You are on page 1of 8

MARSO 2018

PRAYMER

Hinggil sa Isyu sa
Dengvaxia, mga Babantayan
at, Maaaring Gawin
Pumutok kamakailan ang kaguluhan hinggil sa Dengvaxia,
isang uri ng bakuna (vaccine) na ibinigay sa 800,000 mga
estudyante sa ilalim ng immunization program ng Kagawaran
ng Kalusugan (Department of Health o DOH). Ang DOH ay
gumastos ng nagkakahalagang P3.5 Bilyon para sa pagbili ng
bakunang ito mula sa banyagang kumpanya na Sanofi, isang
higanteng pharmaceutical company sa Pransya na gumagawa at
nagbebenta ng mga bakuna sa sakit.

Ang suliranin ay nang maglabas ang Sanofi noong 2017 ng isang


babala hinggil sa Dengvaxia. Sinasaad dito na ang ilan sa mga
naturukan ng Dengvaxia, na hindi pa nagkakaroon ng dengue
sa buong buhay nila, ay maaring magkaroon ng tinatawag na
“severe dengue” at lalong makompromiso ang pangangatawan o
lumala pa ang mga sintomas tulad ng lagnat at pagdurugo.
Sa praymer na ito ay sasagutin ang ilan sa mga katanungan
tungkol sa isyu na ito, at mga dapat natin gawin bilang
ordinaryong mamamayan.
CPRH Praymer sa Dengvaxia

Ano ang dengue?


Ang dengue ay isang uri ng virus na dinadala ng mga lamok na Aedes
Aegypti. Kung ang virus ay malipat sa katawan ng tao sa pamamagitan
ng kagat ng lamok, nagdudulot ito ng dengue fever na siyang nagiging
sakit. Mayroong apat (4) na kilalang uri ng dengue virus, at hindi na
maaring umulit ang bawat virus sa iisang pasyente.

Kasama sa mga sintomas ng dengue fever ay ang:


• pagkakaroon ng biglaang pagtaas ng lagnat
• sakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata
• sakit ng laman at kasu-kasuan
• kawalan ng ganang kumain
• pagsusuka
• at pamamantal sa balat

Ang dengue hemorrhagic fever ang tinuturing na delikadong bahagi


kung mayroong malubhang dengue ang isang pasyente dahil ito ay
maaring magdulot ng matinding pagdurugo sa ilong, gilagid, o sa
loob ng katawan, pagkasira ng sirkulasyon ng dugo, at kung lumala ay
kamatayan sa isang pasyente.

Ayon sa World Health Organization, tinatayang may 176,411 na


pinaghihinalaang kaso ng dengue sa bansa noong taong 2016. Mula
Enero 1 hanggang Mayo 6, 2017 naman ay nakapagtala na ng 33,760
na kaso, at mayroong 189 ang namatay dahil sa severe dengue.
Karamihan ng mga kaso ay mula sa Rehiyon 7 (Cebu), Region 3
(Central Luzon), at NCR (Metro Manila).

Dahil sa mataas na bilang ng kaso ng dengue, nag-implementa


ang DOH ng programang bakuna na tinatawag na Dengvaxia. Ang
bakunang ito ay itinurok mula sa Grade 4 na mga estudyante na may
edad siyam (9) dapat at pataas. Ito ay nakadisenyong mabibigyan
sila ng hanggang tatlong (3) doses ng bakuna sa pagitan ng tig-6 na
buwan. Walang babala na binigay ang DOH hinggil sa kasalukuyang
kontrobersiya nito na hindi ito mabisa, bagkus ay delikado pa, sa
mga batang hindi pa nagkakaroon ng dengue bago mabigyan ng
Dengvaxia.

1
CPRH Praymer sa Dengvaxia

2
CPRH Praymer sa Dengvaxia

3
CPRH Praymer sa Dengvaxia

4
CPRH Praymer sa Dengvaxia

Ano ang ating pagsuri sa isyung ito?


