You are on page 1of 1

Ang Corona Virus o tinatawag na COVID -19 ay isang virus na kumakalat ngayon sa kasalukuyan, ito ay

nagmula sa Wuhan China na kung saan ay nakahawa ng milyong katao sa ibang ibang bansa lalo na sa
pilipinas. January 30, 2020 nang mag simulang mag balita ang Philippine Department of Health sa
kaunahang tao na nag positibo sa bansa ngunit ito’y hindi Pilipino kundi nag mula sa China na syang nag
pakalat ng virus sa bansa. March 07 2020, ang WHO ay nakipag ugnayan sa Philippine Department of
Health sa pagtugon sa paglaganap ng COVID-19.

Ito ay kinatakutan ng mga Pilipino sa taglay nitong pagbigay ng malalang sakit sa mga katauhan sa bansa.
Walang sinuman ang pinipili na hawaan ng virus na ito sapagkat ito ay makapangyarihan at kahit sino ay
maaring dapuan. Ang virus na ito ay nakakamatay at nakakaapekto sa bawat Pilipino at sa ibat-bansa.

Malaki ang nagging epekto nito sa bansa. Dahil sa paglaganap ng Corona virus. Nag sara ang mga daan
patungo sa ibang ibang lugar upang mapigilan ang pagkalat ng virus na ito ngunit sa pag pasok ng mga
huling pasahero ang nagdala ng virus sa loob ng bansa at nag patuloy na dumami. Madaming pamilya
ang naulila at nawalan o nabawasan ng parte ng pamilya ang isang malaking pagsubok na kinakaharap
ng bawat pamilya ngayong panahon ng pandemic. Dahil sa virus na ito, nawalan ng trabaho ang mga
Pilipino at napigilan ang pag alis ng mga OFW sa bansa. Dahil ditto ay mas nag hirap ang bansa at
nabawasan ang populasyon ng tao sa bansa.

Upang maproteksyonan ang sarili laban sa banta ng Covid-19, kinakailangan namin ng buong pamilya ko
na nasa ligtas kaming lugar at inoproteksyonan naming an gaming sarili sa pamamagitan ng pag aalcohol
at pag iwas na kumapit sa anumang bagay. Tuwing lalabas ay mag mask at mag dala ng alcohol at
dumistansya sa mga tao ng 1 hanggang 2 metro. Mag suot ng mask at face shield upang maiwasan ang
pag dapo ng anumang pedeng ikahawa ng virus.

Bilang isang mag aaral, isang malaking epekto para saamin ang Covid19, sapagkat dahil dito ay napigilan
ang aming pag aaral, at para sa mga mahihirap at kapos sa buhay, mahihirapan silang mag adjust para sa
new normal o pag pasok ng mga bata sa online o pag gamit ng mga module. Iba parin ang natututunan
ng mga bata tulad ko sa paaralan at sa pamamagitan ng online at module o mga libro. Malaking epekto
para sa mga magulang na walang magamit ang kanilang mga anak para sa pag aaral. Isa itong malaking
epekto para sa mga kabataan dahil dito ay hindi sapat ang nasasagap na kaalam ng bawat kabataan
upang mapunan lahat ng mga pangangailangan at dapat matutunan. At para naman sa mga guro, mas
malaking pagsubok ito para sa kanila sapagkat mas mawawalan o makukulangan sila ng pagtulog sa pag
gagawa ng mga module para sa mga kabataan at isa pa don ay ang mga nagagastos para sa papel at ink
ng printer.

You might also like