You are on page 1of 2

Ang Aking Sarili

Ni: Aimee A. Olap

Sisikat lulubog katulad ng problema't saya ng buhay ko. Sino nga ba ako para digtahan ang kapalaran ko?

Nandito nanaman ako mag sisimula . katulad ng pagsikat ng araw sa dakong silangan panibagong araw na
paglalahad na kung ano nga ba ang nangyari sa nakaraan.

Aimee!? Sino nga ba ako? yan ang tanong ng sarili ko . Satuwing mapapalingon ako sa paligid ko ayan ang
paulit-ulit na tanong sa utak ko. Sino ba ako para sa kanila? Sino ba ako para sa pamilya ko? Sino ba ako para sa
mga taong nasa paligid ko? Bata pa lang ako wala ako pakealam sa mga tao sa paligid ko. kain tulog ayan ako. sa
pag tulog ko lang kasi nagagawa ang mga bagay na nag papasaya saakin. Sa panaginip ko lang naabot ang mga
pangarap ko.

Eto nanaman. May nag tatanong.kung sino daw ako.

Aimee?Sabi ng isang ale saan ka nakatira?

Nakatira po ako sa malayong nayon ng kabayanan sa dakong silangan ng lipa na dati'y sapak na ngayo'y
San Isidro na.

Gusto ko sanang sabihin na . Si Aimee po ay simpleng babae lamang pang siyam po sa sampong
magkakapatid. Masaya na na makakain ng dalawang beses sa Isang araw ang karanasan na kahirapan ay di
mababatid . Sa Umaga'y kape at sapsap ay okey na sa tanghali ay basta may kanin ay tubig at asin na tawag ang
sinigang saamin ang toyo ay adobo at ang ketchap nama'y kaldereta. Sa gabi naman ay talbos ng kamote dahon ng
kalbasa at gabe napakasarap kainin. Kinsenas katapusan duon ko lang natitikman ang masasarap na pag kain
kayalagi ko ninanais na mag akinse na muli.Yan ang kabataan simple lang masaya basta mag kakasama.

Dumating ang panahon. Panahon ng pag hamon ng mga kakayahan ko. kakayahang ipagtangol ang sarili
ko. kakayahang makisalamuha at kilalanin ang ibat-ibang klase ng tao. Lumipas ang mga araw, maging ang mga
taon. Tumanda na ako pero di ko parin mahahanap ang sarili ko. Ngunit natutunan ko narin ang maki salamuha sa
ibang tao. Natutunan ko na rin ang mag trabaho sa ibat inga paraan nakapag labandera kasama ng aking ina,
naglilinis nag bahay ng ibang tao, nakapagtinda sa taas ng palengke at nakapag trabaho sa jolibee ng limang buwan
at sa mcdo nama’y naka isangtaon at tatlong buwan doon. Nalaman na ang buhay ay hindi madali na kailangan mo
kumita upang masuportahan ang iyong pangangailangan mabigyan ang mga magulang sa abot ng iyong mga
kakayahan.

Naiinggit ako sa kaklase ko na matalino. Ako kasi hindi matalino ngunit maykakayahan naman. Hindi ko
kayang maabot ang matataas na marka nila sa lahat ng asignatura. Naiinggit din ako sa mga magaling sumayaw.
Matigas pa kasi ako sa kahoy kung sumayaw. Hindi din ako marunong magrap dahil nabubulol ako.

Hindi ako maganda. Mukha akong ordinaryong tao lang at hindi yung palaging napapansin na karamihan.
Hindi din ako matangkad kasi tuwing may pilahan ay lagi ako nasasaunahan. Hindi din ako maputi yung tipong
mala porsilana ang kutis. Bakit parang lahat ng lang pinagkait saakin.

Naiingit ako sa mayaman dahil nakukuha nila lahat ng gusto nila. Ako kasi kailangan lahat ng gusto ko ay
paghirapan ko pa. Natitiis kona walang baon para mairaos ko ang isang araw sa paaralan. Siguro nga ganito
kasaklap ang buhay ko.
Pero naiisip ko na kahit papaano may talent naman ako.hindi ako marunong sumayaw di katalinuhan at di
kagandahan. Hangggang isang araw dinala ako ng teacher ko sa likudan upang pakantahin at siya din naghimok
saakin na isali sa collage making na nagging pandalawa at sa postermaking na nagging pangtatlo sa mga nanalo
kahit wala akong karanasan sinubukan ko. Sinubukan kong lumaban.

Hindi maipaliwanag ang galak dahil sa aking pagkapanalo. Unang beses na nagkaroon ng kabulahan ang
buhay ko. Nakaramdam ako ng galak dahil sa wakas. Nahanap kona din ang lugar ko dito sa mundo. Nakilala ko
na kung sino ako.

Isa akong mapalad dahil kaya kong kumatha ng mga larawan. Kaya ko mag imahe ng mga bagay sa paligid
ko gamit ang aking pag dradrawing. Sawakas nahanap ko na ang lugar ko nasagot na ang matagal ng katanungan
ng isip ko.

Sino nga ba ako? Ako’y isang tao na nag bibiyayaan ng mga kakayahan sa pag dradrawing at pagkanta. Isa
akong taong unti unti na nagkakapangarap sa tulung ng aking pagkuha ng kurso. Sa wakas nabubuo na ang mga
puwang ng buhay ko dahil ako ay ako. Hindi kona kailangan pang magtanong kung sino ba ako. Dahil ngayon
nasagot ko na kung sinoako. Sasabay sa pag lubog ng araw sa kanluran ngunit mananatili parin ako sisikat sa
dakong silangan at haharapin ang mga pagsubok sa aking kapalaran hanggang makapit ang aking mga pangarap.

You might also like