Manipestasyon na may bahid ng pulitika at korapsyon ang mga
kaganapang ito dahil sa napakaiksing panahon sa pagproseso
ng Dengvaxia, at mga patakarang nilagpasan para agad na ma-
implementa ang programa sa kabila ng kakulangan ng datos ukol
sa kaligtasan nito. Kahina-hinala rin na sa loob ng dalawang araw ay
inapruba ng DBM ang pera na pinamumununan ng noo’y Secretary
Florencio Abad, samantalang ang badyet dapat para sa mga
malalaking gastusin tulad nito ay inaapruba dapat ng kongreso at
senado. Paspasang pinondohan ang isang bakuna na itinutulak ng
isang malaking banyagang kumpanya na Sanofi, samantalang ang
budget para sa agarang pangangailangan sa kalusugan tulad ng
pagsasaayos ng mga health center o dagdag sahod sa health workers ay
matagal i-apruba.

Ayon sa mga eksperto, karamihan sa mga bakuna at gamot ay inaaral


ng sampu hanggang dalawampung taon bago magamit ng publiko.
Ngunit sa kaso ng dengvaxia, lumalabas na nasa anim na taon pa
lamang ang pag-aaral at na-implementa na ito.

Kahina-hinala din ang pagmamadali sa pagpondo rito dahil sa


panahon ito na papalapit ang eleksyon, at ang mga tagapagpatupad
ng proyektong ito na sina Sec. Abad, at Sec. Garin ay mga
prominenteng bahagi ng Liberal Party. Malinaw rin sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari na alam ng mga opisayles ng nakaraang
administrasyon ang karamihan sa mga detalye ukol sa Dengvaxia. Ang
Sanofi naman ay patuloy na inilako sa merkado ang kanilang bakuna
kahit na wala pang katiyakan sa mga maaaring side-effects nito.

Ang kaguluhang ito ay epekto ng mas malaking problema na ang


merkado at mga korporasyon ang nagdidikta sa takbo ng sistemang
pangkalusugan kaysa sa ang mga totoong pangangailangan ng mga
mamamayan. Dahil sa dominasyong ito, ang inisyatiba sa paggawa
ng mga gamot at bakuna ay nananatiling sa kamay ng mga malalaki
at dayuhang kumpanya. Sa ganitong sistema rin ay umiiral ang
paglalagay ng mas malaking halaga sa kita o tubo ng mga kumpanya
kaysa kalusugan ng mamamayan.

Patuloy na maaaring mangyari ang mga ganitong eksena kung


patuloy na dominante ang mga malalaki at dayuhang merkado sa mga
pangangailangan ng mga mamamayan. Dahil sa kawalan ng sariling
5
CPRH Praymer sa Dengvaxia

mga malalaki at batayang industriya ng ating bansa, at pagpapahalaga


at suporta ng pamahalaan sa lokal na industriya ng siyensya ay patuloy
na maninipulahin ng dayuhang interes ang kalusugan ng ating bansa.

Hindi bago ang mga ganitong sitwasyon kung saan pumapasok sa


mga maanomalya o kaya’y mga di-pantay na kasunduan ang mga
opisyales at pulitiko sa gobyerno. Sa kagyat na kasaysayan ay nariyan
ang palpak na serbisyo ng banyagang kumpanya sa maintenance ng
MRT, mga maanomalyang pagbili ng mga lumang barkong pandigma
ng AFP, ang NBN-ZTE Deal noong panahon ni Pangulong Gloria
Arroyo, pagpasok ng napakaraming produkto mula sa ibang bansa,
at malakihang pandarambong ng lupa sa pamamagitan ng mga
kumpanya ng minahan.

