Ang Pambu-bully?
-Ang bullying ay isang uri ng karahasan
hindi lamang sa mga bata kundi maging sa
ibang tao rin.
-Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon,
matatawag na BULLYING ang paulit-ulit na
pangungutya, pananakit nang pisikal o
pagbibtiw ng masasakit o mapanirang salita
Bakit may nambubully? Ilan lamang ito
sa mga dahilan:
-Sila mismo ay biktima ng pambu-bully.
-Wala silang mabuting halimbawa
-Umaasta silang nakatataas-pero
insecure sila
Sino ang karaniwang binu-bully?
Mga mapag-isa. May mga kabataan na nahihirapang makipag-
ugnayan sa iba, kaya ibinubukod nila ang kanilang sarili at
madaling nagigingntarget ng mga bully.
Mga kabataang itinuturing na kakaiba. Ang ilang kabataan ay
binu-bully dahil sa kanlang itsura, lahim relihiyon, o
kapansanan pa nga –anumang bagay na puwedeng pag-initan ng
isang bully.
Mga kabataang walang kumpiyansa sa [Link] ng
bully kung sino ang mababa ang tingin sa sarili. Sila ang
Ano ang puwedeng mong gawin kapag may nambu-bully
sa iyo?
[Link] mag-react. “Gustong makita ng mga bully na
naaapektuhan ka sa ginagawa nila. Kung hindi ka
magrereact, mawawalan sila ng gana”
[Link] gumanti. “Hindi maaayos ang problema kung
gaganti ka—lalala lang iyon.
[Link] lumapit sa mga bully. “Hangga’t possible,
iwasan ang mga bully at ang mga sitwasyon kung saan
puwede kang ma-bully”
4. Sumagot sa paraang di-inaasahan ng nambu-
bully. “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi
ng pagngangalit.”
[Link]. “Halimbawa, kung tinutukso kang
ang pangit mo, puwedeng magkibit-balikat ka lang
at magsabi, Siguro nga kailangan ko ng
magpaganda/magpagwapo”
[Link]. Ang pagtahimik ay nagpapakitang
matured ka na at mas matatag ka kaysa sa nang-
iinis sa iyo”
[Link] ng kumpiyansa sa sarili.
“Nahahalata ng mga bully kung ninenerbiyos ka,
kaya kailangan mo ipakita na hindi na
naaapektuhan sa mga sinasabi o ginagawa niya.
[Link]. Marami ng kaso ng pambu-bully
ang hindi naisusumbong. Pero tandan, gusto ng
mga bully na hindi sila isinusumbong, baka ang
pagsusumbong ang unang hakbang para mahinto
ang problema.
May Batas na ba para sa Bullying?
Republic Act. No 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013”
Layon ng batas na sa lahatng elementarya at hayskul sa
buong bansa na magkaroon ng mga polisiya upang mahadlangan
at magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng pambu-
bully sa kanya-kanyang institusyon.
Ayon sa batas, ang pambu-bully ay mangangahulugan ng
kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawa ng isa o ng
isang grupo sa isa oa-pisikal man, berbal o mental- na
naglulundo sa kawalang ganang o takot na pumasok ng isang
estudyante sa eskwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na
Ilan sa mga kailangang maisagawa kapag nagkaroon ng
kaso ang mga sumusunod:
[Link] alam sa tamang ahensiya ng pamahalaan
kung ang pambu-bully na naganap ay maaaring iakyat sa
kasong criminal batay sa Revised Penal Code.
[Link] ng nararapat na aksyong pandisiplina.
[Link] sa magulang ng mga kampong kasangkot sa
usapin.
[Link] sa magkaibang eskwelahan naman nagmula ang
estudyanteng Nakagawa ng pambu-bully at ang biktima,
kailangan magkausap ang administrasyon ng dalawang
eskwelahan para sa karampatang aksyong kailangan
5. Lahat ng mga kaso maitatala ng
eskwelahan ay marapat na maiulat nang
nakasulat sa Division Superintendent. Ang
Division Superintendent nama’y titipunin
ang lahat ng ulat upang iakyat naman ito
sa Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.
Paano maiiwasan ang cyberbullying?
Ang Social media at internet ay
napakahalagang imbensyon na maituturing sa
kasalukuyan: ito ay pag-unlad para mapabilis
ang komunikasyon at mga transakyon. Subalit
kalakip nito ang mga negatibong epekto sa
mga kabataan at mamamayan. Ang krisis na
ito ay ang cyberbullying o paggamit ng social
media para ipahiya o gumawa ng krimen.
Mga Hakbang para Maiwasan ang Cyberbullying
-Gawing pribado ang personal na impormasyon sa lahat ng
account sa social media: makatulong ito upang hindi magamit
ang social media account sa krimen.
-Huwag makipag-ugnayan sa mga taong hindi kakilala: kung
nagpadala ito ng mensahe na hindi mo alam, iulat ito na spam
o i-block.
-Maging matalino sa lahat ng oras sa mga hindi kakilala
sasocial media: huwag magpapadala sa mga propaganda
upang walang mangyaring hindi maganda.
BE AWARE!
STOP BULLYING