You are on page 1of 1

Karanasan sa Covid 19”

Madaming naging karanasan ang mga tao ngayon panahon na ito. Dahil ito sa
covid 19 na isang sakit na sobrang nakakahawa sa tao, madaming tao ang
nahihirapan dahil sa wala na silang trabaho o kalahati nalang ang nakukuha nilang
sahod. Estudyante ang isa sa pinaka nahihirapan ngayong panahon na ito dahil
bawal magpatuloy ang klase ngayong may pandemya dahil baka kumalat ang sakit
at madaming estudyante ang magkaroon ng covid 19.
Isa akong estudyante at ito ang mga naging karanasan ko, nung una hindi ako
masyadong nahirapan dahil sanay naman ako na hindi lumalabas ng bahay kaso
nung tumatagal na nahihirapan na din ako. Nahihirapan kami dahil kailangan
naming magtipid kasi di naming alam kung kalian kami mauubusan ng mga
pagkain o pera, isa na din sa naging problema ng isang estudyante na katulad ko
kung paano kami makakapasok sa eskwelahan o makakapag aral dahil sa
panahon ngayon hindi pinapayagan na lumabas ng bahal yung edad 20 pababa.
Halos lahat ng estudyante ay nasa edad 20 pababa kaya yun yung isa sa naging
problema ng kapwa ko estudyante, at nagkaroon ng (online class) kung saan
makakapag aral pa din yung mga estudyante sa pamamagitan ng internet. Bilang
isang estudyante kailangan kung subukan yun dahil mahirap naman kung titigil ako
sa pag aaral ko, kaya madaming estudyante ang pumapasok sa online class)
ngayon dahil sa ligtas at hindi na kailangan lumabas ng bahay. Madami din ang
hindi pumasok sa online class dahil hindi sapat ang kanilang pera upang makapag
patuloy sa pag aaral, nung una hindi ko alam kung makakapag patuloy pa ako sa
pag aaral dahil hindi na nagiging sapat ang pera ng aking mga magulang kaso
pumasok parin ako sa online class kahit nahihirapan.
Ito ang aking naging karanasan bilang isang estudyante at isang tao na
humaharap din sa hamon ng buhay, madami tayong nagiging problema pero lagi
natin tandaan na malalagpasan natin ito kaya bilang estudyante katulad ko
kailangan natin magpatuloy sa buhay kahit nahihirapan tayo. Nasulat ko ito dahil
madami akong naging aral dahil sa pagsubok na ito at madami akong naging
karanasan na bumago sa aking buhay.

You might also like