You are on page 1of 37

3

MAPEH – Ikatlong Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Writers: MELEDY B. SARMIENTO


CAA Elementary School Annex

HONEYLORE F. LACALINAO T-1


VENUS PRINCESS T. CAPARA T-1
Zapote Elementary School

Validators: WILFREDO V. DAMIAN- T-III


Pamplona Elementary School

JOEL C. BALINQUIT MT-1


Moonwalk Elementary School

MA. JULIENETTE E. MUTAS T-1


Pilar Village Elementary school

AMOR BUENAVENTURA T-1


Gonzalo Gatchalian Elementary School

Consolidator: ELMO P. BANAY TI


CAA Elementary School - Main

Mildred T. Tuble- PSDS Elementary MAPEH


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH 3 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling P.E. and Health.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pambulikong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo


ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
1
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa MAPEH 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa P.E. and Health

2
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o

3
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

4
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

5
ARALIN Paggalaw sa Iba’t-ibang Bilis at
1 Direksyon

ALAMIN
Pagkatapos mapag-aralan ang araling ito, ang mga bata ay inaasahang:
✓ Makapaglalarawan ng mga kilos ng katawan sa isang lugar, direksyon,
lebel, at pantay na lokasyon.

Ang ating katawan ay makakagawa ng kilos habang sumasabay tayo sa


tiyempo ng musika na maaaring iugnay sa pagkilos ng hayop na may
mabagal at mabilis na gala.
SUBUKIN
Isulat ang MS kung mabilis, K kung katamtaman at MB naman kung
mabagal ng nasa larawan.

__________1. __________2. __________1.

BALIKAN

Warm – up Activities

•Mag-Jog sa lugar ng 8 bilang


•Ehersisyo sa Paghinga 10 bilang
•Pagyuko ng Ulo (Head bend )
•Sa harap 4 bilang habang nakasuporta o nakahawak ang kamay
•Sa likod 4 bilang na nakasuporta ang kamay
•Patagilid habang nakasuporta ang kamay 4 bilang
•Balik sa puwesto 4 bilang
•Pagpihit ng ulo (Head twist)
•Pagpihit ng balikat (Shoulder circle)
• Pagpihit ng baywang (Trunk twist)
•Pag-unat ng tuhod (Knee stretching-pushing)
•Pagikot ng sakong (Ankle/foot circle)
•Pakanan at pakaliwa 4 na bilang
Laging tatandaan ang pagsasagawa ng mga pampasiglang gawain ay
makatutulong upang maihanda ang katawan sa iba’t ibang pisikal na gawain.

TUKLASIN
Pagmasdan ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod
na tanong.

▪ Saang direksiyon kaya pupunta ang mga bata?


▪ Mabilis kaya o mahina ang kanilang galaw?
▪ Gusto mo bang subukin ang ilang mga gawain?

SURIIN
Gawin ang paglakad, paglukso, pagkandirit, pag-iskape at pagpadulas na
lumilikha ng iba’t ibang hugis sa saliw ng musikang “Sitsiritsit”.

Unang Ikot: Sa Mabilis na Paggalaw


Ikalawang Ikot: Sa Mabagal na Paggalaw
Unang Direksiyon: Bilog
Pangalawang Direksiyon: Parisukat
Ikatlong Direksiyon: Tatsulok
Pang-apat na Direksiyon: Tuwid
Panglimang Direksiyon: Paliko-liko

PAGYAMANIN

Kilalanin ang mga hayop at mga bagay na pinakikilos ng makina, na


gumagalaw sa iba’t ibang tiyempo.

Mga hayop:

uod Kuneho Talangka


Transportasyon:

Tren Motorsiklo Eroplano


Mabagal Katamtaman Mabilis

Isaisip
Ang ating kilos ay maaring nagpapakita ng reaksyon sa ating mga naririnig
o nararamdaman.
Ginagawa natin ang kilos habang sumasabay tayo sa tiyempo ng musika
na maaaring iugnay sa pagkilos ng hayop na may mabagal at mabilis na
galaw.

