You are on page 1of 2

Updated March 5, 2020 - Tagalog

Paano Ako Magiging Handa para sa Biglaang Paglaganap ng


COVID-19?
• Ang COVID-19 ay isang bagong virus sa daluyan ng hangin sa ating katawan. Kasalukuyang mayroong
biglaang paglaganap ng sakit sa mundo na nakakaapekto sa ilang bansa at estado.
• Habang mayroong mga lumalabas na bagong impormasyon tungkol sa virus, mangyaring tandaan na
ang panganib ng COVID-19 ay hindi nauugnay sa lahi, etnisidad o bansang pinagmulan. Hindi
makakatulong sa paglaban sa sakit ang pagpapahiya sa iba. Ang paghahanap at pagbabahagi ng
tumpak na impormasyon sa panahon ng matinding pag-aalala ay isa sa mga pinakamabuting bagay
na maaari nating gawin upang maiwasan ang pagkalat ng mga hindi kumpirmado at hindi tamang
impormasyon.

Paano ko maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19?


• Pangunahing kabilang sa mga sintomas ng COVID-19 ang lagnat, ubo at pangangapos ng hininga.
Lumalabas ang mga sintomas na ito 2 hanggang 14 na araw pagkatapos ng pagkakalantad.
• Ang COVID-19 ay kumakalat sa mga tao na malapit sa isa't-isa (sa pagitan ng humigit-kumulang 6 na
pulgada) sa pamamagitan ng mga pag-ubo o pagbahing. Maaari din itong kumalat sa pamamagitan
ng paghawak sa isang patungan o bagay na mayroong virus.
• Ang mga tao ay pinaniniwalaang pinakanakakahawa kapag sila ay lubos na may sakit, ngunit posible
ang pagkalat nito bago pa man magpakita ang mga tao ng mga sintomas.
• Nagsisimula ang pag-iwas sa pagsasanay ng mga mabuting gawi sa personal na kalusugan: manatili sa
bahay kapag may sakit, takpan ang iyong ubo at bahing gamit ang tisyu, madalas na maghugas ng
kamay gamit ang sabon at tubig, at linisin ang mga patungan at bagay na madalas na nahahawakan.
• Ang pagpapahinga, pag-inom ng maraming inumin, pagkain ng masusustansiyang pagkain, at
pamamahala ng iyong stress ay maaaring makatulong sa iyo na umiwas sa COVID-19 at gumaling
kung magkasakit ka man dahil dito.

Paano ako magpaplano nang maaga para sa COVID-19?


• Gumawa ng plano ng pagkilos para sa emergency kasama ang iyong mga kasama sa bahay, kamag-
anak, at kaibigan. Bisitahin ang Paghahanda para sa Emergency at Ikaw para sa karagdagang
impormasyon.
• Kung nagsimulang kumalat ang sakit sa iyong lugar, maaaring irekomenda ng mga opisyal sa
kalusugan na ipasara ang mga paaralan o magkansela ng mga kaganapan at hikayatin ang mga tao na
magtrabaho sa bahay upang pabagalin ang pagkalat ng sakit.
• Gumawa ng mga plano para sa mga alternatibong kaayusan para sa iyong anak o sarili kung sakaling
ipatigil o ipasara ang paaralan o unibersidad. Gumawa rin ng mga plano para sa iyong mga
nakakatandang miyembro at iyong mga alagang hayop, kung kinakailangan.
• Kumpirmahin sa iyong trabaho ang tungkol sa iyong mga opsiyon sa pagliban dahil sa sakit (sick
leave) at pagtatrabaho mula sa bahay (telework) kung kinakailangan mong manatili sa tahanan
upang mag-alaga ng isang kasama sa bahay.
• Gumawa ng listahan ng iyong mga makakausap o matatawagan sa oras ng emergency—pamilya, mga
kaibigan, mga kapitbahay, mga nagmamaneho para sa carpool, mga provider ng pangangalangang
pangkalusugan, mga guro, mga employer, lokal na departamento ng pampublikong kalusugan, at
mga mapagkukunan sa komunidad.

