You are on page 1of 32

1

Filipino
Ikalawang Markahan-Modyul 1:
Paggamit ng Magagalang na
Pananalita at Pagsunod sa
Napakinggang Panuto
Filipino – Unang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Paggamit ng Magagalang na Pananalita at Pagsunod sa
Napakinggang Panuto

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ame Grace I. Pamongcales
Editor: Cristy S. Agudera, EdD, Lorna C. Ragos
Tagasuri: Cristy S. Agudera, EdD, Ellen Generalao
Tagaguhit: Dwight Jehan T. Patao
Tagalapat: Jecson L. Oafallas, Ame Grace I. Pamongcales
Tagapamahala: SDS Dr. Josephine L. Fadul
ASDS Melanie P. Estacio, EdD
CID Chief Christine C. Bagacay, EdD
EPS Filipino Cristy S. Agudera, EdD
EPS LRMS Lorna C. Ragos, EdD

Printed in the Philippines by

Department of Education – Region XI

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph


1

Filipino
Ikalawang Markahan-Modyul 1:
Paggamit ng Magagalang na
Pananalita at Pagsunod sa
Napakinggang Panuto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino –
Unang Baitang ng Self-Learning Module (SLM) para sa Sigla sa
Pagkatuto.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit panghikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino –
Unang Baitang ng Self-Learning Module (SLM) ukol sa Sigla sa
Pagkatuto.

i
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa
iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang
Alamin Natin
mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
Subukin Natin aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Aralin Natin
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan kang
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
Gawin Natin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawain para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
Sanayin Natin upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa

ii
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan
o pupunan ang patlang ng
Tandaan Natin
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Ito ay gawain na naglalayong
Suriin Natin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Payabungin iyong panibagong gawain upang
Natin pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Pagnilayan makatutulong sa iyo upang maisalin
Natin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang
Ito ang talaan ng lahat ng
Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit
ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
iii
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutan lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahihirapang sagutan


ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na
ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto
at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Aralin Paggamit ng Magagalang
1 na Pananalita

Alamin Natin
Magandang araw sa iyo! Kumusta ka? Nasasabik ka
na bang matuto? Kung gayun, tayo ay magsisimula na.

Sa modyul na ito, matutuhan mo ang paggamit


ng magagalang na pananalita sa angkop na sitwasyon
tulad ng pagkilala sa sarili, pagbati at pagpapahayag ng
karanasan. May mga gawain na aking inihanda para sa
iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:


• nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop
na sitwasyon tulad ng pagpapakilala ng sarili,
pagpapahayag ng sariling karanasan at pagbati
(F1WG-IIa-1).

1
Subukin Natin

Sa bahaging ito, susukatin natin ang iyong kaalaman


tungkol sa unang aralin. Sagutin nang may katapatan at
pagpapahalaga sa oras ang kasunod na gawain upang
matukoy natin kung gaano ka kahanda para sa unang
aralin.

Panuto: Basahing mabuti ang mga magagalang na


pananalita sa Hanay A at Hanay B. Itambal ang bawat
isa sa pahayag na angkop sa paraan ng paggamit.
Pagkabitin ng guhit.

HANAY A HANAY B

1. Nakita ko itong naiwan mong A. Walang anuman.


pera. Heto, o.

2. Magandang gabi po. B. Mabuti naman.

3. Salamat sa paghatid mo sa C. Salamat sa iyo.


aking gamit.

4. Ayay! Natapakan mo ako. D. Magandang gabi


rin sa iyo.

5. Opo, ligtas kaming nakauwi. E. Pasensiya na,


hindi ko sinasadya.

2
Aralin Natin

Sa bahaging ito, kailangan mong basahin ang


usapan sa kasunod na pahina tungkol sa stomach flu. Ito
ay para masukat ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa
binasang talata at upang maihanda ang inyong sarili
para sa pangunahing aralin. Makikita rin sa talasalitaan
ang mga salitang may mahirap na kahulugan.