Susi sa Pagwawasto

1.MB 2.K 3.MS

Sanggunian:
( Kagamitang ng Mag- aaral )
Photos: MAPEH BOOK
snail-black-white.png (500×340) (mycutegraphics.com)
Aralin
PAGSUBOK SA PAGHAGIS AT PAGSALO
2

Alamin
Pagkatapos mapag-aralan ang araling ito, ang mga bata ay inaasahang:

• Makakikilos nang mabagal, mas mabagal, pinakamabagal, mabilis,


mas mabilis, pinakamabilis, magaan, mas magaan, pinakamagaan,
malakas, mas malakas, pinakamalakas na puwersa.
• Ang wastong paghagis at pagsalo ay isang kasanayan na maaaring
pag-aralan sa pamamagitan ng palagian at wastong pagsasanay.

Subukin
Kilalanin ang kilos ng mga nasa larawan. Isulat ang Mabilis, Mabagal, at
Katamtaman sa patlang.

_______1. _______2. _______3.

.
_______4. _______5.

Balikan
Ang ating kilos ay maaring nagpapakita ng reaksyon sa ating mga
naririnig o nararamdaman.
Ginagawa natin ang kilos habang sumasabay tayo sa tiyempo ng
musika na maaaring iugnay sa pagkilos ng hayop na may mabagal at
mabilis na galaw.

TUKLASIN
Sa tulong ng kasama sa bahay, subuking ipasalo ang isang bola at pabalik sa
iyo sa iba’t ibang distansya at direksyon kagaya ng nasa larawan.
Gaano ka kahusay sa pagsalo ng mga bagay na inihahagis sa iyo?
Gaano ka naman kahusay sa paghagis sa iba’t ibang distansiya at
direksyon?

SURIIN
Tingnan ang larawan A at B?

A B

Anong kilos ang ipinakikita sa larawan?


Anong kilos ang kanilang isinasagawa?
Anong kagamitan ang ginagamit ng mga bata sa larawan?
Kaya mo bang isagawa nang wasto ang paghagis at pagsalo?

Pagmasdan ang larawan sa bawat bilang. Isulat sa patlang kung paano sila
gumalaw.

1. _________________________

2. ___________________________
3. ___________________________

ISAISIP

✓ Ang paghagis at pagsalo ay mga pangunahing kilos sa mga laro na


ginagamitan ng bola. Ang palagi at wastong pagsasanay ay makatutulong
upang masiyahan ka sa paglalaro at mapanatili ang kaligtasan.

SUSI SA PAGWAWASTO
5.katamtaman
4.mabilis
3. Mabagal
2.katamtaman
1.mabilis

Sanggunian:
(Kagamitan ng Mag- aaral)
3

HEALTH
Third Quarter Module
Mahusay na Mamimili
ALAMIN

Mahalaga ang pamimiling pangkalusugan. Kailangan nating


magdesisyon nang tama sa mga uri ng pagkain at bagay na ating bibilhin
dahil maaaring makaapekto ang mga ito sa ating kalusugan. Pinipili natin
ang mga produkto, serbisyo, at kaalaman batay sa nakikita nating
patalastas at sariling kagustuhan.
Batayang Kasanayan: Natutukoy ang isang matalinong mamimili.

Subukin
Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang bumibili ng mga gamit para sa kanyang sariling
pangangailangan?
A. mamimili C. nagtitinda
B. negosyante D. naglalako
2. Alin sa mga ito ang dapat gawin para sa matalinong paggasta ng pera?
A. pagsisipilyo C. pamimimili
B. pangongolekta D. pagpaplano ng badyet
3. Ang isang mamimili ay walang karapatang ____________ .
A. pumili C. manira
B. magsukat ng damit D. magligtas
4. Sino sa mga sumusunod ang mapagkukunan ng tamang impormasyong
pangkalusugan?
A. basketbolista C.doktor
B. hardinero D.diyanitor

BALIKAN
Ano-ano ang dapat nating gawin upang manatiling malusog ang ating
katawan?
TUKLASIN
Halina’t tukuyin.
1. Lugar kung saan mo gustong ipaayos ang iyong buhok.
2. Ito’y bagay na ginagamit sa paglilinis ng ating ngipin.
SURIIN
Ang isang mahusay na mamimili ay inaaalam ang mahahalagang
impormasyon ng produkto at serbisyong pangkalusugan na idinudulot nito.
2 Uri na Mapagkukunan ng Impormasyon
1. Maasahan - nagbibigay ng tama, angkop, ligtas at may batayan
2. Hindi maasahan- ay nagmumula sa indibidwal at institusyong may
personal na interes at mga layuning pangkalakalan.
Mga produktong pangkalusugan: pagkain, shampoo, gamot, toothpaste,
atbp.
Mga serbisyong pangkalusugan:
Doktor, dentista, albularyo, ospital, parlor, restaurant, barangay health
center, Department of Health (DOH)

