You are on page 1of 24

1

Music
Ikaapat na Markahan-Module1:
Pangunahing Konsepto
ng Tempo
Music – Unang Baitang
Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pangunahing Konsepto ng Tempo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Araceli N. Robles
Tagasuri: Marigold G. Querimit
Tagaguhit: Joybelle J. Panes
Tagalapat:
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE - Schools Division Superintendent
Nelyn B. Frinal- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag, Jr. – REPS, MAPEH
Ismael M. Ambalgan – Chief, CID
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Nelly S. Bragado – EPS, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1
Music
Ikaapat na Markahan-Module 1:
Pangunahing Konsepto
ng Tempo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music- I ng Self-
Learning Module para sa araling Pangunahing Konsepto ng
Tempo.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita


ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Music - 1 ng Self-Learning Module


ukol sa Pangunahing Konsepto ng Tempo.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan


ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Magandang buhay! Nasa ikaapat na markahan


na tayo ngayon. Maaasahan mong marami ka pang
matutunang kanais-nais na kaalaman sa araling ito.
Sa araling ito ay magkakaroon ka ng higit na
kaalaman at bagong karanasan sa musika.
Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan ang mga
sumusunod na layunin:
1. Naipapakita ang pangunahing mga konsepto
ng tempo sa pamamagitan ng paggalaw
(mabilis o mabagal). (MU1TP-IVa-2)
2. Nakagagamit ng paggalaw ng katawan o mga
hakbang sa pagsayaw upang tumugon sa iba`t
ibang tempo
-mabagal na paggalaw na may mabagal na
musika
-mabilis na paggalaw na may mabilis na musika
(MU1TB-IVb-3)
3. Nakagagamit ng iba`t ibang tempo upang
mapahusay ang tula, chants, drama, at kwento
sa musika. (MU1TB-IVc-5)

1
Subukin

Panuto: Kulayan ng asul ang bilog ng lahat ng


mabagal na bagay at kulayan naman ng pula
ang lahat ng mga mabibilis na bagay.

1.

2.

3.

2
4.

5.

Aralin
Pangunahing Konsepto ng
1 Tempo

Ipinakikilala sa modyul na ito ang isa sa mga


elemento ng musika, ang tempo. Layunin nitong
makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing
pag-unawa sa konsepto ng tempo sa pamamagitan ng
pagganap, pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa
mga gawain.

3
Balikan

Kumusta?
Naaalala mo pa ba ang iyong napag-aralan?
Sagutin ang mga sumusunod. Galingan mo ulit!

Mga Tala para sa Guro

Ipaalala sa mga magulang na gabayan ang


kanilang mga anak sa pagsagot ng modyul na ito.

Panuto: Kumpletuhin ang talata. Isulat ang


nawawalang salita sa patlang. Piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon.

malakas mahina dynamics

malalaking maliliit timbre

4
Ang ___________ ay natatanging tawag sa

___________ at _________ ng tunog. Naiiugnay rin ito sa

mga galaw ng hayop. Ang ___________ hayop ay

nakalilikha ng malakas na tunog, at ang ___________ na

hayop ay nakalilikha ng mahinang tunog.

Tuklasin

Panuto: Suriin ang mga larawang nasa loob ng kahon.


Tukuyin ang galaw na isinasagawa ng bawat larawan
at isulat sa patlang sa ilalim nito. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon.

mabagal mabilis

5
Magaling!
Napansin mo na ang bawat larawan ay may
kanya-kanyang paraan ng paggalaw. Ang kabayo at
ang kuneho ay gumagalaw ng mabilis at ang pagong
naman ay gumagalaw ng mabagal.

Suriin

Ang mga hayop ay gumagalaw sa iba't ibang


paraan. Ang ilan ay mabilis tulad ng kabayo at
kuneho. Ang iba naman ay mabagal tulad ng pagong.
Ang musika ay gumagalaw din sa parehong
paraan. Ang ilang musika ay mabagal kung saan
habang nakikinig dito ay gugustuhin mong
magpahinga. Ang iba naman ay mabilis na
manghihikayat sa iyong umindak at sumayaw.
Ang bilis at bagal ng musika ay tinatawag na tempo.

Ang mabagal na musika ay nagpapahayag ng


kalmado o malungkot na damdamin samantalang ang
mabilis na musika ay nagpapahayag ng buhay o
masayang damdamin.

6
Ang mga kantang nasa ibaba ay halimbawa ng
mga awiting may mabagal at mabilis na tempo.
Kapag may koneksiyon sa internet maari nyo itong
Makita at mapakinggan sa link sa ibaba at kung kung
wala magpaturo sa mga magulang o kasama sa
bahay.

