You are on page 1of 27

3

Music
Unang Markahan – Modyul 4:
Ostinato Pattern, Galaw ng
Katawan at Instrumentong Pansaliw
Music – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Ostinato Pattern, Galaw ng Katawan at Instrumentong
Pansaliw
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jona Joy O. Ruaya, Selah Mae Joy E. Acosta
Editor: Neal Keith Gonzales, Reynaldo Deocampo, Arcel Gacasan,
Tagasuri: Marivic O. Arro, Iris Kristine A. Mejos, Menard M. Arenas
Tagaguhit: Bless Joice S. Lagare
Tagalapat: Ken Harvey C. Famor, Dj hoane C. Aguilar
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynante A. Solitario
Janette G. Veloso Janwario E. Yamota
Analiza C. Almazan Djhoane C. Aguilar
Ma. Cielo D. Estrada Maria Perpetua Angelita G. Suelto
Jeselyn B. dela Cuesta Reynaldo C. Deocampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Music
Unang Markahan – Modyul 4:
Ostinato Pattern, Galaw ng
Katawan at Instrumentong Pansaliw
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music sa Ikatlong
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Ostinato Pattern, Galaw ng Katawan at Instrumentong
Pansaliw!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Music sa Ikatlong Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) modyul ukol sa Ostinato Pattern,
Galaw ng Katawan at Instrumentong Pansaliw!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iv
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain


sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang lubos mong


maunawaan at matutunan ang kaalaman tungkol sa ostinato
pattern sa pamamagitan ng pag-indayog ng iyong katawan
ayon sa saliw ng awitin.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakalilikha ng ostinato sa pamamagitan ng paggalaw ng
katawan at instrumentong pansaliw (MU3RH-Ie-6);
2. naisasaliw ang mga tunog gamit ang iba’t ibang bahagi
ng katawan katulad ng kamay sa pagpalakpak, paa sa
pagpadyak at iba pa; at
3. nasasabayan ang ostinato pattern sa pamamagitan ng
paggalaw ng katawan tulad ng pagpalakpak,
pagpadyak at iba pa habang umaawit ng isang kanta.

Subukin

Lumikha ng isang ostinato pattern na may tatluhang kumpas


gamit ang stick notation ayon sa awiting “Tiririt ng Maya”.
Maaaring gumamit ng kamay, paa o ibat ibang bahagi ng iyong
katawan upang mapatunog ang ginawang ostinato. Gawin ito
habang inaawit ang “Tiririt ng Maya” na nasa pahina 2.
Sa paggamit ng rubriks na nasa pahina 2, lagyan ng tsek (/)
ang isang kahon ayon sa mga paglalarawan na nasa unang
hanay. Pagsamahin ang lahat ng puntos at isulat sa kabuuan.

1
Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 23

Pinakama- Mahusay Paunlarin


husay (3) (2) (1)
1. Nakalikha ng wastong
ostinato pattern na may
dalawahang kumpas.
2. Naisagawa ang ostinato
pattern na may
dalawahang kumpas sa
pamamagitan ng iba’t
ibang galaw ng
katawan.
3. Naisasaliw ang tunog
gamit ang iba’t ibang
galaw ng katawan
habang sumasabay sa
pag-awit.
Kabuuan

2
Aralin Paglikha Ng Ostinato

1 Pattern Sa Pamamagitan
Ng Galaw Ng Katawan

Balikan

Panuto: Iguhit mo sa iyong sagutang papel ang stick notation


ayon sa simbolong makikita.

1. II: ______ _____ _____ _____ :II

2. II: ______ ______ ______ ______ : II

3. II: ______ ______ ______ ______ :II

4. II: ______ ______ ______ :II

5. II: ______ ______ :II

3
Tuklasin

Ang paglikha ng simpleng ostinato pattern ay isang paraan


upang tayo ay mapasaya at matutong gumawa ng isang
simpleng rhythmic pattern gamit ang iba’t ibang instrumentong
panritmo at body percussion.
Halimbawa:
1. Si Mario ay pumupukpok ng martilyo. Ang tunog na nalilikha
sa kaniyang pagpukpok ay ganito:

2. Si Angela ay nagtatapik ng dalawang patpat ng kawayan.


Ito ay lumilikha ng tunog na:

4
3. Si Esther at Alice ay namamasyal sa parke. Sa kanilang
paglalakad ay narinig nila ang busina ng sasakyan.