PAGYAMAMIN
Ilarawan ang matalinong mamimili. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Mamimili

ISAISIP
Maging matalinong mamimili. Piliing mabuti ang mga produkto at
serbisyong pangkalusugan.
Subukin: 1. A 2. D 3. C 4. C
Pagyamanin:
Mga posibleng kasagutan:
➔ Sinisigurong masustansiya ang binibili.
➔ Marunong mag-badyet
➔ mapanuri
➔ hindi nagpapadala sa anunsiyo
Tayahin: restawran (SERBISYO), sabon (PRODUKTO), doctor (SERBISYO)
T oothpaste (PRODUKTO), Balitang Pahayagan (IMPORMASYON)
SUSI SA PAGWAWASTO
nasa larawan.
Isulat kung pangkalusugang produkto, serbisyo o impormasyon ang
TAYAHIN
pagpili pagbili
Dahilan sa Serbisyo Dahilan sa Produkto
ang iyong dahilan sa pagbili o pagpili.
Magbigay ng 3 bagay at serbisyo na binili o pinili mo kahapon. Ibigay
ISAGAWA
ARALIN
2
Malusog na Pagpili
ALAMIN
Ang paggawa ng desisyon sa mga produktong gagamitin ng pamilya ay
karaniwang ginagawa ng magulang. Ang sitwasyong ito ay pangkaraniwan
sa maraming sambahayan dahil sila ang responsable para sa pagbabadyet,
pamamahala ng mga pangangailangan at paghahanap ng mapagkukunan
para sa pamilya. Samakatuwid, dapat turuan ng mga magulang ang kanilang
mga anak sa pagpili ng tamang mga produkto upang maging malusog na
mamimili. Kalidad at kaligtasan ay dapat palaging isaalang-alang upang
itaguyod ang malusog na pamumuhay.

Batayang Kasanayan: Nakikilala ang iba’t ibang kadahilanan na


nakakaimpluwensya sa pagpili ng mga produkto at serbisyo.

SUBUKIN
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa damdamin ng mga mamimili, ang kanilang kasiyahan
sa pagbili at pagtanggap ng serbisyo.
a. ekonomiya b. pangkapaligiran c. pansarili d. pangkaisipan
2. Sino ang nagpapasya sa mga produktong pangkalusugan na gagamitin
ng iyong pamilya?
a. magulang b. kapitbahay c. kamag-anak d. kaibigan
3. Ang tinutukoy nito ay halaga ng produkto at serbisyo na kayang bayaran
ng mamimili.
a. pansarili b. sikolohikal c. pang – ekonomiya d. panlipunan
4. Tinutukoy dito ang pamilya, kaibigan, o media.
a. etikal b. pang -ekonomiya c. pansarili d. kapaligiran/ panlipunan
Balikan

Pangkatin ang sumusunod ayon sa pangkalusugang produkto, serbisyo o


impormasyon.
- DTI - telebisyon
- dishwashing liquid - dyaryo
- DOH - toothpaste
PRODUKTO SERBISYO IMPORMASYON

TUKLASIN
Ang mga kadahilanan na nakakaimpluwensya sa pagpili ng impormasyon
sa kalusugan, mga produkto at serbisyo ay ang mga sumusunod;
A. Pansarili (interes, kagustuhan)
Tinutukoy nito ang mga pangangailangan, ninanais, kagustuhan at
magagamit na oras.
Pangangailangan ay tumutukoy sa impormasyon, mga produkto at
serbisyo na kailangan ng mga mamimili upang mabuhay. Ito ay ang
sariwang tubig, damit at pagkain.
Ninanais ay tumutukoy sa mga produkto o serbisyong hindi gaanong
kailangan subalit hinahangad tulad ng bagong TV, speaker o laruan.
B. Pang ekonomiya (Badyet)
Tinutukoy nito ang halaga ng produkto at serbisyo na kayang bayaran
ng mamimili.
C. Sikolohikal (damdamin)
Tinutukoy nito ang damdamin ng mga mamimili tungkol sa paggamit
ng produkto at ang serbisyo nito.
D. Etikal (halaga)
Ito ay ang pamantayan ng ugali ng mamimili.
E. Kapaligiran / Panlipunan
Tinutukoy dito ang pamilya, kaibigan o media.

