You are on page 1of 24

1

Arts
Unang Markahan-Modyul 2:
Mga uri ng Hugis, Linya at
Tekstura sa Pagguhit
Arts – Unang Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 2: Mga uri ng Hugis, Linya at Tekstura sa Pagguhit
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Aiza D. Lasconia
Editor: Sheryl L. Osano
Tagasuri: Emma E. Panza
Tagaguhit: Sheilu Marie T. Doplayna
Tagalapat: Aiza D. Lasconia, Jim Ryan S. Dela Cruz
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag, Jr. – REPS, MAPEH
Ismael M. Ambalgan – Chief, CID
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Nelly S. Bragado – EPS, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1
Arts
Unang Markahan-Modyul 2:
Mga uri ng Hugis, Linya at
Tekstura sa Pagguhit
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts Unang Baitang ng
Self-Learning Module para sa araling Mga uri ng Hugis, Linya at
Tekstura sa Pagguhit!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts Unang Baitang ng Self-Learning
Module ukol sa Mga uri ng Hugis, Linya at Tekstura sa Pagguhit!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo


ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Magandang araw kaibigan! Marunong ka bang


gumuhit?

Bawat tao ay may kanya-kanyang pamamaraan sa


pagguhit. May mga taong gumuguhit ng mukha ng tao,
may gumuguhit ng mga hayop at mayroon ring
gumuguhit ng mga magagandang tanawin sa paligid.

Ang mga nalarawan sa ibaba ay ilan lamang sa mga


halimbawa nito.

mukha ng tao hayop magandang


tanawin

Sa modyul na ito, inaasahang matutukoy mo ang


iba’t- ibang uri ng hugis, linya at tekstura na ginagamit sa
pagguhit.

1
Subukin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. Isulat sa


kalakip na sanayang papel ang iyong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinagmulan ng linya?


a. hugis b. larawan c. tuldok
2. Alin ang naiiba sa mga hugis?

a. b. c.
3. Ano ang tawag sa linyang ito ?
a. paalon-alon b. pahalang c. pasigsag
4. Alin sa mga sumusunod na larawan ang
nagpapakita ng hugis bilog?

a. b. c.
5. Ang mga sumusunod ay mga larawang may
magaspang na tekstura maliban sa _______.

a. b. c.

2
Aralin Mga uri ng Hugis, Linya at Tekstura
1 sa Pagguhit

Ang pagguhit ay isang uri ng sining biswal kung saan


ang tao ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng instrumento
at kagamitan upang lumikha ng imahe.

May mga taong gumuguhit ng kanilang sarili na may


kaugnayan sa kanilang pang araw-araw na buhay. Kaya
ang pagguhit ay matatawag nating isang sining ng ating
buhay.

Ang bawat linya,hugis at diin ay may kanya-kanyang


mensahe.

Balikan

Naalala mo pa ba ang iyong napag-aralan sa


unang modyul? Natutunan mo na ang sining ay nakikita
sa kapaligiran at ito ay gawa ng iba’t ibang mga tao.
Natutunan mo rin na ang sining ay binubuo ng mga
hugis, linya, kulay at tekstura.

3
Ito ay mga halimbawa ng mga likhang sining na
makikita sa kapaligiran.

Ngayon, matututunan mo naman kung ano ang


iba’t ibang uri ng hugis, linya at tekstura ang ginagamit sa
pagguhit.

Mga Tala para sa Guro


Maituro sa mga mag-aaral ang wastong
kaalaman tungkol sa mga uri ng hugis, linya
at tekstura na ginagamit sa pagguhit.
Ibigay lamang ang angkop na gawain
na naaayon sa kakayahan ng bata.

4
Tuklasin

Handa ka na ba?
Gawain 1: “Awitin Mo”
Sabayan ang awitin sa tono ng “Are You Sleeping”.

Iba’t Ibang Hugis


ni Melin Yare Ebora

Parisukat, parihaba
Tatsulok, dyamante
Bilog, biluhaba
Bilog, biluhaba
Puso, bituin

Nagustuhan mo ba ang awitin? Ano-ano ang mga


hugis na nabanggit?
Gawain 2: Pagbuo ng linya
Nakikita mo ba ang mga tuldok? Pagdugtungin ito
gamit ang iyong lapis.

5
Ano ang iyong nabuo mula sa mga tuldok?
Gawain 3: Tekstura
a. Subukan mong hawakan ang iyong balat.
 Anong naramdaman mo?
b. Ngayon, hawakan mo naman ang iyong buhok.
 Magkatulad lang ba ang iyong pakiramdam
noong hinawakan mo ang iyong balat?

