You are on page 1of 18

5

MAPEH (Health)
Unang Markahan - Modyul 7:
Kalusugang Pangkaisipan, Emosyonal at Sosyal
MAPEH (Health) – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Kalusugang Pangkaisipan, Emosyonal at Sosyal
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi: Isinasaad sa Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi saan mang akdang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad ng royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, pangalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at
mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi
inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapalathala o publisher at may-akda ang karapatang-
aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: VICTORIA T. PEROL


Editor: AMELIA F. BULAONG
Tagasuri: JOCELYN DR. CANLAS, NEIL OMAR B. GAMOS
Tagaguhit: MARY ROSE G. GA
Tagalapat: MELISSA M. SANTIAGO

Tagapamahala: NORMA P. ESTEBAN, Edd., CESO V


FATIMA M. PUNONGBAYAN
ARNELIA R. TRAJANO
SALVADOR B. LOZANO
AMELIA BULAONG

Nilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: malolos.city@deped.gov.ph
5
MAPEH (Health)
Unang Markahan - Modyul 7:
Kalusugang Pangkaisipan, Emosyonal at Sosyal

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH (Health) 5 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kalusugang
Pangkaisipan, Emosyonal at Sosyal.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatutong mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MAPEH (Health) 5 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Kalusugang Pangkaisipan, Emosyonal at
Sosyal

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sa modyul na ito, ang mga bata sa Ikalimang Baitang ay inaasahang


mauunawaan ang maaaring maging epekto ng kalusugang pangkaisipan, emosyonal
at sosyal sa kalusugan ng isang tao at sa kanyang pagkatao.

Subukin

Pag-aralan at tukuyin ang mga larawan.

A B C D E

Sagutin:
1. Alin sa mga ito ang iyong naranasan na? Isulat ang letra. ________________
2. Alin naman sa mga larawan ang nagawa mo na? Isulat ang letra. ____________
3. Sa palagay mo, tama bang maranasan o gawin ang mga ito? Bakit? ___________
_________________________________________________________________

1
ii
Balikan

Natatandaan mo pa ba ang aralin tungkol sa kalusugang pangkaisipan, emosyonal


at sosyal? Basahin at tukuyin ang isinasaad ng mga sumusunod na pangungusap.
Isulat sa patlang ang tamang sagot na makikita sa kahon na nasa ibaba.
_______________ 1. Ito ay nagpapahiwatig ng matinding self-consciousness at
takot na nagdudulot ng pagkamahiyain ng isang bata.
_______________ 2. Ito ay panunukso o panunudyo sa kapwa.
_______________ 3. Ito ay paggawa ng hindi kaaya-ayang gawain sa ibang tao sa
pamamagitan ng pamimilit o paggamit ng dahas.
_______________ 4. Ito ay pang-aabusong pisikal at emosyonal (damdamin o
nararamdaman).
_______________ 5. Ito ay pang-aasar o panloloko na humahantong sa
pagsasakitan.
_______________ 6. Ito ay ang mabilis na pagbabago ng pakiramdam ng isang tao

Social Anxiety Teasing Harassment

Emotional and Physical Abuse Mood Swings Bullying

Tuklasin

Basahin ang kasabihan:


“Health is Wealth” o Ang Kalusugan ay Kayamanan.
Paano mo malalaman kung ikaw ay may malusog na
pangkaisipan, emosyonal at sosyal? Tignan ang mga bata
sa larawan sa kaliwa. Sila ay masayang kasama ang bawat
isa. Sa palagay mo, ang bata bang may kapansanan, gaya
ng nasa wheel chair, ay may malusog na pangkaisipan,
emosyonal, at sosyal? Hindi ibig sabihin na nasa wheel chair
siya ay hindi na siya malusog. Ang ating pangkaisipan,
emosyonal, at sosyal na kalusugan ay nakakaapekto sa ating pagkatao lalo na sa
ating mga hangarin sa buhay.

2
Suriin

Basahin ang talata.

Ano ang kaugnayan ng kalusugan ng katawan sa kalusugan ng kaisipan?