SURIIN
Anu ano ang mga kadahilanang nakakaimpluwensya sa pagpili ng
impormasyon sa kalusugan, mga produkto at serbisyo ng mamimili?
PAGYAMAMIN
Suriin ang mga larawan. Isulat sa tabi ng larawan ang
nakakaimpluwensya sa pagpili ng produkto o serbisyong pang
kalusugan.
1._____________________

2._________________________

3._________________________

4.__________________________

ISAISIP
Ang ating pamilya, kakayahang pinansyal, media, at mga kaibigan ay
nakakaimpluwensya sa pagpili natin ng mga produkto at serbisyong
pangkalusugan.
ISAGAWA
Ilarawan ang isang matalinong mamimili. Buuin ang pangungusap.
Ang matalinong mamimili ay ______________________________.
TAYAHIN
Piliin ang mga nakakaimpluwensya sa pagpili natin ng mga produkto at
serbisyong pangkalusugan. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat ang sagot sa patlang.
HALAGA O PRESYO MEDIA PAMILYA O KAIBIGAN
__________ 1. Nagpunta ka sa pamilihan upang hanapin ang tinapay na
paborito mo.
__________ 2. Nais mong magpunta sa dentista dahil madalas masakit
ang iyong ngipin. Tinanong mo ang iyong kaibigan ukol dito.
__________ 3. Bibili ka ng sabon sa tindahan, tiningnan mo ang halaga nito.

KARAGDAGANG GAWAIN
Hanapin sa A HANAY B ang mga nakakaimpluwensiya sa pagpili natin ng
mga produkto at serbisyong pangkalusugan sa HANAY A. Isulat ang letra
sa patlang.
___ 1. Bibili ka ng sabon sa tindahan. A. PAMILYA O KAIBIGAN
Tiningnan mo ang presyo nito.
___ 2. Nagpunta ka sa pamilihan upang B. HALAGA O PRESYO
hanapin ang sabon na nakita mo sa
komersiyal sa T.V.
___ 3. Nais mong magpatingin sa doktor C. MEDIA
dahil malabo ang iyong paningin kapag
ikaw ay nagbabasa. Tinanong mo ang iyong nanay.

SUSI SA PAGWAWASTO
Karagdagang Gawain: 1. B, 2. C, 3. A

1. Media, 2. Pamilya o kaibigan, 3. Halaga o presyo Tayahin:

Pagyamanin: 1. Pamilya, 2. Pansarili, 3. Kapaligiran/Panlipunan, 4. Pang-Ekonomiya

Impormsasyon (Channel 7, Manila Bulletin)


Serbisyo (DOH)
Produkto (Jollibee, Safeguard, Colgate) Balikan:

1.d, 2. a, 3. c, 4. d Subukin:

Sanggunian:
(Kagamitan ng Mag- aaral, LM, pahina 491-492)
Aralin 3: Maging Matalinong Mamimili
ALAMIN
Bahagi na ng buhay ng mamimili ang bumili ng mga produkto at
serbisyo upang matugunan ang pang araw araw na pangangailangan ng
pamilya. Bilang mamimili, dapat isaalang-alang ang tamang pamamaraan,
kaalaman at pagiging mapanuri sa pagbili at pagpili ng iba’t ibang produkto
at serbisyo. Ito ay upang hindi masayang ang perang ginamit sa pagbili ng
iba’t ibang produkto at serbisyo.
Batayang Kasanayan: Nailalarawan ang kasanayan ng isang matalinong
mamimili.
SUBUKIN
Ano ang katangian ng isang mamimili? Isulat sa loob ng graphic organizer
ang iyong ideya o nalalaman tungkol sa isang matalinong mamimili.

