You are on page 1of 19

3

Music
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Tunog ng mga Instrumento
sa Musika
Music – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Tunog ng mga Instrumento sa Musika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Roneto S. Alba
Editor: Neal Keith Gonzales, Reynaldo Deocampo, Arcel Gacasan
Tagasuri: Marivic O. Arro, Alejandre S. Fernandez Jr., Jecson L. Oafallas
Tagaguhit: Jennifer D. Basinang
Tagalapat: Guillesar P. Villarente, Emmanuel P. Alba
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Reynante A. Solitario
Janette G. Veloso Janwario E. Yamota
Analiza C. Almazan Djhoane C. Aguilar
Ma. Cielo D. Estrada Maria Perpetua Angelita G. Suelto
Jeselyn B. dela Cuesta Reynaldo C. Deocampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147


E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Music
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Tunog
ng mga Instrumento
sa Musika
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music sa Ikatlong Baitang ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Tunog ng mga
Instrumento sa Musika!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit
ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Music sa Ikatlong Baitang ng Alternative
Delivery Mode (ADM) modyul ukol sa Tunog ng mga Instrumento sa
Musika.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

1. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


2. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
3. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
4. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
5. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
6. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
7. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

v
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Ala min

Sa modyul na ito ay ating makikilala ang mga instrumento sa musika sa


pamamagitan ng kanilang iba’t ibang tunog. Makikita rin dito ang mga larawan
ng instrumento.
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na ang mga bata ay
matututong:
1. Nakikilala ang mga uri ng instrumentong pangmusika sa pamamagitan ng
tunog (MU3TB-IIIb-3);
2. Nalalapatan ng tunog ang awiting “Leron-Leron Sinta” gamit ang
instrumentong pangmusika na makikita sa paligid; (MU3TB-IIIb-3) At
3. Naisasapuso ang pag-awit at paglapat ng tunog sa awitin gamit ang
instrumentong pangmusika na makikita sa paligid. (MU3TB-IIIb-3)

Subukin

Panuto: Kilalanin ang mga instrumentong pang musika sa pamamagitan ng


tunog. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pangalan ng instrumentong pangmusika na may tunog na “tring,
tring, tring?
a. gitara b. biyulin c. tambourine d. pompyang
2. “Toot, toot, toot” ang tunog ng anong instrumentong pangmusika?
a. pompyang b. trumpeta c. marakas d. gitara

3. Ang ay may tunog na____


a. tring, tring, tring c. boom, boom, boom
b. kling, kling, kling d. toot, toot, toot
4. Anong instrumentong pangmusika ang may tunog na “boom, boom, boom” ?

a. b. c. d.

1
5. Ang tunog na “ing, eng, ing, eng, ing, eng” ay tunog ng.

a. b. c. d.

Aralin
Tunog ng mga Instrumento
1 sa Musika
Ang timbre ay ang kalidad at kulay ng tunog. Maaaring ito’y
nanggagaling sa iba’t ibang pinagmulan tulad ng boses ng mga tao, kalikasan,
hayop, gamit at instrumento ng musika.
Makikilala ang iba’t ibang instrumento sa musika sa pamamagitan ng
kanilang mga tunog.

Ba lika n

1. Ano-ano ang iba’t ibang pinanggagalingan ng mga tunog?


a. tao c. sasakyan
b. instrumento sa musika d. lahat ng nabanggit
2. Alin ang may pinakamahinang tunog sa mga larawan?
a. trumpeta c. ibon
b. kulog d. sasakyan
3. May dalawang kalidad ng boses ang lalaki. Ito ay ____.
a. maliit at manipis c. mabigat
b. malaki at makapal d. matinis

2
4. Ang sanggol ay umiiyak nang malakas. Anong uri ng tunog ang iyong
naririnig?
a. matinis c. mabigat
b. makapal d. Malaki
5. Ang boses ng babae ay may dalawang kalidad. Ano-ano ang mga ito?
a. maliit at manipis c. malaki at makapal
b. matinis d. mabigat

Tukla sin

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.


