You are on page 1of 32

1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Ikaapat na Markahan

Modyul

http://clipart-library.com/clipart/1199438.htm
http://clipart-library.com/clipart/1199438.htm

1
1
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan

Naipakikita ang pagmamahal sa magulang at


mga nakatatanda, paggalang sa paniniwala
ng kapwa at palagiang pagdarasal

2
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 1 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa Pagsasabuhay sa pag-unawa sa
kahalagahan ng pagpapasalamat sa lahat ng biyayang
tinanggap at pagpapakita ng pag-asa sa lahat ng pagkakataon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan
silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

3
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ESP 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling sa Pagsasabuhay sa
pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat sa lahat ng biyayang
tinanggap at pagpapakita ng pag-asa sa lahat ng pagkakataon.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may
mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang b ahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

4
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong natut
uhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin
Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

5
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:

1. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat


pagsasanay.
2. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
3. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
4. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro
o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

6
Aralin 1 Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa utos ng magulang EsP1PD-Iva-c-1

Alamin

Inaasahan na iyong matututunan ang pagsunod sa


magulang . Ang aralin na ito ay tungkol sa pagiging
masunurin sa magulang. At para sa maayos na samahan sa
tahanan at pamayanan.

Subukin

Panuto:
Basahin at unawain ang kwento at sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.

Mga Tala para sa Tagapagdaloy


Kakailanganin ang tulong ng magulang o
sinumang kasama sa bahay para basahin at
patnubayan iparinig sa bata ang kuwento o tula
na nasa modyul na ito.
Si Maya, ang Batang Masunurin
ni Shieren F. Enriquez

7
Si Maya Ang Batang Masunurin
Ni: Shieren F. Enriquez

“Maya, anak gumising ka na. May pasok ka pa sa online class


mo”. wika ng kanyang Ina.
“Opo, Inay!” Magalang na wika ni Maya.
Araw- araw ay nakaugalian nang gisingin ng kaniyang Ina si
Maya sapagkat mahimbing ito kung matulog. Si Maya ay isang
masunuring bata kaya’t kinagigiliwan siya ng buong pamilya.
Sinusunod niya ang anumang ini-uutos at ang mga pinagbibilin sa
kanya. Pagkagising niya ay agad niyang inayos ang kanyang kama,
naliligo at pagkatapos ay kumakain siya ng kanyang agahan. Maya
maya pa ay nagbukas ng kanyang laptop para sa kanyang online
class.Maging ang kanyang guro ay kinagigiliwan siya dahil sa
pagiging handa nito sa mga talakayan.

“Mga bata, pagkatapos ng ating online class ay gawin ninyo ang


inyong takdang aralin at mga gawaing bahay” wika ng kanilang
guro.
Pagkatapos ng klase ay agad-agad na kinuha ni Maya ang
kanyang takdang-aralin at sinimulan na ito.
“Maya! Maya! Maya! Maaari mo ba ako anak tulungan ligpitin
ang mga sinampay na damit? Madilim ang langit at nagbabadya
ng malakas na ulan” nag-aalalang wika ng kanyang Ina.
“Opo, Inay” agad na tugon ni Maya.
Mabilis niyang iniwan ang kanyang gawain at tinulungan ang
kanyang Ina sa pagliligpit ng mga damit. Pagkaraan ng ilang
saglit ay bumuhos na ang malakas na ulan. Bumalik si Maya sa
kanyang kwarto at ginawa muli ang kanyang takdang-aralin.

8
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang pamagat ng kwento?


2. Sino ang batang masunurin?
3. Bakit kinagigiliwan si Maya ng kanyang pamilya at guro?
4. Paano ipinapakita ni Maya ang pagiging masunurin?
5. Kung ikaw si Maya, gagawain mo rin ba ang kanyang ginawa?

Balikan

Panuto: Lagyan ng thumbs up ang larawan na nagpapakita ng


pagiging masunurin at thumbs down naman kung hindi.

___1. ___2.

___3. ___4.

___5

9
Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong.

Batang Masunurin
J.Y. Monterola

Ako sa Jose Santos,


Isang batang masunurin.
Madalas napupuri, dahil utos nila’y kay bilis sundin.

