You are on page 1of 2

Pandaigdigang Problema

Ang Covid-19 ay isa sa mga corona viruses na nagmumula sa karaniwang sipon o lagnat na
napupunta sa mas malubhang sakit. Ang bagong Corona virus na ito o “nCoV” ay ang bagong virus
na hindi pa nakilala sa mga tao.ito ang pangunahing suliranin ng buong mundo sa kasalukuyan na
nagtatagal na ng halos isang taon simula ng ito ay nagsimula.
Ang SARS-CoV 2 ay ang virus na muling nagpasiklab ng isang bagong coronavirus noong
disyembre,2019. Ito ay nagsimula sa bayan ng Wuhan sa China noong Disyembre,2019, dito naitala
ang unang kaso ng virus na ito at dahil nga ito ang unang kaso sa buong mundo ay hindi napigilan
ang pagkalat nito sa ibang parte pa ng china. Dito unang naranasan ang hirap at pangamba na dala
ng virus na ito at dito rin nakita ang mga epekto na naturang virus na ito, ang iba ay bigla nalang
mawawalan ng malay at matutumba sa kalye habang naglalakad at ang iba ay bigla nalang
dadamputin ng autoridad dahil napagalamang sila ay naimpeksiyon o nakasalamuha nila ang isa sa
mga taong nagpositibo sa virus na ito.
Nagpatuloy pa ang pagkalat ng virus na ito sa pamamagitan ng mga turistang bumiya byahe
mula sa isang lugar o bansa na apektado na ng virus na ito at maipasa sa mga taong kanila
nanamang makakasalamuha sa kanilang paguwi o paglipat ng lugar o bansa dahil maaaring ang
taong nanggaling dito ay naapektuhan na rin at maaari rin nila itong maipasa sa iba.
Ang mga coronavirus ay ang iba rito ay maaaring nakakahawa sa hayop ngunit ang iba rin
maaari rin na makahawa sa mga tao.Ang mga ito ay naisip na kumalat sa hangin sa pag ubo o
pagbahing at malapit o personal na pakikipagugnay o sa paghawak ng kontaminadong bagay
nanahawakan ng kamay na galing sa Ilong,bibig o mata.
Ang kasalukuyang coronavirus o kilala sa tawag na “COVID19” ay nagsasanhi ng
“SARS- COV2 “ o ang sakit na dala ng COVID19 ,karamihan sa mga taong nagkakaroon ng
impeksiyon ay nagkakaroon ng hindi malalang sintomas at gagaling ngunit ang iba ay nakakaranas
ng malubhang sakit lalo na sa mga matatanda o may edad na na may dati nang karamdaman.sa
madaling salita ay mas pinapalala ng virus na ito ang karamdaman na meron ang isang tao bago pa
ito maimpeksyon nito.Ang virus na ito ay hindi agad nahanapan ng lunas noong mga nakaraang
simula ng ito ay nagsimula.
Dito sa Pilipinas, naitala ang kauna-unahang kas ng covid-19 noong ika-30 ng Enero 2020 ito
ay ang 38 anyos na babae na isang chinese national. At naitala naman ang unang kaso ng local
transmission noong ika-7 ng Marso. Ngayong ika-18 ng Oktubre 2020, Umabot na sa 356,618 ang
bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, base sa datos
ngayong Linggo ng Department of Health. Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 2,379 bagong
kaso, karamihan ay galing Quezon City na may 172 kaso, na sinundan ng Rizal province na may 147.

Normal lamang ang makaramdam ng pagkabahala dahil sa kasalukuyang pagkakaroon ng


COVID-19 sa ating bansa lalo na para sa iyong sarili at mga mahal sa buhay. Samantala, ang
karamihan sa mga kaso ng COVID-19 (81%) ay mayroong bahagyang mga sintomas lamang lalo na
sa mga bata at young adults. Maliit lamang ang posibilidad na kakailanganing maospital ng mga
apektadong pasyente.
Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, patuloy din ang ating mga frontliner sa
pagharap at paglaban sa mga hamong dulot nito. Hindi alintana ang anumang pagod o panganib,
walang patid ang pagtupad ng ating mga BAGONG BAYANI sa kanilang sinumpaang tungkulin--ang
mag-aruga, magligtas, at magpagaling sa ating mga kababayang may sakit, lalo na ang mga COVID-
19 patients na lubos ang pangangailangan ng tulong at pagkalinga. 
 
Sa simula pa lamang ng pandemyang ito, sila na ang unang nakasuong sa larangan ng
digmaan— tinitiis ang pagod, sakit ng katawan, hirap ng loob. Lumalaban sila sa sariling pangamba,
agam-agam, at pangungulila sa pamilya, mabigyan lamang ng ginhawa ang may sakit, at sa kahit
munting paraan ay makatulong upang maibsan ang paghihirap ng mga ito. Sila ang ating mga
minamahal na frontliners at health care workers na patuloy na pinipiling maglingkod sa BAYAN
bago ang kanilang SARILI.

Sa kabilang banda, siguraduhing proteksyunan ang sarili upang maiwasan ang pagkalat ng
COVID-19 virus sa iyong mga mahal sa buhay at komunidad. Ugaliing gawin ang tamang
paghuhugas ng mga kamay, social distancing, at tamang pag-ubo. Bukod dito, maaaring sundin ang
mga payo at abiso mula sa pamahalaan at mga lokal na opisyal partikular na ang pag-iwas sa mga
malawakang salu-salo o pagpunta sa mga mataong lugar.

Sa ngayon, wala pang gamut o bakuna laban sa COVID-19. Subalit marami sa mga sintomas
ang maaaring magamot base sa clinical condition ng pasyente. Ang supportive care para sa mga
taong infected ay lubos na epektibo sapagkat marami ang naka-recover ditto sahil laman sa
supportive care.

Kasalukuyang dine-develop at sinusuri sa pamamagitan ng mga clinical trial ang mga bakuna
at partikular na mga gamut. Ang WHO at DOH ay nakikipag-ugnayan sa mga nagde-develop ng mga
bakuna at gamot upang malaman ang mga posibleng pagkukuhanan nito.

Sa kabilang banda, ang DOH ay aptuloy na pinapayuhan ang publiko na regular at madalas
na maghugas ng kamay, takpan ang bibig at ilong gamit ang tisyu o loob ng siko sa tuwing uubo, at
panatilihin ang isang metrong distansya mula sa mga umuubo o bumabahing (para sa iba pang
impormasyon, tingnan ang Section ng Protective and Preventive Measures). 

Pinapayuhan ng DOH ang publiko na gawin ang sumusunod na protective measures. Ito pa
rin pinaka mabisang paraan upang maprotektahan ang sarili sa COVID-19. Regular na maghugas ng
kamay. Hugasan ang kamay ng sabon at malinis na tubig nang hindi bababa sa 20 segundo.
Gumamit ng alcohol-based sanitizer kung walang sabon at tubig. Sundin ang tamangparaan ng pag-
ubo: Takpan ang ilong at bibig ng tisyu o manggas ng damit o loob ng siko sa tuwing uubo o
babahing. Lumayo sa mga tao kung babahing o uubo Huwag dumura kung saan-saan Itapon ang
ginamit na tisyu sa tamang tapunan. Laging maghugas ng kamay pagkatapos umubo o bumahing
Gumamit ng hand sanitizer o alcohol. Panatilin ang isang metrong distansya sa mga taong may
respiratory symptoms. Iwasan ang hindi protektadong paghawak at paglapit sa mga farm at wild
animal (buhay o patay). At siguraduhing naluto nang mabuti ang pagkain.

You might also like