Suriin

Iniibig mo ba ang iyong bayang sinilangan? Bakit mo mahal


ang Pilipinas? Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa
ating bayan? Pag-aralan ang awiting “Bayang Sinta”. Ito ay may
palakumpasang apatan.
Ginagamit natin ang ostinato bilang pansaliw sa mga
awitin. Maaaring gamitin ang mga instrumentong panritmo tulad
ng tambol, maracas at iba pa bilang pansaliw. Maaari ring
gamitin ang iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng kamay, paa
at iba pa.
Sa paggawa ng ostinato mahalagang malaman mo na
kailangang magkatulad ang sukat ng stick sa palakumpasan.
Ang isang stick ( ) ay katumbas ng isang bilang, ang
magkadugtong na stick ( ) ay katumbas ng isang bilang, at ang
simbolong ito ( ) ay may katumbas na isang bilang.

5
Awitin ang “Bayang Sinta” at sabayan nang mga tunog
kasunod ng stick notation na may sukat na apatan sa ibaba. Ulit-
ulitin ito hanggang sa matapos ang inaawit. Gamitin ang mga
sumusunod na paraan upang masaliw ang tunog. Handa ka na
ba?
1. Gamit ang mga kamay (Pagpapalakpak)
2. Gamit ang mga paa (Pagpapadyak)
3. Gamit ang dalawang patpat ng kawayan (pagtatapik)
4. Gamit ang tambol (Pagpapalo)
5. Gamit ang mga paa (Pagmamartsa)

Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 32

Sanayin ang ostinato pattern na may tatluhang bilang na


nasa ibaba. Gawin ito habang inaawit ang “Bahay Kubo” na
nasa pahina 8 gamit ang iba’t ibang paraan ng pagsaliw.

6
Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 22

Pag-aralan naman natin ngayon ang ostinato pattern sa


awiting “Kay Gandang Tingnan” na may dalawahang bilang.

Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 47

7
Pagyamanin

Gawain A
Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

1. Alin sa ostinato pattern ang may sukat na dalawahan (2)?

a. c.
b.
c. d.

2. Alin sa sumusunod na pattern ang may sukat na tatluhan (3)?

a. c.

b. d.

3. Alin sa sumusunod na pattern ang by 4’s?

a. c.

b. d.

4. Lagyan ng stick notation. ____ ____ _____ ____

5. Si Mina ay umaakyat sa hagdan. Gumawa ng ostinato


pattern na tatluhan sa tunog ng kaniyang pagpadyak.

8
Gawain B
Lumikha ng ostinato pattern sa awiting “Leron Leron Sinta”.
Ito ay may dalawahang kumpas sa bawat sukat. Gumamit ng
stick notation sa paggawa ng ostinato. Isaliw ang iyong
nagawang stick notation gamit ang iba’t ibang bahagi ng iyong
katawan o mga gamit sa iyong paligid habang inaawit ang
“Leron, Leron Sinta”.
Matapos gawin ang gawain, sagutan ang rubrik. Lagyan ng
tsek (/) ang isang kahon ayon sa mga paglalarawan na nasa
unang hanay. Pagsamahin ang lahat ng puntos at isulat sa
kabuuan.

Pinagmulan: MAPEH in Action 3 (Kagamitan ng Mag-aaral) p. 107

Pinakamahusay Mahusay Paunlarin


(5) (3) (1)
1. Nakalikha ng
wastong
ostinato pattern
na may
dalawahang
kumpas.

9
2. Naisagawa
nang wasto
ang stick
notation.
3. Naisasaliw ang
tunog gamit
ang iba’t ibang
galaw ng
katawan
habang
sumasabay sa
pag-awit.
Kabuuan

Isaisip

Ano ba ang ostinato pattern? Ano-ano ang maaari nating


gamitin upang maisaliw ang tunog ng awit? Maaari bang gamitin
ang mga bahagi ng ating katawan bilang pansaliw?

1. Ang ostinato ay paulit-ulit na rhythmic patterns na


ginagamit na pansaliw sa isang awit maaring ito ay sa
kumpas na dalawahan, tatluhan o apatan.

