You are on page 1of 1

Ang mga pagbabago ay hindi maiiwasan sa ating buhay at sa mundo.

Sa paglaganap
ng nakakahawang sakit at ang pagkakaroon ng isang bagong pandemya, marami sa atin ang
nakaramdam ng malaking pagbabago sa nakagisnang pamumuhay, pagkatakot, pangamba,
kawalang-kasiguruhan at paranoia na mahawa ang sarili at mga mahal sa buhay.
Ang SARS-CoV-2 coronavirus ay nagdudulot ng COVID-19, na isang sakit na
nakakaapekto sa baga, daanan ng hangin, at iba pang bahagi ng katawan. Ayon sa Wuhan
Municipal Health Commission, China, naitala ang unang ilang kaso ng pneumonia sa Wuhan,
China noong ika-31 ng Disyembre 2019 na napag-alamang dulot ng isang uri ng hindi pa
kilalang coronavirus na karaniwang sa hayop lamang natatagpuan, at hindi pa nakita sa mga
tao noon. Noong ika-22 ng Enero 2022, naitala ng DOH ang unang kaso ng naturang sakit sa
Pilipinas, kung saan dalawang mamamayang Tsino ang nagbakasyon, at kalaunan ay naging
positibo sa COVID-19. Sa pagtaas ng mga kaso dulot ng sakit, nagdeklara si Pangulong
Duterte noong ika-9 ng Marso 2020 na ang bansa ay humaharap sa isang public health
emergency. Sinundan pa ito ng anunsiyo ng suspension ng mga klase sa pampublikong at
pribadong paaralan, at kabi-kabilang community quarantine at lockdown sa Metro Manila at
mga karatig na lalawigan. Ayon sa JHU CSSE Covid-19 Data, ang Pilipinas ay kasalukuyang
nakapagtala ng humigit-kumulang 3.69 milyong kaso at 60,455 na nasawi sa COVID-19.
Ayon sa NAPCA o National Asian Pacific Center of Aging, pinaniniwalaang kumakalat sa
mga tao ang sakit na ito dulot ng mga patak na galing sa ubo, bahing, at paghawak sa bibig,
ilong, at mata pagkatapos hawakan ang isang bagay na may virus. Gayunpaman ayon sa
FDA, may iba’t-ibang paraan kung paano protektahan ang sarili dulot ng virus, ang pinaka-
epektibong paraan ay ang madalas na paghugas ng kamay, pag-iwas sa mga matataong lugar,
paggamit ng face mask, at pag-disinfect sa mga bagay na madalas hawakan. Bagamat wala
pang gamot sa COVID-19, marami sa mga sintomas nito ang maaaring gamutin base sa
kalagayang pangkalusugan ng pasyente. Ayon sa DOH, upang mapabagal ang pagkalat ng
sakit na ito, inilunsad ang Resbakuna, isang nasyunal na kampanya na naglalayong mabigyan
ng libreng bakuna laban sa COVID-19 ang lahat ng Pilipino. Ang mga bakuna tulad ng
Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Sinovac, Janssen, at Gamaleya Sputnik V ay epektibo na
gumagawa ng antibodies upang magprotekta sa atin mula sa karamdamang dulot ng COVID-
19. Ayon sa Statista Research Department, noong Mayo 20, 2022, nasa 68.91 milyong tao na
ang ganap na nabakunahan mula sa COVID-19 virus sa Pilipinas. Kabilang dito ang mga
nakatanggap ng single-dose na bakuna. Sa kaibahan, humigit-kumulang 66.25 milyong tao
ang naghihintay pa rin para sa kanilang pangalawang dosis ng bakuna. Samantala, nasa 13.77
milyon na ang nakatanggap ng booster shot. Bagamat, maraming mga Pilipino ang bakunado,
kailangan pa ring sumunod sa mga pinakamababang pamantayan sa kalusugan upang
maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at hindi maging isa sa mga sanhi ng problema
ng bansang Pilipinas. Wastong disiplina sa sarili ang kinakailangan at ating tatandaan, sa
bawat problema, may kaakibat na solusyon.

You might also like