1. Ang trumpeta ay isang instrumento na hinihipan na may tunog
na______?
a. toot, toot, toot, toot c. tring, tring, tring, tring
b. klang, klang, klang, klang d. kling, kling, kling, kling

2. Ang gitara ay may tunog na _________ . Ito ay kinakalabit


upang mapatunog.
a. klang, klang, klang, klang c. tring, tring, tring, tring
b. ing, eng, ing, eng, ing d. toot, toot, toot, toot
3. Ito ay pinupukpok at may tunog na “boom, boom, boom, boom” na
dumadagungdong ang tambol.

a. b. c. d.

4. May tunog na “klang, klang, klang, klang” ang pompyang kung ito ay
hinahampas.

a. b. c. d.

5. Ang tunog ng silopono ay________. Ito ay pinupukpok.


a. ktsik, ktsik, ktsik, ktsik c. boom, boom, boom, boom
b. ting, ting, ting, ting d. toot, toot, toot, toot

3
6. May tunog na _______ ang marakas . Ito ay tinutugtog sa pamamagitan
ng pagkalog.
a. klang, klang, klang, klang c. ktsik, ktsik, ktsik, ktsik
b. tring, tring, tring, tring d. toot, toot, toot, toot

7. Ang biyulin ay nilalaro sa pamamagitan ng pagguhit ng isang bow sa


mga string nito. ___________ naman ang tunog nito.
a. ing, eng, ing, eng, ing c. tring, tring, tring, tring
b. toot, toot, toot, toot d. klang, klang, klang, klang

8. Hinahawakan at pinatutugtog ang tamburin sa pamamagitan ng


pag-alog dito. Ano ang tunog nito?
a. tring, tring, tring, tring c. toot, toot, toot, toot
b. tik, tik, tik, tik d. kling, kling, kling, kling
9. Ito ay tinutugtog sa sa pamamagitan ng pagtapik. May tunog na “tik, tik, tik,
tik, tik” ang tunog ng dalawang patpat.

a. b. c. d.

Suriin

Ang mga tunog ay may iba’t ibang pinanggalingan. Maaaring ang mga
ito’y nagmula sa kalikasan, boses ng tao, hayop, instrumentong pangmusika at
iba pang bagay na gawa ng tao na nasa ating paligid. Ang iba’t ibang
pinanggalingan ng tunog ay nakakagawa ng iba’t ibang klase ng timbre. Ang
timbre o tunog ay iba’t ibang uri ng tunog na may kalidad o kulay. Ang
instrumento ay may iba’t ibang taglay na anyo at kalidad ng tunog na siyang
nagbibigay kulay sa bawat musikang ating pinapakinggan.

Basahin ang tula tungkol sa mga instrumentong pangmusika.


Ang Tunog Ko, Hulaan Mo
Ako ay mayroong tunog
Hulaan mo kung anong instrumento

4
Maglaro-laro tayo
Isa, dalawa, tatlo
Handa na ba kayo?

Boom, boom, boom, boom, boom


Klang, klang, klang, klang, klang
Tring, tring, tring, tring, tring
Toot, toot, toot, toot, toot

 Ano ang iyong napansin sa tulang nabasa?


 Hindi ba ito ay may mga tunog ng iba’t ibang instrumentong pangmusika?
 Maliban sa mga tunog na nasa tula, mayroon pa bang ibang uri ng tunog ng
ibang instrumento na iyong nalalaman?
 Ano-ano pa ba ang iba’t ibang tunog ng instrumentong pangmusika na
maririnig sa iyong paligid?

