You are on page 1of 40

5

55
MAPEH
Unang Markahan - Modyul 1
English
Quarter 1 – Module 1:
FILL OUT SIMPLE FORMS

LE TY
SA ER
R PROP
FO ENT
M
N
R
VE
T
O
G

O
N
MAPEH – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod Quezon


Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: LINA O ROQUE ( Musika )
ISABELITO A. PALACOL ( Sining )
RODRIGO L. ROQUE ( Edukasyong Pangkatawan)
ISABELITO A. PALACOL ( Edukasyong Pangkalusugan )
Editor: MYRNA L. CORTEZ, MA. VICTORIA S. DE LUNA, CHINITA S. APOSTOL,
MARICEL G. CARBALLO, LEONARDO P. DAGUM JR.

Tagasuri: ANA ROSA RABANAL, CRISPIN D. DUKA, RODOLFO F. DE JESUS,


BRIAN SPENCER B. REYES
Tagaguhit: MARK ANTHONY D. BUNGALSO
Tagalapat: BRIAN SPENCER B. REYES, HEIDEE F. FERRER
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS
FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
JUAN C. OBIERNA, Chief, CID
HEIDEE F. FERRER, EPS – LRMS
CRISPIN DUKA, EPS – MAPEH
Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Quezon City
Department of Education – National Capital Region
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telefax: 3456 - 0343


E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
5

MAPEH
Unang Markahan – Modyul 1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (MAPEH – Ikalimang Baitang)


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul I. Ito ay nahahati sa apat na aralin : Musika
Sining, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan.

MUSIKA - Mga Nota at Pahinga


SINING - Pagguhit ng Banga gamit ang Cross-hatching at Contour Shading
Technique
EDUKASYONG PANGKATAWAN – Target Games : Tumbang Preso
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN – Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MAPEH – Ikalimang Baitang) ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul I. Ito ay nahahati sa apat na aralin ; - Musika, Sining,
Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan

MUSIKA – Mga Nota at Pahinga


SINING - Pagguhit ng Banga gamit ang Cross-hatching at Contour Shading
EDUKASYONG PANGKATAWAN – Target Games : Tumbang Preso
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN - Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo na nasa Ikalimang Baitang. Ito ay
upang gabayan ka na matutunan mo at malinang ang iyong kaalaman at Kasanayan sa
Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan. Sa pagtatapos ng modyul na
ito, Ikaw ay inaasahang :

MUSIKA - Matutukoy ang iba’t ibang uri ng nota (note) at pahinga (rest) na nakapaloob sa
isang awitin.

SINING Makagagawa ng ilusyon ng lalim at layo sa pagsasalarawan ng isang 3D na bagay


gamit ang pamaraang crosshatching at shading sa pagguhit

EDUKASYONG PANGKATAWAN – Maipamamalas ang mga kasanayan o kakayahang


kailangan sa paglalaro ng Tumbang Preso ayon sa Philippine Physical Activity Pyramid.

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN - Mailalarawan ang isang tao na may malusog na


kaisipan, damdamin at pakikipag kapwa-tao

Subukin

A. Iugnay ang pangalan ng mga nota o pahinga sa simbolo nito.

A B

______1. Kalahating nota (half note) A.

______2. Buong pahinga (whole rest) B.

______3. Kapat na nota (quarter note) C.

______4. Kapat na pahinga (quarter rest) D.

______5. Kawalong nota (eight note) E.

1
B. Piliin ang titik ng tamang sagot .

_____6. Ang cross -hatching ay isang teknik o paraan ng__________


a. guhit b. linya c. Shading d. Tekstura

_____7. Ang mga teknik o pamamaraan ng pagguhit tulad ng shading ay


nakadaragdag sa _________Ng likhang sining
a. lalim b. kapal c. Shading d. Lahat ng nabanggit

_____8. Ito ay mahalaga sa ating sining dahil ipinapakita nito ang kasaysayan,
kabuhayan at paraan ng pamumuhay noong unang panahon
a. artifacts b. kulturang material c. Kulturang Di Materyal

_____9. Isang anyo ng kagamitan sa pagluluto na hinulma sa pulang putik o luwad.


a. panolong b. torogan c. Banga

_____10. Ito ang biswal na paningin at pandama ng larawang iginuguhit


a. lines b. texture c. balance

_____11. Si Ana ay isang batang madaling makapag-isip ng solusyon sa mga


problemang kinakaharap niya. Anong kalusugan ang kanyang taglay?
a. Kalusugang Sosyal c. Kalusugang Emosyonal
b. Kalusugang Pisikal d. Kalusugang Mental

