You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA 7
FILIPINO

PAMAGAT NG ARALIN:
Kohesyong Gramatikal- Anaporik at Kataporik

QUARTER: 3 MELC No. 9

MELC: Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at


kataporik ng pangngalan (F7WG-IIIhi-16)

Pangalan ng Guro: Mon Z. Magan-an


Paaralan: Lidlidda National High School
Distrito: Banayoyo- Lidlidda

1
KUWARTER 3
SARILING LINANGAN KIT
MELC # 9

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Tandaang, walang pamalagian sa ating buhay sa mundo. Sa tuwina’y laging


may pagbabago. Habang ang mundo ay mundo patuloy na magaganap ang
pagbabago at hindi nakaligtas rito ang larangan ng edukasyon sa panahong
nakikipaglaban tayo sa pandaigdigang COVID 19. Sa panahon ng pandemic na ito
Ang SARILING LINANGIN KIT ay isang makabagong pandagdag na kagamitan para
sa kanilang pagkatuto. Gustuhin man natin o hindi heto na ang tinatawag na NEW
NORMAL na kailangan nating tanggapin upang patuloy ang laban ng edukasyon
tungo sa layunin ng K-12 na kurikulum.

Ang COVID 19 ay hindi sagabal para ipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-
aaral. Paano? Ang tanong ng lahat. Mayroon tayong tinatawag na distance learning
na sa pamamagitan ng gabay na ito, patuloy na madaragdagan ang karunungan o
kaalaman ng ating mga mag-aaral. Sa tulong ninyong mga magulang sa paggabay
sa ating mga anak sa pagsagot ng bawat bahagi ng aralin na napapaloob dito ay
ating makamtan ang layunin ng K-12 na Kurikulum sa kabila ng nararanasan nating
pangkalusugang sagabal sa pagkatuto. Sikapin nating masagot ang kanilang mga
katanungan at maibigay ang kanilang pangangailangan upang maganyak sila sa
kanilang pag-aaral. Paalalahanan natin silang gawing malinis ang pagsulat o
pagsagot sa mga Gawain na nakasaad dito. Kung kailangan ang tulong ko bilang
guro sa asignaturang ito maaari ninyo akong kontakin sa messenger o sa numerong
ibinigay ko sa inyo.
Mula po sa puso at tunay kong damdamin bilang guro ng asignaturang ito,
Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan ! kaya natin ito. Para sa bata, Para
sa Pamilya at Para sa Bayan.

Kaalinsabay ng nagbabagong panahon ang pagkakaroon ng bagong


kalakaran sa pagtuturo at pagkatuto ng bagong kurikulum at mga akdang tutugon sa
pangangailangan ninyong mag-aaral sa panahon ng COVID 19. Kaya isinulong ang
Malayuang Pag-aaral upang maging susi sa kalinangan ng talino at kakayahan
ninyo. Ibig sabihin sa tulong nito ay patuloy ka pa ring makapag-aral ng iyong
leksyon kahit di ka na kailangang pupunta sa paaralan. Ang gabay na ito ay sadyang
para sa iyo.Ito na , tanggapin mo na ang iyong bagong kaibigan na ditto ikaw ay
matututo ng mga iba’t-ibang aralin. Ito ay isang hamon upang makita ang kahusayan
mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain na napapaloob dito.

2
KASANAYANG PAMPAGKATUTO/CODE No. F7WG-IIIhi-16

Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan

MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Napaghahambing ang kaibahan ng anaporik at kataporik
2. Makasusulat ng sariling halimbawa ng pangungusap o sanaysay na
gumagamit ng anaporik at kataporik
3. Napapahalagahan ang paggamit ng anaporik at kataporik sa
pakikipagtalastasan.

PANIMULANG GAWAIN

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at tingnan kung ano ang mayroon
sa mga ito:

A. Patuloy na dinarayo ng mga


turista ang Skyline sa San
Emlio dahil sa malamig at
magandang tanawin nito.
B. Ang Covid-19 ay nagdulot ng
pagkawala ng trabaho n gibang
Pilipino pero ito din ang naging
dahilan ng mas naging malikhain
ng iba.
Ano ang napansin mo sa mga pangungusap?

