You are on page 1of 1

Ang Aking Karanasan Tungkol Sa Online Class

Online class, nangyari at inimplementa ito ng DepEd dahil sa


pandemya na nangyari noong 2019 at kasalukuyang nangyayari padin
ngayon na tinatawag na Covid-19. Nang dahil sa pandemyang ito, lahat
ng mga tao ay pinagbabawalan na lumabas sa mga kani-kanilang mga
bahay at sumailalim sa quarantine upang hindi mahawa sa sakit na ito.
Isa sa mga sanhi ng pandemyang ito ay ang pagbawal na pagpasok ng
mga mag-aaral sa paaralan. Kaya upang maipagpatuloy ang pag-aaral
kahit may pandemya ay nag implementa sila ng online class. Sa
paraang ito ay hindi na kailangan lumabas at pumunta sa paaralan ang
mga studyante para mag-aral dahil pwede na sila mag-aral at matuto sa
pamamagitan ng online class. At ito naman ang aking mga karanasan
tungkol sa online class.
Nagsimula ang online class noong ika-sampung baiting pa lamang ako,
noong una ay naninibago ako at hindi sanay sa ganitong paraan ng pag-
aaral kasi bukod sa bago ito ay napakahirap mag pokus sa klase dahil
madaming naggagambala saiyo sa loob ng bahay at isa na dito ang mga
maiigay na kapit-bahay at ang mga gawain sa bahay. Dahil dito ay
nahihirapan ako mag pokus sa aking pag-aaral at dumagdag pa dito
ang problema sa internet connection, kasi minsan o di kaya’y minu-
minuto ay nawawala yung internet kaya nawawala ako sa klase at
minsan ay ito ang dahilan kung hindi ako nakakapasok sa klase. Ito
yung mga kadalasang problema na nararanasan ko noong bago pa
lamang nagsimula ang online class.
Pagdaan ng mga araw ay unti-unti akong nasasanay sa paraan ng pag-
aaral na ito, dito ko mas lalong napapadali ang mga gawain ko at mga
takdang-aralin ko sa paaralan dahil madami akong mapagkukunan ng
mga ideya at mabilis ko lang ito mahanap gamit ang internet. Mas
naging napapadali din ang pagpasa ng mga gawain at takdang-aralin
dahil sa online mo lang ito ipapasa at makikita ito kaagad ng mga guro.
Sa paraan ng pag-aaral na gamit ang internet ay masasabi kong
maganda ang pamamaraan na ito kasi napapadali lahat ng mga gawain
tungkol sa klase, meron mang mga konting problema at hindi ko din
masasabi na epiktibo ang online class na ito pero isa itong magandang
paraan para makapag-aral padin kahit may pandemya na nagaganap. At
ito ang aking karanasan tungkol sa online class.

You might also like