_____12. Si Amir ay walang tinatagong lihim, walang pagkukunwari. Anong kalusugan


ang kanyang tinataglay?
a. Sosyal b. Pisikal c. Emosyonal d. Mental

_____13. Anong kalusugan ang may kakayahang harapin at malampasan ang mga
pasanin at hamon ng pang-araw-araw na buhay? Ito ay kalusugang
a. Emosyonal b. Mental c. Pisikal d. Sosyal

_____14. Anong kalusugan ang tumutukoy sa kabuuang sikolohikal na pagkatao na


kung saan makikita ang kalidad ng relasyon at abilidad na kontrolin o
pangasiwaan ang nararamdaman? Ito ay kalusugang
a. Emosyonal b. Mental c. Pisikal d. Sosyal

_____15. Anong kalusugan ang tumutukoy sa kakayahang makihalubilo at makisama


sa iba’t ibang uri ng ugali ng tao?
a. Sosyal b. Pisikal c. Emosyonal d. Pangkaisipan

D. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali.


_____16. Ang Tumbang Preso ay tinatawag na target game.
_____17. Upang maiwasan ang pananakit ng kalaman, kailangan mag- warm up at cool down
exercise bago at matapos maglaro.
_____18. Ang pagiging patas sa paglalaro ay isa sa kagandahang asal na nalilinang sa

2
paglalaro ng Tumbang Preso.
_____19. Ang tawag sa manlalaro sa Tumbang Preso na nagbabantay sa lata ay guwardiya.
_____20. Layunin ng larong Tumbang Preso na bantayan ang lata na huwag matumba ng
kalaban.

Aralin

1 Mga Nota at Pahinga

Mayroong iba’t ibang uri ng nota at pahinga ang ginagamit sa notasyon ng isang awit
o tugtugin. Ang bawat tunog na naririnig natin ay tinatawag na nota (note), samantalang ang
walang tunog o katahimikan ay tinatawag namang pahinga (rest).

Balikan

Buuin ang jumbled letters upang maibigay mo ang tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa limang guhit na ito sa musika?

F T A S F
___ ___ ___ ___ ___

2. Ano naman ang tawag sa simbolong ito?

F C L E G
___ ___ ___ ___ ___

3
Tuklasin

Pakinggan at pag-aralan ang piyesa ng awiting “Paruparong Bukid”.


Maaari mong pakinggan sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=MHihzeQ-WRc
Tukuyin ang mga simbolo ng nota at pahinga ang nakikita mo sa awitin

Ang awiting “Paruparong Bukid” ay isang Filipino bersyon ng awiting


“Mariposa Bella”. Ito ay tradisyonal na awitin ng mga Espanyol noong 1800s. Ang
awiting ito ay tungkol sa isang dalagita na may kilos at ugaling mayumi at may
indayog gaya ng paruparo.

Ang mga nota at pahinga na makikita sa awitin ay ang mga sumusunod:

kalahating nota dobleng kawalong nota ( )


(double eighth notes)

kapat na nota kalahating pahinga

kawalong nota kawalong pahinga

4
Suriin

Pag-aralan ang tsart sa ibaba at tukuyin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga


nota at ng mga pahinga. Ipalakpak ang bilang ng kumpas.

Mga Nota (Notes) Mga Pahinga (Rests) Bilang ng Kumpas (Beats)

4
Buong pahinga
Buong Nota
(whole rest)
(whole note)

2
Kalahating pahinga
Kalahating nota
(half rest)
(half note)

Kapat na nota Kapat na pahinga


(quarter note) (quarter rest)

1/2

Kawalong nota Kawalong pahinga


(eighth note) (eighth rest)

1/4

Kalabing-anim na nota Kalabing-anim na pahinga


(sixteenth note) (sixteenth rest)

Magkakaiba man ang simbolo at bilang ng kumpas ng mga nota, ang mga ito ay
magkakaugnay. Katulad ng mga nota, ang mga rest ay magkakaiba rin ng anyo at bilang ng
kumpas ngunit magkakaugnay din. Ang nota at pahinga ay may parehong bilang ng kumpas.

