You are on page 1of 27

Mother Tongue-Based

Multilingual Education
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Paki-React Nga!
Mother Tongue-Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paki-React Nga!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Genalyn B. Doroon


Editor: Babeth P. Gevila, Jesusa P. Ambrona, Lourdes C. Manlapus
Tagasuri: Rowena A. Malahay, Alejandre S. Fernandez Jr, Myleen C. Robinos
Tagaguhit: Jhasmin P. Bosque
Tagalapat: Hazel Jane A. Villegas
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Winnie E. Batoon
Janette G. Veloso Chona M. Calatrava
Analiza C. Almazan Teresita E. Helgason
Ma. Cielo D. Estrada Jesusa P. Ambrona
George N. Wong

Inilimbag sa Pilipinas ng __________________________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: regionxi@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Mother Tongue-Based
Multilingual Education
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Paki-React Nga!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mother Tongue-
Based Multilingual Education 3 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Paki-React Nga!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Mother Tongue-Based
Multilingual Education 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Paki-React Nga!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin
Kumusta? Maligayang pagdating sa Ikatlong Markahan!
Halika at sabay nating alamin ang nilalaman ng modyul na
may pamagat na Paki-React Nga!
Subukin mo kung paano sumulat ng sariling opinyon
tungkol sa isyu at balitang narinig. May mga gawain akong
inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman
tungkol dito.
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
● nakasusulat ng reaksyon at personal na opinion tungkol
sa mga isyu at balita (MT3C-IIIa-i-2.6).

Mga Tala Para sa Guro


Makamit mo ang kaalamang nais matutunan
kung pag-aralang mabuti at isaisip ang
nakapaloob nito. Sundin lahat ng mga panuto sa
bawat gawaing inilaan para sa iyo. Mabuhay!

1
Subukin
Basahin ang talata at sagutin ang gawain sa ibaba. Isulat
ang iyong sagot sa papel o sa kuwaderno.

Ang Sayaw na Budots


ni: Genalyn B. Doroon

Ang Budots ay sayaw ng nagmula sa Davao. Ito ay


ipinapakita at sinasayaw ng mga kabataan dito sa lugar lalong-
lalo na sa disco at iba pang okasyon na may sayawan. Kilala ang
grupo ng Camus Boys and Girls na siyang nagpapasikat nito sa
mga social media.

Sa ngayon, ang Budots ay kilala at sinasayaw na rin sa


iba’t ibang lugar sa Pilipinas at maging sa ibang bansa ay
kinagigiliwan ito. Ang sayaw na ito ay parte na rin sa mga

2
sinasayaw ng mga grupo ng kabataang mananayaw sa mga
patimpalak.
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Saan nagmula ang Budots?


A. Bicol B. Davao C. Laguna

2. Paano sumikat ito?


A. Dahil sa social media
B. Dahil sayaw ito sa kasal.
C. Dahil iyon ang gustong-gustong sayawin ng mga
tao.

3. Anong okasyon o pagdiriwang sinasayaw at nakikita ito?


A. disco B. kasal C. binyag

B. Basahin ang isyu sa ibaba at sumulat ng 1-2 na


pangungusap tungkol sa iyong reaksyon o opinyon tungkol
dito:

Ang sayaw na Budots ay sinasayaw na ngayon sa


ibat-ibang panig ng Pilipinas at kinagigiliwaan din ito maging
sa ibang bansa.

Sa aking palagay, ________________________________________


___________________________________________________________
__________________________________________________________.

3
Aralin

1 Paki-React Nga!

Sa modyul na ito ay matutuhan mong isulat ang iyong mga


palagay tungkol sa isang isyu o balitang naririnig, nakikita o
nababasa. Paniguradong hinding hindi kana mag-aatubili pang
isulat ang iyong mga puna, reaksyon o mga palagay tungkol dito.
Ngunit bago tayo dumako sa bagong leksiyon, balikan
muna natin ang natutunan mo sa nakaraang modyul.

Balikan
Suriin ang bawat pangungusap kung ito ay metapora,
personipikasyon o hyperbole. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa
kuwaderno.
1. Inaabot ng pasko ang haba ng kuwento ni Mama.
2. Ngumiti ang mga bulaklak ng siya ay dumaan.
3. Halos mabitak ang pader sa ingay ng mga istambay.
4. Mabilis tumakbo ang oras kapag tayo ay magkasama.
5. Ang mang-aawit ay ginto na kumikislap sa kanyang
kasikatan.

