You are on page 1of 1

HIGH SCHOOL LIFE

ni Eloisa Mae Dn. Abante

#Cool

#Thrill

#Enjoy

Kani-kaniyang hashtags ng mga estudyante ayon sa kanilang mga karanasan sa


high school. Ikaw, bilang isang high school na estudyante, anong hashtag mo sa iyong
high school life?

May nagsasabing walang kasing saya ang high school life. Hindi katulad ng
elementaryang normal at college na super stress-up. Sa high school, kadalasang
mararanasan ang mga bagay na kailan man ay gusting-gusto mong balikan. Mayroong
prom, espesyal na Valentines activity at marami pang iba. At syempre sa high school
hindi mawawala si crush, na kung minsan kung ikaw ay pinagpala si crush pa ang iyong
nagging first dance.

Pero minsan naman nasasambit natin, Ayoko ng mag-aral. Nakakapagod! Ang


daming requirements! Pero ano? Susuko ka ba kaagad? Dapat nating malaman na
parte na ng ating buhay ang pagsubok. May mga araw talaga na mag-eenjoy tayo
pero may mga araw din na may pagsubok na siyang magbubuo sa ating pagkatao.
Kahit gaano man ito karami o kahirap, fight! fight! fight! ika nga. Kahit gaano man
katambak ang mga takdang aralin, proyekto o output, kailangan nating gumawa para
pumasa. Hindi lamang para sa ating mga magulang o sa ibang tao ang tagumpay,
bagkus itoy para rin sa ating kinabukasan.

Hangad nating lahat n asana hindi lamang tayo habang buhay high school
student, sapagkat mayroon pang magagandang oportunidad ang nag-aabang sa atin
kung tayoy makapagtapos ng high school at college. At dapat nating tandaan na
nakadepende lamang sa tao ang kaligayahan kung paano tayo magiging masaya.

You might also like