5
Pagyamanin

Pakinggan at pag-aralan ang piyesa ng awiting “Atin Cu Pung Singsing”.


Maaari mong pakinggan sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=gVZgJGC8u2k
Tukuyin ang mga simbolo ng nota at pahinga ang nakikita mo sa awitin?

Isaisip

Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang sagot.

Ang ________________ay nagpapahiwatig ng tunog sa isang awitin,


samantala ang __________________ nagpapahiwatig ng katahmikan sa isang awitin.

Isulat ang mga uri ng nota at at iguhit ang simbolo at bilang ng kumpas nito sa
isang papel.

6
Isagawa

Iguhit ang mga simbolo ng nota at pahinga.

1. Buong nota ______ 4. Kapat na pahinga ______


2. Kawalong nota ______ 5. Kalabing-anim na pahinga ______
3. Buong pahinga ______

Tayahin

A. Pag-aralan ang awitin at tukuyin ang mga nota at pahinga na nakapaloob sa


awitin. Isulat ang pangalan at simbolo sa talaan sa ibaba.

Simbolo ng Nota at Pahinga Pangalan ng Nota at


Pahinga
1 5
2 6
3 7
4 8

B. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

Ang bawat tunog na naririnig natin ay tinatawag na (9)._________________,


samantalang ang walang tunog o katahimikan ay tinatawag namang (10).________.

Karagdagang Gawain

Iguhit sa plaskard ang mga nota (notes) at pahinga (rests).


Ilagay sa iyong portfolio

7
Pagguhit ng Banga gamit ang
Aralin
Cross-hatching at Contour
2
Shading Technique
Ang Pilipinas ay may mayamang kasaysayan ng sining at kultura. Ang mga
sinanunang anyo ng sining na ito ay binubuo ng mga banga,tapayan, at mga sinaunang anyo
ng tirahan ng mga Pilipino. Ang mga bagay na ito ay mahahalagang yaman ng kultura na
naglalarawan sa anyo ng pamumuhay natin noon.

Balikan
Ano-ano ang mga sinaunang kagamitan na naglalarawan sa anyo ng pamumuhay
natin noon at naging bahagi ng kasaysayan ng ating bansa?

Tuklasin

Ang Paggawa ng banga at tapayan ay may mahalagang bahagi sa kasaysayan at


kultura ng Pilipinas. Ginamit ang pagpapalayok (tulad ng mga banga) hindi lamang sa
pagluluto o pag-iimbak ng pagkain, kundi maging sa paglilibing ng mga patay. Naganap ang
gawaing ito mga 1000 BCE Ang Tapayang Manunggul ay isa lamang sa maraming tapayang
natagpuan sa loob ng yungib, na may iba’t ibang laki at disenyo. Gayunman, sa lahat ng mga
bangang natagpuan ay katangi-tangi ang Tapayang Manunggul na ayon kay Dr. Fox ay
walang kapantay sa Timogsilangang Asya at “likha ng isang alagad ng sining at isang
napakahusay na magpapalayok.” Ang tapayan ay itinuturing ngayon bilang isang
Pambansang Yamang Kultural ng Pilipinas.
Ang takip ng tapayan ay may anyo ng isang bangka na may nakasakay na dalawang
tao. Ang tao sa likod ng bangka ay tila may hawak na sagwan samantalang ang nasa kaniyang
harapan ay tila nakalagay nang pa-ekis ang mga kamay sa kaniyang dibdib. Ang bangka ay

8
mayroon ding tila mata at bibig. May disenyong pakurbang scroll ang itaas na bahagi ng
banga na ipininta gamit ang pulang hematite.

Ayon sa mga ebidensiyang nakalap, ang tapayan ay ginamit bilang lalagyan para sa
ikalawang paglilibing ( secondary burial) , isang prehistorikong paraan ng paglilibing na ang
mga buto ng tao na hinukay mula sa una nitong pinaglibingan ay inilalagay sa tapayan isang
taon pagkatapos ng kamatayan nito upang muling ilibing. Natuklasan din na ang mga buto ay
nilinis at pinintahan gamit ang pulang hematite bilang bahagi ng panimulang paghahanda sa
ikalawang paglilibing. Kalaunan, ang tapayan ay ilalagay sa pinakamaliwanag at
pinakamagandang bahagi ng kuweba.
Ano-anong teknik sa pagguhit ang maaring gamitin upang maipakita ang
kakaibang disenyo ng mga banga?