MATALINONG
MAMIMILI

BALIKAN
Ibigay ang mga nakakaimpluwensya sa pagpili natin ng mga produkto at
serbisyong pangkalusugan.
TUKLASIN

Ang mga mamimili ay gumagamit ng mga produkto at serbisyo. Bumibili


sila ng iba’t ibang produkto tulad ng pagkain, mga kagamitan, laruan, damit
at iba pa. Nakikinabang rin sila ng iba’t ibang mga serbisyo sa mga lugar tulad
ng istasyon ng pulisya, paaralan, ospital, mga klinika, at mga barber/ parlor
shop. Ang mga mamimili ay dapat magkaroon ng mga kasanayan sa pagpili
at pagbili ng mga produkto at serbisyo.
1. Pagbabadyet (mga plano at badyet kung ano ang bibilhin)
2. Pagkakasundo/ Negosasyon (bargaining)
3. Pagkokolekta ng data (inaalam ang impormasyon tungkol sa produkto
at serbisyo)
4. Paghahambing ng pagbili
5. Komunikasyon sa pamimilihan

SURIIN
Ano ano ang katangian ng isang matalinong mamimili?

PAGYAMAMIN
Basahin at unawain ang kwento.
Si Gng. Castro ay isang matalinong mamimili. Lagi niyang pinaplano
ang kaniyang bibilhin o pagkakagastusan. Nais niyang ibili ng bag ang
kaniyang mga anak. Nagtanong siya sa tindera ng bag na mas mura.
Ikinumpara niya ang halaga ng mga ito bago siya bumili ng bag.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ginawa ni Gng. Castro bago siya bumili?
2. Matalino ba siyang mamimili? Bakit?

ISAISIP
Ang matalinong mamimili ay may plano ng mga bibilhin.
- Pumipili ng mas mura ang halaga
- Kinukumpara niya ang halaga, tibay, gamit at kahalagahan nito
- Nagtatanong ng impormasyon ukol sa produkto o serbisyo

ISAGAWA
May Baon na Ako!
Sasama ka sa lakbay-aral. Kailangan mong bumili ng babaunin.
Binigyan ka ng mga magulang mo ng limampung piso. Ano ang bibilhin mo?
Pumili sa menu sa ibaba.
Ilista ang mga bibilhin mo at ang halaga nito.
Aytem Halaga

Kabuuan:
Pinili ko ito dahil __________________________________________.

TAYAHIN
Alin ang dapat bilhin? Piliin ang larawan at isulat ang letra ng tamang sagot.

1. KALIDAD/
KAHUSAYAN
A B
2. HALAGA
A B
3. GAMIT A B

KARAGDAGANG GAWAIN
Sumulat ng liham na nagsasaad sa iyong gusto o paborito na produkto. Sa
iyong liham, sabihin mo ang:
● dahilan
● kailan nabili ang produkto
● halaga
SUSI SA PAGWAWASTO

3. A 2. A 1. A

Tayahin:

2. Oo. Dahil pinaplano niya ang bibilhin o pagkakagastusan.


1. Nagtanong muna sa tindera ng mas murang bag ai kinumpara ang halaga ng mga ito.

Pagyamanin:

1. Pansarili, Pang-ekonomiya, Sikolohikal, Etikal, Kapaligiran/ Panlipunan

Balikan:

produkto)
mas mura ang halaga at tibay, pinaplano ang bibilhin, matanong sa impormasyon ng
nagpapadala sa anunsiyo, marunong maghanap ng alternatibo, makatwiran, pumipili ng
Mga Posibleng Kasagutan ( sumusunod sa badyet,hindi nagpapadaya, mapanuri, hindi

Subukin:

Sanggunian:
(Kagamitan ng Mag- aaral, LM, pahina 493-496)

Aralin 4 Ang Mga Karapatan Ko


ALAMIN
Marami ang mabibili sa pamilihan kaya naman nararapat na tayo ay
maging matalino sa pagpili ng mga produkto at serbisyo na ating bibilhin.
Bilang mga mamimili, mayroon tayong mga karapatan para sa iba't ibang uri
ng impormasyon sa kalusugan, mga serbisyo at produkto na nakukuha natin.
Kaya naman, ang pagkakaroon ng kaalaman sa karapatan bilang mga
mamimili ay mahalaga upang maiwasan ang hindi magagandang karanasan
sa pamimili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
Batayang Kasanayan: Nakikilala ang mga pangunahing karapatan ng mga
mamimili.
SUBUKIN
Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi wasto.
________1. Tingnan ang expiration date ng produktong bilhin.
________ 2. Maaari pumili ang mamimili sa mga produkto na gustong
niyang bilhin.
________ 3. Karapatan ng mga mamimili ng wastong serbisyo.
________ 4. Maaring ireklamo ang tindahan at tindera sa kinauukulan kung
mahuhuling nandadaya.
________ 5. Hindi na puwedeng magreklamo kung ang produkto ay
nagamit na.
BALIKAN
Ano ano ang mga katangian ng mga matalinong mamimili?

