You are on page 1of 4

STUDENTS

Yung solving po Hindi gaanong naiintindihan Kung pano po gagawin, hirap po ako umintindi ng lesson
Kung walang nagsasalita or nagbibigay ng example Kung paano isosolve Yung problem.. Nasabi ko po
itong challenges dahil mabagal po akong makaintindi sa math at kailangan pa po ng malalim na pag
aaral..Ang nakikita ko pong solusyon dito ay mas mahaba pang oras at intindi upang masolusyonan
ang problemang ito.

Mahirap po ksi talaga po ang self learning sa math ksi po nakakalito po yung mga numbers or kung
anong gagawin, hindi din po ksi namin lahat mapick up agad ang lesson kaya po napaka challenging
po samin yun. Pero nag sesend din nmn po ng vid ang teacher namin para may guide pero still po
mahirap po talaga ng mag isa pong nag aaralpo. Ang nakikita kopong solusyon is manood po ng
video ng sinend ng teacher or dikaya po kung hindi parin magets mag search po ng ibang video para
mas maintindihan po, pwedeng pwede din nmn po mag tanong sa teacher po ksi po nag rerespond
nmn po si maam legaspi po saamin at ramdam nmn po nmin na ginagawa po niapo ang best nia para
maintindihan po namin kso po may mga estudyante po talagang hindi po nakikipag communicate sa
teachers kaya po nahihirapan po sila po

Ang mga challenges po ay ang pag so solve nang problems at pag intindi sa lesson kasi po mahina po ako
sa self learning naiintindihan kolang po ang math kapag may nag tuturo.. ang naging solusyon ay
mag search nang mga steps sa YouTube kung pano mag solve step by step kaya unti unti kopong na
gegets

Medyo nahirapan po kase yung iba po sa mga sa math diko po masyadong mag gets kase po yung iba
walang explanation

Mahirap mo talaga ang pagsasagot ng math Lalo na poh destancing learning poh tayoh tsaka poh mapick
up Kasi poh Hnd poh katulad datih na naeexplain ng maayos at naiintindihan poh at Ang challenging
poh samin yun pero poh iniintindi nmn poh nmin yung mga binibigay ng teacher na video na bilang
guide poh sa pagsasagot pero poh nahihirapan po talagah pagwala kapong mapagtatanungan at
Kasama po.. ang naging solusyon ay Ang manuod ng step kung paanoh poh nasasagot o nakukuha
po ang pagsosolve ng mga problems pero po nagegets namn po Lalo na poh kapag yung isip moh
nakatuon poh sa ginagawa mo po

Mahirap po kase talaga pag self learning sa math kase po nakakalito at sa tulad ko pong hindi fast
learner ay nahihirapan po akong intindihin yung lesson at minsan po di ko din po magets yung nasa
video at sobrang challenging po saming mga slow learners na maintindihan yung lesson sa
pamamagitan po ng vid pero at least nandyan po yung teachers para i guide din po kami…Ang
nakikita ko pong sulosyon ay panuodin po namin yung video or mag set po ng meeting para maayos
pong maituro samin ng teachers at para na rin po mas maintindihan namin❤️

1. Self-learning of Mathematics is hard


 kasi po mahirap matuto ng sarili
 kahit po nagreresponse ang teacher sa aming chat at nagsisend ng videos ng
lesson,mahirap parin po matuto mag isa lalo na kapag may computation
 hirap po ako umintindi ng lesson Kung walang nagsasalita or nagbibigay ng example Kung
paano isosolve Yung problem
 Mahirap po ksi talaga po ang self learning sa math ksi po nakakalito po yung mga numbers
or kung anong gagawin, hindi din po ksi namin lahat mapick up agad ang lesson
 Mahirap po kase talaga pag self learning sa math kase po nakakalito at sa tulad ko pong
hindi fast learner ay nahihirapan po akong intindihin yung lesson
2. Teacher’s assistance is needed
 Mas madali magaral kapag may teacher na nagtuturo.
 naiintindihan kolang po ang math kapag may nag tuturo..
 Hnd poh katulad datih na naeexplain ng teacher ng maayos at naiintindihan po…
3. Topics are hard to understand
 kasi may mga topics na hindi ko talaga naiintindihan…”
 Ang mga challenges po ay ang pag so solve nang problems at pag intindi sa lesson kasi po
mahina po ako…
 Medyo nahirapan po kase yung iba po sa mga sa math diko po masyadong mag gets kase po
yung iba walang explanation

PARENTS

di po masyado maintindihan ng mga bata ang math lalo n kung walang nagtuturo. lalo n kung ang
pagbabasehan lng ay ang module at video…sana po may explanation galing s mismong math teacher
nila. sana po kahit twice a week may zoom meet cla ng mga bata para maipaliwanag ang mga gagawin
nila s math.