Kapatid, nakatatanda o magulang,


Sila’y sinusunod ko.
Marapat na igalang,
Dahil sila’y mahal ko.

Sagutin ang mga tanong.


1. Tungkol saan ang tula?
2. Sino ang batang masunurin?
3. Kaninong mga utos ang kanyang sinusunod?
4. Bakit kailangan natin sundin ang utos ng ating mga magulang?
5. Sumusunod ka rin ba sa utos ng nakatatanda? Bakit?

10
Suriin

Panuto: Basahin ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang


pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.
_____1. Ang pagsunod sa utos ng mga magulang ay isang
pagpapakita ng paggalang.
_____2. Ang pagiging masunurin ay isang magandang
kaugalian.
_____3. Kapag ang bata ay sumusunod sa nakatatanda, siya ay
kinagigiliwan ng madla.
_____4. Dapat na sumunod sa utos ng magulang lalo na kung ito
ay para sa ikabubuti ng sarili.
_____5. Ang pagsunod sa utos ay pagpapakita ng pagsuway sa
magulang.

Pagyamanin

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung ang gawain ay nagpapakita ng


pagsunod sa utos ng magulang at ekis (✖) kung hindi.

____1. “Opo, nanay ako na po ang magbabantay kay bunso.”


____2. “Si ate naman po ang utusan ninyo. Lagi nalang ako eh!”
____3. “Kuya, ikaw nalang ang kumuha ikaw naman ang nandyan”
____4. “Sige po, tatay ako na po ang maglalagay nito sa lagayan.”
____5. “Nanay matatapos ko na po linisin ang kwarto ko.”

11
Isaisip

Pinagpapala ng Diyos ang batang masunurin sa magulang.


Ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung ito ay may
pagmamahal ay isang kadakilaan at kabanalan. Maaari rin itong
ituring na kabayanihan.

Isagawa

Panuto: Suriin ng mabuti ang tseklist. Lagyan ng bituin ang kolum ng


iyong sagot.

Gawain Madalas Minsan Hindi


1. Sinusunod ang utos ni nanay at
tatay.
2. Ginagawa agad ang tagubilin
ni nanay na linisin ang kwarto.
3. Hindi sumusunod sa utos ng
tatay na maghugas ng mga
pinggan.
4. Dinidiligan ang mga halaman ni
lola kapag inuutusan.
5. Lumalapit kaagad kapag
tinatawag ng lolo.

12
Tayahin

Panuto: Piliin ang mga pahayag na nagpapakita ng pagsunod sa


utos ng mga magulang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa loob ng
lobo.

A. “Sige po tatay iaabot ko na lang po sa inyo ang tuwalya”


B. “Iba nalang ang utusan mo, nanay lagi na lang po ako!”
C. “Masusunod po, lola.”
D. “Opo nanay, gagawin ko po agad ang inuutos niyo.”
E. “Sige po ako na ang magliligpit ng pinagkainan”
F. “Opo, tatay gagawin ko na ang aking takdang-aralin”
G. “Ayoko nga maligo ngayon, ang lamig ng tubig!”

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng malaking puso at iguhit sa loob nito ang iyong


sarili kasama ang magulang mo. Ilagay sa ibaba ng puso ang iyong
pangako na susunod ka sa utos ng mga magulang mo.

Sanggunian: Melc in EsP 1, -https://www.youtube.com,


/watch?v=hVE9snl7C0, google photos

Sinulat ni: Antonieta M. Baldicañas


Eskwelahan: Camella Elementary School

14
Aralin
2 Nakasusunod sa utos ng nakatatanda.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa utos ng magulang at nakatatanda. EsP1PD-IVf-g-3

I. PAKSA

Aralin IV: Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos

II. LAYUNIN

Nakasusunod sa utos ng magulang at nakatatanda.