Suriin

Paano iguguhit ang mga banga na maipapakit ang mga detalye ng bawa itsa? Sa
pamamagitan ng paggamit ng mga teknik o pamamaraan sa pagguhit, maaring lumikha ng
sari-saring epekto. Maipapakita ang lalim, kapal at teksture ng bagay na iginuhit sa
pamamagitan ng cross-hatching at iba pang teknik ng shading..
Ang cross-hatching ay isang paraan ng shading kung saan paulit-ulit ang
pagguhit ng pinag-krus na linya
Sa isang hiwalay na papel, subukang magsanay gamit ang pahilis pakaliwa na linya, pahilis
pakanan na linya, pahigang linya at patayong linya, pagsasama –sama ng lahat ng uri ng
linya.

9
Pagyamanin

Pagguhit ng Banga Gamit ang Crosshatching at Contour Shading


Panuto: Gumawa ng ilusyon ng lalim at layo sa pagsasalarawan ng isang 3D na bagay
gamit ang pamaraang crosshatching at contour shading sa pagguhit.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Matamang pagmasdan ang mga disenyo na nasa kaliwang kahon.
2. Pag-aralang mabuti ang pamaraang crosshatching at contour shading sa pagguhit.
3. Gamit ang lapis, gayahin ang larawan sa kaliwa sa pamamagitan ng pagguhit nito sa loob
ng kahon na nasa kanan.
4. Suriing mabuti kung nabigyan ba ng 3D effect ang mga iginuhit

10
Isaisip

Ang cross-hatching ay isang pamamaraan ng shading upang bigyang lalim,kapal at


tekstura ang biswal na paningin at pandama ng larawang iginuhit

Isagawa
Gamitan ng crosshatching at contour shading techniques ang mga naiguhit na mga banga
na may iba’t ibang laki sa larawang B upang magkaroon ito ng 3D effect tulad ng naipakita
sa larawang A.
A. Cross- Hatching

11
B.

A. Contour Shading

12
Tayahin

Rubriks para sa Pagguhit ng Banga

Mga Sukatan Higit na nasusunod Nasusunod ang Hindi nasunod ang


ang pamantayan sa pamantayan sa pamantayan sa
pagbuo ng Likhang pagbuo ng Likhang pagbuo ng Likhang
Sining ( 5 ) Sining ( 3 ) Sining (2 )
1.Nabigyan ng ilusyon
ng lalim, kapal at
tekstura gamit ang
cross hatching na
pamamaraan sa
pagguhit
2. Nakasusunod ng
tama sa mga hakbang
sa pagguhit
3. Naipakita at
nabigyang diin ang
natatanging disenyo
ng mga bangang
iginuhit

Karagdagang Gawain

Sa isang hiwalay na papel, subuking gumuhit ng isang mahalaga o lumang antigong


bagay na makikita sa inyong tahanan.

1313
Masayang Maglaro ng
Aralin
Target Games
3
(Tumbang Preso)
Ang Tumbang Preso ay isa sa pinakakilalang target game sa Pilipinas. Masayang
laruin ito. May mga kakayahang nalilinang sa madalas na paglalaro nito. Marami ring
magandang naidudulot ito sa kalusugan.

Balikan

Kilalanin mo ang mga larawan. Tukuyin kung ano ang tawag sa mga larong ito sa
pamamagitan ng pagbuo ng jumbled letters upang maibigay mo ang tamang sagot.

R A O N L G Y O P I N

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

14
Tuklasin

Alam mo ba kung ano ang tawag sa larong ito na nasa ibabang larawan?

Nasubukan mo na ba itong laruin?


Ano-ano ang mga kailangang kagamitan sa paglalaro nito?
Ano-anong mga kasanayan o kakayahan ang maaaring malinang sa paglalaro nito?

Suriin

Paglalaro ng Tumbang Preso

Sa Pilipinas, madalas na laruin ng mga bata ang target game na Tumbang Preso.
Ang manlalaro ng Tumbang Preso na nagbabantay ng lata at nanghuhuli ng ibang
manlalaro ay tinatawag na preso. Kaya ang larong ito ay tinawag na Tumbang Preso.

Lugar na Paglalaruan:
Sa patag at malawak na lugar.

