You are on page 1of 47

REPUBLIC ACT 9262

ANTI – VIOLENCE AGAINST


WOMEN AND THEIR CHILDREN
ACT OF 2004
ANO ANG VAWC?
• Ang VAWC ay ang pang-aabuso ng
isang lalaki laban sa sariling asawa,
dating asawa, babaeng nagkaroon
siya ng sekswal na ugnayan, o
babaeng naging ina ng kanyang
anak o sa anak ng babaeng kanyang
karelasyon.
• Ang mga pang-aabusong ito ay
maaring maganap sa loob o labas
ng tahanan na maaaring magresulta
sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso
SINU-SINO ANG BIKTIMA SA
BATAS NA ITO?

• Asawa
• Dating asawa
• Babaeng nagkaroon siya ng
sekswal na kaugnayan
• Babaeng naging ina ng kanyang
anak
• Anak ng babaeng kanyang karelasyon
SINU-SINO ANG NANG-
ABUSO?
• Asawang lalaki
• Dating asawa
• Kalaguyo (boyfriend)
• Dating kalaguyo (ex-boyfriend)
• Live-in partner (ex-live in partner)
• Lalaking nagkaroon ng sekswal na kaugnayan sa babae
• Lalaking nagkaroon ang babae ng anak
PISIKAL NA PANANAKIT
(Physical Abuse)
Mga akto na nagdudulot ng pisikal na pinsala sa
babae at kanyang mga anak.
PANG-AABUSONG SEKSWAL
(Sexual Abuse)

• Rape, sexual harassment, o panghahalay


• Pagtrato sa babae o anak bilang sex object;
paggamit ng salitang mga bastos.
• Pisikal na pag-atake sa maselang bahagi ng
katawan ng biktima; pagpilit sa biktima na manood
ng pornograpiya o gumawa ng malaswang bagay.
• Pagpilit sa biktima na tumira at matulog sa
tahanang kasama ang akusado at
kinakasama nito.
• Pagpilit sa biktima na makipagniig sa
pamamagitan ng dahas.
• Pangbubugaw sa babae at sa kanyang anak.
SIKOLOHIKAL NA PANG-AABUSO
(PSYCHOLOGICAL ABUSE)
• Kilos na nagiging dahilan ng
parusang mental o emosyunal na
aspeto, gaya ng pananakot, palihim
na pagsubaybay, pagsira ng pag-
aari ng biktima, panghihiya sa
publiko at pagtataksil.
• Pagpilit sa biktimang manood
habang inaabuso ang miyembro ng
pamilya.
• Hayagang pagpapakita sa
biktima ng aktong
pananakit sa alagang
hayop.

• Hindi makatarungang pag-


alis sa karapatan ng isang
magulang na bisitahin o
alagaan ang anak.
EKONOMIKONG PANG-AABUSO
(ECONOMICAL ABUSE)
• Pagbawi ng suportang pinansiyal na
nagiging dahilan upang umasa ang
biktima sa akusado sa kanyang
pangangailangan.

• Pagbabawal sa biktima na
magkaroon ng pagkakakitaan o
trabaho.
• Pananakot o pagbabawal na gamitin
ang bagay na parehong pag-aari ng
biktima at akusado.
• Pagsira ng akusado sa mga kagamitan ng
biktima.

• Pagbawal sa biktima na hawakan o


kontrolin ang sariling pera o kagamitan.
SINO-SINO ANG
PWEDENG
MAGREKLAMO?
 Biktima
 Anak
 Kamag-anak
 Kaibigan
 Social Worker
 Pulis
 Barangay Kagawad
 Abogado
 Kapit-bahay, o sino mang
may kaalaman sa krimen
TANDAAN:

Ang VAWC ay isang


“public crime” kaya’t hindi
lang ang biktima ang
pwedeng magsampa ng kaso
ANO ANG
PROSESO NG
PAGSASAMPA NG
KASO?
Ano ang mga serbisyong maaring
makuha ng biktima mula sa RA 9262?
• Pansamantalang tirahan
• Libreng counseling
• Psychological service
• Programang rehabilitasyon
• Proyektong pangkabuhayan
• Tulong medikal
Bakit hindi isinusumbong ng
kababaihan sa awtoridad ang pang-
aabuso
• Nangingibabaw ang hiya
• Hindi alam kung saan at kanino dapat
magsumbong o magreport.
• Paniniwalang walang magagawa ang awtoridad
sa kanilang kalagayan.
• Kulang ang suporta mula sa pamilya, awtoridad
at komunidad.

• Paniniwalang maliit na bagay ang pang-aabuso


at hindi na dapat pansinin.
BATTERED WOMEN SYNDROME
• Patern ng sikolohikal na pag-aasal na sintomas
na matatagpuan sa mga kababaihang
nabubuhay sa relasyong battering na
nagreresulta ng patuloy na pang-aabuso
4 NA PANGUNAHING KATANGIAN
NG GANITONG SYNDROME
• Ang babae ay naniniwala na ang pang-aabuso ay kanyang
kasalanan.
• Ang babae ay walang abilidad na ibigay ang
responsibilidad ng karahasan kahit kanino man.
• Ang babae ay natatakot para sa kanyang buhay at mga
anak
• Ang nabugbog na babae ay may di- makatwirang
paniniwala na ang nang-abuso ay nasa lahat ng lugar at
lubos na may alam .
KARAPATAN NG BIKTIMA
• Tratuhin ng may respeto at
dignidad.
• Mabigyan ng libreng tulong mula
sa Public Attorney’s Office (PAO)
sa anumang legal na serbisyong
pampubliko.
• Suporta mula sa Department of
Social Welfare and Development
(DSWD) at pamahalaang lokal
• Suportang nakasaad sa Family Code