III. NILALAMAN
Tungkol saan ang aralin na ito?

Ang modyul na ito ay tungkol sa


pagsunod sa utos ng ating mga magulang
at nakatatanda. Mahalaga ang pagsunod
sa utos ng ating mga magulang o
nakakatatanda dahil ito ay nagsisilbing
gabay sa ating pang-araw araw na
gawain. Magiging matagumpay ang
batang masunurin sa kanilang buhay.
Igalang at mahalin ang iyong mga
magulang at nakatatanda sa iyo.

15
IV. PAMAMARAAN

Basahin ang maikling kwento:

Ang Munting Gamo-gamo

Isang araw, magkasama ang


mag –inang Gamo-gamo sa pama-
masyal.

Nakakita si Munting Gamo-gamo ng


liwanag na nagmumula sa ilawan.
Ibig ni Munting Gamo- gamo na
lumapit sa ningas ng ilawan.

“Huwag kang lalapit sa ilaw,


Anak”, ang sabi ng inang Gamo-
gamo. “Masusunog ang iyong mga
pakpak”.

Hindi sumunod si munting gamo


gamo. “Matatakutin si Inang Gamo-
gamo. “

Hindi ako natatakot sa ilaw”, ang sabi ng mayabang na si


munting gamo-gamo.

Noon din ay lumapit si Munting Gamo-gamo sa ningas ng


ilawan at nasunog nga ang kanyang mga pakpak.

16
V. MGA GAWAIN

A. Gawain 1 (Alamin at Isagawa)


Basahing mabuti ang mga checklist. Lagyan ng tsek (✓) ang
kolum ng iyong sagot.

Palaging Paminsan- Hindi


Ako ay ginagawa minsang Ginagawa
ginagawa
1. Nagdadabog
kung ako ay
tinatawag ng aking
nanay.
2. Umuuwi sa
tamang oras ayon
sa bilin ng aking
tatay.
3. Nag-aaral ng
mabuti dahil iyon
ang bilin ng aking
mga magulang.

4. Kumakain at
natutulog sa
tamang oras .
5. Nagpapaalam
kung saan ako
pupunta.

17
B. Gawain 2 (Isapuso at Isabuhay)

Iguhit ang puso sa patlang kung ginagawa mo ang isinasaad ng


bawat pangungusap at naman kung hindi.

_____1. Sinusunod ko kaagad ang mga utos ng aking magulang.


____ 2. Umuuwi ako kaagad pagkalabas ng klase.
____ 3. Magalang akong sumasagot pag tinatawag ako ni lola.
____ 4. Iniiwasan kung gawin ang ayaw ng aking magulang.
____ 5. Kailangang bigyan ako ng pabuya bago ko gawin ang
ipinagbibilin ng aking mga tiya.

VI. PAGTATAYA

Iguhit ang sa iyong papel kung ang sitwasyon ay


nagpapakita ng pagiging masunurin sa nakatatanda.

___ 1. Ayaw mong samahan ang nanay mo sa palengke.

___ 2. Hindi mo pinapansin kapag tinatawag ka ng iyong ate.

___ 3. Sinunod mo ang mga utos ng tatay mo .

___ 4. Magtago sa loob ng kwarto upang makaiwas sa mga utos

___ 5. Tinulungan si ate sa paghuhugas ng plato.

18
VI. PAGNINILAY

Kumpletuhin ang pangungusap.

Ang natutunan ko sa araling ito ay


__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
___________________________________________________.

Sanggunian: K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao 1


(Kagamitan ng Mag-aaral)
https://bit.ly/2tgghFhy, http://bit.ly/3tysQykGk,
http://bit.lR/3votcVm, https://bit.lytrfx2PXVtO5,

Isinulat nina:
Madel B. Sabadlab
Maria Vie S. Lombrio
Eskwelahan:
Talon 3 Elementary School

19
Aralin
Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos
3

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa.EsP1PD-IVf-g-3

Pag
I.PAKSA:
Pag uugnay
Aralin IV: Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang
kuwento
II.LAYUNIN

Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa.

III. NILALAMAN

Tungkol saan ang aralin na ito?