Mga Kailangan sa Paaralan:


- Isang lata na walang laman (o anumang lata)
- Pamato na kalimitan ay tsinelas para sa bawat manlalaro.

Bilang ng Manlalaro:
- lima hanggang siyam na bilang ng manlalaro.

15
Formation:
Tatayo ang taya sa tabi ng iginuhit na bilog samantalang ang iba naman ay nakatayo sa
likuran ng tuwid na guhit.

Layunin ng Laro:
- Mapatumba ang lata sa pamamagitan ng paghagis ng pamato mula sa kinatatayuang
linya.
- Makuha muli ang pamato at makabalik sa linya nang hindi natataya.

Kagandahang Asal na Nalilinang:


- Itinuturo ng larong ito ang pagiging patas at pagpapakita ng sportsmanship.

Kakayahang o Kasanayang Nalilinang:


- Nakatutulong ang larong ito sa paglinang ng iyong kakayahan sa bilis, liksi, lakas
ng braso at kalamnan, kalakasan ng mga binti, at katatagan ng kalamnan na
nakatutulong sa ating paglalaro at sa ating kalusugan at pangangatawan.

Mga Hakbang sa Paglalaro:


1. Ang taya ay pinipili sa pamamagitan ng paghahagis ng kanilang pamato mula sa loob
ng bilog papunta sa toe line. Ang pinakamalayo ang pamato sa toe line ang siyang
magiging taya.
2. Babantayan ng taya ang lata na nasa loob ng bilog upang hindi ito maitumba ng mga
manlalaro na nasa toe line.
3. Kapag naitumba ang lata, kailangang mabawi ng manlalarong nakatama ng lata ang
kaniyang pamato nang hindi nahuhuli ng taya.
4. Kung mahuhuli ang manlalaro, siya ang panibagong taya.
5. Ibabalik ng taya ang lata sakaniyang orihinal na posisyon at susubukang bantayan ito
laban sa ibang manlalaro.

Panuntunang Pangkaligtasan:
1.Tiyaking walang sagabal ang lugar na paglalaruan.
2. Mag- warm up at cool down exercise bago at matapos maglaro upang maiwasan ang
pananakit ng kalamanan.
3. Magsuot ng angkop na kasuotan sa paglalaro.
4. Huwag maglaro kung may sakit o karamdaman.
5. Kailangan ng ibayong pag-iingat sa paglalaro.

16
Pagyamanin

May mga iba pang gawain na maaari mong gawin sa bahay upang malinang ang
iyong kailangang kakayahan o kasanayan sa paglalaro ng Tumbang Preso.
Siguraduhing walang sagabal o nakakalat na bagay sa lugar na iyong gagamitin at
sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan.

Sa, patnubay ng iyong magulang o tagapag-alaga, gawin mo ang mga sumusunod


na gawain.

1. Bilis

Tumakbo ng mabilis . Maaaring gawin ito sa inyong


sala, sa kuwarto o sa kusina ng sampung (10)
beses ng pabalik-balik.

2. Liksi
Maglaro ng luksong lubid gamit ang mahabang
garter, pinagsama-samang goma o tali. gawin ito
ng 10 beses.

3. Lakas ng braso at kalamnan

Itulak o hatakin mo ang upuan o mesa o magbuhat


ng upuan na tama ln gang timbang
Gawin ito ng 10 beses.

4. Kalakasan ng mga binti

Tumalon ka ng 10 beses sa iyong kinatatayuan.


Maaari mo itong gawin araw-araw.

_________________
5. Katatagan ng kalamnan

Magwalis o maglinis ng sahig.

Maaari mo itong gawin araw-araw.


.

17

Maaari mo itong gawin araw-araw.


Isaisip

Kumpletuhin ang pahayag. Punan mo ng wastong sagot ang patlang.

Sa paglalaro ng Tumbang Preso, nalilinang ang aking kakayahan sa


________________, ________________, ______________________,
_____________________, at ___________________na maaaring makatulong sa aking
paglalaro at kalusugan at pangangatawan.

Mahalagang sundin ang mga panuntunang ______________________ sa paglalaro


ng Tumbang Preso upang maiwasan ang sakuna habang naglalaro.

Ano kagandahang asal na maaaring malinang sa paglalaro ng Tumbang Preso ay


pagiging ______________________ at __________________________ .

