You are on page 1of 32

1

Musika
Ikalawang Markahan
Daloy at Anyo ng Musika
Music – Unang Baitang
Ikalawang Markahan – Daloy at Anyo ng Musika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rona Mae N. Batas, Arjuna Fatima E. Ambe
Editor: Lorna L. Ragos, Isaias E. Maghuyop
Tagasuri: Rae Karen A. Jenisan, Jeanette S. Ramos
Tagaguhit: Roselle Mae N. Batas, Arjuna Fatima E. Ambe
Tagalapat: Jecson L. Oafallas, Jeffrey Santiago
Tagapamahala: SDS Dr. Josephine L. Fadul
ASDS Melanie P. Estacio
CID Chief Christine C. Bagacay
EPS MAPEH Isaias E. Maghuyop
EPS LRMDS Lorna C. Ragos

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – TAGUM CITY

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph


1
Musika
Ikalawang Markahan
Daloy at Anyo ng Musika
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH - sa
Unang Baitang ng Musika Modyul sa Ikalawang Markahan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

1
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Music sa Ikatlong Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) modyul ukol sa Simula, Gitna, at
Katapusan ng Isang Awit!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Natin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Natin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Aralin Natin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

2
Gawin Natin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Sanayin Natin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Tandaan Natin Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Suriin Natin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Payabungin Natin Sa bahaging ito, may ibibigay sa


iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

3
Pagnilayan Natin Ito ay nglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.

4
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

5
Aralin
Pagkilala sa Pitch
1 (Mataas o Mababa)

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!


Sa modyul na ito ikaw ay makakatugon nang wasto
sa pagtaas at pagbaba ng tono sa pamamagitan ng
paggalaw ng katawan, pagkanta at pagpapatugtog ng
iba pang bagay na pinagmumulan ng tunog.
Ang layunin ng modyul na ito ay upang maipakita mo
ang simpleng pag-unawa sa pitch at melodic patterns.
Matapos mong matutunan ang leksyong ito, ikaw ay
inaasahang:
1. makikilala ang pitch ng isang tono bilang mataas o
mababa; (MU1ME-IIa-1)
2. makakaawit ng mga simpleng melodic pattern
(so–mi, mi-so, mi–re-do) at; (MU1ME-IIb-3)
3. makakaawit ng himig ng isang kanta nang may
tamang pitch (e.g. greeting songs, counting songs,
or action songs). (MU1ME-IIc-5)

Subukin Natin
Panuto: Isulat ang B kung mababa ang pitch (tono)
at T kung mataas.

1. ___________

6
2. ___________

3. ___________

4. ___________

Aralin Natin

Awitin ang kantang “Ako Si Takuri” at sabihin sa


mga bata na hawakan ang kanilang ulo kung sa
palagay nila ay umaawit sila ng may mataas na tono
at hawakan ang kanilang bewang kung sa palagay
nila ay umaawit sila ng may mababang tono.
Patnubayan ang mga bata sa umpisa, pagkatapos
hayaan silang gawin ito ng mag-isa.

Ako Si Takuri
ni: Claire Apigo, Dan Guillano, Nicole Elizar

Ako si Takuri, gamay ug dako


Kini ang gunitan ug kini ang ipisan
Kung mobukal, mukulo-kulo
Punita ako ug ibubo

Isa sa pangunahing elemento ng musika ay ang himig


o melody. Ito ang paraan ng pagpapatunog ng mga
tono. Ang Himig o Melody ay binibuo ng mga pitch, ang
kataasan o kababaan ng mga tono.

7
Ang mga sumusunod ay lumilikha ng mataas na tono.

violin alarm clock huni ng ibon trumpeta

Ang mga sumusunod ay lumilikha ng mababang


tono.

baka gong tambol kulog

Gawin Natin
Kulayan ng pula ang mga bagay na nakakalikha ng
mataas na tono at kulayan ng asul ang mga bagay na
nakakalikha ng mababang tono.

8
Sanayin Natin
Tukuyin at bilugan kung ang mga larawan ay
may mataas o mababang tono.

1. mataas mababa

2. mataas mababa

3. mataas mababa

4. mataas mababa

5. mataas mababa

Tandaan Natin
Kompletuhin.
Isa sa pangunahing elemento ng musika ay ang
himig o __________. Ito ang paraan ng pagpapatunog
ng mga tono. Ang Himig o ___________ ay binubuo ng
mga pitch, ang _______________ o ______________ ng
mga tono.

9
Payabungin Natin
Gumupit ng limang (5) larawan mula sa mga
lumang magasin o diyaryo at idikit ito ayon sa hinihingi
ng bawat kahon sa ibaba.