Ang modyul na ito ay tungkol sa


pagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng ating kapwa.
Bagama’t iba-iba ang ating paniniwala, mahalagang igalang ang
mga ito. Ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa
paniniwala ng iba ay ang mga sumusunod:

20
➢ Pakikipagkaibigan sa may ibang paniniwala
➢ Paggalang sa lugar ng sambahan ng iba
➢ Pagkakaroon ng bukas na isipan at pagrespeto sa
kanilang paniniwala
➢ Paggalang sa kanilang paraan pakikipag-ugnayan o
pagsamba

IV. PAMAMARAAN

Basahin ang maikling kwento:

Araw ng Linggo. Ang mag-anak na Santos ay


namamasyal. Galing sila sa pagsamba sa bahay dalanginan.
Habang naglalakad, napansin ng bunsong si Ana ang isang
pamilyang kakaiba ang kasuotan.
“Inay, bakit po iba ang suot nila?” tanong ni Ana. “Hindi
rin natin katulad ang kanilang relihiyon,” wika naman ni Carlo.
“May sarili silang paniniwala tungkol sa Dakilang Lumikha”,
paliwanag ng kanilang ina. “Paano po iyon, magkaiba kami ng
paniniwala ng mga kaklase namin”? Tanong ng magkapatid.
“Ang pagkakaiba ng ating paniniwala ay batay sa ating
relihiyong kinabibilangan. Gayunpaman, hindi naman hadlang
ang pagkakaiba ng inyong paniniwala upang maging
magkaibigan kayo”. Sagot ng kanilang mga magulang.

21
MGA GAWAIN

A. Gawain 1 (Alamin at Isagawa)

Panuto: Kulayan ang larawan na nagpapakita ng paggalang sa


paniniwala ng iba.

22
B.Gawain 2 (Isapuso at Isabuhay)

Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓ ) kung ang sitwasyon ay

nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba at ekis ()


naman kung hindi.

____ 1. Maayos na kinakausap ni Mara ang bagong kaklaseng


kabilang sa Iglesia ni Cristo.
____2. Pinagtawanan ni Jay si cris nang ito ay nagsisimba.
____3. Magalang na nagtatanong si John kay Nico tungkol sa
kanilang ibang paniniwalang panrelihiyon.
___ 4. Ayaw mong pumasok sa sambahan ng ibang relihiyon.
___ 5. Tinutukso si Kyla dahil sya ay nagdarasal ng taimtim.

23
V. PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang sinasaad sa bawat sitwasyon.


Iguhit ang masayang mukha kung tama at malungkot na mukha
kung mali.

___ 1. Nirerespeto mo ang relihiyon ng mga kaibigan mo.

___ 2. Pinagtatawanan nina Mark, Ben at Gabby ang kanilang


kaibigang umaawit ng papuri sa Diyos.

___ 3. Kumakain si Jay habang nasa loob ng simbahan.

___ 4. Maingay sina Sam at Eric sa loob ng simbahan.

___ 5. Magalang na nakikinig si Jenny sa sermon ng pari.

24
VI. PAGNINILAY

Kumpletuhin ang pangungusap.

Ang natutunan ko sa araling Gusto ko pang malaman;


ito;_________________________ ______________________________

______________________________________________

Sanggunian: K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao 1


(Kagamitan ng Mag-aaral)

Isinulat nina:
Madel B. Sabadlab
Maria Vie S. Lombrio
Eskwelahan:
Talon 3 Elementary School

25
Aralin
Nakakasunod sa mga gawaing panrelihiyon
4

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakakasunod sa mga gawaing panrelihiyon

I.PAKSA
Nnjhkhj
Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos EsP1PD-Ivf-g-3
Pag
II.LAYUNIN
Pag uugnay
Nakasusunod sa mga gawaing panrelihiyon
Naiuugnay ang sariling karanasan sa
V.napakinggang
NILALAMAN kuwento

Tungkol saan ang aralin na ito?

Ang aralin na ito ay tungkol sa pagpapakita ng


pagsunod sa mga gawaing panrelihiyon. Ang pagpili ng nais
na relihiyon ay isa sa karapatan ng tao. Iba't iba ang paraan ng
pananampalataya at pagsimba ng mga relihiyon sa ating
bansa.
Kung kaya't sila ay nagsisimba sa iba't ibang araw.
Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas tulad ng
pasko, pista, mahal na araw, santakrusan, ramadan at marami
pang iba. Isinasagawa rin ito sa iba't ibang buwan sa buong
taon. Makikita rito ang mga kaugalian at katangiang Pilipino.