Talasalitaan:

1. stomach flu- pagtatae at


pagsusuka sa mga bata ay
sanhi ng virus.

2. pagduduwal-pagkahilo

3. trangkaso- isang nakahahawang


sakit na karaniwang nagdudulot
ng matinding lagnat, pananakit
ng ulo, at pamumuo ng madikit
na plema sa lalamunan.

4. sintomas-palatandaan

3
5. virus- nakahahawa at
nakamamatay na sakit

6. alcohol-based – isang likido


na ginagamit panlinis at
proteksyon laban sa mikrobyo
o virus

7. sanitizer - isang likido na ginagamit


panlinis at proteksyon laban sa
mikrobyo o virus

8. palikuran- parte ng bahay o lugar


kung saan tayo ay naglalabas ng
dumi mula sa ating mga katawan

Ano nga ba ang Stomach Flu?


Isinulat ni: Ame Grace I. Pamongcales

Nagtataka si Mae kung bakit na lumiban sa klase ang


kaniyang kaibigan na si Carlo. Kaya naman nagdesisyon siya
na pupuntahan niya ang kaniyang kaibigan para malaman
ang dahilan ng pagliban nito sa klase.

4
Mae: Tao, po. Tao, po? Nandiyan po ba si Carlo?
Ana: Hello Mae, ikaw pala. Pasok ka muna.
Mae: Salamat po Ate Ana. Ano po nangyari kay Carlo?
Ana: Naku, si Carlo ay nasa loob ng kuwarto. Nagpapahinga
kasi siya dahil masama ang kaniyang pakiramdam dulot
ng stomach flu.
Ana: Ayon sa doktor, ito ay sanhi ng virus ngunit wala itong
kinalaman sa trangkaso. Ang virus na ito ay nakaaapekto
sa sikmura at bituka. Kadalasang tumatagal ito ng
2 hanggang 7 araw.
Mae: Ano-ano po ba ng mga sintomas nito?
Ana: Ang mga sintomas nito ay pananakit at pagtigas ng tiyan,
pagduduwal, pagsusuka, kawalan ng pagkontrol sa
pagdumi, lagnat at giniginaw at higit sa lahat may dugo
ang dumi.
Mae: Paano naman po ito maiiwasan?
Ana: Gaya ng pag-iwas sa COVID-19, kailangan nating
tandaan na ang paghuhugas gamit ang sabon at tubig at
paggamit ng alcohol-based na sanitizer ay siyang
pinakamainam na paraan upang mapigilan ang pagkalat
ng impeksiyon. Hugasan ang mga kamay bago at
pagkatapos kumain. Linisin ang palikuran pagkatapos
gamitin.
Mae: Napakahalaga pala ng paghuhugas ng kamay kasi
maraming benepisyo ang makukuha at makakaiwas pa
sa mga sakit. Sige po Ate Ana, bibisita na lang po ako ulit.
Balitaan ninyo po ako kung gumaling na si Carlo. Paalam
po.
Ana: Sige Mae, maraming salamat at mag-ingat ka.

5
Pag-unawa sa Binasa: Bilugan ang tamang sagot.

1. Bakit lumiban sa klase si Carlo?


A. Nagkasakit siya sa mata.
B. Nagkaroon siya ng stomach flu.
C. Matindi ang kaniyang trangkaso.

2. Paano maiiwasan ang stomach flu?


A. pagkain araw-araw ng maraming pagkain
B. paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain
C. pagpupuyat gabi-gabi

3. Ilang araw ang itinatagal ng virus sa katawan kung


mayroong stomach flu?
A. 2-4 na araw B. 2-5 na araw C. 2-7 na araw

4. Alin sa sumusunod ang hindi sintomas ng stomach flu?


A. pananakit at pagtigas ng tiyan
B. pag-ubo at pananakit ng mga kamay
C. kawalan ng pagkontrol sa pagdumi

Gawin Natin
Pansinin mo ang mga ilang pangungusap mula sa
binasang usapan na nasa kahon. Ikumpara ito sa
kasunod na kahon sa ibaba.
1. Tao po. Tao po?
2. Salamat po Ate Ana.
3. Sige Mae, maraming salamat at mag-ingat ka.

