You are on page 1of 2

1. Talakayin ang suliraning panlipunan na tinalakay sa video o teksto.

(isang talata na
may sampung pangungusap)

Ang suliraning panlipunan na tinalakay sa video na aking napanood ay tungkol sa


edukasyon sa gitna ng panddemya. Ang susi at pundasyon ng ating kinabukasan ay
edukasyon. Nabanggit sa video na ito ang nararanasan ng bawat isa sa ating mga
estudyante ang hirap ng makabagong sistema ng edukasyon ngayong pandemya. Isa
na rin dito ang nararanasang krisis na nagdudulot ng problema sa pag bayad ng
matrikula sa eskwelahan. Natalakay rin dito ang pagkawala ng gana, paghihirap sa
mga akademikong gawain at napipilitang pakikisabay ng bawat estudyante sa araw
araw na nagaganap sa makabagong paraan ng pag-aaral. Kabilang sa mga suliraning
nabanggit ay ang kakulanagan sa kagamitang kakailanganin sa online learning na
nararanasan ng mga kabataan. Isa na rin sa problemang nararanasan ng mga kabataan
na nabanggit sa video ay ang kawalan ng access sa internet na siyang pinakamahalaga
ngayong online learning. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng sistema ay nag dulot
ng napakaraming pagbabago sa ating buhay sapagkat tayo ay nasanay sa tradisyunal
na sistema ng edukasyon kung saan nakakapagaral tayo sa loob ng isang silid-aralan.
Sa mga guro naman, sila rin ay nakakaranas ng hirap sa gitna ng pandemyang ito
sapagkat kailanagan nilang palaguin pa lalo ang kanilang kaalaman at magdagdag ng
panibagong paraan ng pagtuturo dahil sa online learning na nararanasan.
Napakaraming suliranin ang ating nararanasan sa gitna ng pandemyang ito ngunit
kailangan nating tatagan ang ating sarili dahil sa huli, ito ay magdudulot ng
magandang resulta sa atin.

2. Maglahad ng limang (5) pamamaraan kung papaano ito mabibigyan ng solusyon


batay sa sarili mong suhestyon. Ipaliwanag ang bawat pamamaraan (isang talata na
may anim na pangungusap sa bawat pamamaraan.)

 Ang aking unang suhestyon na pamamaraan kung papaano mabibigyan ng


solusyon itong mga suliraning nararanasan sa edukasyon ng isang estudyante sa
gitna ng pandemya ay ang pakikiugnay ng mga magulang sa kani-kanilang mga
anak na estudyante. Magulang ang pinaka importanteng katuwang sa edukasyon
ng kanilang mga anak. Makiisa sa mga guro upang malaman ang mga gawain sa
paaralan. Ito na rin ay para makapagsalamuha sa iyong anak kung ano ba ang
kailangan niya. Aking naisip na pamamaraan ito dahil karamihan sa mga
kabataan ngayon ay nahihirapan sa pag-aaral at natatakot mag sabi sa mga
magulang. Itong suhestyon ko na ito ay napakalaking tulong sa mga estudyanteng
nahihirapan ngayon sa bagong sistema ng edukasyon ngayong pandemya.
 Ang pangalawa kong suhestyon ay ang pakikipagugnayan ng mga guro sa kani-
kanilang mga estudyante. Sa bagong sistema ng edukasyon ngayong pandemya,
maraming mga estudyante ang nahihirapan mag hanap ng signal para maka
access sa internet. Ang internet ay napaka importante sa buhay ng isang mag-
aaral sapagkat ito ang nagiging daan upang magkaroon ng komunikasyon ang
guro at mag-aaral. May mga ilang mag-aaral din na nahihirapang magkaroon ng
access sa internet dahil sa kakulangan ng budget o dahil may mga lugar na hindi
naaabot ng malakas na signal para sa internet. Aking naisip na suhestyon ito dahil
may mga gurong hindi mapagbigay sa mga estudyanteng nagkakaroon ng
problema sa pag pasok sa eskwela dahil sa ganitong klaseng suliranin. Dapat ay
makipagugnayan ang mga guro sa kani-kanilang mga estudyante sa paraan ng
pakikipagusap sa kanila kung ano ba ang problema upang kahit papaano ay
matulungan nila ito at mabigyang konsiderasyon.
 Ang isa ko ring naisip na pamamaraan ay ang pagkakaroon ng seminar para sa
mga guro. Ngayong pandemya, hindi lamang ang mga estudyante ang nagkaroon
ng problema sa edukasyon. Ang mga guro sa paaralan ay may problema ring
nararanasan gaya ng paninibago sa bagong sistema ng edukasyon. Hindi lahat ng
guro ay marunong gumamit ng internet. Isang suliranin din na nararanasan ng
mga guro ay ang pagiisip ng panibaging paraan kung paano nga ba sila magtuturo
sa online learning mode na ating nararanasan ngayon. Ang seminar na aking
suhestyon ay para mabigyan din ng tulong ang ating mga guro dahil maski sila ay
nahihirapan. Sa paraan ng pagkakaroon ng seminar na ito, maraming matututunan
ang mga guro na bagong kaalaman na makatutulong sa kanila ngayong may
bagong sistema na ng edukasyon.
 Isang suhestyon din na aking naisip ay ang pagpapatupad ng isang linggong
academic break. Sa academic break na ito, mababawasan ang pangkalusugang
krisi na nararansan ng mga estudyante at mga guro. Ang isang linggong academic
break na aking suhestyon ay magbibigay ng pahinga na matagal ng inaasam ng
mga estudyante at mga guro. Ang academic break na ito ay isang pagmamalasakit
lamang sa kalusugan ng mga nahihirapan sa bagong sistema ng edukasyon
sngayong pandemya. Ang academic break na ito ay magbibigay ng kaginhawaan
para sa mga estudyante at mga guro na nakakaranas ng stress sa araw-araw na
nararanasang hirap sa pag-aaral. Ang pamamaraan na ito ay magsusulong ng
pahinga ng mga estudyante at guro sa pressure na nararanasan ngayong bagong
sistema ng edukasyon.
 Ang aking huling suhestyon na pamamaraan kung papaano mabibigyan ng
solusyon itong mga suliraning nararanasan sa edukasyon ng isang estudyante sa
gitna ng pandemya ay ang pag bahagi ng mga materyales na tinalakay ng guro sa
klase. Sa pamamaraan na ito, ang mga estudyanteng hindi nakakasabay sa
synchronous na klase dahil sa mahinang signal ay pupwede pa ring mag-aral ng
sarili sa kani-kanilang bahay dahil sa maibabahagi na mga materyales ng teacher.
Maaari ding makipagugnayan sa guro pagkatapos ng synchronous na klase sa
Facebook Messenger at magtanong sa guro kung ano ang hindi naintindihan sa
naibahagi na materyal. Ito ay napakalaking tulong sa mga estudyante sapagkat
napakahirap nga namang makisabay sa ganitong klase ng sistema ng edukasyon.
Hindi lahat ay merong malakas na signal para sa internet na pinaka kailangan
ngayong online class. Sa ganitong pamamaraan, mababawasan ang pressure at
stress na nararanasan ng estudyante dahil sa pagiisip na nahuhuli na siya sa klase.

You might also like