Tama! May mga salitang may salungguhit at ang mga salitang ito ay tinatawag nating
mga Pangngalan at panghalip.

Maikling Pagtalakay

Ang ating aralin ngayon ay tungkol sa Kohesyong gramatikal na anaporika at


kataporik. Ito ay ang mga salitang tulad ng panghalip na nagkakawing sa mga salita,
parirala at sugnay.
Tayo ay nababagot magbasa at makarinig ng mga salitang paulit-ulit na
ginagamit sa isang teksto o pahayag. Pero maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit
kung gagamit tayo ng panghalip tulad ng siya, niya, kanila at iba pa. Ang paggamit
ng mga panghalip o mga salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na

3
nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap ay tinatawag na
pagpapatungkol o reperensiya.
At ang ilan sa mga panghalip na ito ay ang mga sumusunod:

Para sa tao: sila, siya, tayo, kanila


Para sa bagay/lugar/hayop: ito, ditto, doon, iyon

Panandang Anaporik at Kataporik


Anaporik- ang isang pahayag ay nasa anyong anaporik kung ang panghalip ay lumalabas sa
hulihan bilang pananda sa pangngalan sa unahan. Ibig sabihin, kung unang nabanggit
angpangngalan nito, ito ay nasa anyong anaporik.
Halimbawa:
Natatakot akong magpunta ng Maynila sapagkat hindi ko kabisado ang lugar na ito.
Paliwanag:
Dalawa sa mga salita sa pahayag na ito ang tumutukoy sa iisang lugar- Maynila at ito. Dahil
nauuna ang pangngalang Maynila kaysa sa panghalip na tumutukoy nito na walang iba kundi ito,
ang pahayag ay nasa anyong anaporik.
Iba pang halimbawa ng Anaporik:
1. May agarang bisita si Nena kaya hindi siya magkamayaw sa paghahanda.
2. Nakalimutang iligpit ni Maria ang kanyang mga labahin kahapon.
3. Nahuli sa klase sina Juan at Pedro kanina kaya napagsabihan sila ng guro.
4. Ang matatanda sa pamilya ay dapat nating pahalagahan. Utang natin sa ating magulang
lolo o lola ang ating mga buhay at kinabukasan. Sila ang kumalinga sa atin noong mga bata pa
tayo.Suklian natin ang kabutihan nila sa atin.
5. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil sila’y
totoong nagagandahan dito.
Tandaan: Laging nauuna ang pangngalan kaysa sa panghalip kapag nasa anyong anaporik.
Kataporik- o sulyap na pasulong ay ang reperensiya na binabanggit sa dakong hulihan na
nagdudulot ng kasabikan o interes sa pahayag. Sa madaling sabi, ito ay ang mga panghalip na
ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.
Halimbawa:
Sila ay dapat nating igalang at alagaang mabuti sapagkat sila ay ating mga magulang.
Paliwanag:Sa pahayag na ito, dalawa sa mga salita ang tumutukoy sa iisang bagay lamang-
magulang at sila. Nauuna sa pahayag ang panghalip na “sila” bago pa binanggit ang “magulang”
kaya ang pahayag na ito ay nasa anyong kataporik.
Iba pang halimbawa ng Kataporik
1. Patuloy nilang dinarayo ang Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ang mga turista’y totoong
nagagandahan dito.
2. Ito ay isang napakagandang tanawin dahilan para maraming tao ang namamasyal sa
Skyline, Quirino, Ilocos Sur.
3. Sila ay mabuting tao sa lipunan. Ang pamilya Dela Torre ay hindi napapagod tumulong sa
kapwa.
4. Sa kaniya ako talagang humahanga dahil si Leonardo ang pinakamatalino sa aming
paaralan.
5. Tayo ay dapat maging matatag sa annumang pagsubok ng buhay. Ang mga Pilipino ay
huwag panghinaan ng loob kahit ano pang problema ang dumating.

4
Napakadali lang ng ating aralin ngayon, hindi ba?
Oo! Kaya alam kong naintindihan mo ito agad.
Kaya naman ay para lalo mo pa ng maintindihan ay
narito ang mga pagsasanay.