Tuklasin
Bilang mga mamimili mayroon tayong mga karapatan sa iba’t ibang uri
ng impormasyon sa kalusugan, mga serbisyo at sa produkto na
nakukuha natin.
1. Karapatan sa pangunahing pangangailangan
2. Karapatan sa pangunahing kaligtasan
3. Karapatan sa pangunahing impormasyon
4. Karapatan sa pangunahing pagpili
SURIIN
Tignan ang larawan. Basahin ang dayalogo. Anong karapatan ang kanilang
natamasa

Aling aytem ang may ang may 50%


Anong sustansiya o sangkap kaya
na bawas sa orihinal na halaga nito?
ang laman ng produktong ito?
PAGYAMAMIN
Maging Ligtas! Pag aralan bawat larawan. Isulat ang letra ng karapatan
na nailalarawan sa ibaba.
A. Karapatang Pumili
B. Karapatang malaman ang impormasyon ng produkto o serbisyo.
C. Karapatan sa serbisyo
D. Karapatan sa kaligtasan
E. Karapatan sa payak na pangangailangan

ISAISIP
Bilang mamimili karapatan natin na pumili ng produkto, serbisyo at
maging ligtas sa binibili at mabigyan ng sapat na impormasyon o
kaalaman sa serbisyo at produktong pangkalusugan.

ISAGAWA
Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Sabihin kung anong karapatan ng
isang mamimili ang inilalarawan .

__________ 1. Nagpunta si John Dave sa botika para bumili ng gamut sa


hika. Nagtanong siya sa tindera ng mga impormasyon ukol sa gamot.
__________ 2. Bumili si Pearl Anne ng tinapay. Tiningnan niya kung
hanggang kalian puwede pang kaininang tinapay.
___________ 3. Nakakita si Roy ng paskil sa sa sabon na “BUY 2 TAKE 1.”
Kinumpara niya ang halaga nito sa iba pang sabon.
___________ 4. Nagpunta sa dentista si Patrick Dave. Nagtanong siya
kung ano-ano ang iba pang serbisyo mayroon sa klinika.
___________ 5. Si Linda ay may tindahan. Lahat ng pangunahing
pangangailangan ay mayroon sa tindahan niya.
TAYAHIN
Isulat sa patlang kung anong karapatan ang inilalarawan sa ibaba.

a. Karapatang timbangin
b. Karapatang pangkaligtasan
c. Karapatan ng mga mamimiling malaman
d. Karapatan sa impormasyon
e. Karapatang pumili
f. Karapatan sa pangunahing pangangailangan

1. Si Aling Liway ay bumili ng gatas. Tiningnan niya kung hanggang kailan


ito maaaring gamitin. Ito ay _______________________________.
2. Ipinagbabawal ng barangay ang mga kabataan sa pagbili ng alak at
sigarilyo. Ito ay _____________________.
3. Pagpapaskil ng impormasyon ukol sa mas mababang halaga ng gamot.
Ito ay ______________________.
4. Isang tindahan na gumagamit ng mga papel sa pagbabalot ng pagkain at
paghiwalay ng mga basura sa “nabubulok” at “di-nabubulok”. Ito ay
_____________.
5. Pinapalitan ni Ramon ang sirang laruan na binili niya. Ito ay__________.
KARAGDAGANG GAWAIN
Tanungin ang iyong tagapag-alaga, magulang, o iba pa na kasama sa loob
ng inyong tahanan tungkol sa kanilang ginagawa o naging karanasan bilang
isang mamimili. Isulat ang nakalap o nakuhang sagot sa loob ng kahon..
SUSI SA PAGWAWASTO
5. E 4. D 3. c/f 2. C 1. B
Tayahin:

5. Karapatan sa payak na pangangailanagan.


4. Karapatang malaman ang impormasyon ng produkto o serbisyo
3. Karapatang pumili
2. Karapatan sa kaligtasan
1. karapatang malaman ang impormasyon ng produkto o serbisyo
Isagawa:
1. A 2. A 3. C 4. D 5. A 6. D 7. C 8. B
Pagyamanin:

5. MALI 4. TAMA 3. TAMA 2. TAMA Subukin: 1. TAMA

Sanggunian:

