You are on page 1of 25

1

Music
Ikaapat na Markahan-Module 2:
Pangunahing Konsepto
ng Texture
Music – Unang Baitang
Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pangunahing Konsepto ng Texture
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Tagasulat: Lilybeth B. Alimpuangon
Tagasuri:
Tagaguhit: Joybelle J. Panes
Tagalapat:Jim Ryan
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE - Schools Division Superintendent
Nelyn B. Frinal- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag, Jr. – Subject Area Supervisor
Ismael M. Ambalgan – Chief, CID
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Nelly S. Bragado – EPS, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Music
Ikaapat na Markahan-Module 2:
Pangunahing Konsepto
ng Texture
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music- I ng Self-
Learning Module para sa araling Pangunahing Konsepto ng
Texture.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita


ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Music - 1 ng Self-Learning Module


ukol sa Pangunahing Konsepto ng Texture.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Magandang buhay! Nasa ikaapat na markahan


na tayo ngayon. Maaasahan mong marami ka pang
matutunang kanais-nais na kaalaman sa araling ito.
Sa araling ito ay magkakaroon ka ng higit na
kaalaman at bagong karanasan sa musika.
Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan ang mga
sumusunod na layunin:
1. Naipapakita ang kamalayan sa
texture/pagkakayari sa pamamagitan ng
pagkilala ng mga tunog na solo o sa iba pang
mga tunog. (MU1TX-IVe-2)
Nakikilala ang solong linyang musikal at
maraming mga linyang musikal na nangyayari
nang sabay-sabay sa isang naibigay na kanta.
(MU1TX-IVf-3)
3. Naikakanta ang dalawang bahagi ng round
songs.
e.g.
Are You Sleeping, Brother John?
Row, Row, Row Your Boat? (MU1TX-IVg-h-4)

1
Subukin

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng texture ang


makikita sa mga sumusunod na larawan. Isulat
ang SML kung ito ay Single Musical Line at MML
kung ito ay Multiple Musical Line.

________ 1.

________ 2.

________ 3.

________ 4.

________ 5.

2
Aralin
Pangunahing Konsepto ng
1 Texture

Ipinakikilala sa modyul na ito ang isa sa mga


elemento ng musika, ang texture. Layunin nitong
makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing
pag-unawa sa konsepto ng tempo sa pamamagitan ng
pagganap, pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa
mga gawain.

Balikan

Kumusta?
Naaalala mo pa ba ang iyong napag-aralan?
Sagutin ang mga sumusunod. Galingan mo ulit!

Mga Tala para sa Guro

Ipaalala sa mga magulang na gabayan ang


kanilang mga anak sa pagsagot ng modyul na ito.

3
Panuto: Iguhit ang kung ang pangungusap ay
tama at isulat naman ang kung ang
pangungusap ay mali.

________ 1. Ang mabilis na musika ay nagpapahayag


ng buhay o masayang damdamin.

________ 2. Ang mabagal na musika ay nagpapahayag


ng masayang damdamin.

________ 3. Lahat ng awitin ay may mabagal na tempo.

________4. Ang bilis at bagal ng musika ay tinatawag na


tempo.

________5. Ang awiting Lupang Hinirang ay may mabilis


na tempo.

4
Tuklasin

Suriin ang mga larawang nasa loob ng kahon.

Ano ang mapapansin niyo sa larawan?


Ano kaya ang ginagawa ng mga bata?
Ilan ang kumakanta sa unang larawan? Ilan
naman sa ikalawang larawan?
Ilang tunog o boses ang maririnig kapag isa
lamang ang kumakanta? Ilan naman ang maririnig
kapag marami ang kumakanta?

5
Suriin

Ang musika ay binubuo ng mga layer ng tunog


mula sa mga tinig o instrumento. Ang ilang musika ay
simple at payak. Ang iba ay isinasagawa sa paggamit
ng dalawang mapagkukunan o higit pa. Ang nasabing
mga layer ng tunog ay maaaring ilarawan bilang
single o multiple musical lines.

Ang isang tunog ay may single musical line kapag


isinagawa ito ng iisang performer. Ang isang batang
lalaking kumakanta nang nag-iisa ay nakabubuo ng
single musical line. Ganoon din sa isang musikerong
tumutugtog ng plawta. Minsan, kahit na ang isang
pangkat ng mga mang-aawit, tulad ng isang koro, ay
maaaring bumuo ng single musical line. Nangyayari ito
kapag kumakanta sila nang sabay-sabay o sa iisang
boses na magkasama.

Ang musika naman ay may multiple musical lines


kung ginamit ang dalawa o higit pang mga
instrumento upang maisagawa ito. Ang isang musikal
na banda ay may multiple musical lines dahil ito ay

6
gumagamit ng maraming mga instrumento at ito ay
tinutugtog nang sabay. Mayroon ding multiple musical
lines ang dalawa o higit pang mga indibidwal na
kumakanta ng dalawa o tatlong magkakaibang
bahagi.

