You are on page 1of 20

5

Filipino
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagsagot sa mga Tanong mula sa
Binasa, Napakinggan, o
Napanood na Kuwento, Tekstong
Pang-impormasyon, o Anekdota
Filipino – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pagsagot sa mga Tanong mula sa Binasa, Napakinggan,
o Napanood na Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon, o Anekdota
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Josephine M. Ingal
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Ph.D., CESO V
Librada M. Rubio, EPS/OIC
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Nestor P. Nuesca, Ed.D.
Name of CID Chief
Ruby M. Jimenez, Ph.D.
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region III

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
5

Filipino
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagsagot sa mga Tanong mula sa
Binasa, Napakinggan, o
Napanood na Kuwento, Tekstong
Pang-impormasyon, o Anekdota
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagsagot sa mga Tanong mula sa Binasa,
Napakinggan, o Napanood na Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon, o Anekdota.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Pagsagot sa mga Tanong mula sa Binasa, Napakinggan, o Napanood na
Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon, o Anekdota!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo para sa iyo. Ito ay binuo upang matulangan kang
maunawan at maintindihan ang wastong paggamit sa iba’t-ibang pangngalan at
panghalip sa pamamagitan ng pagtalakay tungkol sa iyong sarili, sa ibang tao, mga
hayop, lugar, bagay, at mga pangyayari sa paligid, maging sa pakikipag-usap at
paglalahad tungkol sa iyong sariling mga karanasan. Ang module na ito ay
maaaring magamit sa iba’t-ibang sitawasyon sa pagkatuto. Ang wikang ginamit ay
isinasaalang-alang ang pagkakaiba-iba ng lengwahe at lebel ng bokabularyo ng
mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos batay sa pagkakasunud-sunod ng kurso.

Matapos mong gawin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. masagot ang mga tanong sa binasa, napakinggan, o napanood na kuwento,
tekstong pang-impormasyon o anekdota.

1
Subukin

Mahilig ka bang magbasa ng mga maikling kuwento?


Naaalala mo pa ba ang iba’t iabng element ng isang maikling kuwento?
Kopyahin ang hanap salita sa inyong sagutang papel at hanapin ang mga
elemento ng isang maikling kwento. Bilugan ang mga ito at isulat.

K A Y O P A N I M U L A A S K
A L A T A L I N I O A I M I A
S A S A S O N A S T M N A N I
U M M O T K A K A L A S A N S
K G A N A P R A U A O S K A I
D A N S G A I W N N R O I K P
U B P A A T L A O U W S D A A
L I O N B T U N G G A L I A N
A D Y Y I R S S A R K P R P A
N O A O N E S I K I A A E O K
N M M M M D O N D R S L D A M
A B A N G H A Y A S N P A N A
B O D A A K A A P A D A W A D
A A A A W I D G N A S K A P
T A G P U A N A H A B N A O B

1. ___________________________________

2. ___________________________________

3. ___________________________________

4. ___________________________________

5. ___________________________________

6. ___________________________________

7. ___________________________________

8. ___________________________________

9. ___________________________________

10. ___________________________________

2
Aralin
Kuwento, Tekstong Pang-
1 impormasyon, Anekdota
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na
naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari
na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa.

Ano-ano ang mga element ng maikling kwento? Paano mo masasagot ang


mga tanong gamit ang elementong ito? Masasagot mo ang mga katanungang iyan
gamit ang modyul na ito.

Balikan

Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B. Piliin sa Hanay B kung anong


element ng maikling kuwento ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng
inyong sagot sa sagutang papel. .