1. May tao ba diyan?


2. Salamat Ana.
3. Sige Mae, mag-ingat ka.

6
Gabay na tanong para sa sariling pagkatuto:
1. Aling kahon ng mga pangungusap ang magandang
gamitin sa pakikipag-usap dahil nagpapakita ito ng
paggalang?
2. Napapansin mo ba ang mga salita na
nagpapahayag ng
paggalang sa kapwa? Ano-ano kaya ang mga
salitang ito?

Ang paggamit ng magagalang na pananalita na


angkop sa sitwasyon ay napakahalaga. Napapanatili
nito ang magandang relasyon sa kapuwa. Maaari rin
itong magbunga ng magandang reputasyon at
pananaw sa buhay.

Ang magalang na pananalita ay maaaring gamitin


sa iba’t-ibang sitwasyon. Pag-aralan ang mga
halimbawa na nasa kahon.

Sitwasyon Halimbawa
• Magandang umaga po.
Pagbati • Magandang gabi po.
• Kumusta na po kayo?
• Pasensiya na po.
• Hindi ko po sinasadya.
Paghingi ng • Patawad po.
Paumanhin • Paumanhin po sa aking nagawa.
• Ipagpatawad po ninyo ang aking
nagawa.
• Tuloy po kayo sa aming munting
Pagtanggap ng tahanan.
Panauhin • Pasok po kayo.
• Dito po muna kayo maghintay.
7
Paghingi ng • Saglit lamang po, maaari po ba
Pahintulot at akong magsalita?
Pakiusap • Pasensiya na po kung kami ay nahuli.
• Ako po ay si Kylle, ang inyong
bagong kaklase.
• Siya po si Martha. Siya ang tutulong
Pagpapakilala
sa proyekto natin.
• Nais ko pong ipakilala ang aking
kaibigan na si Jezel.
• Marami pong salamat sa inyong
Pagpapasalamat regalo.
• Maraming salamat po sa tulong.
Mahalagang maalala at magamit ang magagalang
na pananalita sa pang-araw-araw na buhay. Maaaring
simulan ito sa tahanan, paaralan at sa mga kaibigan.
Nawa’y gamitin ninyo ang inyong natutuhan.

Sanayin Natin

Sa bahaging ito, susukatin natin ang iyong kaalaman


tungkol sa paggamit ng magagalang na pananalita.
Bilugan ang titik ng wastong pagsagot o pagpakikilala na
dapat sabihin sa sumusunod na sitwasyon.

1. Nakasalubong ninyo ng iyong


tatay at nanay ang iyong
punong-guro. Paano mo siya
ipakikilala sa kanila?

8
A. Uy, kilala kita! Tatay at nanay ko pala.
B. ‘Tay, ‘Nay, nais ko pong ipakilala sa inyo ang aming
punong-guro.
C. ‘Tay, ‘Nay, tingnan mo ang aming punong-guro.

2. Dumating sa inyong bahay


ang iyong ninang at binigyan ka
ng maagang pamasko.
Ano ang sasabihin mo sa kaniya?

A. Sa wakas nagbigay ka rin!


B. Maraming salamat ngunit bakit ito lang?
C. Marami pong salamat sa iyong binigay na regalo
ninang!

3. Aalis ka na upang pumasok


sa paaralan. Paano ka
magpapaalam sa iyong mga
magulang?

A. Aalis na ako ha!


B. Huwag ninyo na akong hintayin.
C. Paalam po at ako’y papasok na.

4. Bigla mong naapakan ang paa


ng iyong kapatid. Paano ka hihingi
ng paumanhin?