Patuloy na dapat maging mapagbantay dahil ang administrasyong


Duterte ay papasok sa napakaraming “investments” kung saan ay
bibili ang pamahalaan ng napakaraming materyales at serbisyo mula
sa mga pribadong-dayuhang kumpanya para sa mga balak itayo sa
imprastraktura, kalsada, plantasyon, pagmimina, at iba pang dayuhang
pamumuhunan.

Ano ang dapat gawin?


a. Ano ang gagawin sa bata sa komunidad?
Alamin kung ang inyong anak o kaya mga bata sa inyong komunidad
ay naturukan ng kahit anong doses ng Dengvaxia. Maaari itong
malaman sa pamamagitan ng paghanap sa Dengue Immunization Card,
masterlist sa kanilang eskwelahan, o sa opisinang katambal ng DOH
tulad ng mga health center.

b. Ano ang mga dapat bantayan sa mga bata, naturukan man ng


Dengvaxia o hindi?
Iiwas ang mga bata sa kahit anong pwedeng pagmulan ng dengue
tulad ng mga breeding places na mga pwedeng pangitlugan ng lamok.
Alisin ang mga pwedeng pagmulan ng lamok tulad ng mga madidilim
ng lugar o mga naiiwang stagnant na tubig.

Bantayan sa mga sintomas ng dengue tulad ng lagnat, pagpapantal sa


balat, at iba pang mga nabanggit sa unang bahagi ng praymer. Ipakita
ang Dengue Immunization Card na binigay dapat sa mga pasyente.
Kung walang card ay irehistro ito sa opisyales ng DOH sa inyong
ospital o komunidad.
6
CPRH Praymer sa Dengvaxia

c. Ano pa ang maaaring gawin bilang bahagi ng komunidad?

• Patuloy na sumama sa mga diskusyon, pag-aaral, at usapang pang-


impormasyon upang singilin ang mga responsible sa kalusugan ng
mga naturukan, at panagutin ang mga nagkasala.
• Pangongolekta ng affidavits mula sa mga magulang na nagpakita
ng sintomas o kaya’y hindi maganda ang karanasan sa pagpapagamot.
hindi lahat ng gastusin (tulad ng doctor’s fees, laboratory fees, etc) ay
sinasagot ng Philhealth, lalo’t hindi lahat ng pampubliko at pribadong
ospital ay may kakayahan sa mga kinakailangang pamamaraan sa
pagpapagaling.
• Bumuo ng Quick Response Teams. Itala ang mga kaso ng mga
tinatanggihang pasyente. Ibigay o kunin ang mga mahahalagang
detalye tulad ng:
• Pangalan ng bata/pasyente
• Edad,kasarian
• Grado/grade,pangalan ng school
• Kumpletong address/tirahan
• Pangalan ng guardian/parent
• Contact number
• Mga sintomas na kinakitaan sa bata
• Signature Campaign, Speaker’s Training, at Pagprotesta -
Ipanawagan ang kaagad na DOH monitoring, libreng konsultasyon,
blood testing, at pagpapagamot para sa mga pasyente. Hanggang
ngayon ay walang malinaw na protocol ang DOH.
• Bumuo o sumama sa mga grupong interesado sa kasong ito, lalo ang
Coalition for People’s Right to Health, tulad ng kabataan, magulang,
guro, health worker, at iba pa.

Sa ating sama-samang pagkilos


ay makakamit natin ang hustisya
at magkaroon ng mas ligtas na
serbisyong pangkalusugan para sa
mamamayan.

PANAGUTIN SI AQUINO, GARIN, ABAD, AT IBA PANG KASABWAT NA OPISYALES!


ILANTAD AT LABANAN ANG SABWATAN NG SANOFI AT MGA OPISYAL NG
GOBYERNO!
ITIGIL ANG COVER-UP SA DOH! HUSTISYA SA MGA BIKTIMA NG DENGVAXIA!
LIBRENG SERBISYO MEDIKAL AT BAYAD DANYOS PARA SA MGA NABAKUNAHAN!

You might also like