Isagawa

Laruin ang larong Tumbang Preso, sa pamamagitan ng pagbato ng isang latang walang
laman gamit ang iyong tsinelas.

Maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na bagay na pamalit sa lata tulad ng mga
walang laman ng boteng plastik ng shampoo, softdrinks, mineral water, polbo, kahon ng
gamot.

18
Siguraduhing walang sagabal o nakakalat na bagay sa lugar na iyong gagamitin at
sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan sa paglalaro.

Tayahin

Punan ang patlang upang mabuo ang bawat pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa loob ng
kahon. Isulat sa patlang bago ang bilang ang letra ng iyong sagot.

A. Tumbang Preso F. Warm up


B. Bilis G. Katatagan ng kalamnan
C. Liksi H. sportmanship
D. malawak I. Preso
E. Kalakasan ng mga binti J. Pamato

_______1. Ang manlalarong nagbabantay ng lata sa Tumbang Preso ay tinatawag na ____.


_______2. Tiyaking mag-__________ bago maglaro upang maiwasan ang pananakit ng
kalamnan.
_______3. Ang larong _______________ ay isa sa pinakakilalang target game sa Pilipinas.
_______4. Ang kakayahan na nalilinang sa pamamagitan ng pagtakbo ng mabilis.
_______5. Ang kakayahan o kasanayang nalilinang sa pamamagitan ng pagwawalis at
paglalampaso ng sahig.
_______6. Tiyaking _______________at walang sagabal ang lugar na paglalaruan.
_______7. Ang taya ay pinipili sa pamamagitan ng paghahagis ng kanilang ___________.
_______8. Ang kakayahan o kasanayang nalilinang sa pamamagitan ng paglaro ng luksong
lubid.
_______9. Ang kakayahan o kasanayang nalilinang sa pamamagitan ng pagtalon, pag-akyat
ng hagdan at pag-iwas sa mga nakakalat ng laruan ng iyong kapatid.
_______10. Ang pagiging sportmanship sa paglalaro ay isa sa kagandahang asal na
nalilinang sa paglalaro ng Tumbang Preso.

19
Karagdagang Gawain

Magbigay ng limang (5) kabutihang dulot ng paglalaro ng “Tumbang Preso”.

Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Aralin Mental, Emosyonal


4 at Sosyal na Kalusugan
Ang kalusugan ay hindi lamang kawalan ng karamdaman. Ito rin ay ang pagkakaroon
ng malusog na katawan, at maayos na kalagayang mental, emosyonal, at sosyal. Mahalagang
pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng bawat aspekto ng pagkatao dahil Malaki ang epekto
ng mga ito sa pangkabuuang kalusugan.

Balikan
1. Ikaw ba ay malusog? Bakit mo nasabi ito?
2. Sa iyong palagay, ano-ano kailangan ng isang tao upang maging malusog?

Tuklasin
Ating Suriin ang mga sumusunod na larawan:

a. Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit masaya ang bata sa unang larawan?
b. Bakit kaya malungkot ang bata sa pangalawang larawan?
c. Ano masasabi ninyo sa pangatlong larawan?

20
Suriin

KALUSUGANG MENTAL O PANGKAISIPAN

Ang Kalusugang Mental o pangkaisipan ay kakayahan ng isang tao na maging


masaya sa buhay, may kakayahang harapin ang mga pasanin at malampasan ang mga
hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay. Kabilang dito ang mga sumusunod :

• Paggawa ng desisyon
• Pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin
• Pagnanais na makagawa ng solusyon sa bawat kinakaharap na problema
• Nagtataglay ng positibong pananaw sa buhay

KALUSUGANG SOSYAL O PANLIPUNAN


Ang Kalusugang Sosyal ay ang kakayahang makihalubilo at makisama sa iba’t ibang
uri at ugali ng tao, kung paano makisalamuha ang mga tao sa iyo at kung paano ka makipag-
ugnayan sa iyong lipunang kinabibilangan.