Suriin

Handa ka na bang matuto? Alamin natin ngayon


kung paano nga ba nabubuo ang linya.
Ang mga linya ay nabubuo sa pamamagitan ng
pagdugtong-dugtong ng mga tuldok. Ito ay may iba’t
ibang uri. Ang mga halimbawa nito ay makikita sa ibaba.
Mga halimbawa ng uri ng linya

tuwid pahalang patagilid

__ __ __ __ __
putol-putol pasigsag paalon-alon

6
Naiintindihan mo na ba kung paano nabuo ang
linya at mga halimbawa nito? Kaya mo ba itong
ipaliwanag sa iyong mga kasama? Ngayon naman,
malalaman mo kung paano nabubuo ang mga hugis.
Ang mga hugis ay nabubuo kapag ang dulo ng linya
ay pinagtagpo. Ito ay tuloy-tuloy na guhit na walang
butas. Ang mga halimbawa ng mga pangunahing hugis
ay nasa larawan sa ibaba.
Halimbawa ng mga pangunahing hugis

bilog tatsulok parisukat

parihaba bilohaba
Naaalala mo pa ba ang iyong naramdaman nang
hinawakan at dinama mo ang iyong balat at buhok? Ano
ang iyong naramdaman? Ang tawag doon ay tekstura.
Ang tekstura ay naglalarawan ng katangiang pisikal
ng isang likhang sining. Ito ay maaaring:

magaspang makinis matigas malambot

7
Pagyamanin

Handa ka na bang magpakitang gilas kaibigan?


Gawain 1- Hanapin Mo!
Panuto: Pagdugtungin ng linya ang mga pangunahing
hugis sa kanyang pangalan. Isulat sa sanayang papel
ang iyong sagot.

1. tatsulok

2. parisukat

3. parihaba

4. bilohaba

5. bilog

8
Gawain 2 - Bilugan Mo!
Panuto: Bilugan ang tamang pangalan ng mga
sumusunod na linya. Isulat ang iyong sagot sa kalakip na
sanayang papel.

1. patagilid tuwid

2. pahalang pakurba

3. pasigsag patagilid

4. __ __ __ __ putol-putol tuwid

5. pahalang pasigsag

6. paalon-alon putol-putol

9
Gawain 3- Tekstura Ko, Iguhit Mo!
Panuto: Pagandahin at gawing makatotohanan ang
mga hugis. Ilagay ang tekstura na nakalagay sa tabi ng
bawat hugis. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

10
Isaisip

1. Ano ang mga uri ng linya ang iyong natutunan?


2. Tingnan ang larawan. Ano-anong mga hugis ang
iyong nakikita? Iguhit sa loob ng kahon sa ibaba.

Mga hugis na aking nakikita

11
3. Ang ay may magaspang na tekstura,
samantalang ang ay m __ __ __ __ __ s. Ang
naman ay __ a __ __ m __ __ t at ang ay matigas.
Ang hugis, linya at tekstura ay ginagamit sa pagguhit
upang ito ay maging makatotohanan.

Isagawa

Kumuha ng salamin at tingnan ang iyong mukha.


Kaya mo bang iguhit ang mga bahagi nito?
Panuto: Iguhit sa loob ng mga hugis ang bahagi ng iyong
mukha. Kulayan at pagandahin ito gamit ang iba’t ibang
uri ng tekstura. Iguhit ito sa kalakip na sanayang papel.
Ito ang Aking Mukha

12
Tayahin

Panuto: Isulat ang sa patlang kung tama ang


sinasabi ng bawat bilang at kung mali. Isulat sa
sanayang papel ang iyong sagot.

__________ 1. Sa pagguhit ng mukha ng tao gumagamit


ng iba’t ibang uri ng hugis at linya.

__________ 2. Ang pagguhit ng magaspang na balat ng


kalabaw ay nagpapakita ng uri ng
tekstura.

__________ 3. Hugis parisukat ang makikitang hugis sa


apa.

_________ 4. Tuwid, pasigsag at malambot ang mga


halimbawa ng uri ng linya.

__________ 5. Ang pagguhit ng kahoy ay ginagamitan


ng hugis, linya at tekstura.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang iyong buong


katawan. Gamitan ito ng iba’t ibang uri ng hugis, linya at
tekstura. Gawin ito sa iyong sanayang papel.

14
15
Secretariat. 2013
Department of Education – Instructional Materials Council
Mag-aaral, edited by Alice Pañares, MA. Pasig City:
Education, and Health – Unang Baitang Kagamitan ng
San Diego, Anna Victoria C. Music, Arts, Physical
Sanggunian
Tayahin Isagawa
Karagdagang
1. Ang sagot ay
Gawain
2. batay sa
Ang sagot ay
kakayahan
batay sa 3.
naisagawa.
kakayahan
4.
naisagawa.
5.
Isaisip Pagyamanin Subukin
Gawain 1
Ang sagot ay 1. bilog 1. C
batay sa 2. tatsulok
2. B
kakayahan 3. parisukat
4. parihaba 3. C
naisagawa.
5. bilohaba 4. B
Gawain 2
1. tuwid
5. C
2. pahalang
3. pagilid
4. putol- putol
5. pasigsag
Gawain 3
Ang sagot ay batay
sa kakayahan
naisagawa.
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

16

You might also like