1. Mabilis

Kumusta kumusta

(https://www.youtube.com/watch?v=7DMa0vbQzWM)

Kumusta kumusta kumusta

Kumusta kayong lahat

Ako'y tuwang-tuwa

Masaya't nagagalak

Tralalalalalala Tralalalalalala

Tralalalalalala Tralalalalalala

7
2. Mabagal

Ili-ili

(https://www.youtube.com/watch?v=reffH9YQzXk)

Ili ili tulog anay


wala diri imo nanay
kadto tienda bakal papay
ili ili tulog anay.

Ili ili tulog anay


wala diri imo nanay
kadto tienda bakal papay
ili ili tulog anay

8
Pagyamanin

Panuto: Gayahin ang kilos ng mga larawan ng hayop


na nasa ibaba kasama ang iyong magulang o mga
kasama sa bahay.

1. 4.

5.

2.

3.

9
Isaisip

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na kanta ay


mabilis o mabagal. Iguhit ang puso kung mabagal
at bituin naman kung mabilis. Maaari ring
pakinggan ang kanta sa link na naibigay. Kung walang
internet connection, magpaturo ng kanta sa mga
kasama sa bahay.

________ 1. Tong Tong Tong Tong


https://www.youtube.com/watch?v=hGZ-0ThVkMo

________ 2. Tulog Na
https://www.youtube.com/watch?v=FN7t5qmOtgs

________ 3. Paa, Tuhod, Balikat, Ulo


https://www.youtube.com/watch?v=mNjN8VvxrFk

________ 4. Maliliit na Gagamba


https://www.youtube.com/watch?v=FFvxiGIBaT4

10
Isagawa

Panuto: Bigkasin at isagawa ang nararapat na kilos na


nakapaloob sa chant. Gawin ito nang mabagal.
Pagkatapos ay bigkasin at isagawa naman ito ng
mabagal.

Ikot, ikot, ikot, ikot, ikot, ikot


Hila, hila
Pok, pok, pok
Gupit nang gupit at tahi ng tahi
Gupit nang gupit at tahi ng tahi
Ikot, ikot, ikot, ikot, ikot, ikot
Hila, hila, pok, pok, pok

Ipakita ang lubos na pagkatuto sa isinagawang


aralin sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/) sa
tamang kahon.

Kasanayan
1. .Nabigkas nang tama ang chant.
2. .Naisakilos nang maayos ang katawan

11
Tayahin

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay


tama at isulat naman ang MALI kung ang
pangungusap ay mali.

________ 1. Ang mabagal na musika ay nagpapahayag


ng masayang damdamin.

________ 2. Ang bilis at bagal ng musika ay tinatawag


na tempo.

________ 3. Ang mabilis na musika ay nagpapahayag ng


buhay o masayang damdamin.

________4. Ang awiting Lupang Hinirang ay may mabilis


na tempo.

________5. Lahat ng awitin ay may mabagal na tempo.

12
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isa sa dalawang awitin na nakasulat sa


ibaba. Awitin ito at isagawa ang nararapat na tempo
na nakapaloob sa kanta. Pagkatapos ay awiting muli
ang kanta na may kasamang kilos.

1. Tulog na

(https://www.youtube.com/watch?v=FN7t5qmOtgs)

2. Kamusta, kumusta

(https://www.youtube.com/watch?v=7DMa0vbQzWM)
Ipakita ang lubos na pagkatuto sa isinagawang
aralin sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/) sa
tamang kahon.
Kasanayan

1. Natukoy ang tamang tempo ng


awitin.

2. Naisagawa ng tama ang tempo


ng kanta sa pamamagitan ng
galaw ng katawan at hakbang sa
sayaw.

13
14
Isaisip
1. tao
2. instrumento
3. hayop
Subukin 4. kalikasan
1. a
5. bagay
2. b
Isagawa
3. a
1. lumukso 4. c
2. pumadyak 5. a
Tayahin
3. pumalakpak
1. b
4. kumembot 2. b
3. a
5. iindyog
Tuklasin 4. a
Answers may vary 5. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Mirandilla, Cielito Margo. Music, Art, Physical Eucation


and Health - Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral,
edited by Mauricia D. Borromeo. Pasig City: DepEd
Instructional Materials Council Secretariat, 2013

Ilagan, Amelia M., Isidro R. Obmasca Jr., Maria Elena D.


Digo, and Darwin L. Rodriguez. Music, Art, Physical
Education and Health - Ikalawang Baitang Kagamitan
ng Magaaral. Pasig City: DepEd Instructional Materials
Council Secretariat, 2013.

https://www.youtube.com/watch?v=mO0PHZl-XK4

https://www.youtube.com/watch?v=rjkrdy2A_HI

15
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like