Mga Bagay o Hayop na may Mataas na Tunog

Mga Bagay o Hayop na may Mababang Tunog

10
Pagnilayan Natin
May dalawang uri ng pagpapatunog ng mga
tono. Ito ay maaaring mataas o mababa.
Iguhit sa loob ng kahon ang mga bagay o hayop
na nasa iyong paligid na may mataas o mababang
tono. Kulayan ito.

Mataas na Tono Mababang Tono

11
Aralin
Iba’t-ibang Anyo ng
2 Musika

Alamin Natin
Magandang araw sa iyo!
Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong
nasagot ang naunang mga gawain.
Sa modyul na ito, ikaw ay makakatugon:
• sa tamang pagbabago ng musical lines ng may
paggalaw ng katawan.
Ang layunin ng modyul na ito ay upang maipakita
mo:
• ang pangunahing pag-unawa sa mga konsepto
ng musical lines, simula, wakas, at inuulit sa
musika
Matapos mong matutunan ang leksyong ito, ikaw ay
inaasahang:
1. makilala ang magkatulad o hindi magkatulad na
musical lines; (MU1FO-IIe-2)
2. makilala ang simula, wakas at inuulit na mga bahagi
ng isang awit; (MU1FO-IId-1) at
3. maisagawa ang pagkanta ng isang awit na may
kaalaman kung kailan simulan, ihinto, uulitin o
wakasan ang awit. (MU1FO-IIf-3)

12
Subukin Natin

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


Alalahanin ang kantang “Ako si Takuri”.

1. Ilang linya ng liriko o “lyrics” mayroon ang awiting ito?


a. dalawa c. tatlo
b. isa d. apat
2. Ang “lyrics” o liriko na nagsasabing “Kini ang gunitan ug
kini ang ipisan” ay nasa anong bahagi ng awit?
a. Simula c. Gitna
b. Katapusan d. Wala sa lahat
3. Ang simulang bahagi ng liriko o lyrics na makikita mo sa
awit na ito ay?
a. Ako si Takuri, gamay og dako c. Og ibubo
b. Kini ang gunitan d. Kini ang ipisan
4. Ano ang tawag sa bahagi ng awit na umpisang
kinakanta.
a. liriko c. simula
b. gitna d. katapusan
5. Kung nasa katapusan kana ng bahagi ng awit at nais
mo pang ulitin ang pagkanta, saan ka tutungo?
a. Simula c. Gitna
b. Katapusan d. Wala sa nabanggit

13
Aralin Natin

Ang isang awitin ay binubuo ng iba’t ibang musical


lines at phrases. Ito ay maaring magkapareho o
magkaiba. Paano ba natin ito makikita?
Maaring sa pamamagitan ng kanilang direksyon o
mga porma sa iba’t-ibang bahagi ng awit. Sa modyul na
ito ay magkakaroon ng mga paghahambing sa mga
parirala (musical lines) at mga bahagi ng isang awit.

14
Upang lalong maging masigla kayo sa ating pag-
aaralan, tayo munang umawit nang masayang awitin at
sabayan mo ito ng kilos o galaw ng mga bahagi ng iyong
katawan.

“Duha akong Kamot”


(Tono: I have Two Hands)

Duha akong kamot


wala og tuo
Ipataas, limpyo kaayo.
Ipakpak og hinay,
Isa, duha, tulo.
Limpyong kamot,
nindot kaayo.

Katulad ng ating mga kamay ang musical staff o


limguhit ay may limang (5) linya at apat (4) na espasyo.
Dito isinusulat ang mga nota o simbolo na siyang bumubuo
sa isang musika upang maipakita ang pagkakapareho o
pagkakaiba ng bawat musical lines o bahagi ng isang
awit.
Paano ba ang paghahambing nito? Saan ba ito
magkatulad at magkaiba?
Ngayon naman ay pag-aralan mo ang musical lines
sa awiting “Are you Sleeping?”.

15
Are You Sleeping?
Jean Philippe Rameau

Are you slee – ping are you slee - ping

Bro- ther John, Bro- ther John ?

Mor- ning bells are ri- nging, mor- ning bells are ri- nging

Ding dong ding, Ding dong ding.