PAALALA: Panatilihing malinis at maayos ang SLK na ito at gumamit ng


kuwaderno sa pagsagot.

PAGSASANAY 1

Panuto: Suriin kung ang pahayag ay anaporik o kataporik. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Masaya si Lito. Lagi siyang may kalaro at maraming kaibigan.
_________2. Ito ay puno ng mga halaman at mga magagandang bulaklak. Ang gubat ay
napakalawak.
_________3. Maraming salamat po sa pagtanggap po ninyo sa amin. Napakabuti po ninyo
Mang Ben at Aling Tina.
_________4. Maganda si Maria. Marami siyang manliligaw.
_________5. Minsan lang siyang nagsasalita. Ika nga ng iba, matinding takot ang
nararanasan ni Mina dahil sa aksidente.
_________6. Masipag at maalalahanin si Rita kaya marami ang nanghihinayang sa
kanyang pagkawala.
_________7. Nandoon si Rico nang mangyari ang barilan. Siya ang natatanging saksi sa
krimeng naganap kahapon.
_________8. Nakatanggap na naman siya ng parangal. Napakagaling talaga ni Kris.
_________9. Totoo bang namatay ang kanyang ina? Nakakaawa naman si Mia,
napakabata pa niya’t nawalan ng ina.
_________10. Maraming salamat Aling Tina. Napakabuti mo talaga!

PAGSASANAY 2

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong pangngalang akma sa bawat bilang.
Pangulo ng Pilipinas uban anak
pamahalaan ako at ang buong pamilya

1. Si Presidente Rodrigo R. Duterte ay nagsusulong ng bagong batas para sa mga


senior citizen. Ang __________________ ay may malaking malasakit sa
matatanda.

5
2. Ang ___________________ ay handang mangalaga sa matatanda sa bansa. Ito
ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan ang kanilang
responsibilidad.
3. Mapalad ang mga ______________ na nag-aalaga ng kanilang magulang.
4. Ang kanilang _________________ ay nagpapakita ng talino. Ito ang ebidensiya ng
maraming taon ng karanasan sa buhay.
5. Huwag nating pabayaan ang matatanda sa pamilya. _______________________
ang mangangalaga sa kanila.

PAGSASANAY 3

PANUTO: Punan sa patlang ang tamang pangngalan o panghalip sa bawat


pangungusap.
1. Ang bagyong Feria ay nagdulot ng maraming pinsala sa bansa. Marami ring buhay
ang nawala dahil _______.
2. Si Ryan Luis V. Singson ay napakabait at matulungin na lider. Siya ang
_____________ ng Ilocos Sur.
3. Ang mga doktor at nars ay mga tinaguriang makabagong bayani dahil _________
ang nangunguna sa pangangalaga sa mga tinatamaan ng Covid- 19.
4. Ang mga modyul ang gagamitin ng mga mag-aaral sa susunod na pasukan. Ang
mga ____ ay gawa ng mga guro.
5. Ang edukasyon ay napakahalagang bagay sa buhay ng isang tao. Sa pamamagitan
nito ay nakakamit ______ ang kanyang pangarap.

PAGLALAGOM

Napakadali di’ba?
Binabati kita sa napakahusay mong performans sa mga
pagsasanay.
Nalaman natin sa araling ito na naiiwasan natin ang pag-uulit-
ulit ng mga salita o parirala sa tulong ng mga panghalip at ito
ay ang dalawang paraan, ito ang Anaporik at Kataporik.

APLIKASYON

Alam ko na naunawaan mo na ang ating aralin at handa ka ng


gawin ang mga sumusunod na pagsusulit.

6
Panuto: Sa iyong kuwaderno, gumawa o sumulat ng limang (5) sariling
halimbawa ng pangungusap na nasa anyong Anaropik at limang (5)
pangungusap na nasa anyong Kataporik.