Maraming bilang ng mga pananaliksik ang nagsasabi na ang kalusugan ng
katawan at kaisipan ay totoong magkaugnay. Kung mahusay ang pakiramdam
ng inyong katawan, kadalasan ay mas mahusay ang nararamdaman ng inyong
kaisipan, at kung minsan ang mga sintomas ng karamdaman ng katawan ay
maaaring magbigay ng ideya na may sakit ito sa kaisipan kahit naturingang wala.
Ibig sabihin nito, mahalaga na ang mga taong may sakit o gulo ang kaisipan ay
tumanggap ng de kalidad na pag-aalaga sa katawan at kaisipan. Kung kayo ay
gumagamit o kliyente ng mga serbisyo sa kalusugan ng kaisipan, mas makatwiran
na parehong isaalang-alang ng mga serbisyo sa kalusugan ng kaisipan ang kalusugan
ng inyong katawan sa pagbibigay ng pag-aalaga sa inyo.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Tungkol saan ang binasa mong talata?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Ano ang naidudulot ng mahusay na pakiramdam ng katawan sa isipan ng


isang tao?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Ano-ano ang dapat ginagawa ng isang taong gulo ang isipan?


___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Ano-ano kaya ang maaari mong isagawa upang maging malusog ang
iyong isipan at katawan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3
Pagyamanin

Basahin at pag-aralan.

1. Ang kalusugang pangkaisipan (mental health) ay ang ating abilidad na


makapagsaya sa ating buhay at malampasan ang mga pasanin ng pang-araw-
araw na pamumuhay.
Maraming mga kadahilanan ang nag-aambag sa kalusugang pangkaisipan
(mental health):
• Pagpapahalaga sa sarili at pagkamaalam sa sarili
• Diyeta at ehersisyo
• Mga relasyon sa pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho
• Mga pananalapi
• Pakikisangkot sa komunidad
• Paano mo pinamamahalaan ang stress
• Paano mo ipinahihiwatig ang iyong nararamdaman
2. Ang kalusugang emosyonal (emotional health) ay nangangahulugan na kung
saan ang isang tao ay nakakaramdam na siya ay ligtas sa pang araw-araw niyang
buhay. Ang isang tao na may malusog na emosyon ay mayroong bukas na puso
at may bukas na isipan.
3. Ang kalusugang sosyal (social health) ay nanganaghulugan na ang isang tao
ay may kakayahang makabuo ng isang magandang pakikisama sa kanyang
kapwa.
Ito ay kakayahan din ng isang tao na makibagay sa iba’t-ibang sitwasyon sa
kanyang kapaligiran.

Gawain 1: Punan ang tsart. (2 salita o parirala sa bawat kolumn)

Katangian ng may Katangian ng may Katangian ng may


Malusog na Pag-iisip Malusog na Emosyonal Malusog na Social

Gawain 2: Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang mga sumusunod
na pahayag ay nakakaapekto sa kalusugan ng tao at ng kanyang pagkatao.

___ 1. May positibong pananaw sa buhay

4
___ 2. Marunong makisama sa mga taong nakapaligid sa kanya
___ 3. May malusog na pag-iisp.
___ 4. May bukas na puso at isipan
___ 5. May respeto sa nararamdaman ng iba.

Gawain 3: Tukuyin ang mga sumusunod na larawan. Isulat sa patlang ang mga
gawain ng isang pamilya sa loob ng bahay.

___________________ ___________________ ___________________

___________________ ___________________

Gawain 4: Sagutin ng Oo o Hindi ang mga sumusunod na pangungusap.

_____ 1. Naibabahagi mo ba ang iyong nararamdaman sa iyong mga kapatid?


_____ 2. Humihingi ka ba ng tulong sa iyong mga kapatid kahit minsan?
_____ 3. Masaya ka bang kasama ang iyong mga kaibigan?
_____ 4. Kaya mo bang ibahagi ang nakakamit mong tagumpay sa iyong pamilya at
mga kaibigan?
_____ 5. Natutulungan mo ba ang mga miyembro ng iyong pamilya at mga kaibigan
mo?
_____ 6. Naibabahagi mo ba ang iyong mga plano sa iyong pamilya?
_____ 7. Nirerespeto mo ba ang mga limitasyon na nais para sa iyo ng iyong mga
magulang at mga guro?

Kung nakapagtala ka ng 5 hanggang 7 sagot na Oo, ibig sabihin ay mabuti ang


iyong pagkatao.

5
Isaisip

Ang ating pangkaisipan, emosyonal, at sosyal na kalusugan ay nakakaapekto


sa ating pisikal na kalusugan at pagkatao lalo na sa ating mga hangarin sa buhay.