A. Ayan, naapakan ka tuloy. Umayos ka kasi!


B. Paumanhin at ika’y naapakan. Hindi ko sinasadya.
C. Tingnan mo tuloy nadumihan ang paa ko!

9
Tandaan Natin
Sa bahaging ito, kailangan mong suriin ang
iyong sarili kung sapat ba ang iyong natutuhan. Punan
ang patlang upang mabuo ang kaisipan.

Nalaman kong
magagamit ang mga
______________ na
pananalita sa angkop na
sitwasyon tulad ng
_______________________,
_______________________ at
________________________.

Suriin Natin
Pagtibayin natin ang iyong natutuhan sa unang
aralin. Iguhit ang na mukha kung ang pahayag ay
nagpapakita ng wastong paggamit ng magagalang na
pananalita at kung hindi.

________ 1. Maaari po ba akong makahingi ng tubig?

________ 2. Bakit po inay, ano po ang nangyari?

________ 3. Umalis kayo, wala akong maibibigay sa inyo!

________ 4. Pakiusap, kunin mo ang aking aklat.

________ 5. Tulungan niyo po ako sa aking dinadala.


10
Payabungin Natin
Sa bahaging ito, may babasahin kang tula na
magpapayabong pa sa iyong pagkatuto tungkol sa
ating aralin ngayon. Sinasalamin din sa tulang ito na
dapat ipagmalaki ang ugat ng ating pinagmulan at ang
pagiging magalang ay kaugaliang dapat isaalang-alang
anong tribo, kultura o lahi mam tayo napabilang.

Mansaka Ako, Magalang Ako


Isinulat ni: Ame Grace I. Pamongcales

Ako si Dina, isang batang Mansaka


Pinalaki ako na may respeto sa kapuwa
Paggalang sa mga nakatatanda
Paalala palagi ni ama at ina.
Gamit ang aking katutubong wika
Magagalang na pananalita
Aking pinamamalas sa madla
Pinagmamalaki, buong galak at tuwa.
Madyaw na masurom! Magandang umaga po!
Madyaw na gabila! Magandang tangahali po!
Madyaw na gabi! Magandang gabi po!
Unda ku must a? Kamusta po?
Untong saramat! Salamat po!
Iilan lamang sa mga magagalang na pananalita
Na aking sinasambit sa wikang Mansaka
Ating tatandaan, anumang tribo man tayo
napabilang
Iba’t-ibang wika at kultura man ang kinalakihan
Respeto at paggalang, laging isaalang-alang.
11
Isulat sa patlang ang kahulugan ng sumusunod na
pangungusap.

1. Madyaw na masurom! ________________________


2. Untong saramat! ________________________
3. Madyaw na gabi _______________________
4. Unda ku must a? ________________________
5. Madyaw na gabila! ________________________

Pagnilayan Natin
Sa puntong ito, nawa’y sapat na ang iyong
kaalaman tungkol sa unang aralin. Ang gawaing ito ay
naglalayong mabuksan ang iyong isipan sa iba’t ibang
sitwasyon na maaaring magamit ang iyong kaalaman.

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Tukuyin kung


anong sitwasyon ang ginagamitan ng magalang na
pananalita. Piliin ang sagot sa kahon at isulat lamang ang
titik sa patlang.

A. Pagbati D. Pagtatanong
B. Pagpapasalamat E. Paghingi ng Pahintulot
C. Pagpapakilala F. Paghingi ng Paumanhin

________ 1. Maaari po bang makausap si Jeo?


________ 2. Ako po ay si Kylle, ang inyong bagong kaklase.
________ 3. Maraming salamat sa inyong mga tulong.
________ 4. Magandang hapon po.
________ 5. Puwede po ba kaming manghiram ng lapis?
12
Aralin Pagsunod sa
2 Napakinggang Panuto

Alamin Natin
Magandang araw sa iyo! Kumusta ka? Nasasabik ka
na bang matuto? Kung gayun, tayo ay magsisimula na.
Sa modyul na ito, matutuhan mo ang pagsunod
sa panuto na may 1-2 hakbang. May mga gawain na
aking inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
• nakasusunod sa napakinggang panuto na may 1-2
hakbang (F1PN-IIIB-1.2).