Hanay A Hanay B

_____1. dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa a. banghay


mga tauhan ng kwento.
b. kaisipan
_____2. ito ang problemang haharapin o c. paksang diwa
kinahaharap ng tauhan o mga tauhan sa
kwento. d. tagpuan
e. wakas
_____3. maaaring tao laban sa tao, tao laban sa
sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa f. kakalasan
kapaligiran o kalikasan g. kasukdulan

_____4. nakakamtan ng pangunahing tauhan ang h. tunggalian


katuparan o kasawian ng kanyang i. suliranin
ipinaglalaban j. saglit na kasiglahan
k. panimula
_____5. ang tulay sa wakas ng kwento

_____6. ang resolusyon o ang kahihinatnan ng


kwento

_____7. dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan


ng mga aksyon o mga insidente

_____8. ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento

_____9. Ito naman ang mensahe ng kwento

_____10. ito ay ang mga pangyayari sa kwento

Nakuha mo ba ng wasto ang mga sagot?

Upang higit na maliwanagan tungkol sa maikling kuwento at elemento nito,


basahin ang Tuklasin sa susunod na pahina.

Tuklasin

Basahin ang maikling kuwento at sagutan at kumpletuhin ang tsart ng element ng


maikling kuwento.
Si Pepe at ang Aso

Si Pepe ay may alagang aso mula sa kanyang ina. Ang tawag niya dito ay
Tagpi. Puting-puti ang madulas na balahibo ni Tagpi. Sa bandang likod, paa,
mukha at tainga nito ay mayroon itong mga tagpi na kulay kayumanggi. Iyon ang
dahilan kung bakit Tagpi ang pangalang ibinigay ni Pepe sa kanyang aso. Mahal na
mahal niya si Tagpi. Palagi niya itong pinaliliguan. Binibigyan niya ito ng
maraming masasarap na pagkain at tubig. Madalas din niya itong ipinapasyal at
nilalaro.

“Habol, Tagpi!” sigaw niya habang nakikipag unahan siya sa pagtakbo sa


alaga sa likod ng kanilang bahay.

Isang araw ay may naligaw na aso sa lugar nina Pepe. Kasing laki ni Tagpi
ang aso pero kulay itim ito. Manipis ang balahibo ng itim na aso kaya hindi ito
magandang tingnan. Marami pang putik at sugat sa katawan kaya mukha rin itong
mabaho. Hindi ito katulad ni Tagpi na ubod ng linis dahil araw-araw niya itong
pinaliliguan.

Nakita ng itim na aso si Tagpi. Lumapit ito sa bakod nila at tinahulan ang
kanyang alaga ng pagkalakas-lakas. Iginagalaw-galaw pa ni Tagpi ang kanyang
buntot na para bang tuwang-tuwa.

Hindi nagustuhan ni Pepe ang pakikipaglaro ni Tagpi sa marungis na aso.


Binugaw niya ito pero ayaw nitong umalis.

“Tsuu,tsuu! Alis!” bugaw niya rito.

Ayaw umalis ng aso, panay ang tahol nito kay Tagpi. Nainis si Pepe kaya
kumuha siya ng mahabang patpat at hinampas niya ang aso. Natumba ito at nag-
iiyak.

Hahampasin pa sana muli ni Pepe ang kulay itim na aso para tuluyan nang
umalis pero dumating ang kanyang tatay, agad siyang inawat nito.

“Huwag mong saktan ang aso, Pepe” sabi ng kanyang ama.

“Ang baho po kasi, Itay! Baka mamaya ay mahawa pa sa kanya si Tagpi,”


katwiran niya.

“Paano kung si Tagpi ang mapunta sa ibang lugar at saktan din siya ng mga
bata doon. Magugustuhan mo ba iyon?” tanong ng ama.

Hindi nakasagot si Boyet. Napahiya siya. Tinulungan nilang makatayo ang


aso at hinayaan na niya itong makipaglaro kay Tagpi.

Naiintindihan mo ba ang kuwento?


May aral ka bang natutunan mula rito.
Subukan natin itong himayin at alamin ang mga elemento ng maikling kuwento.