16
Sa musical lines na ito makikita ang tinatawag na
similar musical lines. Tingnan muli mula sa unang linya
hanggang hulihan. Lahat ng musical lines ay
magkakapareho ang mga bilang at anyo ng bawat nota.
Halimbawa:
Similar Musical Lines

Mayroon ding musical phrases na magkaiba o hindi


magkatulad. Ito naman ang tinatawag na dissimilar
musical lines.
Halimbawa:

Dissimilar Musical Lines

17
Ngayon ay napag-alaman mo na ang iba’t-ibang
musical lines sa isang kanta. Alamin naman natin ngayon
ang mga bahagi nito.
Ang isang awit ay may tinatawag na simula, gitna,
inuulit na bahagi at katapusan. Awitin mo ang “Sidlak,
Sidlak Bituon” sa tono ng “Twinkle, Twinkle Little Star” at
alamin ang simula, gitna, inuulit at katapusan ng awit.

Sidlak Sidlak Bituon

Simula

Sid lak sid lak bi tuon, Bi tu on nga ma si ga

Gitna o
Inuulit
Diyamante kon tan-awon, Iya man sa Ginoo
masiga

Katapusan

Sid lak sid lak bi tuon, Bi tu on nga ma si ga

18
Gawin Natin
Ang awiting “Sidlak, Sidlak Bituon” ay isang tradisyonal na
awiting Filipino may simula, gitna, inuulit at katapusan.
Ang simula ay nag-umpisa sa unang bahagi ng awit (Sidlak,
sidlak bituon). Ito ay nakapaloob sa bilohaba o oblong na hugis.
Gawin mo ang hugis gamit ang iyong lapis sa parteng ito ng kanta.
Ang katapusan naman ay ang huling bahagi ng awit (bituon
nga masiga). Ito ay makikita na nakapaloob sa hugis parihaba.
Gawin mo ang hugis gamit ang iyong lapis sa hulihang liriko ng
kanta. Napansin mo ba ang simbolong double bar lines ( II)? Ito
ang hudyat na tapos na ang isang awit.
Ang mga liriko ng kanta na may linya ay nakapaloob sa
gitnang bahagi ng awit. Isa dito ang lirikong “Diyamante kon tan-
awon”. Lagyan ng linya ang gitnang bahagi sa liriko ng awit gamit
ang iyong lapis.
Ang liriko o “lyrics” ay binubuo ng ibat-ibang bahagi. Ito ay
may simula, gitna, inuulit at katapusan. Sa katapusanna bahagi ay
may double bar lines (II) sa inuulit naman ay ang simbolong ito (II:).
Magaling! Matapos ang gawaing ito tiyak na alam mo na
ang mga bahagi ng isang awit, bigyan mo ng limang (5) palakpak
ang iyong sarili.

Sanayin Natin
Gawain 1-A
Panuto: Ang nasa ibaba ay halimbawa ng isang musical lines.
Pagmasdang mabuti ang musical lines. Isulat ang S kung
ito ay similar lines at D naman kung ito ay dissimilar lines.

19
____________1.

____________2.

____________3.

____________4.

____________5.

20
Gawain 1-B
Panuto: Suriin at pag-aralang mabuti ang awit.
“Sidlak Sidlak Bituon”
(Tono: Twinkle,Twinkle)
Sidlak, sidlak bituon
Bituon nga masiga,
Diyamante kon tan-awon
Iya man sa Ginoo.
Sidlak, sidlak bituon,
Bituon nga masiga.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong bahagi ng kanta ang nasa ikalimang linya?
a. Simula c. Gitna
b. Katapusan d. Inuulit
2. Anong liriko ang nasa simulang bahagi ng kanta?
a. Sidlak, sidlak bituon c. Bituon nga masiga
b. Iya man sa Ginoo d. Diyamante kon tan-awon
3. “Bituon nga masiga” ay anong bahagi ng awit?
a. Simula c. Gitna
b. Katapusan d. Wala sa lahat
4. Ilang linya mayroon ang awiting ito?
a. isa c. anim
b. tatlo d. apat

21
5. Kailan natin masasabi na ang isang bahagi ay
katapusan na ng isang awitin?
a. Dahil ito ay nagsasaad ng panapos na awit
b. Dahil ito ay gusto ng compositor
c. Dahil ito ay nagbibigay sigla
d. Wala sa lahat

Tandaan Natin

Lagi mong tandaan ang mga bagay na ito:

❖ Ang isang awit ay puwedeng may simula, gitna,


inuulit at katapusang bahagi,
❖ Ang “lyrics” o liriko ay binubuo ng dalawa o higit
pang linya sa isang awit at maaaring ulit-ulitin sa
umpisa, gitna o hulihan.
❖ Ang double bar lines (II) ay mahalagang simbolo ng
musika dahil dito malalaman ang katapusan ng
isang awit.
❖ Ang dalawang musical lines ay ang similar musical
lines (magkatulad) at dissimilar musical lines
(magkaiba).