• Mabigyan ng impormasyon tungkol sa kanilang


karapatan at mga serbisyong maaring makuha
gayundin ang karapatan na magkaroon ng
Protection Order.
ANO ANG PROTECTION
ORDER?
Ito ay isang order na naglalayong:

Panatilihing ligtas ang biktima laban sa pang-aabuso

 Maalis o mabawasan ang mga bagay na pumipigil sa


biktimang magkaroon ng kontrol sa sariling buhay.
3 URI NG PROTECTION
ORDER
BARANGAY PROTECTION ORDER
(BPO) -15 days

TEMPORARY PROTECTION ORDER


(TPO) – 30 Days

PERMANENT PROTECTION ORDER


(PPO)
PAANO MAKATUTULONG ANG
PROTECTION ORDER SA
BIKTIMA?
Ang Barangay Protection Order
(BPO) na personal na inihahain
ng barangay kapitan/kagawad sa
akusado ay nag-uutos na:
1. Itigil ang pagbabanta sa
biktima; at
2. Itigil ang pamimerwisyo
(harassment) o pakikipag-usap
sa biktima sa anumang paraan.
SINO ANG MAARING
KUMUHA NG PROTECTION
ORDER?
• Ang biktima
• Magulang o sinumang kumukupkop ng biktima
• Mga opisyal o social worker ng pamahalaang lokal
• Pulis na nakatalaga sa women’s and Children’s
Desks
• Punong Barangay
• Abugado, counselor, therapist, doktor, nars,
o midwife na nangangalaga sa biktima.
• Dalawang taong nakakaalam sa pang-
aabuso.
PAANO MAG-APPLY NG
PROTECTION ORDER?
Dapat mag-sumite ang biktima ng sinumpaang kasulatan na
naglalaman ng sumusunod:

Pangalan at address ng biktima at akusado


Ang relasyon ng biktima at akusado
Paglalahad ng pangyayari
Pagsasaad ng reliefs o uri ng proteksiyon na hinihiling ng
biktima
• Dahilan ng paghingi ng tulong ng abugado o
counsel
• Paghiling na pagsuspinde ng application fees
hanggang sumapit ang araw ng pagdinig sa kaso at
• Pagpapatunay na walang aplikasyon ng
Proteksiyon Order sa ibang Korte
Kung ang nagpetisyon ay hindi ang biktima ng
pang-aabuso, dapat lakipan ito ng affidavit na
nagpapatunay sa:

Abusong natamo ng biktima at (2) ang permiso ng


biktima na maghain ng petisyon laban sa nang-
abuso.
RELIEF

Ang relief o proteksiyon na ibinibigay sa ilalim ng


Temporary at Permanent Protection Order ay ang
mga sumusunod:
• Pagbabawal sa akusado na gumawa ng anumang
pang-aabuso na nakasaad sa RA 9262
• Pagbawal sa akusado na i-harass o makipag-
ugnayan sa nagreklamo
• Pagbawal sa akusadong tumira sa tirahan ng biktima o
pumunta sa tirahan, paaralan, o lugar ng trabaho ng
biktima.
• Karapatang mabawi ng biktima ang kanyang mga pag-
aari o gamit at mabigyan ng proteksiyon ng pulis ang
pag-bawi sa mga ito.
• Karapatan ng biktima-pansamantala o permanente na
alagaan ang anak o mga anak.
• Pag-utos sa amo ng akusado na magbigay ng parte
ng sweldo nito sa biktima-mananagot sa korte ang
akusado at ang amo nito kung ang utos na ito ay
hindi susundin.

• Pagbawal sa akusado na magkaroon ng baril o


armas, dapat itong ibigay sa korte.
MGA TUNGKULIN NG PUNONG
BARANGAY AT MGA
MAMBABATAS
• Pumasok sa pamamahay kung saan ang karahasan
ay nagawa o magagawa at pigilan ang paglala ng
mga akto ng karahasan.
• Gumawa ng mga nararapat na aksyon upang
maiwasan ang karahasan at makasiguro sa
kaligtasan ng biktima gaya ng pag-uutos sa
nambiktima na tumigil sa paggawa ng karahasan.
• Pagtulong sa biktima sa pagkuha ng mga personal na
kagamitan at pagkuha ng medical na pagpapagaling.
• Pagpayo sa biktima na pansamantalang umalis sa
pamamahay.
• Kaagad na idokumento ang kaso at mga aksyon na
ginawa sa kaso.
• Dalhin o samahan ang biktima sa ligtas na lugar.
Ayon sa Local


Maaari bang mamagitan ang Barangay upang Govt. Code,
magka-ayos ang biktima at ang akusado? walang
kapangyarihan
ang Punong
Barangay na
mamagitan sa
mga kaso ng
karahasan laban
sa kababaihan
at kanilang mga
anak.

Hindi ito pinapayagan ng batas.


Ang pang-aabuso ay hindi
pribadong usapin kundi
isang krimen. Ito ay
paglabag sa karapatang
pantao ng babae.

Sa tulong ng pamilya at
komunidad, maaaring
makawala ang isa mula sa
MAPANG-APING
relasyon.
Paano naman ang mga battered
husband?

The provisions for physical injuries of the


Revised Penal Code (1930) and Family
Code (1988) are both gender-neutral: it
does not specify the sex of the victims or
the offender. However, in terms of support
measures for the victims, they are not as
comprehensive as R.A. 9262
“The physical injuries category of the
Revised Penal Code only penalizes
crimes, which resulted from physical
violence, it cannot be used to acquire
protection orders. The Family Code,
on the other hand, only deals with
custody and conjugal property
issues”
HOUSE BILL 1365
(DOMESTIC
VIOLENCE ACT OF
2022)
MARAMING
SALAMAT PO!!!!

You might also like