21
• Palakaibigan
• Marunong makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao
• Nauunawan ang nararamdaman ng kapwa tao
• Nailalagay ang sarili sa sitwasyong ng iba
• May tiwala at paggalang sa nararamdaman ng kapwa
• Kayang tanggapin ang pagkatao at ugali o asal ng kaibigan, kamag-aral,
• Marunong making at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa

KALUSUGANG EMOSYONAL

Ang kalusugang Emosyonal ay tumutukoy sa kakayahang magpahayag ng damdamin sa


tamang paraan. Ito ay pagpapakita ng positibong emosyon at pag-uugali. Nagiging madali at
maayos ang lahat ng pangyayari o sitwasyon at maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng
magkakaibigan, magkaklase, magkamag-anak o magkapatid kung kaya niyang kontrolin at
pangasiwaan ng tama ang kanyang emosyon o nararamdaman. Ang mga kakayahan ng taong
may malusog na emosyon ay ang mga sumusunod.

22
• Maging Masaya o magkaroon ng dahilan/kakayahang pasayahin ang sarili
• Mapanatili ang magandang relasyon ng mga taong nakakasama
• Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
• Kakayahang tanggapin ang puna ng ibang tao
• Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay
• Walang tinatagong lihim o walang pagkukunwari
• Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon o pangyayari sa buhay sa
positibong pamamaraan.

Pagyamanin
Alamin kung anong kalusugan ang tinutukoy. Isulat ang KM kung Kalusugang Mental, KE
kung Kalusugang Emosyonal at KS kung kalusugang Sosyal
_____________1. Marunong making at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa
_____________2. Madaling makaisip ng solusyon sa mga problemang kinakaharap
_____________3. Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba
_____________4. Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
_____________5. Nauunawaan ang nararamdaman ng kapwa
_____________6. Malampasan ang hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay
_____________7. Kakayahang tanggapin ang pagkatao at ugali ng kaibigan
_____________8. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
_____________9. Walang tinatagong lihim / pagkukunwari’
_____________10. Marunong makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao

23
Isaisip
Buuin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang na
nakalaan sa bawat numero.
1. Ang Kalusugang ______________ay abilidad ng isang tao na makapagpasaya sa
buhay, kakayahang harapin at malampasan ang mga pasanin at hamon ng pang-
araw-araw na buhay
2. Ang Kalusugang_________________ay tumutukoy sa kabuuang sikolohikal na
pagkatao na kung saan makikita ang kalidad ng mga relasyon at abilidad na kontrolin
o pangasiwaan ang nararamdaman.
3. Ang Kalusugang_________________ ay ang kakayahang makihalubilo at makisama
sa iba’t ibang ugali ng tao.

Isagawa
Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat/Ilahad kung ano ang iyong gagawin
sakaling ikaw ay maharap sa mga halimbawang pangyayari

1. Lima kayong magkakapatid at ikaw ang panganay. Malubha ang karamdaman ng iyong
ina at kailangan na siyang dalhin sa pagamutan. Ang iyong ama ay gabi na kung umuwi sa
bahay ninyo. Ano ang nararapat mong gawin?

2. May kaklase kayo na laging nag-iisa at walang kaibigan

3. Masaya kayong naglalaro na magkakaklase ng biglang may umayaw sa paglalaro dahil


sa pagkatalo. Ano ang dapat mong gawin bilang kalaro?

4. Naglilinis kayo ng inyong silid-aralan ng biglang hindi mo sinasadyang maitapon ang tubig
sa iyong lalagyan. Nagalit ang isa ninyong kaklase dahil maglilinis ulit kayo na dapat
patapos na sa paglilinis. Ano ang iyong gagawin?

24
Tayahin
1. Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
a. emosyonal b. mental c. Pisikal d. Sosyal
2. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa sa Kalusugang Sosyal maliban sa isa, Alin ang
isang ito
a. Marunong makisalamuha sa mga tao c. Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba
b. Nauunawaan ang nararamdaman ng kapwa d. Pagpapahayag ng nararamdaman o galit
3. Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon o pangyayari sa buhay sa positibong
pamamaraan.
a. Sosyal b, Pisikal c. Emosyonal d. Mental
4. May magandang samahan o pakikisama sa pamilya, kaibigan o komunidad
a. emosyonal b. mental c. Pisikal d, Sosyal
5. May positibong pananaw sa pagtanggap ng puna ng ibang tao

‘a. Mental b. emosyonal c. Sosyal d. Mental

Karagdagang Gawain

Repleksyon/Pagninilay
Ako ay malusog na bata sapagkat_______________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

25
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1:Musika

Tayahin Isagawa Isaisip

1. 5.half note 1. nota


2. pahinga
3.
2. 6. quarter note
4.
3. 7.double eighth note 5.