Ano-ano ang mga nakikitang pagsubok sa pag-aaral ng mga mag-aral ng asignaturang Mathematics? -
hindi masyadong na eelaborate ung mga question , hindi katulad ng nasa classroom na pwedeng mag
raise ng question during discussion. Ano ang maimumungkahing solusyon sa mga pagsubok na ito -
video call pag merong hindi naiintindihan at may tanong ang estudyante.
Sa nakikita ko po talaga subrang hirap po talaga ma'am masabi ko sa po inyuu yun n adviser nila naalala
nyu po sa kin po d po nakakatulong sa pagsagot kahit po ako d ko po alam talaga kaya po ako nakishare
ng internet sa kapitbhay para long may maisagot ang anak ko maam

Yan lng po tlga mging prob. Kc d lhat my internet kong meron.po sn lhat ng acces s internet sn khit po
once a week or a month mgkameron ng tutorial khit online

para sakin po kawalan ng internet connection,sana po makipag coordinate din po ang mga titzer para po
iexplain sa kanila ung mga activity.para magkaroon po sila ng dag dag kaalaman na galing po mismo sa
mga titzer.khit po sana twice a week lng.

Pagdating po tlga sa subject n yan hndi po epektibo yung module lng:( lalo nat struggle dn po ng krmihn
sa magulang ang math:) Sna po tlga kahit twice a week meron man lang face to face via zoom

Sna po mam mag karuon po ng online tutorial kahit po twice amont po mam pra lang malaman ng mga
bata po mam

Maam para po sakin sobrang hirap po mag aral ngayon ng mga istudyante nakikit ko po sakin anak na
nahihirapan sya kasi minsan wala sa libro yung mga isasagot tsaka mahirap po intindihin lalo na math
kailangan talagang iexplain ng mabuti. Ang niiisip ko pong paraan since yung iba wala namang internet
sa bahay kahit magsend nalang po nag video na kung saan na naeexplain po yung proseso ng pag
sosolve. Para po mas mainitindihan at anytime pedeng panoorin ng bata at pedeng idownload para kung
di malinaw mababalikan po nila at matututo sila yung lang salamat po.

1. Self-learning of Mathematics is hard


 di po masyado maintindihan ng mga bata ang math lalo n kung walang nagtuturo. lalo n
kung ang pagbabasehan lng ay ang module at video…
 Pagdating po tlga sa subject n yan hndi po epektibo yung module lng
2. Teacher’s assistance is needed
 sana po may explanation galing s mismong math teacher nila.
 magkaroon po sila ng dag dag kaalaman na galing po mismo sa mga titzer.
 mahirap po intindihin lalo na math kailangan talagang iexplain ng mabuti.
3. Topics are hard to understand
 hindi katulad ng nasa classroom na pwedeng mag raise ng question during discussion.
 Sa nakikita ko po talaga subrang hirap po talaga ma'am
4. Unavailability of Internet connection/resources
 Kc di lahat my internet kong meron
 hirap po mag aral ngayon ng mga istudyante nakikit ko po sakin anak na nahihirapan sya kasi
minsan wala sa libro
 para sakin po kawalan ng internet connection,

TEACHER

Magbigay ng halimbawa at maraming examples na makikita ng lahat ng mga bata, mahirap po kasi
magbigay ng videos tas ippost lang sa messenger, kasi di naman po 100 percent ng mag aaral natin ay
may access sa internet. Though may module naman po sila, kaso ang bata ay di naman maiintindihan
ang samples ng walang nagtuturo na sila lang mismo ang iintindi lalo na po kapag medyo complicated na
ang topics. Na need talaga ng further discussion. Lalo na po kapag ang kasama nila sa bahay (parents) ay
di naman nakatapos ng pag aaral minsan hanggang elementary lang natapos nila.

Nasabi ko pong challenges ito kasi, napakalaking factor po ng need ng tulong at gabay ng bata para
maintindihan ang lesson sa mathematics.

. Una, dahil distance learning po tayo, pwede po sana na kung magbibigay nalang ng worksheets,
(activities) mas pababain ang level ng mga tanong ( di gawing komplikado) upang di gaanong mahirapan
ang bata.

1. Accessibility to Students
 mahirap po kasi magbigay ng videos tas ippost lang sa messenger, kasi di naman po 100
percent ng mag aaral natin ay may access sa internet.
2. Topics are hard to understand
 Though may module naman po sila, kaso ang bata ay di naman maiintindihan ang
samples ng walang nagtuturo
3. Teacher’s assistance is needed
 need ng tulong at gabay ng bata para maintindihan ang lesson sa mathematics

You might also like