22
Payabungin Natin

Panuto: Sukatin ang iyong kakayahan sa pagsasagawa ng


mga kasanayan sa pamamagitan ng paglalagay ng
bituin ( ) sa loob ng kahon ayon sa iyong naging
karanasan.
RUBRICS
3 - Naisagawa
2 - Di-gaanong naisagawa
1 - Di-naisagawa

Gawain 3 2 1
1. Nakakikilala ng magkatulad at
magkaibang musical lines.
2. Nakakikilala sa bahaging simula,
inuulit, gitna at katapusan ng isang awit.
3. Nakaka-awit ng kanta mula simula
hanggang katapusan.
4. Nakagagawa ng kilos o galaw gamit
ang iba’t ibang bahagi ng aking
katawan ayon sa musikang aking
naririnig.
5.Nasisiyahan ako sa paggawa ng
gawain.

Pagnilayan Natin
Panuto: Basahin at isulat sa sagutang papel ang titik
ng tamang sagot.

23
1. Ang awit ay binubuo ng ____________ bahagi.
a. isang c. dalawang
b. tatlong d. apat na
2. Ang simula, gitna, inuulit at katapusang bahagi ng awit
ay binubuo ng mga salita na tinatawag nating
____________.
a. Melodiya c. liriko
b. Kontor d. Wala sa lahat
3. Sa awiting “Leron, Leron Sinta”, anong liriko ang nasa
katapusang bahagi ng awit?
a. Umakyat sa papaya
b. Leron, Leron, sinta
c. Humanap ng iba
d. Wala sa lahat
4. Kapag tayo ay malapit ng magtapos sa isang awitin,
anong bahagi ito?
a. Simula c. Gitna
b. Katapusan d. Wala sa lahat
5. Paano natin malalaman na ang isang linya ay
katapusan na ng isang awit?
a. may simbolo na star ( )
b. May makikitang simbolo na rest ( )
c. May makikitang simbolo na double bar lines ( II )
d. may simbolo na G cleff ( )

24
Panapos na Pagtataya
I. Bilugan ang titik na may tamang sagot.
1. Ang baka, gong, at tambol ay lumilikha ng ____ tono.
A. mababa B. mataas C. wala sa nabanggit

2. Alin sa mga sumusunod ang may mataas na tono?

A. B. C.

3. Ang melody ay binubuo ng mga pitch. Ito ay ang


kataasan ng mga tono.
A. tama B. mali C. hindi ako sigurado

II. Panuto: Isulat sa linya ang letra ng tamang sagot.


Hanay A Hanay B
_______1. Simula a. bituon nga masiga
_______2. Liriko b. binubuo ng simula, gitna,
inuulit at katapusan
______3. Katapusan c. Sidlak, sidlak bituon
______4. Gitna d. magkatulad
______5. similar musical e. Iya man sa Ginoo
lines

25
26
Pagnilayan Payabungin
Mga Sagot Ang sagot ay
depende sa
1. d
kakayahan ng
2. c bata.
3. c RUBRICS
3-Naisagawa
4. b
2-Di- gaanong
5. c naisagawa
1-Di naisagawa
Sanayin Natin Sanayin Natin Subukin Natin
Gawain 1-B Answer
Gawain 1-A
1.d
1.d 1.D 2.c
2.a 2.S 3.a
3.c 3.S 4.c
4.c 4.S 5a
5a 5S
Aralin 2
Tandaan Natin
Answer
melodiya, melodiya, kataasan,
kababaan
Sanayin Natin Gawin Natin Subukin Natin
Answer Answer Answer
1. mataas pula- pusa, ibon 1. T
2. mataas asul – palaka, lion, 2. T
3. mataas gong, baka 3. T
4. mababa 4. B
5. mababa
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Merely H. Nery, Soledad d. Bartolo,Gerry T. Atabay and Wilma T.


Bayle, 2013 Dazzle Shining Brightly in Music, Arts, Physical
education and Health– Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral
,Innovative Educational Materials, INC.,IEMI Building, 2356 Revilla
St., Sta. ana, Manila, ISBN: 978-971-699-542-8, pp.71-76

Merely H. Nery, Soledad d. Bartolo,Gerry T. Atabay and Wilma T.


Bayle, 2013 Dazzle Shining Brightly in Music, Arts, Physical
education and Health– Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral
,Innovative Educational Materials, INC.,IEMI Building, 2356 Revilla
St., Sta. ana, Manila, ISBN: 978-971-699-542-8, pp.86-88

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Tagum City

Office Address: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

E-mail Address: tagum.city@deped.gov.ph

You might also like