4. 8.quarter rest

9. nota (note)

10. pahinga (rest)

Pagyamanin Balikan Subukin


1. Kalahating nota STAFF 1. C
(half note) 2. A
GCLEF
3. B
2. Kapat na nota
4. E
(quarter note)
5. D
3. Kawalong nota
(eighth note)

26
Aralin 2 :Sining

Tayahin Isagawa Isaisip


Nakabatay sa itinakdang Nakabatay sa itinakdang nota
pamantayan o rubriks ang pamantayan o rubriks ang pahinga
magiging marka ng mag- magiging marka ng mag-
aaral aaral

Pagyamanin Balikan Subukin


Nakabatay sa itinakdang 6. c
pamantayan o rubriks ang
7. d
magiging marka ng mag-
aaral 8. a

9. c

10. b

27
Aralin 3 :Edukasyong Pangkalusugan

Tayahin Pagyamanin Subukin


1. I 16.T
2. F
17.T
3. A
4. B 18.T
5. G
19M
6. D
7. J 20. M
8. C
9. E
10. H

28
Aralin 4 :Health

Tayahin Isagawa Isaisip


1. A Nakabatay sa karanasan at 1. Mental
pananaw ng bata
2. D 2.Emosyonal

3. C 3. Sosyal

4. D

5. B

Pagyamanin Balikan Subukin


1. KS 11. d
2. KM Nakabatay sa karanasan at
pananaw ng bata 12. c
3. KS
4. KE 13. B
5. KS
6. KM 14. A
7.KS 15. A
8.KM
9. KE
10. KS

29
29
SANGGUNIAN
Musika
Hazel P. Copiano & Emilio S. Jacinto Jr, 2016. Halinang Umawit at Gumuhit: Kagawaran ng
Edukasyon: Republika ng Pilipinas.

PHOTO CREDITS
canva.com/education

google.com

Sining
Copiaco Hazel P. et. Al. Halinang Umawit at Gumuhit 5 Batayang Aklat.2016. Kagawaran
ng Edukasyon
Copiaco Hazel P. et. Al. Halinang Umawit at Gumuhit 5 Manwal ng
Guro.2016.Kagawaran ng Edukasyon
MAPEH (Arts ) 5 – Modyul : Gawa kong Banga Kahanga hanga . Kagawaran ng
Edukasyon Rehiyon VIII
PHOTO CREDITS
Manunggul Jar. Commons.wikimedia.org
Burnay.commons.wikimedia.org
http://pluspng.com/kulturang-pinoy-png-5045.html

Edukasyong Pangkatawan
Gatchalian, Helen G., Ramos, Gezyl G.,& Yap, Johannsen C. 2016. Masigla at Malusog na
Katawan at Isipan. Kagawaran ng Edukasyon: Republika ng Pilipinas.

https://bit.ly/2NDrjiS

https://bit.ly/3gcrrlL

https://bit.ly/3dMUjiW

https://bit.ly/2CLHTeb

canva.com/education
google.com

30
30
Edukasyong Pangkalusugan
Gatchalian Helen G. et. Al.Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batang Aklat.2016.
Kagawaran ng Edukasyon
Gatchalian Helen G. et. Al.Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Manwal ng
Guro.2016. Kagawaran ng Edukasyon

ALS Module . Malusog na Pamumuhay, Aralin 2 :Malusog na Pag-iisip, Malusog na


Katawan

PHOTO CREDITS
Girl laughing out loud.www.shutterstock.com/pic
Indian 8 year old boy holding his head in shame. www.shutterstock.com/pic
https://www.slideshare.net/vincentsabroso/pagiging-positibo
https://www.eapfoundation.com/writing/essays/problemsolution/
https://crystala28.wordpress.com/2016/09/07/magiliw-o-palakaibiganfriendly/
http://ordialeslilian.blogspot.com/2016/08/ang-pakikipagkapwa-at-ang-golden-rule.html
http://www.depedbataan.com/resources/21/gr._2_mother_tongue_based_-_learning_module_.pdf
https://webstockreview.net/image/counseling-clipart-empathy/2555456.html
https://www.facebook.com/URI-NG-Pangungusap-213695268989520/photos/
https://kaugalian.wordpress.com/2016/03/05/pamilya/

31
31
32

You might also like