(Kagamitan ng Mag- aaral, LM, pahina 497-503)

Aralin 5
Responsable Ako
ALAMIN
Mahalaga na maging mas alerto ang isang mamimili sa pamamagitan
ng pagtatanong tungkol sa presyo, paggamit, at kalidad ng mga produkto at
serbisyo na ginagamit natin. Maiiwasan ang masamang karanasan kung
magiging responsible tayo sa pamimili. Ang bawat karapatan ay may kaakibat
na pananagutan o tungkulin. Kaya marapat lamang na maging responsable
sa pagdedesisyon sa mga produkto o serbisyong bibilhin at gagamitin.
Batayang Kasanayan: Natatalakay ang mga responsibilidad ng isang
mamimili.

SUBUKIN
Isulat kung TAMA o MALI ang pahayag sa bawat bilang.

______1. Ipinalagay ni Nicole sa eco bag ang kanyang pinamili upang


mabawasan ang plastik na basura sa kanilang lugar.
______ 2. Pinasusubok muna ni Lando ang laruang kotse na bibilhin bago
bayaran ito.
______ 3. Binili niya ang lahat ng alcohol sa pamilihan noong nabalitaan niya
ang paglaganap ng COVID-19.
______ 4. Binili ni Rene ang sapatos sa malapit na pamilihan na hindi muna
isinusukat.
______ 5. Nagbigay ng iba pang mungkahi si Aling Sally upang mapaganda
pa ang serbisyo ng kinakainang restawran.

BALIKAN
Ano ano ang karapatan ng isang mamimili?

TUKLASIN
5 Responsibilidad ng isang mamimili
1. Kritikal na kamalayan – responsibilidad na alamin ang halaga at
gamit ng produkto at serbisyo
2. Aksyon – responsibilidad na ipaglaban ang tama at patas na
pakikitungo
3. Pag aalala sa Lipunan – responsibilidad na magkaroon ng
kamalayan sa epekto ng ating pagkonsumo sa ibang mamamayan
lalo na sa mahihirap.
4. Kamalayan sa kapaligiran – responsibilidad sa lipunan na
pangalagaan ang likas na yaman at protektahan.
5. Pakikiisa – responsibilidad na ayusin na magkaisa bilang
mamamayan upang paunlarin ang lakas at impluwensya upang
maitaguyod at protektahan ang bawat isa.
SURIIN
Ano ano ang mga responsibilidad ng isang matalinong mamimili?
Dapat ba natin itong gawin? Bakit?

PAGYAMAMIN
Iguhit ang ☺ kung nagsasabi ng pagiging responsable at  kung hindi

.
1. Pagtatanong sa halaga ng produkto.
2. Pagbili ng lapis ng hindi nagtatanong ng halaga nito.
3. Pagtatanong sa mga kabutihang dulot sa kalikasan ng produkto.
4. Pagsasauli ng biniling laruan kung ito ay sira na ng mabili.
5. Pag-iksamen ng binibiling isda kung ito ay sariwa o hindi.
6. Pagtatanong ng supot o lalagyan ng mga pinamili na hindi
makakasira ng kalikasan.
7. Pagrereklamo sa tindahan na nagbebenta ng expired na produkto.
8. Pagbili ng mga pangunahing pangangailangan lalo kung panahon
ng kalamidad.

ISAISIP
Isulat sa loob ng organizer ang mga tungkulin ng isang responsableng
mamimili.

karapatan ng mamimili

ISAGAWA
Tukuyin ang tungkulin ng mamimili sa bawat sitwasyon. Bilugan ang tamang
sagot.
1. Nireklamo niya ang nabiling sirang produkto.
PAG-AKSYON MAGING MAPANURI
2. Mas pinili ni Aling Nena na bilihin ang produktong may nakalagay na
“Environment Friendly”.
PAGMAMALASAKIT SA IBA PAGKAKAROON NG
KAMALAYANG PANGKAPALIGIRAN
3. Sumali si Mang Ramil sa organisasyon ng mamimili sa kanilang \
barangay.
PAGMAMALASAKIT SA IBA PAKIKIISA SA IBA PANG MAMIMILI
4. Tiningnan muna niya ang halaga ng produkto bago niya ito bilhin.
MAGING MAPANURI PAG-AKSYON

