You are on page 1of 26

5

Araling
Panlipunan
Lokasyon ng Bansa sa
Paghubog ng Kasaysayan
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 1: Lokasyon ng Bansa sa Paghubog ng Kasaysayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Richard B. Alcos
Editor: Cesar Q. Antolin at Anabel D. Besona
Tagasuri: Ma. Dianne Joy R. dela Fuente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Isabel C. Bacea at Crizelle Biernes
Ilustrador ng Pabalat: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan, Jr. CESO VI - Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – Regional Araling Panlipunan Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza - CID Chief
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente – Officer In-Charge of LRMS
Jesus V. De Gracia - ADM Coordinator
Frank T. Nawal, Jr –Araling Panlipunan Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Lokasyon ng Bansa sa Paghubog
ng Kasaysayan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 na Self-Learning


Module (SLM) ukol sa Lokasyon ng Bansa sa Paghubog ng Kasaysayan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Self-Learning Module (ADM)


ukol sa Lokasyon ng Bansa sa Paghubog ng Kasaysayan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

2
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

3
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Ito ay upang matulungan
kang makabisado ang aralin ukol sa Lokasyon ng Bansa sa Paghubog ng Kasaysayan
nito. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit sa iba’t ibang
mga sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang
antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos upang sundin
ang karaniwang pagkakasunod-sunod ng kurso. Ngunit ang pagkakasunod-sunod
kung paano mo ito basahin ay maaaring mabago upang tumugma sa aklat na
ginagamit mo ngayon.

Ang modyul na ito ay nakatuon sa mga araling sumusunod:


1. Pagtukoy ng Lokasyon ng Pilipinas
2. Implikasyon ng Lokasyon ng Pilipinas sa Paghubog ng Kasaysayan nito

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas batay sa relatibo (bisinal at
insular) at tiyak (absolute) na lokasyon
2. Natatalakay ang impluwensya o implikasyon ng lokasyon ng Pilipinas sa
paghubog ng kasaysayan nito.

5
Subukin

Alam kong mayroon ka nang alam ukol sa ating aralin.


Kaya ngayon, ito’y ating susubukin.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng implikasyon ng lokasyon ng bansa


sa paghubog ng kasaysayan nito
a. Ang Pilipinas ay nasa Timog-silangang Asya.
b. Tinaguriang ‘Pintuan ng Asya’ ang Pilipinas.
c. Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ay impluwensya ng mga Tsino dahil
sa estratehikong lokasyon ng bansa na malapit sa China.
d. Napapaligiran ng mga anyong tubig ang Pilipinas.

2. Ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas ayon sa mga guhit longhitud ay ________.


a. 116°S at 125°S longhitud
b. 118°S at 12°S longhitud
c. 127°S at 118°S longhitud
d. 115°S at 126°S longhitud

3. Ito ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga karatig bansa.


a. Bisinal
b. Kritikal
c. Insular
d. Absoluto

4. Ito ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga anyong tubig na nakapaligid


sa isang bansa.
a. Bisinal
b. Kritikal
c. Insular
d. Absoluto

5. Ito ay pagtukoy sa lokasyon ng bansa gamit ang longhitud at latitud.


a. Bisinal
b. Absuluto
c. Insular
d. Relatibo

6. Anong bansa ang makikita sa hilagang bahagi ng Pilipinas?


a. Taiwan

6
b. Vietnam
c. Indonesia
d. Malaysia

7. Anong bansa ang matatagpuan sa timog na bahagi ng bansa?


a. Taiwan
b. Vietnam
c. Indonesia
d. Malaysia

8. Ang mga bansang Taiwan at China ay matatagpuan sa anong bahagi ng bansa?


a. Hilaga
b. Silangan
c. Kanluran
d. Timog

9. Pinakamalaking anyong tubig ang Karagatang Pasipiko, saang bahagi ito ng


bansa matatagpuan?
a. Hilaga
b. Silangan
c. Kanluran
d. Timog

10. Dahil sa estratihikong lokasyon ng Pilipinas kung kaya tinagurian itong


“________ ng Asya.”
a. Daanan
b. Bintana
c. Pintuan
d. Daluyan

Aralin
Lokasyon ng Bansa sa
1 Paghubog ng Kasaysayan

Magandang araw mga giliw na mag aaral!