Pa gya ma nin

Gawain 1
Kilalanin ang mga instrumentong pangmusika sa sumusunod na tunog.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A B C D E
1. Boom, boom, boom, boom, boom __________________
2. Klang, klang, klang, klang, klang __________________
3. Tring, tring, tring, tring, tring __________________
4. Toot, toot, toot, toot, toot __________________
5. Ing, eng, ing, eng, ing, eng __________________

Gawain 2
Pagtapatin ang larawan ng mga instrumentong pangmusika na makikita sa
Hanay A at ang kanilang tunog sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

5
A B

1. a. ktsik, ktsik, ktsik, ktsik

2. b. tik, tik, tik, tik

3. c. kling, kling, kling, kling

4. d. ing, eng, ing, eng

5. e. tring, tring, tring, tring

Isa isip

Nalaman natin ang isang bagay sa pamamagitan ng pakikinig sa iba’t ibang


tunog kahit hindi nakatingin sa imahe nito. Ang mga tunog o timbre ay
nanggagaling sa iba’t ibang tunog o tinig ng tao, hayop, kalikasan, gamit at
instrumento ng musika. Ito ay sa tulong ng elemento sa musika na timbre. Bawat
instrumento ay may taglay na anyo at kalidad ng tunog na siyang nagbibigay
kulay sa bawat musikang ating pinapakinggan.

Isa ga wa

Panuto: Sa awiting “Leron Leron Sinta”, lapatan ng tunog gamit ang mga
instrumentong pangmusika na makikita sa iyong paligid. (Musescore: TG Grade
3 – Leron Leron Sinta)

6
Sukatin ang pagganap gamit ang rubriks sa ibaba.
Kasanayan 3 2 1
1. Nalapatan ng tunog gamit ang mga instrumentong pang musika
2. Maayos at malikhain ang pagkalapat gamit ang mga instrumetong
pangmusika
3. Naisagawa ang mga gawain ng maayos
3 -pinakamahusay 2- mas mahusay 1- mahusay

Ta ya hin

Panuto: Kilalanin ang mga instrumentong pang musika sa pamamagitan ng


tunog. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.
1. Ang tunog na “ing, eng, ing, eng, ing, eng” ay tunog ng.

a. b. c. d.

2. Anong instrumentong pangmusika ang may tunog na “boom, boom, boom,


boom” ?

7
a. b. c. d.

3. Ang nasa larawan ay may tunog na______.

a. tring, tring, tring c. kling, kling, kling


b. ktsik, ktsik, ktsik d. ing, eng, ing, eng
4. Ang instrumentong pangmusika na may tunog na “tring, tring, tring, tring,
tring” ay________.

a. b. c. d.

5. Ang “toot, toot, toot, toot, toot” ay tunog ng__________.

a. b. c. d.

Ka ra gda ga ng Ga wa in

Makinig ng mga tunog sa inyong paligid at kilalanin ang pinagmulan ng


tunog na inyong napakinggan at pag-uriin kung ito ba ay boses ng tao, kalikasan,
hayop, sasakyan, instrumentong pangmusika, mga gamit, tulad ng radyo at
cellphone.

boses ng kalikasan hayop sasakyan instrumentong mga gamit


tao pangmusika

Sukatin ang pagganap gamit ang rubriks sa ibaba.

8
Kasanayan 3 2 1
1. Nakilala ang pinagmulan ng napakinggang iba’t ibang tunog
2. Natukoy ang mga pinanggalingan ng iba’t ibang tunog
3. Nauuri ang iba’t ibang tunog na napakinggan
4. Naitala ang mga napakinggang tunog ayon sa tamang pangkat
5. Naipakita ang lubos na partisipasyon batay sa isinagawang gawain
3 -pinakamahusay 2- mas mahusay 1- mahusay

9
Susi sa Pa gwa wa sto

5. b
4. a a 5.
3. e a 4.
b 9. 2. c b 3.
d 8. 1. d c 2.
a 7. d 1.
Gawain 2
c 6.
b 5. a 5. Balikan
b 4. c 4. B 5. C 5.
c 3. c 3. C 4. a 4.
c 2. b 2. A 3. b 3.
a 1. b 1. E 2. b 2.
D 1. a 1.
Tuklasin Tayahin
Gawain 1 Subukin:

Sanggunian
Music, Art, Physical Education and Health, Kagamitan ng Mag-aaral
Sinugbuanong Binisaya, Grade 3, pp. 73-75

Teacher’s Guide in Music Grade 3, pp.104-106

Curriculum Guides in Music Grade III - MU3TB-IIIb-3

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like