Suriin

Mayroong labing-isang elemento ang maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panimula - dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.
- dito rin kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

2. Saglit na Kasiglahan - naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa suliranin

3. Suliranin - ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng tauhan o mga


tauhan sa kwento

4. Tunggalian - ang tunggalian ay may apat na uri:


 tao laban sa tao
 tao laban sa sarili
 tao laban sa lipunan
 tao laban sa kapaligiran o kalikasan

5. Kasukdulan - nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian


ng kanyang ipinaglalaban

6. Kakalasan - ito ang tulay sa wakas ng kwento.

7. Wakas - ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.

8. Tagpuan - dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga


insidente
- kasama din dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento

9. Paksang Diwa - ito ang pinaka-kaluluwa ng maikling kwento

10. Kaisipan - ito naman ang mensahe ng kwento

11. Banghay - ito ay ang mga pangyayari sa kwento.

Muling balikan ang maikling kwento at suriin ito.

Pagyamanin

Kopyahin ang tsart sa sagutang papel at isulat ang mga elemento ng


maikling kwento nabasa sa Tuklasin.

Si Pepe at ang Aso


____________________________________________________
1. Panimula ____________________________________________________
____________________________________________________
2. Saglit na kasiglahan ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
3. Suliranin ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
4. Tunggalian ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
5. Kasukdulan ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
6. Kakalasan ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
7. Wakas ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
8. Tagpuan ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
9. Paksang diwa ____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
10. Kaisipan ____________________________________________________
____________________________________________________

Isaisip

Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Sino ang bata sa maikling kuwento?


a. Pepe b. Juan c. Boyet d. Jose

2. Ano ang relasyon mayroon si Pepe at si Tagpi?


a. magkaaway b. magkaibigan c. magkakilala d. mag-amo

3. Alin ang hindi katangian ni Tagpi?


a. may puting-puting balahibo c. may manipis na balahibo
b. may kayumangging tagpi d. ito ay malinis at malusog

4. Bakit ayaw ni Pepe na makipaglaro si Tagpi sa itim na aso?


a. dahil ito ay may sakit sa balat c. dahil ito ay isang ligaw na hayop
b. dahil ito ay madumi d. lahat ng nabanggit
5. Ano ang ginawa ni Pepe sa itim na aso ng makita niya itong nakikipaglaro kay
Tagpi?
a. binulyawan ito upang umalis c. pinakin niya ang aso
b. hinayaan niya itong makipaglaro d. niliguan niya ang aso
6. Bakit pinigilan si Pepe ng kayang ama sa tangka niyang paghampas muli sa itim
na aso?
a. dahil ang kanyang ama ay isang mabuting tao
b. dahil ang kanyang ama ay mapagmahal sa hayop
c. dahil ang itim na aso ay alaga ng kanyang ama
d. dahil ang kanyang ama ay naawa sa itim na aso

7. Anong aral ang matututunan sa kwento?


a. Maging mabait sa lahat ng uri ng hayop.
b. Huwag gawin sa ibang hayop ang ayaw mong gawin sa alaga mo.
c. a at b
d. wala sa nabanggit

8. Kung ikaw si Pepe, tutularan mo ba siya sa pagtaboy sa isang hayop tuladng


itim na aso? Bakit?
a. Oo, para hindi mahawaan ng sakit ang alaga ko.
b. Oo, para hindi na bumalik ulit ang isang hayop na gala.
c. Hindi, dahil tulad ng alaga ko ay may damdamin din ang ibang mga
hayop.
d. Hindi, dahil takot ako sa mga ligaw na hayop.

9. Bilang isang kabataan paano mo mapoproteksyunan ang mga ligaw na hayop


tulad ng itim na aso sa kuwento?
a. Hayaan lang silang magpagala-gala sa daan.
b. Itaboy sila pero hindi sasaktan.
c. Humingi ng tulong sa mga organisasyon para sa mga hayop.
d. Kupkupin ang mga ligaw na hayop at ituring na alaga.