13
Subukin Natin
Susukatin natin ang iyong kaalaman tungkol sa
ikalawang aralin. Gawin nang may katapatan at
pagpapahalaga sa oras ang kasunod na gawain upang
matukoy natin kung gaano ka kahanda. Sa gawaing ito,
kakailanganin mo ng tulong ng sinuman sa bahay.
Babasahin ng iyong kasamahan sa bahay ang mga
hakbang at ito ay iyong gagawin.

1. Kumuha ng isang papel.

2. Itupi ito nang pahalang


sa gitna.

3. Muling itupi sa gitna nang


pahaba naman upang
magkaroon lamang ng
magkaparehong sukat
ang dalawang bahagi
ng papel.

14
Aralin Natin
Sa bahaging ito, kailangan mong basahin ang
paalala kung mayroong lindol. Ito ay para masukat ang
iyong kakayahan sa pag-unawa sa binasang paalala at
upang maihanda ang iyong sarili para sa pangunahing
aralin. Makikita rin sa talasalitaan ang mga salitang may
mahirap na kahulugan.

Talasalitaan:
1. lindol- pagyanig ng lupa.

2. drop- posisyon kung saan ikaw ay nakayuko sa lupa.

3. cover- posisyon kung saan ang mga kamay ay


nagpoprotekta sa iyong leeg at ulo habang papunta
sa ilalim ng mesa.

15
4. hold- posisyon kung saan ikaw ay nasa ilalim ng
matibay na mesa at naka hawak sa kahit anong parte
nito.

Mga paalala kung mayroong lindol.

1. Huwag mataranta at huwag tumakbo palabas ng


bahay o gusali.

2. Umiwas sa mga pader at protektahan ang sarili sa mga


piraso ng basag na salamin at iba pang mapanganib
na bagay.

3. Drop,Cover and Hold ay paraan upang makasalba ng


buhay at maka-iwas sa mga sugat na maaaring
matamo.

16
4. Pulungin ang mga pamilya at gumawa ng plano sa
panahon ng emergency.

5. Ihanda ang emergency kit at makinig sa balita.

Ito ay iilan lamang sa mga paalala na dapat mong


gawin kung sakaling mayroong lindol.

Pag-unawa sa binasang paalala.


1. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng lindol?
Ang lindol ay______.
A. pagyanig ng lupa
B. pagguho ng lupa
C. pinsala sa lupa

2. Ano ang dapat gawin kung mayroong lindol?


A. mag-post sa facebook
B. tumakbo papalabas ng bahay
C. gawin ang drop, cover at hold

3. Ang sumusunod ay mga dapat gawin kung mayroong


lindol, MALIBAN sa isa.
A. makinig sa balita
B. maglaro sa cellphone
C. iwasang mataranta at manatiling kalmado

17
Gawin Natin

Gaya mo bang gawin ang drop, cover at hold?

Ang drop, cover at hold, ay isang halimbawa ng


panuto na dapat sundin at gawin kung may lindol.

Ang mga panuto ay mga panuntunang ating


sinusunod upang maging gabay sa matagumpay na
pagsunod at pagsasagawa ng isang gawain. Maaaring
pabigkas o nakasulat ang mga panuto. Makatutulong sa
maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng gawain
ang pagsunod sa ibinigay na panuto.

Narito ang ilang mga salita, na ginagamit sa


pagbibigay ng panuto. Gumagamit ng mga salitang
una, pangalawa, susunod, pagkatapos, sa huli, sa wakas,
at iba pa.

