You are on page 1of 2

Intro

Magandang araw po. Ako po si Cedric John cawaling – sa kursong BSCS Romblon. Ako po ay
nakatira sa tabugon santa fe romblon, 21 yrs old at ipinanganak noong july 12 2000.ang
Hobbies ko po ay maglaro ng videogames o manood ng anime.
Success
Para sakin po ang success ay kung saan lahat ng pinaghirapan at lahat ng pagod mo ay
nagbunga sa pagkakaroon ng progress. Ang ibig sabihin ko po doon ay nasusukat ko ang success
ko sa mga improvements ko sa sarili, dahil kung nag improve ka sa isang bagay ibig sabihin
successful ang pagtatry kong magsikap. Tulad po sa math, na kahit ilang beses man muna
magkamali kung itry mo ng itry intindihin mapupuna mo din yung mali at eventually
maiintindihan mo rin kung paano itatama.
Course
Pinili ko po ang kursong Computer Science unang una ay dahil gusto ko po itong kurso na to at
available sya sa malapit lamang na school. Pangalawang rason ay dahil mayroon akong
pagkapamilyar sa subject especially sa programming. Pangatlong rason ay dahil mahilig din ako
sa computer, dahil nga sa mga games at mga apps. Dahil don tingin ko naman po pwede ko
nang tawagin sarili ko na computer literate at totoo naman din pong interested po talaga ako sa
Computers.
Learnings
Prelim:
Noong prelim, ang natutunan ko po ay ang kung ano yung rules para magtanggal ng parenthesis
at tamang pag apply nito para makuha ang dapat magiging signs after mag insert or magremove
ng parenthesis at kung ano dapat ang tatandaan kapag ang sign bago ang parenthesis ay either
positive o negative.
Meron din pong recap kung saan itinuro ulit ang basics ng algebra tulad ng kung paano alamin
ang tamang sign kapag nag aadd ng numbers na may opposite sign, tamang gamit ng exponents
at pagtukoy ng binomial o polynomials. Sa pagtatapos naman ng lesson natutunan ko din kung
paano magsolve ng algebraic expressions sa ibat ibang operasion tulad ng division at
multiplication.
Midterm
Sa pagstart ng midterm nareview ang lesson noon pang high school na factoring at mga special
products dito natutunan ko pa ng husto ang paggamit ng foil method kahit dati madalas ako
malito dito. Natutunan ko dito ang kahalagahan ng pagtuklas sa gamit ng square root especially
sa factoring.
Pagkatapos ireview ang factoring ay nagpatuloy ang lesson sa fractions. Ginamit ang natutunan
sa factoring para sa pagsolve ng pagrereduce ng fraction sa lowest term. Last topic sa midterms
ay ang pag aalam naman sa kung paano mag multiply at divide ng fractions at complex fractions
kung saan involved parin ang factoring para masolve.
Finals
Sa finals naman ay inintroduce ang pag iintindi sa equations. Kung saan natutunan ko ang
difference ng identical at conditional equation. Dahil doon natuto akong mag proving ng
equation. Ang sunod naman na tinalakay ay graphing linear equation. Nong nagets ko yung
lesson sa Linear equations nagging madali nalang intindihin ang coordinate systems although
nalilito parin ako minsan sa pagpaplot iniintindi ko din naman ng maayos ang pagkakamali ko.
Moving on sa next lesson, sa panimula ay may review tungkol sa index law at pagkatapos
naman ay nagproceed na sa radicals. Dito natutunan ko ang steps sa tamang pagsosolve ng
numbers na may exponents.
Pagkatapos matutunan ang about sa exponents ay natuto din ako sa tamang steps ng pagsolve
ng rational at irrational expressions at sa ibang situations tulad ng pagkakaroon ng negative na
exponent at fractional exponents.
Suggestion
Masaya ang experience ko kay Maam Judy Ann sa subject pong ito.Elementary palang po ako
alam ko po sa sarili ko na hirap ako sa math at dahil don nagging least favorite ko ang subject
nato. Pero ngayong college ako dala na rin ng maturity ko at sa galling magturo mo po maam ay
nagging maayos naman po at marami akong natutunan, at higit na nakatulong ang pangreview
ng ibang lessons na tinalakay nong junior high. Ang suggestion ko lamang po para sa inyo bilang
isang estudyante nyo po ay sana po may additional po na examples na binibigay na about
naman po sa mga mas complex po na problems, yun ay dahil po kapag exams po may mga
problems na diko alam ang gagawin dahil diko po alam na pwede pala gawin. Yun lamang po at
marami pong salamat sa iyong pagtuturo ma’am. 

You might also like