10. Anong salawikain ang angkop na gamitin sa kuwento?


a. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
b. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.
c. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan dinadala hanggang sa pagtanda.
d. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.

Isagawa

Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang tanging pangyayari na


lubhang kawili-wili at kapupuluatan ng kaisipan o aral. Ito ay isinasalaysay upang
makalugod o magbigay-kawilihan. Ang tauhan dito ay karaniwang tanyag o kilala.

Basahin ang anekdota.


Si Jose Rizal

Pinakadakila sa mga katangian ni Jose ang marubdob niyang pagmamahal


sa kanyang Inang Bayan. Minamahal niya ang kanyang mga kababayan at
natitiyak din niya na mahal ng mga ito ang kanilang bayan.
Naniniwala si Jose sa mga kabataan ng kanyang
bayan. Naniniwala rin siya na ang mga kabataan ang
pag-asa ng Inang Bayan kaya gumawa siyang isang
makabayang tulang handog sa kanila. Pinamagatan
itong “Sa Mga Kabataang Pilipino”. Sa tulang ito,
pinarangalan niya ang mga kabataan ng kanyang
bayan. Natiro ang isang taludtod mula sa kanyang tula.
“Itaas ang inyong mga noo, Magiliw kong mga
kabataan; Ipagmalaki ang inyong kagitingan, Pag-asa
ng aking Inang Bayan.”

Inilaan natin ang ika-19 ng Hunyo na


kapanganakan ni Jose Rizal,
Larawan mula sa Wikipedia sa pagdiriwang sa “Araw ng
mga Kabataan”.

Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang pinakadakilang katangian ni Jose Rizal? ______________________________


2. Ano ang tema ng tula na isinulat ni Jose Rizal sa taas? ________________________
3. Sino ang natitiyak niyang nagmamahal din sa kanyang bayang tinubuan? ______
_______________________________________________________________________________
4. Kanino naniniwala si Jose Rizal? ______________________________________________
5. Paano niya ipinakita ang paniniwalang ito? ____________________________________
6. Ano ang paniniwala niya ayon sa tula? ________________________________________
7. Ano ang pamagat ng kanyang katha? __________________________________________
8. Ano ang hamon niya sa mga ito? ______________________________________________
9. Ano ang itinakdang araw ng mga kabataan? ___________________________________
10. Ano rin ang ipinagdiriwang sa araw na ito? ___________________________________

Tayahin

Ang tekstong impormatibo ay uri ng teksto na nagpapahayag ng mga


mahahalagang pangyayari na may tiyak na mga impormasyon hinggil sa isang
pangngalan.
Ang tekstong impormatibo ay may mapagkakatiwalaang mga datos at
nakasulat sa paraang obhetibo at walang halong opinyon ng manunulat. Isinusulat
ang tekstong impormatibo ng mga eksperto base sa mga tunay na pangyayari.Kung
may takdang-aralin ka o kaya’y may gustong pagbasehan sa isang research, pillin
mong basahin o pagkunan ng sagot ang mga tekstong impormatibo.

Formosa

Noong unang panahon,


binihag ng Formosa ang mga
taong-bundok na kauri ng mga
Malayo-Pilipino. Dumating sa
Formosa ang mga dayuhang
Portuges noong 1590 at
pinangalanan nila itong “Ilha
Formosa” na nangangahulugang
“ang maganda”. Nang dumating
naman sa Formosa ang mga
nakikipagsapalarang
Larawan mula sa Vortex Magazine Tsino at
Hapones, itinaboy silang paalis
ng mga galit na taumbayan.

Noon naming 1642, dumating sa Formosa ang mga Dutch ngunit pinaalis
naman ang mga ito ng mga Espanyol. Sa kabilang dako, pinaaalis naman ng mga
Tsino ang mga Espanyol sa Formosa. Nasakop ng mga Tsino ang Formosa
hanggang 1885, bago ito napasabansang Hapones pagkatapos ng digmaan ng mga
Tsino at Hapones. Sa kasalukuyan, matibay na kuta ng Nasyonalistang Tsina ang
Formosa. Kilala ito ngayon sa pangalang Taiwan. Ang Taipei ang
pinakapangunahing lungsod nito. Kasapi ang Formosa sa mga Bansang
Nagkakaisa noong una ngunit ngayon ay hindi na.

