You are on page 1of 2

Isang Babae

Ako ay isang babae.

Hindi batayan ang aking kasarian

Upang diktahan ang kaya kong gawin sa hindi

Ang mga dapat kong ikilos at gawi.

Ako ay isang babae.

Babaeng may kakayahang

Hindi pambahay lang at kayang Tapatan, higitan ang mga lalaki.

Ako ay isang babae.

Hindi sa kulay ng aking balat

O sa kapal ng taba sa katawan

Nasusukat ang aking halaga at kagandahan.

Ako ay isang babae.

Babaeng may pangalang

Tinatangi ng magulang

Hindi "pssst", "chiks", at lalong hindi bebe.

Ako ay isang babae.

Sukat ng tela na aking suot ay

Hindi katuwiran upang

Bastusin ako sa kalye.


Ako ay isang babae.

May iniingatang puri at dangal

Hindi upang maging parausahan

Ng libog at nanggagalaiting mga titi.

Ako ay isang babae.

Titulo na hindi basehan upang pagkaitan ng

Pantay na pagkilala at respeto

Pantay na karapatan at pagtrato.

AKO AY ISANG BABAE.

You might also like