pantangi.
Halimbawa, Zenaida, Zobel, Vigan, Nueva Vizcaya
Letra b. ginagamit ang walong dagdag na letra C, F, J, Ñ, Q, V, X. Z sa
salitang teknikal at pang-agham.
Halimbawa, COVID-19, respiratory symptoms, protective measures,
carbon dioxide, zygote, x-axis, zero
Letra c. ginagamit ang walong dagdag na letra C, F, J, Ñ, Q, V, X. Z sa
mga salitang hiram na mahirap ibaybay sa Filipino
Hallimbawa, cauliflower, jaywalking, taxi, quarantine, pizza
Pangalawa, Kung walang katumbas sa wikang Filipino at mahihiram sa
katutubong wika, unang batayan sa pagbaybay ng hiram na salita ang
wikang Espanyol bago ang wikang Ingles. Halimbawa, likido, bagahe,
imahen.

Pangatlo, Panatilihing orihinal o walang pagbabago ang mga hiram na


salita kung–
Letra a. Panatilihing orihinal o walang pagbabago ang mga hiram na
salita kung- magiging katawa-tawa ito kung ibabaybay sa Filipino;
Halimbawa, coke hindi ‘kok’

Letra b. Panatilihing orihinal o walang pagbabago ang mga hiram na


salita kung- magiging mahirap basahin kaysa sa orihinal nito;
Halimbawa, quarantine hindi ‘kuwarantin’

Letra c. Panatilihing orihinal o walang pagbabago ang mga hiram na


salita kung- masisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o
pampolitika ng pinagmulan;
Halimbawa, feng shui hindi ‘peng shuy’

Letra d. Panatilihing orihinal o walang pagbabago ang mga hiram na


salita kung- tanggap na ng nakararami o popular na ang orihinal na
baybay nito;
Halimbawa, face mask hindi ‘maskara sa mukha’

Letra e. Panatilihing orihinal o walang pagbabago ang mga hiram na


salita kung- lilikha ng kaguluhan ang magiging bagong baybay
Halimbawa, social distancing hindi ‘distansiyang panlipunan’

Base sa binasang paalala. Ano-ano ang bagong salitang natutuhan niyo?


E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at Ang mga bagong salita ay face shield, Ano pa? facemask, Magaling!
paglalahad ng bagong
Ano pa? hand zanitizer, Tama! Ano pa? tissue, COVID-19, protective
kasanayan No.2
measures, new norma,l virus, social distancing, immune system,
vitamin C, respiratory symptoms, alcohol. Lahat nito ay ang mga
halimbawa ng mga salitang hiram.

Naintindahan mo ba ang ating aralin?! Ngayon magbibigay ako ng mga


pangungusap at piliin sa loob ng panaklong ang salitang hiram na may
wastong baybay.

Unang panungusap, Kailangan natin umuwi sa tamang oras bago tayo


abutan ng (kurfew, curfew).
Kung ang sagot mo ay curfew, Korek! mga bata.

Pangalawang pangungusap, Maraming mga tao ang nagpositibo sa virus


na (Covid-19, Kobid-19).
Kung Covid-19 ang sagot mo. Tama!

Pangatlong pangungusap, Ang mga nagpositibo ay kinakailangang (ma-


kuwarantin, ma-quarantine).
F. Paglinang sa kabihasa Kung ang sagot mo ay ma-quarantine. Magaling!
(tungo sa Formative
Assessment) Pang-apat na pangungusap, Ang pamilya ni Mang Carlos ay namasyal
sa bayan ng (Vigan, Bigan).
Kung ang sagot mo ay Vigan, tama!

Panglimang pangungusap, Ang pag-inom ng (coke, kuk) ay masama sa


ating kalusugan.
Kung ang sagot mo coke, korek!

May inihanda akong mga larawan. Isulat kung ano ito.


Unang larawan,

Ano ang sagot mo?


Kung ang sagot mo ay cake,tama!

Pangalawang larawan
Ano ang sagot mo?
Kung ang sagot mo ay alcohol,tama!

Pangatlong larawan,

Ano ang sagot mo?


Kung ang sagot mo ay facemask,tama!

Pang-apat na larawan,

Ano ang sagot mo?


Kung ang sagot mo ay spaghetti,tama?
G. Paglalapat ng aralin:
Panglimang larawan,
Ano ang sagot mo?
Kung ang sagot mo ay coronavirus, magaling!

Mayroon akong mga pangungusap dito, ang gawin mo ay ibaybay nang


wasto ang salitang hiram na tawag sa larawan.

Unang pangungusap,
Masarap ang inihaw na mga na niluto ng aking
kuya.
H. Paglalahat ng aralin: Ano ang salitang hiram na ginamit? Barbeque, Tama!

Pangalawang pangungusap,
Madalas akong gumagamit ng sa pagseselpi.

Ano ang ginamit na salitang hiram? Cellphone, magaling!


I. Pagtataya ng aralin:

Pangatlong pangungusap,
Bumili ako ng limang para sa aking
pamilya.

Kung ang salitang hiram ang ginamit niyo ay humburger, korek!

Pang-apat na pangungusap, Ang tawag sa simbahan ng mga kaibigan


kong muslim ay .

Ang salitang hiram na singot niyo ay mosque, magaling!

Panglimang pangungusap,
Ang gaganda ng mag bulaklak na sa
inyong bakuran.
J. Karagdagang Gawain
para sa takdang aralin:
Napag-aralan ninyong ang mga salitang hiram at kung paano ang
baybay nito. Ano na nga ba ang salitang hiram?
Ang salitang hiram ay ang mga bagong salitang dumadagdag sa ating
wika, na hindi orihinal o hindi likas sa atin, ito mga salitang ginagamit
tulad ng Ingles, Espanyol atbp.

Alam kong naintindihan mo na ang ating aralin tungkol sa salitang


hiram. Ngayon bibigyan kita ng isang pagsubok. Kunin mo ang iyong
papel at lapis.

Isulat ang wastong baybay sa Filipino ng mga salita at gamitin ito sa


pangungusap.

Una, driver
Pangalawa, education
Pangatlo, chalk
Pang-apat, chocolate
Panglima, check

O kumusta mga bata? Nakasagot ba kayo ng tama? Mahusay! Kung


gayon! Binabati ko kayo!

Sumulat ng 5 pangungusap gamit ang mga salitang hiram.

Maraming salamat mga bata sa inyong matiyagang pakikikinig. Alam


ko na marami kayong natutunan sa araw na ito. Kung meron kayong
katanungan maaari niyo akong itext or tawagan sa numerong
09973949931/09984191792.Hanggang sa muli mga bata. Ako si
Teacher Carol. Paalam!!!!!

V- MGA TALA
VI-PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya:
B. Bilang ng mga mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawaing
remediation:
C. Nakakatulong ba ng
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation:
E. Alin sa mga
istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punong guro at
supervisor?
G. Anong kagamitang
pangturo ang aking na
dibuho na nais kung
ibabahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared and Demonstrated by: Checked:

CAROL O. PABELONIA KATHERINE C. CABIAO


Demonstration Teacher Master Teacher I

Noted:

EUGENIA T. AMABA
Teacher-In-Charge

You might also like