You are on page 1of 17

4

MUSIKA 4
Pangatlong Markahan
Modyul 1:
Ang Introduction at Coda ng
Isang Awitin

GOVERNMENT PROPERTY
NOT FOR SALE
Musika – Ikaapat Baitang
Alternative Delivery Mode
Pangatlong Markahan – Modyul 1: Ang Introduction at Coda ng
Isang Awitin
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module

Author: Jessie T. Sagucio


Gene A. Reginaldo Editha T. Giron
Editors:
Ritchelle B. Dejolde Edwin C. Padasdao
Gina A. Amoyen Evangeline A. Cabacungan
Reviewers:
Francis A. Domingo Jenetrix T. Tumaneng
Layout Artist/
Illustrator:
Tolentino G. Aquino Joan A. Corpuz

Management Arlene A. Niro Joye Madalipay


Team: Gina A. Amoyen Santiago Baoaec
Editha T. Giron Arthur M. Llaguno
Francis A. Agbayani Gene A. Reginaldo

Printed in the Philippines


by:_____________________________________________

Department of Education
Office Address: Flores St. Catbangan, City of San Fernando, La
Union
Telefax: (072) 607- 8137/ 682-2324
E-mail Address: region1@deped.gov.ph
4

MUSIKA
Pangatlong Markahan Modyul
1:
Ang Introduction at Coda ng
Isang Awitin
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MUSIKA 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Introduction at Coda ng
Isang Awitin
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pinananagumpayang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matutulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatwan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagalapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hihayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mga-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Musika 4 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Ang Introduction at Coda ng Isang Awit. Ang modyul
na ito ay ginagawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang opurtunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matutulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin ay ipakikila sa pamamagitan ng
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtatalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para
Pagyamanin sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan
Isaisip o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makakatulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay

6
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi ng Ito ang talaan ng lahat ng
Pagwawasto pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian Ang
sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.
sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na to:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumapit sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
saguting lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o guro o tagapagdaloy, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay ng mga kompetensi. Kaya mo ito!

7
Alamin

Magandang araw!

Sa modyul na ito ay matututunan ang pagkilala sa


pamamagitan ng pandinig at biswal ang introduction at coda ng
isang awitin
Ang modyul na ito ay:
 Aralin 1 – Ang Introduction at Coda ng Isang Awitin
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay maaa-sahang:
Makakilala sa pamamagitan ng pandinig at biswal ang
introduction at coda (katapusan) ng isang awitin; MU4FO-
IIIa-1
 Sa alinmang awitin, mas mainam na may bahaging
naghahanda o introduction sa tagapakinig. Ito ay maaaring
isang maikling himig o tugtuging instrumental na tinutugtog
bago magsimula ang awitin. Bukod sa nagpapaganda nito
ang awitin, nagbibigay ito ng tamang tono o pitch sa isang
mang-aawit
 Sa katapusan naman ng awitin o tugtugin, may mga
karagdagang ideya ang kompositor upang magkaroon ng
isang magandang pagtatapos ang isang awitin o tugtugin at
tinatawag itong coda
 Introduction-tinutugtog bago magsimula ang awitin
 Coda-tinutugtog bago matapos ang awitin

8
Aralin
Ang Introduction at Coda
1 ng Isang Awitin

Magandang
araw! Sana ay
maging
mahusay ang
iyong pag-
aaral sa
linggong ito.

Tignan ang larawan. Sa larawang ito ay ipinapakita ang


halimbawa ng introduction at coda sa isang awitin o
komposisyon.

9
Subukin

PANUTO: Awitin ang “Ohoy Alibangbang”. Bilugan ang


introduction at ikahon ang coda sa tsart ng awit.
Salin:
Ohoy paruparo kung ikaw ay lilipad
Alagaan mon ang Mabuti ang mga bulaklak
Baka kung sakaling malimutan mo
Sayang si Gumamela na malaglag sa lupa

10
Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan


piliiin lamang ang tamang sagot, isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel o kuwaderno.
1. Papaano natin makikilala ang pinakamataas at
pinakamababang tono sa isang awitin?
A. sa pamamagitan ng range B. sa pamamagitan ng G clef
C. sapapamgitan ng ledger line D. sa papamagitan ng
phrase

2. Ito ay tawag sa pagitan ng dalawa o higit pang


magkakasunod na nota. Ano ang tawag dito?
A. Phrase B. Interval C. Prime D. Melody