2. Kalimitan ay tinutugtog ito gamit ang iba’tibang uri ng


instrumentong panritmo tulad ng drums, wood blocks,
castanets, triangles at rhythm sticks.

3. Maaari kang gumamit ng iba’t ibang bahagi ng katawan


o body percussion upang makalikha ng tunog.

10
Isagawa

Nakadalo ka na ba sa isang pista? Masdan ang larawan sa


ibaba. Ano-anong tunog kaya ang iyong narinig? Lumikha ng
isang ostinato pattern gamit ang iba’t ibang bahagi ng katawan
o mga instrumentong panritmo sa kumpas na dalawahan,
tatluhan at apatan. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
Matapos gawin ang gawain, sagutan ang rubrik. Lagyan ng
tsek (/) ang isang kahon ayon sa mga paglalarawan na nasa
unang hanay. Pagsamahin ang lahat ng puntos at isulat sa
kabuuan.

11
Pinakamahusay Mahusay Paunlarin
(5) (3) (1)
1. Nakalikha ng
wastong
ostinato pattern
na may
dalawahang
kumpas.
2. Naisagawa
nang wasto
ang stick
notation.
3. Naisasaliw ang
tunog gamit
ang iba’t ibang
galaw ng
katawan
habang
sumasabay sa
pag-awit.
Kabuuan

12
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang wastong sagot sa bawat bilang. Gawin ito


sa iyong sagutang papel.

1. Bilugan ang larawan na hindi ostinato.

a.

b.

c.

d.

2. Bilugan ang nagpapakita ng ostinato.

a.

b.

c.

d.

13
3. Ano ang ostinato?
a. Paulit-ulit na rhythmic pattern na ginagamit pansaliw sa
awit
b. Isang tugtug na sinabayan ng sayaw
c. Isang uri ng ritmo
d. Isang himig

4. Ang _________ ay paulit-ulit na rhythmic pattern na ginagamit


pansaliw sa awit.
a. beat
b. note
c. rhythmic pattern
d. ostinato

5. Ang pagpapalakpak ay isang galaw na may _____.


a. walang tunog o rest
b. tunog
c. indayog
d. tugtug

14
Karagdagang Gawain

A. Sabayan ang mga sumusunod na stick notation sa


pamamagitan ng pagpalakpak, pagtatapik ng mga bagay na
tumutunog o pagpapatunog ng mga rhythmic instrument.

1. 4

2. 3

3. 2

Pinakamahusay Mahusay Paunlarin


(5) (3) (1)
Naisagawa
1. Naisagawa
Nagawa nang ang gawain
nang wasto Nagkaroon
tama ang nga may 6 o
ang ng 1-5 mali
pagsaliw sa higit pang
pagsunod sa sa pagsaliw
tunog ng mali sa
stick ng tunog.
bawat stick bawat
notation.
notation. sukat.
2. Naisaliw ang
mga Naisaliw
sumusunod Naisaliw ang ang mga Naisaliw ang
na stick sumusunod na sumusunod stick
notation stick notation na stick notation sa
gamit ang sa tatlong notation sa isang
iba’t ibang paraan. dalawang paraan.
bahagi ng paraan.
katawan.
Kabuuan

15
B. Ihanay ang sumusunod na larawan na nasa loob ng kahon
ayon sa wasto nitong stick notation. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa iyong sagutang papel.

4
____1.

2
____2.

3
____3.

3
____4.

4
____5.

a.

b.

c.

d.

e.

16
17
Subukin Pagyamanin: Tayahin
1. B Gawain 1 1. a
2. C 2. c
3. D 1. A 3. a
4. E 2. C 4. d
5. A 3. A 5. b
4. | I |
5. Maaaring
Balikan magkakaiba ang Karagdagang Gawain
sagot A. Pagganap
1. | I II |
2. | I I I | B.
Gawain 2 1. c
3. | II |
2. a
4. | I I | Maaaring magkakaiba
3. d
5. | I I | ang sagot
4. e
Isagawa: 5. b
Maaaring magkakaiba
ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Amelia M. Ilagan, Maria Elena D. Digo, Mary Grace V. Cinco, Fely
A. Batiloy, Josepina D. Villareal, et.al.) Music, Art, Physical
Education and Health.

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like