Ako nga pala si Titser Richard, ang iyong guro sa Araling


Panlipunan.

Bilang isang mamamayang Pilipino, alam mo ba ang lokasyon


ng ating bansa at kung paano nito hinubog ang ating
kasaysayan? Alam kong mayroon ka nang ideya pero ito ay
ating palalawakin pa.

Handa ka na bang matuto?

7
Balikan

Maaari mo na bang ilarawan ang kinaroroonan ng Pilipinas


gamit ang pagtukoy ng lokasyon?

Alam mo ba ang tiyak na lokasyon Pilipinas? Handa ka na


bang tuklasin ang tungkol sa kanya?

Halika! Sabayan niyo akong alamin ang tiyak na lokasyon


ng bansa batay sa paggamit ng relatibong lokasyon nito.

Ang mundo ay binubuo ng maraming bansa. Ang Pilipinas ay kabilang sa maraming


bansang bumubuo sa kontinente ng Asya sa mundo.

Ang araling ito ay naglalahad ng mahahalagang impormasyon tungkol sa


Pilipinas. Ang kaalamang ito ay nagsisilbing binhi na unti-unting sisibol upang
maunawaan ang mga pangyayari sa pisikal na kapaligiran ng Pilipinas at ang
kaugnayan ng mga ito sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Mga Tala para sa Guro


Maaaring magpakita ng mapa ng mundo o Asya at ipatukoy sa
mag-aaral ang kinaroroonan ng Pilipinas.
Upang higit na mabatid ng mag-aaral ang aralin, pwede ring
magpakita ng bidyo ukol sa kinaroroonan ng Pilipinas tulad nito:
https://www.youtube.com/watch?v=sa__8zUFCfo.

Tuklasin

8
Tiyak na Lokasyon ng Bansa

Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na


mahalaga sa pagtugon ng pamahalaan sa
mga pangangailangan ng mga tao at
pagpapanatili ng kalayaan ng bansa. Isa
sa mga maaaring makatulong sa pagtukoy
ng kinalalagyan sa mundo ay ang globo at
mapa. Bilang isang Pilipino, mahalagang
malaman o matukoy mo ang lokasyon ng
Pilipinas sa Asya at sa mundo batay sa
mga nakapaligid dito.

Ito ang ikalawang pinakamalaking


kapuluang matatagpuan sa rehiyong
Timog-Silangang Asya sa gawing itaas ng
ekwador. Ang Asya ang pinakamalaking
kapuluan o lupalop sa buong daigdig.
Tinagurian ang Pilipinas bilang “Pintuan
Larawan Blg. 1. Mapa ng Pilipinas
ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Halaw sa:
Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2
F%2Fwww.cleanpng.com%2Ffree%2Fphilippines-
lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng
map.html&psig=AOvVaw0YU-5Lfbaz-
latitude na 4°-21° hilagang latitude at f_O7OAKygZF&ust=1592128531899000&source=ima
116°-127° silangang longhitud. ges&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOD1nJ_D_ukCFQ
AAAAAdAAAAABAK

Mga pamprosesong tanong:

1. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang Pilipinas?


2. Bakit tinaguriang Pintuan ng Asya ang Pilipinas?
3. Nasa aling pagitang latitud at longhitud ang lokasyon ng bansa?

Ngayon naman ating alamin ang relatibong lokasyon ng Pilipinas.

Tingnan ang mapa ng Pilipinas. Kung tutukuyin ang lokasyon ng iba’t ibang
pulo at lalawigan ng Luzon, mapapansin na ito ay nagbabago. Ito ay sa
dahilang nasa Luzon ang ginagamit na batayan ng paghanap. Ito ay ang
lokasyong kaugnay ng kinalalagyan ng ibang lugar. Ito ang tinatawag na
relatibong lokasyon (relative location).

