You are on page 1of 2

Linyang Pangsuporta sa mga Matatanda sa Panahon ng COVID-19

Mahalagang suportahan ang mga matatanda sa panahon ng coronavirus. Ang Older Persons
COVID-19 Support Line (Linyang Pangsuporta sa mga Matatanda sa Panahon ng COVID-19)
ay tumutulong sa mga matatanda, sa kanilang mga mahal sa buhay, at mga tagapag-alaga na
manatiling nakikipag-ugnayan sa isa’t isa at patuloy na tumanggap ng mga serbisyong
kailangan nila sa panahon ng pandemya. Ang support line ay nag-aalay ng praktikal na
tulong at payo.

Malalaman mo ang tungkol sa mga mga paghihigpit dulot ng coronavirus, pagkuha ng


impormasyon tungkol sa mga serbisyong pangsuporta sa pangangalaga sa matatanda, o
pakikipag-usap sa isang tao tungkol sa kalusugang pangkaisipan. Ang mga taong nag-aalala
tungkol sa kanilang sarili, sa isang kaibigan, o sa isang miyembro ng pamilya na may
dementia, ay maaaaring makipag-usap sa isang sinanay na tagapayo ng Dementia Australia
gamit ang support line.

Ang support line ay magagamit upang tumulong sa mga matatanda, sa kanilang mga kamag-
anak, mga tagapag-alaga, mga kaibigan at mga tagasuporta. Ang libreng serbisyo sa
telepono ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, maliban kapag pista opisyal, mula 8.30am
hanggang 6pm. Matatawagan mo ang support line sa 1800 171 866.

Kung mas gusto mong makipag-usap sa wikang hindi Ingles, maaaring makatulong ang isang
interpreter. Tawagan ang Translating and Interpreting Service sa 131 450 at hilingin ang
iyong wika. Sa iyong wika, mahihilingan mo silang ikonekta ka sa Older Persons Covid-19
Support Line.

Iskema ng Mga Bisita sa Komunidad


Ang Community Visitors Scheme (Iskema ng mga Bisita sa Komunidad) ay nagbibigay sa mga
matatandang Australyano ng pakikipagkaibigan, pagsasamahan at ugnayang-sosyal.
Ikinokonekta nito ang mga tao sa mga boluntaryo upang magpalipas ng oras kasama nila,
nang madalasan. Sa panahon ng coronavirus, ito ay magagawa gamit ang telepono o video
kung hindi maaaring bumisita nang harapan dahil sa pisikal na pagdistansya.

Ang madalasang pakikipagkontak sa mga boluntaryo ay makakatulong sa mga tao na


madamang sila ay napapakinggan, at ito ay sumusuporta sa mga taong nakadarama ng
pagkakahiwalay o kalungkutan. Ang Community Visitors Scheme ay isang libreng serbisyo
para sa mga matatandang tao na kasalukuyang gumagamit o nag-aaplay para sa
pangangalaga sa tahanan o residensyal na pinopondohan ng pamahalaan.
Editorial #9 - Older persons COVID-19 Support Line - 12092020 - Filipino

GPO Box 9848 Canberra ACT 2601 - www.health.gov.au


-2-
Maaaring isangguni ng mga matatanda ang kanilang sarili sa Community Visitors Scheme.
Ang mga pagsangguni ay maaari ring magmula sa mga aged care provider (tagapag-bigay ng
pangangalaga sa matatanda), mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan. Upang alamin ang
higit pa, bumisita sa www.health.gov.au/community-visitors-scheme

Kapakanang pangkaisipan
Ang coronavirus ay nagdulot sa atin ng maraming mga pagbabago sa paraan ng ating
pamumuhay. Maaaring makatulong ang pakikipag-usap sa ating pamilya at mga kaibigan, o
sa iyong doktor kung ikaw ay nag-aalala, nalulungkot, nalilito o natatakot. Para sa
impormasyon, payo, at sa malawak na hanay ng mga serbisyong pangsuporta, bumisita sa
www.headtohealth.gov.au

Karagdagang impormasyon
Mahalagang kumuha ng impormasyon mula sa mga opisyal na mapagkukunan. Bumisita sa
www.health.gov.au/resources/translated o tawagan ang Coronavirus Helpline sa 1800 020
080.

I-download ang COVIDSafe app upang tulungang mapanatiling ligtas ang iyong pamilya, mga
kaibigan at komunidad. Dagdag pa sa Ingles, ang COVIDSafe app ay makukuha na ngayon sa
mga wikang Arabe, Simple at Tradisyonal na Intsik, Vietnamese, Koreano, Italiano, Griyego,
Punjabi at Turko. Maida-downnload ang app mula sa Apple App store o sa Google App store.
Maaari mong hingan ng tulong ang kapamilya o mga kaibigan o isang kawani ng aged care
para i-download ang app para sa iyo.

Editorial #9 - Older persons COVID-19 Support Line - 12092020 - Filipino

You might also like