Basahin ang mga pangungusap at alamin kung Tama o Mali ito. Isulat ang tama
kung tama ang salaysay at mali kung ito ay hindi. Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.

__________1. Binihag ng Formosa noong unang panahon ang mga taong-bundok na


kauri ng mga Malayo-Pilipino.

__________2. Ang Ilha Formosa ay nangangahulugang ang matapang.

__________3. Ang nagbigay ng Ilha Formosa na pangalan sa Formosa ay ang mga


Dutch.

__________4. Pinaalis ang mga Tsino at Hapones sa Formosa dahil galit sa kanila
ang mga taumbayan.

__________5. Pinaalis ng mga Espanyol ang mga Dutch sa Formosa.

__________6. Ang mga Portuges naman ang nagpaalis sa mga Espanyol sa Formosa.

__________7. Nasakop ng Tsina ang Formosa hanggang 1885.


__________8. Nasakop naman ng mga Hapones ang Formosa pagkatapos ng
digmaan ng Tsino at Dutch.

__________9. Ang Formosa ang nagsisilbing matibay na kuta ng Nasyonalistang


Tsina.

__________10. Taipei ang pinakapangunahing lungsod ng Formosa.

Karagdagang Gawain

Ang balita ay isang uri ng impormatibong teksto na napapanood. Manood ng


balita sa telebisyon. Pumili ng isang balitang may kaugnayan sa COVID-19 at
gawan ito ng buod.

Upang makagawa ng buod sagutin lamang ang mga sumusunod. Isulat ang
buod sa iyong sagutang papel.

Ano? ____________________________________________________________________________
Sino?
____________________________________________________________________________
Saan? ___________________________________________________________________________
Kailan? __________________________________________________________________________
Paano? __________________________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto
Subukin
8. pagpapakita ng 5. Hahampasin pa sana
pagmamalasakit sa muli ni Pepe ang
bayan kulay itim na aso para
tuluyan nang umalis
pero dumating ang
9. ika-19 ng Hunyo
kanyang tatay, agad
siyang inawat nito.
10. kapanganakan ni Jose
Rizal
6. Sinabihan ng kanyang
ama si Pepe na huwag
saktan ang aso at 1. kasukdulan
kung paano kung si
Tagpi ang maligaw sa
Tayahin ibang lugar at saktan 2. panimula
din ito, ano ang
mararamdaman niya. 3. kaisipan
1. Tama

7. Tinulungan nilang 4. kakalasan


2. Mali
makatayo ang aso at
hinayaan na niya
3. Mali itong makipaglaro kay 5. suliranin
Tagpi.
4. Tama 6. tunggalian
8. Ang kwento ay
nangyari sa likod
5. Tama 7. banghay
bahay.

6. Mali 8. paksang diwa


9. Pakikipagkaibigan

7. Tama 9. tagpuan
10. Maging mabait sa mga
hayop. Huwag gawin
8. Mali sa ibang hayop ang 10. wakas
ayaw mong gawin nila
sa alaga mo.
9. Tama

10. Tama
Balikan
Isaisip
1. k 6. e
1. a 6. b
Karagdagang
2. i 7. d
Gawain
2. b 7. c
3. h 8. c
Maaaring magkakaiba ng

Sanggunian

Pinagyamang Pluma 5, Wika at Pagbasa para sa Elementarya, pp. 229

Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 6, pp. 18-19, pp. 50-51


https://pinoycollection.com/maikling-kwento/#Mga-Elemento-ng-Maikling-Kwento

https://brainly.ph/question/1041398

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like