9
Larawan Blg. 2. Mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng lokasyon ng iba’t-ibang probinsya
Halaw sa:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwrongfulconvictionsblog.org%2
F2012%2F06%2F29%2Fmore-details-on-launch-of-philippine-innocence-
project%2F&psig=AOvVaw3vP_Us57hRARTBnE4iJelP&ust=1592128913497000&source=
images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLj_ks7E_ukCFQAAAAAdAAAAABAI

• Ang Batanes ay nasa dulong hilaga ng Luzon


• Ang Palawan ay nasa Timog-Kanluran ng Luzon
• Ang Mindoro ay nasa Hilagang-Silangan ng Palawan
• Visaya s an g nas a hilaga ng M in da nao

Ang Relatibong Lokasyon ay isang paraan ng pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas.


Ito ay may dalawang paraan. Una ay ang insular kung saan ginagamit na batayan
ang mga anyong tubig na nakapaligid sa isang lugar. Ang ikalawa ay ang bisinal
kung saan ginagawang batayan ang mga bansang katabi nito.

Batayan din ng relatibong lokasyon ang mga lalawigang nasa paligid ng isang
partikular na lugar. Ang mga sumusunod na halimbawa ay isang paraan ng
pagtukoy sa kinalalagyan ng isang lugar. Suriin ito sa tulong ng mapa.

Mga pamprosesong tanong:

1. Anong lugar ang makikita sa dulong hilaga ng Luzon?


2. Sa timog kanlurang Luzon, anong lugar ang makikita?

10
3. Ang Mindoro ay matatagpuan sa aling bahagi ng Palawan?
4. Sa aling bahagi ng Mindanao ang Visayas?

Suriin

Batay sa relatibong lokasyon, ang Pilipinas ay napapaligiran din ng mga bansa tulad
ng Taiwan, China, at Japan na matatagpuan sa Hilaga; ang Micronesia at Marianas
sa Silangan; Brunei at Indonesia sa Timog; at ang Vietnam, Laos, Cambodia, at
Thailand sa Kanluran. Tunghayan natin ito sa mapa.

Larawan Blg. 3. Mapa ng Timog Silangang Asya


Halaw sa:
file:///C:/Users/User/AppData/Local/Packages/Microsoft.MicrosoftEdge_8wekyb3d8bbwe/Temp
State/Downloads/14%20-%20Kahalagahan%20ng%20Lokasyon%20ng%20Pilipinas%20(1).pdf

Ang
mga katubigang nakapalibot sa Pilipinas ay ang Pacific Ocean (Silangan), South
China Sea (Hilaga at Kanluran), at Celebes Sea (Timog).

11
Larawan Blg. 4. Teritoryal na lokasyon ng Pilipinas
Halaw sa:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.wikiwand.
com%2Fen%2FGeography_of_the_Philippines&psig=AOvVaw0xiqieNDEq6
CWiGgmXX-
9C&ust=1592130950785000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFw
oTCJjrmJfM_ukCFQAAAAAdAAAAABAD

Kung pangunahing direksiyon ang pagbabatayan, ang Pilipinas ay napaliligiran ng


mga sumusunod.

Pangunahing Anyong Anyong Tubig


Direksiyon Lupa
Hilaga Taiwan Bashi Channel
Silangan Karagatang Pasipiko
Timog Indonesia Dagat Celebes at Dagat Sulu
Kanluran Vietnam Dagat Kanlurang Pilipinas o
dating Timog China

Implikasyon ng Lokasyon ng Bansa sa Paghubog ng Kasaysayan

Ang Pilipinas ay isang kapuluang nagtataglay ng ibat ibang anyong lupa at anyong
tubig tulad ng mga kabundukan, lambak, baybayin, kapatagan, ilog, at lawa. Ito ay

12
ilan lamang sa mga katangiang pisikal ng ating bansa. Ang kalagayang
pangheograpiya na katangian ng Pilipinas ay siyang may kinalaman sa paghubog ng
kasaysaysan ng bansa.

Dahil sa estratihikong lokasyon ng bansa na siyang tinaguriang “Pintuan ng Asya”,


isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming mananakop at manlalayag ang
nakapasok dito. Kung kaya sila ay nagka-interes sa angking ganda at yaman ng
kapuluang Pilipinas.