Isagawa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Bakit mahalaga na ang isang bata ay mayroong malusog na pag-iisip?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Paano nakatutulong ang malusog na pag-iisip,emosyonal at social sa
kalusugan ng isang bata at sa paghubog ng kanyang pagkatao?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Ano-ano ang maaari mong gawin upang magkaroon ka ng malusog na
kaisipang, emosyonal at social?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Tayahin

Isulat sa “House Organizer” ang lahat ng iyong natutunan tungkol sa epekto ng


malusog na kaisipan, emosyonal at social. Maaaring pumili sa kahon na nasa ibaba.

6
• Ang pangkaisipan, emosyonal, at sosyal na kalusugan ay nakakaapekto sa
pisikal na kalusugan at pagkatao.
• Pinapatulan ang mga taong gumagawa ng hindi mabuti sa iyo.
• Nagiging daan tungo sa isang malusog na pamumuhay.
• Dinidibdib mag-isa ang mga hindi kanais-nais na karanasan.
• Hindi na kailangang pangalagaan ang kalusugang pisikal dahil maayos naman
ang kalusugang kaisipan.
• Maging bukas
. ang puso at isipan.
• May kakayahang makibagay sa iba-t-ibang sitwasyon sa kapaligiran.
• Magkakaroon ng matibay na pananalig sa Diyos.

Karagdagang Gawain
Bilang isang mag-aaral na nasa Ika-5 Baitang, ano-ano ang mga napapansin
mong pagbabago sa iyong katawan? Itala sa ibaba ang iyong tugon. (3 hanggang 5
pangungusap)
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________

7
8
SUBUKIN
1-3. Tanggapin ang sagot batay sa kanilang karanasan.
BALIKAN
1. Social Anxiety
2. Teasing
3. Harassment
4. Emotional and Physical Abuse
5. Bullying
6. Mood Swings
SURIIN
1. Tungkol sa kaugnayan ng kalusugan ng katawan sa kalusugan ng kaisipan.
2. Ang naidudulot nito kapag mahusay ang pakiramdam ng katawan ay mahusay
ang nararamdaman ng kaisipan.
3. Ang dapat gawin ng isang taong gulo ang isipan ay tumanggap ng de kalidad
na pag-aalaga sa katawan at kaisipan.
4. Kumain ng masustansyang pagkain.
Mag ehersisyo.
Maging positibo ang pananaw sa buhay.
Mag-aral na mabuti.
(Tanggapin ang iba pang sagot ng bata na may kaugnayan dito.)
PAGYAMANIN
Gawain 1.
Katangian ng may Katangian ng may Katangian ng may
Malusog na Pag-iisip Malusog na Emosyonal Malusog na Social
-Positibo ang pananaw -May bukas na puso at -May magandang
sa buhay isipan pakikitungo sa kapwa
-Nakakaunawa sa aralin -Ligtas sa pang-araw- -May kakayahang
-May pananalig sa Diyos araw na buhay makibagay sa
-Nakapagdedesisyon sa kapaligiran
sarili -Nakikipaglaro nang
maayos
Susi sa Pagwawasto
9
Gawain 2.
1–5
Gawain 3.
1. Paglilinis
2. Pagluluto
3. Paglalaba
4. Pamamalantsa
5. Pagdidilig
Gawain 4.
1. Oo
2. Oo
3. Oo
4. Oo
5. Oo
6. Oo
7. Oo
Kung nakapagtala ka ng 5 hanggang 7 sagot na Oo, ibig sabihin ay mabuti ang
iyong pagkatao.
ISAGAWA
1. Dahil malaki ang epekto nito sa kalusugan ng isang bata.
2. Upang magkaroon ng malusog na pamumuhay at matupad ang mga hangarin
sabuhay.
3. Magkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.
Mag-aral na mabuti.
Magkakaroon ng magandang relasyon sa kamag-aral.
TAYAHIN
1. Ang pangkaisipan, emosyonal, at sosyal na kalusugan ay nakakaapekto sa
pisikal na kalusugan at pagkatao.
2. Nagiging daan tungo sa isang malusog na pamumuhay.
3. Maging bukas ang puso at isipan.
4. May kakayahang makibagay sa iba-t-ibang sitwasyon sa kapaligiran.
5. Magkakaroon ng matibay na pananalig sa Diyos.
Sanggunian
1. K to 12 Curriculum Guide 2016 Grade 5 - Health page 32
2. Teacher’s Guide in Health, Quarter 1, Lesson 7
3. Learner’s Materials in Health, Quarter 1, Lesson 7
4. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan, textbook, page 132-139
5. The 21st Century: MAPEH in Action, textbook, page 212-221

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like