4
Tuklasin
Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang tanong
pagkatapos nito. Isulat ang iyong sagot sa papel o sa
kuwaderno.
Ang Magkapatid
ni: Genalyn B. Doroon

Isang umaga, napalingon ako sa ingay ng dalawang


batang babae na si Ading at si Maymay. Ang dalawang
magkapatid ay palaging nag-aaway at nagbabangayan sa
lahat ng bagay lalong-lalo na sa kanilang mga gusto. Lumapit
ako at kinausap sila, “Bakit kayo nag-aaway?” “Kasi po mama
ayaw ni Ading ipahiram ang remote sa ating tv”, sagot ni
Maymay. “Gusto kasi ni Ate na ilipat sa ibang channel ang

5
pinanood naming balita!” sabi ni Ading. “Huwag na kayong
mag-away”.
“Ate May maaari ba na manonood muna tayo ng balita sa
tv? Kailangan nating malaman ang sitwasyon natin sa paligid at
hindi tayo nahuli sa mga balita. Lalo na ngayon, na hindi tayo
pwedeng lalabas ng bahay dahil sa pandemya. Okey lang ba
sayo?” “Opo, Mama”, tugon ni Maymay. Natigil ang away ng
dalawa at sabay silang nanuod ng balita sa tv.
Mga tanong:
1. Ano ang pinag-aawayan ng dalawang batang babae?
2. Paano natigil ang away nila?
3. Pumayag ba si Maymay sa pakiusap ng ina?
4. Tama ba na palaging mag-aaway ang magkakapatid?
Bakit?
5. Ano sa palagay mo ang maaring mangyayari kung hindi
tayo makarinig o ma-update sa mga balita sa paligid?

Suriin

Ano ang reaksyon o personal na opinyon? Ang pagbibigay


ng reaksyon o personal na opinion ay depende sa lawak ng iyong
kaalaman ukol sa isang usapin, isyu o balita.
Kung ano ang iyong nasa isip o kaalaman, kung ano ang
iyong karanasan at maari rin kung ano ang iyong kasalukuyang
nararamdaman ang bumubuo ng isang ipinyon at reaksyon.
Sa pagsusulat ng reaksyon o opinyon, maaari mong simulan
ang pangungusap sa mga sumusunod:
• Sa aking palagay…
• Naniniwala ako na…
• Sa aking opinion…
• Para sa akin…

6
Pag-aralan ang graphic organizer sa ibaba.

Naramdaman mo Karanasan mo

Nalalaman mo

Reaksyon o personal na opinyon

Tandaan

Mga dapat tandaan sa pasulat ng reaksyon:


✓ Ano ang isyu?
✓ Ano ang iyong reaksyon o opinyon?
✓ Ano ang iyong basehan sa iyong reaksyon?

7
Pagyamanin
Gawain 1
Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng iyong opinyon
tungkol sa bawat isyung nakasaad. Isulat ang iyong sagot sa
papel o sa kuwaderno.

1. Isang bagong ordinansa ang inilabas ng ating Mayor na


paigtingin ang pagpapatupad ng Gulayan sa Bakuran
ngayong panahon ng pandemya. Sa iyong palagay, paano
ito nakatutulong sa mga mamamayan?
A. Sa aking palagay. sa tulong nito hindi na kailangan
lumabas ng mga tao upang bumili ng mga pang-
ulam sa araw-araw at maiwasan ang pagkalat ng
sakit.
B. Bibigyan ng premyo ang may pinakamagandang
gulayan.
C. Mahal ang mga bilihin sa palengke.

2. Bawat paaralan dapat magkaroon ng mga programa


upang paunlarin ang ating sariling awit at sayaw. Ano ang
iyong paniniwala tungkol dito?
A. Mas pinili ng mga kabataan ngayon ang mga hip
hop dance.
B. Malapit ng malimutan ang ating mga katutubong
awit at sayaw.
C. Naniniwala ako na sa pamagitan ng programang ito
ay mas mapaunlad at maipagmalaki ang sariling
atin.

8
3. Ang ating mga batas pantrapiko tumutulong para sa
kaayusan at payapang kilos ng mga tao sa kalsada o
lansangan. Ano sa iyong palagay ang maaaring mangyari
kapag nasunod ito?
A. Sa aking palagay, maiiwasan natin ang mga
disgrasya at upang tayo’y maging ligtas habang
nasa daan.
B. Sa aking palagay, maraming mga tao ang
naglalakad na lang sa daan.
C. Sa aking palagay, maraming pulis ang
nagbabantay sa kalsada.

4. Marami sa mga bata ngayon inuuna pa ang paglalaro sa


computer kaysa paggawa ng takdang-aralin. Para sa iyo,
ano ang magiging kahihinatnan nito sa kanilang pag-aaral?
A. Para sa akin, mas nahuhumaling sa mga laro sa
computer kaysa paggawa ng takdang-aralin kaya
ang resulta ay maaring bumaba ang kanilang
grado.
B. Para sa akin, paborito nila ang paglaro ng
computer.
C. Para sa akin, nahihirapan sila sa mga takdang-aralin.

5. Mas maagang oras ng curfew para sa mga kabataan. Ano


ang paniniwala mo tungkol dito?
A. Naniniwala ako na mas ligtas tayo kapag nasa loob
na ng tahanan pagsapit ng dilim.
B. Maraming mga bata ang gumagala sa gabi.
C. Mainam maglaro sa labas.

9
Gawain 2
Basahin at sundi ang nakasaad sa pahayag. Isulat ang
iyong sagot sa papel o kuwaderno.
1. Makinig ng balita sa telebisyon o sa radyo.
2. Sipiin ang napakinggang balita sa isang talata.
3. Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap ng
reaksyon o opinyon mo tungkol sa napakinggang balita.