Kabilang dito ang mga Espanyol, Amerikano at mga Hapones na sumakop sa


ating bansa sa mahabang panahon. Maliban sa mga mananakop, nagkaroon
din ng ugnayang pangkalakalan ang mga sinaunang Filipino sa mga Tsino,
Indian at Arabo.

Malaki ang naging impluwensya ng pananakop at pagtataguyod ng ugnayang


pangkalakalan ng mga dayuhang ito sa kabuuan ng kulturang Filipino. Patunay rito
ang ating pag-angkop sa mga wika, pagkain, pananamit, paniniwala na
sumasalamin sa kulturang Espanyol, Ingles at Tsino.

Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng impluwensiya ng ibang lahi sa atin.

Espanyol Ingles Tsino


kobyertos (kutsara at hamburger tsinelas
tinidor)
lamesa spaghetti pansit
silya hotdog payong
pista demokrasya pag-aalaga ng bibe o itik
Katolisismo Sistema ng Binondo, Manila (China
Edukasyon, Titser Town)

Mga pamprosesong tanong:

1. Ang Pilipinas ay tinaguriang “___________ ng Asya.”

2. Bakit marami sa mga manlalayag at manlalakbay ang nagkaroon ng


interes sa bansa?

3. Anu-anong mga impluwensiyang dayuhan ang naging bahagi na ng


kulturang Pilipino?

Pagyamanin

13
Panuto: Bigyan ng maikling paliwanag ang salaysay sa ibaba batay sa
iyong pang-unawa at gawing gabay ang mga katanungan.

Tinaguriang Pintuan ng Asya ang Pilipinas, ibig sabihin ginagawang


daanan papasok at palabas ang ating bansa sa Timog Silangang Asya.

Mga tanong:
1. Bilang isang mamayang Pilipino, paano natin mapapangalagaan ang
ating teritoryo?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Magbigay ng maganda at di-magandang implikasyon ng lokasyon sa paghubog


ng ating kasaysayan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

GAWIN MO

Batayang salaysay para sa sumusunod na mga gawain


Insular ang paraan sa pagtukoy ng mga katubigang nakapalibot sa
Pilipinas. Bilang bansang archipelago, napapalibutan ang Pilipinas ng mga
katubigan: ang Pilipinas ay nasa timog ng Bashi Channel; kanluran ng
Pacific Ocean; hilaga ng Celebes Sea; at silangan ng West Philippine Sea.

Bisinal (vicinal) naman ang paraan sa pagtukoy sa lokasyon ng Pilipinas


batay sa mga kalupaang nakapalibot dito: timog ng Taiwan; hilaga ng
Malaysia at Indonesia; kanluran ng Guam; at silangan ng Vietnam.

Gawain 1. Tukuyin ang mga karatig bansang nakapalibot sa Pilipinas. Isulat


ang iyong sagot sa mga bilog malapit sa mapa batay sa
kinaroroonan ng mga ito.

14
1.

3.

2.

4.

5.

Larawang Blg. 5: Outline ng Mapa ng Pilipinas


Halaw sa:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F32545
5510549243617%2F&psig=AOvVaw2bJICmla3xzzqc5SvMghAy&ust=1591655650908000&sourc
e=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLi0zcDh8OkCFQAAAAAdAAAAABAD

15
Gawain 2. Tukuyin ang mga anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas. Isulat
ang iyong sagot sa mga bilog malapit sa mapa batay sa
kinaroroonan ng mga ito.

1.

3.
2.

4.

Larawang Blg. 6: Outline ng Mapa ng Pilipinas


Halaw sa:
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fpin%2F3254
55510549243617%2F&psig=AOvVaw2bJICmla3xzzqc5SvMghAy&ust=1591655650908000&so
urce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLi0zcDh8OkCFQAAAAAdAAAAABAD

16
Isaisip

TANDAAN MO:

1. Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan


ng bansa ay ang direksyon o lokasyon ng isang lugar
batay sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong
lugar.

2. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-


Silangang Asya sa kontinente o lupalop ng Asya.

3. Ang mundo ay binubuo ng maraming bansa. Ang


Pilipinas ay isa sa mga bansang ito.