18
Sanayin Natin

Alamin natin ang iyong kaalaman tungkol sa


pagsunod sa panuto.
Sa puntong ito, kakailanganin mo ang tulong ng
sinumang kasamahan mo sa bahay.
Sa mga kasamahan sa bahay, muling idikta ang
panuto upang masundan ng mag-aaral at masanay sa
pakikinig at pagsunod sa napakinggang panuto.

a. Isulat sa kanang bahagi ng iyong papel ang petsa


sa araw na ito at sa kaliwang bahagi naman ay ang
iyong buong pangalan.

b. Gumuhit ng parihaba. Sa loob ng parihaba, isulat


ang buong pangalan ng iyong guro.

19
Tandaan Natin
Sa bahaging ito, kailangan mong suriin ang iyong
sarili kung sapat ba ang natutuhan mo para maihanda
ka sa susunod na aralin.
Basahing mabuti ang panuto. Sundin at gawin ito
nang mabuti. Maaaring humingi ng tulong sa
nakatatanda upang maiwasto ang sariling gawa.

1. Gumuhit ka ng bilog. Isulat mo ang iyong pangalan sa


loob ng bilog.

2. Gumuhit ka ng limang parisukat sa ibaba. Pagdugtung-


dugtungin mo sila sa pamamagitan ng mga guhit na
pahiga.

20
Suriin Natin

Basahing mabuti ang panuto at sundin ang mga


gawain.

1. Kulayan ng pula ang ikatlong kahon at isulat ang


unang titik ng iyong apelyido sa ikalimang kahon.

2. Gumuhit ng tatlong bulaklak sa plorera. Isulat ang


iyong palayaw sa loob ng plorera at kulayan ng dilaw,
pula, at asul ang mga bulaklak.

21
Payabungin Natin
Magtanong sa kasamahan mo sa bahay kung
ano-ano ang magagandang maidudulot sa pagsunod sa
panuto at ang maaaring hindi magagandang
maidudulot sa hindi pagsunod nito. Isulat ang sagot sa
loob ng kahon.

Hindi Magandang
Magandang Maidudulot
Maidudulot

22
23
Payabungin Natin
Sa bahaging ito, maraming puwedeng posibleng sagot na kung saan ang
magulang/tagagabay ang siyang magbibigay husga sa iyong mga sagot.
Suriin Natin Tandaan Natin
Isulat dito
1. ang iyong
1. pangalan.
2. 2.
Sanayin Natin Pag-unawa sa
a. b. binasang paalala.
1. A
Isulat ang buong
2. C
pangalan ng inyong
guro.
3. B
Aralin 2
Pagnilayan Natin Payabungin Natin Suriin Natin
1. D 1. Magandang umaga po!
1.
2. C 2. Salamat po!
2.
3. B 3. Magandang gabi po!
4. Kamusta po? 3.
4. A
5. Magandang tanghali po!
5. E 4.
5.
Tandaan Natin Sanayin Pag-unawa Subukin
Nalaman kong magagamit ang Natin sa Binasa Natin
mga magagalang na pananalita
1. B 1. C
sa angkop na sitwasyon tulad ng 1. B
pagbati, paghingi ng paumanhin, 2. B 2. D
pagtanggap ng paumanhin, 2. C 3. A
paghingi ng pahintulot at 4. B 3. A
pakiusap, pagpapakilala, at 3. C
pagpapasalamat.
4. E
4. B
5. B
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

K to 12 Filipino 1 Gabay Pangkurikulum sa Filipino:


Department of Education 2016, F1WG-IIa-1; F1PN-
IIB-1.2

K to 12 Most Essential Learning Competencies for


Filipino 1. Department of Education Curriculum and
Instruction Strand 2020, 118-129

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Division of Tagum City

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100


Telefax: (084) 216-3504

You might also like