Ang round singing ay isang halimbawa ng multiple


musical lines. Sa round singing, ang klase ay nahahati
sa mga pangkat. Maaari itong dalawa, tatlo, o apat
na pangkat. Ang bawat pangkat ay nagsisimulang
kumanta ng kanta sa iba't ibang oras. Ang paghahalo
ng mga tinig ay lumilikha ng multiple musical lines.

Pagyamanin

Panuto: Isagawa ang mga sumusunod na panuto.

A. Awitin nang mag-isa o walang gamit na


instrumento ang kantang nasa ibaba. Ano ang
tawag dito? Ito ay __________________.

7
Tune: Are You Sleeping?

(https://www.youtube.com/watch?v=tNLd7fc0UUI)

Natutulog

Natutulog, natutulog
Si kuya, si kuya
Gising na kuya, gising na kuya
Umaga na, umaga na.

B. Kantahin ang awiting nasa ibaba at sabayan ng


patpat o tambol. Ano ang tawag dito? Ito ay
__________________.

Leron Leron Sinta


(https://www.youtube.com/watch?v=firHRhLsprc)

Leron, leron sinta


Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y

8
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba

Ipakita ang lubos na pagkatuto sa isinagawang


aralin sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (√) sa
tamang kahon.

Kasanayan
1. Naaawit nang maayos ang kanta.

2. Naaawit nang maayos ang kanta na


may kasabay na instrumento.

9
Isaisip

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng texture ang makikita


sa mga sumusunod na larawan. Iguhit ang isang tsek
(√) kung ito ay Single Musical Line at dalawang tsek (√√)
kung ito ay Multiple Musical Line.

________ 1.

________ 2.

________ 3.

________ 4.

10
________ 5.

Isagawa

Panuto: Sundin ang panutong nasa ibaba.

A. Maghanap ng kasama sa bahay. Awitin nang


sabay ang unang bahagi ng kanta.

Row Row Row Your Boat

(https://www.youtube.com/watch?v=PZJS2_pWMpE)

Row, row, row your boat


Gently down the stream
Merrily merrily, merrily, merrily
Life is but a dream

11
B. Round song: Sa ikalawang bahagi, isa sa inyo ang
unang kakanta. Pagkatapos mong awitin ang
unang linya, doon naman magsisimulang umawit
ang iyong kasama habang ikaw ay patuloy na
kumakanta. Sundin ang gabay na nasa ibaba.

Unang Bata Ikalawang Bata


Row, row, row your boat
Gently down the stream Row, row, row your boat
Merrily, merrily, merrily, merrily Gently down the stream
Life is but a dream Merrily, merrily, merrily, merrily
End. Life is but a dream
End.

Ipakita ang lubos na pagkatuto sa isinagawang


aralin sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/) sa
tamang kahon.

Kasanayan
1. Naawit nang tama ang kanta.
2. Naisagawa nang maayos ang round song.

12
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay


tama at isulat naman ang MALI kung ang
pangungusap ay mali.

________ 1. Ang texture ay maaaring single o multiple


musical lines.

________ 2. Ang bilis at bagal ng musika ay tinatawag


na texture.

________ 3. Ang round singing ay isang pangkat na


pagkanta kung saan nagsisimulang kumanta
ang pangkat sa iba't ibang oras.

________4. Ang texture ay isang kombinasyon ng mga


tinig at instrumento upang makalikha ng
musika.

13
________5. Ang multiple musical line ay isinagawa ng
iisang performer.

Karagdagang Gawain

Panuto: Awitin ang kantang nasa ibaba gamit ang


Single Musical Lines.

Tong, Tong, Tong, Tong Pakitong-kitong

(https://www.youtube.com/watch?v=hGZ-0ThVkMo)

Tong, tong, tong, tong pakitong-kitong

Alimango sa dagat
malaki at masarap!

Kay hirap hulihin


sapagkat nangangagat.

Tong, tong, tong, tong pakitong-kitong.

A. Panuto: Kantahing muli ang awiting nasa itaas at


saliwan ng instrumentong marakas na gawa sa
malilit na batong nasa loob ng plastic na bote.

14
15
Isaisip Balikan
1.
1. /
2.
2. //
3.
3. //
4.
4. / 5.
5. /
Subukin Tayahin
1. SML 1. TAMA
2. MML 2. MALI
3. MML 3. TAMA
4. TAMA
4. SML
5. MALI
5.MML
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mirandilla, Cielito Margo. Music, Art, Physical Eucation


and Health - Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral,
edited by Mauricia D. Borromeo. Pasig City: DepEd
Instructional Materials Council Secretariat, 2013

Ilagan, Amelia M., Isidro R. Obmasca Jr., Maria Elena D.


Digo, and Darwin L. Rodriguez. Music, Art, Physical
Education and Health - Ikalawang Baitang Kagamitan
ng Magaaral. Pasig City: DepEd Instructional Materials
Council Secretariat, 2013.

https://www.youtube.com/watch?v=mO0PHZl-XK4

https://www.youtube.com/watch?v=rjkrdy2A_HI

16
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like