4. Ang Pilipinas ay tinaguriang Pintuan ng Asya na


nagresulta sa pananakop ng mga dayuhan. Dahil
dito, napagyaman ang ating kultura at kasaysayan.

Sa araling ito, ano ang pinakamahalaga mong natutunan? Bakit?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

17
Isagawa

Panuto: Gumuhit ng mapa ng iyong pamayanan gamit ang relatibong


lokasyon. Ipakita ang lokasyon ng inyong bahay, plasa,
simbahan, purok center at mga tahanan ng iyong kaibigan o
kapitbahay at iba pang gusali.

18
Tayahin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Anong bansa ang makikita sa hilagang bahagi ng Pilipinas?


a. Taiwan
b. Vietnam
c. Indonesia
d. Malaysia

2. Ayon sa mga guhit latitud, ang Pilipinas ay nasa _______________.


a. 4° H at 21°H latitud
b. 3°H at 12°H latitud
c. 6°H at 25°H latitud
d.14°H at 21°H latitud

3. Anong bansa ang matatagpuan sa timog na bahagi ng bansa?


a. Taiwan
b. Vietnam
c. Indonesia
d. Malaysia

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng implikasyon ng lokasyon ng bansa


sa paghubog ng kasaysayan nito
a. Ang Pilipinas ay nasa Timog-silangang Asya.
b. Tinaguriang ‘Pintuan ng Asya’ ang Pilipinas.
c. Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ay impluwensya ng mga Tsino dahil
sa istratehikong lokasyon ng bansa na malapit sa China.
d. Dahil sa napapaligiran ng mga anyong tubig ang Pilipinas.

5. Ang mga bansang Taiwan at China ay matatagpuan sa anong bahagi ng bansa?


a. Hilaga
b. Silangan
c. Kanluran
d. Timog

6. Ito ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga karatig bansa.


a. Bisinal
b. Kritikal
c. Insular
d. Absoluto

7. Pinakamalaking anyong tubig ang Karagatang Pasipiko, saang bahagi ito ng


bansa matatagpuan?

19
a. Hilaga
b. Silangan
c. Kanluran
d. Timog

8. Ito ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga anyong tubig na nakapaligid


sa isang bansa.
a. Bisinal
b. Kritikal
c. Insular
d. Absoluto

9. Dahil sa estratihikong lokasyon ng Pilipinas kung kaya tinagurian itong


“_________ ng Asya.”
a. Daanan
b. Bintana
c. Pintuan
d. Daluyan

10. Ito ay pagtukoy sa lokasyon ng bansa gamit ang longhitud at latitud.


a. Bisinal
b. Absuluto
c. Insular
d. Relatibo

Karagdagang Gawain

Panuto: Batay sa araling ating tinalakay, pumili ng isa o higit pa na gawain na


nais mong gawin batay sa iyong kakayahan.
a. Paglikha ng balita

b. Paglikha ng tula

c. Paglikha ng awit

d. Paglikha ng poster

e. Paglikha ng collage

Rubrik sa Pagtataya ng Gawain:

Mga Pamantayan Deskripsyon Puntos

20
Kaaya-aya at
Pagkamalikhain nakakatuwang 40
pamamaraan
Wasto at angkop na
Nilalaman mga kaalamang 30
naipakita
Kaayusan ng awtput
Kaayusan/
at pagpasa sa 30
kagandahan
takdang oras
Kabuuang Puntos 100

21
22
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. c Gawain 1 1. a
2. a 2. a
3. a 1. Taiwan 3. c
4. c 2. Vietnam 4. c
5. b 3. Guam 5. a
6. a 4. - 5. 6. a
7. c Indonesia/Vietnam 7. b
8. a 8. c
9. b Gawain 2 9. c
10.c 1. Bashi Channel 10.b
2. West Philippine Sea
3. Pacific Ocean
4. Celebes Sea
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Batayang Aklat:

Gabuat, Maria Analyn P., et. al. 2016. Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City,
Philippines: Vibal Group Inc.

Websites:
https://www.youtube.com/watch?v=sa__8zUFCfo.

23
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like