Rubriks
Pamantayan Puntos
Nakasusulat lamang ng
1
napakinggang balita.
Nakasusulat ng balita at
kaunting ideya at opinyon
2
tungkol sa napakinggang
balita.
Nakasusulat ng kumpletong
impormasyong kinakailangan
at nakapagpapahayag ng 3
higit pang mga opinyon o
reaksyon.

Halimbawa:
Ang balitang aking napakinggan ay tungkol sa
____________________________________________________________.
Sa aking palagay,
________________________________________________________________
________________________________________________________________

10
Isaisip

Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsusulat ng


sariling opinyon o reaksyon sa mga isyu at balita?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___________________________________________________.

11
Isagawa

Basahing mabuti ang bawat isyu at balita sa ibaba. Isulat


ang iyong reaksyon o opinyon sa isang papel o kuwaderno.

1. Ang mga kabataan ay dapat gabayan ng mga magulang


sa tahanan sa kanilang aralin araw-araw na gawain.

Naniniwala ako na _______________________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________.

2. Araw-araw tumataas ang kaso ng may Covid-19.

Sa aking palagay_________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________.

3. Pinapaalalahanan tayo palagi na maging maingat sa


pagpo-post ng personal na mga impormasyon sa social
media.

Para sa akin ______________________________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________.

12
4. Ayon kay Sec. Briones, Kalihim ng Edukasyon, ang pag-aaral
ng mga bata ay hindi maaaring maantabay.

Sa aking palagay_________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________.

5. Eksperto na ang nagsasabi na ang palaging paggamit ng


mga gadget gaya ng mga cellphone, tablet at iba pa ay
may nakaambang panganib para sa mga bata lalo na sa
kanilang kalusugan.

Naniniwala ako na_________________________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________.

13
Tayahin
Basahin at gawin ang sinasabi sa direksyon.
Ang Sayaw na Polka sa Nayon
ni: Genalyn B. Doroon

Ang sayaw na Polka sa Nayon ay sayaw ng mga


Batangueño. Sinasayaw ito sa mga malaking okasyon noong
unang panahon.
Sa aming paaralan ay sinasayaw din ito ng mga mag-aaral
kasabay ng iba pang mga katutubong sayaw tuwing may
programa lalong-lalo na sa Recognition Day o Araw ng Pagkilala.
Nagbibigay aliw ito sa mga manonood dahil sa mga suot nitong
Maria Clara para sa mga babae at Barong Tagalog sa mga lalaki.
Nagpapaalala din ito na dapat nating mapaunlad at ipagmalaki
ang ating mga sayaw na nagpapakilala sa atin bilang mga
Pilipino.

14
A. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
papel o kuwaderno.
1. Saan nagmula ang sayaw na Polka sa Nayon?
A. Laguna B. Batangas C. Cebu
2. Ano ang kasuotan ng mga babae at lalake sa sayaw na ito?
A. Barong Tagalog at Maria Clara
B. Baro at Saya
C. Amerikana
3. Anong okasyon sa paaralan sinasayaw ito kasama ng iba
pang katutubong sayaw?
A. Recognition Day
B. King and Queen
C. Nutrition Day

B. Sumulat ng 2 pangungusap na reaksyon o opinyon tungkol dito:

Bakit dapat nating ipagmalaki ang ating mga katutubong


sayaw tulad ng Polka Sa Nayon?
Sa aking palagay, _____________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________.

Rubriks
Pamantayan Puntos
Nakasusulat ng isang
pangungusap na reaksyon o 1
opinyon tungkol sa isyu.
Nakasusulat ng dalawa o higit
pang pangungusap na
2
reaksyon o opinyon tungkol sa
isyu.

15
Karagdagang Gawain

Isulat sa isang papel o kuwaderno ang iyong reaksyon


tungkol sa isyu na ito. Pumili lamang ng isa sa tatlong panimula
(Para sa akin, Sa aking palagay o Sa aking opinyon) upang
kumpletuhin ang pangungusap.

“Ang mga ina ay hindi na dapat nagtatrabaho


sa mga gawaing bahay tuwing Sabado at Linggo.”
________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________.

16
17
Karagdagang Gawain Tayahin
Isagawa
1. B
2. B 1-5
Inaasahan ang
3. A
magkaibang sagot ng mga Maaring magkaiba ang
bata. sagot.
4-5
Maaring magkaiba ang
sagot.
Pagyamanin
Balikan Subukin
Gawain 1
1. Hyperbole 1. b
1. a 2. Personipikasyon 2. a
2. c 3. Hyperbole 3. a
3. a 4. Personipikasyon 4-5. Inaasahan ang
4. a 5. Metapora magkaibang sagot.
5. a
6.
Gawain 2
Maaring magkaiba ang
sagot.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Curriculum Guide sa MTB-MLE 3, 133
Most Essential Learning Competencies (MELC) 2020 for MTB-MLE
Grade III Q3
Bamba, Nelia D. et.al, MTB-MLE Kagamitan ng Mag-aaral
(Tagalog- Baitang 3) 2014, 21 E Boni Serrano Ave., Quezon
City, Book Media Press, Inc.,140-146

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like