TAYAHIN
Kilalanin ang mga responsibilidad ng mamimili sa sumusunod na
sitwasyon .
____________1. Nagtanong si Nena ng halaga at paraan ng paggamit ng
produkto sa tindera.
___________ 2. Naghihiwalay si Mang Ramon ng mga basura.
____________3. Si Aling Corazon at ang kaniyang mga kapitbahay ay
bumuo ng samahan sa kanilang lugar na mangangalaga
sa karapatan ng mga mamimili.
____________4. Si Donna ay nagreklamo sa produkto na kaniyang binili.
____________5. Nagsaliksik si tatay ng kaalaman ukol sa kabutihang dulot
ng produkto sa kalikasan.
SUSI SA PAGWAWASTO
5. Kamalayan sa kapaligiran
4. Aksyon
3. Aksyon
2. Kamalayan sa kapaligiran
1. Ktitikal na kamalayan
Tayahin:
4. Maging mapanuri
3. Pakikiisa sa iba pang mamimili
2. Pagkakaroon ng kamalayang pangkapaligiran
1. Pag-aksyon
Isagawa:
8. ☺ 7. ☺ 1. ☺ 2.  3. ☺ 4. ☺ 5. ☺ 6. ☺

Pagyamanin:

2. TAMA 3. MALI 4. MALI 5. TAMA Subukin: 1. TAMA

Sanggunian: (Kagamitan ng Mag- aaral, LM, pahina 504 -505)


ARALIN 6 Impormasyon ay Mahalaga

ALAMIN

Maraming pinagmumulan o pinagkukuhanan ng impormasyong


pangkalusugan. Ito ay maaaring magmula sa tao, media, at iba pang
websites na ating binubuksan. Ito rin ay dapat na magmula sa
mapagkakatiwalaan. Kaya naman, mahalaga na maging mapanuri sa ating
nababasa, napapanood, at napapakinggan na impormasyon lalo na at ito ay
tungkol pangkalusugan.

Batayang Kasanayan: Nakikilala ang maasahang mapagkukunan ng


impormasyong pangkalusugan.

SUBUKIN
Lagyan ng tsek kung mapagkakatiwalaang maoagkukuhanan ng
impormasyon sa kalusugan at ekis kung hindi.

BALIKAN
Ano ano ang mga responsibilidad ng isang mamimili?
TUKLASIN
Mapagkukunan ng maasahang impormasyon sa kalusugan
- Mga ahensya ng gobyerno DOH, DepEd, DTI
- Mga propesyon sa kalusugan katulad ng doktor, dentista, nars
- Nakalimbag ng materyales, mga aklat pangkalusugan, polyeto at
magazine
SURIIN
Lagyan ng / kung mapakakatiwalaang pinagkukuhanan ng impormasyon
ukol sa pang kalusugan at X kung hindi.

___ 1. LTO (Land Transportation Office)


___ 2. Kagawaran ng Edukasyon
___ 3. DTI (Department of Trade and Industry)
___ 4. DOH (Department of Health)
___ 5. Barangay Health Centers

PAGYAMANIN
Markahan ng tsek ( /) kung mapagkakatiwalaan at ekis ( X) kung hindi
sa pagbibigay ng impormasyong pangkalusugan.
ISAISIP
Ang mga ahensya ng gobyerno, mga propesyonal at babasahin na may
kinalaman sa kalusugan ay ang mga mapagkakatiwalaang
mapagkukunan ng wastong impormasyon.

ISAGAWA
Pakinggan ang mga Eksperto. Punan ang graphic organizer ng mga tao o
kumpanya na maaring pagkakatiwalaan at makapagbibigay ng tamang
impormasyon pangkalusugan.

Mapagkakatiwalaang
makapagbibigay ng
wastong impormasyong
pangkalusugan.
Kagamitan ng Mag- aaral, LM, pahina 506 -509
Sanggunian:
Subukin:
DOH ( /) Pagyamanin:
DTI ( /) 1. /
Kagawaran ng Edukasyon ( /) 2. X
Office of Energy (X) 3. X
LTO (X) 4. /
PAGASA (X) 5. X
Suriin:
Tayahin:
1. X 1. Department of Health
2. / 2. Barangay Health Centers
3. / 3. X
4. / 4. X
5. /
5. Nars/ Nurse
6. Pahayagan
SUSI SA PAGWAWASTO
impormasyon.
PilIin ang mga mapagkakatiwalaan at mapagkukunan ng
TAYAHIN

You might also like