26
VI. PAMAMARAAN

Basahin at unawain.

Tungkol saan ang mga larawan? Sinusunod mo ba ang mga


gawaing panrelihiyon? Paano mo ito ginagawa?

27
VII. Mga Gawain

A. Gawain 1 (Alamin at Isagawa)


Panuto: Isulat ang PASKO kung ang pangungusap ay
tama at PISTA naman kung mali.

____1. Sama-samang nagdadasal ang aming pamilya


bago matulog.
____2. Nagsisimba ang mag-anak tuwing Linggo.
____3. Nagpupunta sa mosque ang mga muslim upang
sumamba.
____4. Pinagtatawanan ni Jacob ang kaniyang kaibigan
tuwing nagsisimba.
____ 5. Magdasal bago at pagkatapos kumain.

B.Gawain 2 (Isapuso at Isabuhay)


Panuto: Piliin ang tamang daan ng bata kung saan nagpapakita
ng pagsunod sa mga gawaing panrelihiyon upang magkaroon ng
magandang kinabukasan. Pagdugtungin ang mga putol-putol na
guhit.

28
IV. PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang letra na nagpapakita ng pagsunod sa mga
gawaing panrelihiyon.
1. Ang paniniwala ng isang tao at kanilang sinasamba ang
kanilang pinaniniwalaang diyos. Ito ay ____.
A. Relihiyon C. Rehiyon
B. Pamilya D. Katoliko
2. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyunan
ang anumang problema?
A. paglalaro C. pagtakas
B. pagdarasal D. pagtatago
3. Gawaing panrelihiyon kung saan ito ang araw ng
pagpapalitan ng regalo o handog sa mga kamag-anak, at
mga sorpresa mula kay Santa Claus, pangangaroling,
pagdedekorasyon at iba pa.
A. bagong taon C. Pasko
B. pista D. Mahal na raw
4. Pinakakilalang pangrelihiyong pagdiriwang kung saan ito
ay nagbibigay kulay tuwing sasapit ang buwan ng Mayo.
A. Pasko C. Santakrusan
B. bagong taon D. Araw ng mga patay
5. Dapat bang magdasal at magsimba ang mag-anak?
A. Hindi C. marahil
B. Oo D. hindi sigurado

29
V. PAGNINILAY
Gumupit ng isang pamilya na sabay na nagdarasal.
Idikit ito sa papel.

Sanggunian:
https://bit.ly/2OTLwoE, http://bit.ly/3rOQykG,
http://bit.ly/3votcVm, https://bit.ly/2PXXyO5,
http://bit.ly/30J52a8, http://bit.ly/2Onjpyj,
https://bit.ly/3dc7FqF

Isinulat ni: Jinelyn O. Nuñez


Eskwelahan: CAAES-Annex

30
31
ARALIN 2
Gawain 1 Gawain 2 Pagtataya
1. Hindi Ginagawa 1. 1.
2. Palaging Ginagawa 2. 2.
3. Palaging Ginagawa 3. 3.
4. Palaging Ginagawa 4. 4.
5. Palaging Ginagawa 5. 5.
ARALIN 1
Balikan Suriin Pagyamanin
Tayahin
1. 1. TAMA 1. ✔ 1. A
2. 2. TAMA 2. ✖ 2. C
3. 3. TAMA 3. ✖ 3. D
4. 4. TAMA 4. ✔ 4. E
5. 5. MALI 5. ✔ 5. F
Susi sa Pagwawasto
32
ARALIN 4
Gawain 1 Gawain 2 Pagtataya
1. PASKO 1. A
2. PASKO 2. B
3. PASKO 3. C
4. PISTA 4. C
5. PASKO 5. B
ARALIN 3
Gawain 1 Gawain 2 Pagtataya
1. ✔ 1. 🙂
2. ✖ 2. 🙁
3. ✔ 3. 🙁
4.✖ 4. 🙁
5.✖ 5. 🙂

You might also like