3. Ang tawag sa interval na inuulit-ulit ay _____________.


A. Prime B. Second C. Third D. Fourth

4. Ang awit ay binubuo ng mga tono na may kani-kaniyang


daloy at agwat ng note na tinatawag na ______________.
A. Melodic Phrase B. Simple Interval
C. Measure D. Melody
5. Saan maaring matagpuan ang ledger line sa isang isang
staff?
A. Sa ibabaw ng staff B. Sa ilalim ng staff
C. Puwedeng A at B ang sagot D. Wala sa nabanggit

11
Tuklasin

Dito banda makikita ang introduction ng awiting ito.

Introduction-tinutugtog bago magsimula ang awitin


Coda-tinutugtog bago matapos ang awitin
Ito rin ang Coda ng awiting ito

Sagutin.
1. Ano nga ulit ang ibig sabihin ng introduction sa isang
awitin?
2. Ano nga ulit ang ibig sabihin ng coda sa isang awitin?

12
Pagyamanin

Gawin mo: Mula sa mga nabasa mo tungkol sa introduction at


coda ng isang komposisyon o awitin. Ngayon ihanda ang iyong
sarili at punan ang bawat patlang at ibigay ang nawawalang mga
salita sa bawat bilang.

 Sa alinmang awitin, mas 1 na may bahaging


naghahanda o 2 sa tagapakinig. Ito ay
maaaring isang 3 4 o tugtuging
instrumental na tinutugtog bago magsimula ang awitin.
Bukod sa nagpapaganda nito ang awitin, nagbibigay ito ng
tamang tono o 5 sa isang mang-aawit
 Sa 6 naman ng awitin o tugtugin, may mga
karagdagang ideya ang 7 upang magkaroon ng
isang magandang pagtatapos ang isang awitin o tugtugin at
tinatawag itong 8 .
 Introduction-tinutugtog bago 9 ang awitin
 Coda-tinutugtog bago 10 ang awitin

Isaisip

Ang introduction ay himig na tinutugtog o inaawit


bilang paghahanda sa kabuuan ng pag-awit. Ang coda ay bahagi
ng isang awit o tugtugin na nagsisilbing panapos o pangwakas
na bahagi ng komposisyon o awitin.

13
Isagawa

Panuto:Isulat sa patlang ang TUMPAK kung ang tinutokoy


ng bawat bilang ay tama at isulat naman ang SABLAY kung ito
ay mali.
_________1. Ang introduction ay nagbibigay kagandahan sa isang
awitin.
_________2. Ang introduction ay makikita ito sa katapusan ng
komposisiyon o awitin.
_________3. Ang coda ay matatagpuan sa katapusan ng awit.
_________4. Tinutugtog o inaawit ang introduction bilang
paghahanda sa kabuuan ng awit.
_________5. Pwedeng magpalit ang introduction at coda, na ang
introduction ay makikita sa hulihan ng komposisyon at ang coda
naman ay makikita sa umpisa ng awitin o komposisyon.

14
Tayahin

Panuto: Lagyan ng kahon ang Introduction at bilugan ang Coda


sa awiting ito.

15
Karagdagang Gawain

Magsaliksik ng 5-10 mga komposisyon o awitin na mayroong


introduction at coda. Puwedeng gamitin ang pinakamabisang paraan na maisip
mo sa pagsasaliksik. Ilista ang mga pamagat nito sa iyong kuwaderno.

Susi ng Pagwawasto

Subukin

BALIKAN
1. A

2. B

3. A

4. D

5. C
Pagyamanin Isagawa
1. mainam 6. karapusan 1. Tumpak
2. introduction 7. kompositor 2. Sablay
3. maikling 8. coda 3. Tumpak
4. himig 9. magsimula 4. Tumpak
5. pitch 10. matapos 5. Sablay

Tayahin

16
Sanggunian:
Marilou E. Marta R. Benisano, M.A.P.A, Grade 4, Musika at
Sining, (Kagamitan ng Mag-aaral) Philippines: VICARISH
Publication and Trading Inc. Unang Edisyon 2015
https://www.youtube.com/watch?v=PEy2mix0FC8
https://www.youtube.com/watch?v=_12-fZvdPHg
https://www.youtube.com/watch?v=zaCzxRSX4GQ
https://www.youtube.com/watch?v=Xf3J5G2yS7Q

17

You might also like