Pahina 1
Updated March 5, 2020 - Tagalog

• Mangolekta ng mga dagdag na supply, tulad ng sabon, mga tisyu, at sanitizer na may alkohol. Kung
ikaw o ang isa sa mga miyembro ng iyong sambahayan ay mayroong matagal at hindi gumagaling na
kondisyon at regular siyang umiinom ng mga inireresetang gamot, makipag-usap sa iyong provider
ng kalusugan, parmasyutiko, at provider ng insurance tungkol sa pagkakaroon ng pang-emergency na
supply ng mga gamot sa tahanan.

Ano ang gagawin ko kapag nagsimulang kumalat ang COVID-19 sa


aking komunidad?
• Manatiling may-alam tungkol sa lokal na paglaganap ng COVID-19 sa pamamagitan ng website ng
Department of Health (Kagawaran ng Kalusugan): doh.wa.gov/coronavirus at maging maingat sa
anumang senyales na nagkakasakit ang mga tao sa iyong komunidad. Halimbawa, abangan ang mga
pagtigil o pagsasara ng mga paaralan.
• Iwasan ang pakikisalamuha sa mga taong may sakit. Takpan ang iyong mga ubo at bahing gamit ang
tisyu, at madalas na maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. Huwag magbahagi ng mga
personal na gamit at madalas na linisin ang mga madalas na nahahawakang patungan gamit ang
sabon at tubig.
• Kung ikaw ay may sakit, manatili sa bahay. Kapag kumukuha ng medikal na pangangalaga, magsuot
ng face mask at panatilihin ang iyong distansiya mula sa ibang tao. Kung mayroong may sakit sa iyong
tahanan, manatili sa bahay upang maiwasan ang hindi sinasadyang pagkalat ng virus sa iba.
• Huwag dumalo sa malalaking kaganapan, tulad ng mga kaganapan sa isports, mga conference, o iba
pang pangyayari sa komunidad kung may sakit ka, hindi maganda ang pakiramdam mo, o mayroong
may sakit sa iyong tahanan. Kung wala kang sakit, bago pumunta sa kaganapan, isaalang-alang ang
panganib na mahawaan ka ng COVID-19.
• Huwag hikayatin ang iyong mga anak na makihalubilo sa iba pagkatapos ng mga klase maliban na
lamang kung ito ay maliit na grupo. Kung mayroong mga batang nagpapakita ng mga sintomas ng
COVID-19, ihiwalay kaagad sila sa iba.
• Obserbahan ang iyong mga anak para sa mga sintomas ng COVID-19. Ipagbigay-alam sa pasilidad ng
pangangalaga sa bata o paaralan ng iyong mga anak kung sila ay may sakit at kunin ang anumang
takdang-aralin o aktibidad sa silid-aralan na maaari nilang gawin mula sa bahay.
• Mag-ayos ng hiwalay na kwarto para sa mga miyembro ng sambahayan na may sakit. Regular na
linisin ang kwarto at tiyaking mayroon silang magagamit na face mask na malinis at naitatapon
pagkatapos ng isahang paggamit.
• Alamin ang kondisyon ng pamilya o mga kaibigan na mag-isa sa bahay—lalo na ang mga mayroong
matagal at hindi gumagaling na sakit. Kung mag-isa ka sa bahay, hilingin sa iyong mga kaibigan at
pamilya na alamin ang iyong kondisyon kung ikaw ay magkasakit.

Saan ako makakakuha ng karagdagang impormasyon?


• Bisitahin ang website ng Department of Health sa www.doh.wa.gov/coronavirus.
• Tumawag sa 1-800-525-0127 at pindutin ang #. Magagamit ang mga serbisyo sa interpretasyon sa
telepono.

Para hilingin ang dokumentong ito sa ibang format, tumawag sa 1-800-525-0127. Para sa mga
kostumer na bingi o may kahirapan sa pandinig, mangyaring tumawag sa 711 (Washington
Relay) o mag-email sa civil.rights@doh.wa.gov.

Pahina 2

You might also like