PAGTATAYA

Alam ko na naunawaan mo na ang ating aralin at handa ka ng


gawin ang mga sumusunod na pagsusulit. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

A.
Panuto: Isulat sa patlang ang PA kung pagpapatungkol na anapora ang panghalip na
may salungguhit at PK kung pagpapatungkol na katapora ang ginamit na panghalip
na may salungguhit sa pahayag.
________1. Si Impeng Negro ay isang mabuting anak. Siya ay isang agwador.
________2. Walang oras na hindi niya tinutukso si Impen. Si Igor na siga sa
kanilang lugar.
________3. Hindi siya nagkulang ng paalala kay Impen. Inang patuloy na
nagmamahal para sa kanyang anak.
________4. Pumutok ang kaniyang nguso subalit pinilit pa rin ni Impen na lumaban.
________5. Ang mga tao ay hindi nakakibo sa pangyayari. Lahat sila ay nagulat sa
ipinakitang tapang ni Impeng Negro.

B.
Panuto: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap.
Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay anapora o katapora.
_________1. Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang
pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunod-sunod ang pag-ulan.
_________2. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel
na hindi niya napalutang sa tubig kailanman.
_________3. Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya
sa higaan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
_________4. Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas
ng bata ang kanang kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya
ang sahig.
_________5. Nag-aalinlangan siya at ang batang lalaki’y lumapit sa kanyang ina.

C.
Panuto: Isulat lamang ang K para sa Katapora at A para sa Anapora. Isulat katabi
nito ang pangngalan na binibigyang turing at panghalip na nagbibigay turing dito.
1. Binili lamang niya ang pangunahing pangangailangan sa pamilya kaya
nakauwi na agad si nanay.

7
2. Maitututring sila na mga bayani ng bagong henerasyon kaya dapat lamang
mabigyang parangal ang mga OFW.
3. Si Jasmine ay mabait na bata dahil ginagawa niya kahit na ang mabibigat na
mga gawain.
4. Ang mga taga-Leyte ay nakatanggap na ng ayuda mula sa pamahalaan kaya
sila’y naging kampante sa kasalukuyan.
5. Sa Jardin Botaniko ipinapakita nila ang kanilang mga likha kaya sila’y
nagkatipon-tipon dito.
6. Dahil sa galing niya sa Math kaya pinalayawang “henyo” si Rudy sa kanilang
klase.
7. Tumakbo si Sonia nang dumaluhong sa kanya ang asong ulol kaya siya’y
nadapa sa daan.
8. Patindi nang patindi ang sikat ng araw sa kasalukuyan at ito’y halos
pumapaso sa balat ng bawat nilalang.
9. Ang mga guro ay nagbibigay serbisyong pampubliko kaya dapat lamang
pagtuunan sila ng kaukulang pagpapahalaga.
10. Nakaalis na sila sa bansa nang sumabog ang eroplanong sinakyan ng mga
turistang makakaliwa.

D. Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ipahayag ang iyong kaisipan at
damdamin tungkol sa mga ito ayon sa punto ng reperensiya na makikita sa patlang.

A. B.

Anaporik: _____________________ Anaporik: _______________________


_____________________________ ________________________________
_____________________________. ________________________________.
Kataporik: _____________________ Kataporik: ________________________
______________________________ _________________________________
______________________________. _________________________________.

8
SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsasanay 1
1. Anaporik Pagsasanay 2
2. Kataporik 1. Pangulo ng Pilipinas Pagsasanay 3
3. Kataporik 2. pamahalaan 1. dito
4. Anaporik 3. anak 2. gobernador
5. Kataporik 4. uban 3. sila
6. Anaporik 5. anak at ang buong 4. ito
7. Anaporik pamilya 5. niya
8. Kataporik
9. Kataporik
10. Anaporik

APLIKASYON

B. C.
A.
1. ito-Katapora 1. K- niya; nanay
1. PA
2. niya- Katapora 2. K-sila; OFW
2. PK
3. niyang- Anapora 3. A-Jasmine;niya
3. PK
4. niya- Katapora 4. A- taga-Leyte; sila’y
4. PK
5. Siya- Katapora 5. A-Jardin Botaniko; dito
5. PA
6. K- niya; Rudy
7. A- Sonia; siya’y
8. A- sikat ng araw; ito’y
9. A- guro; sila
10. K- sila; turista

D at E- Maaaring iba-iba ang sagot.

You might also like