You are on page 1of 22

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 4:


Ang Kahalagahan ng aking
Paaralan
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Ang kahalagahan ng aking Paaralan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa ​Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region II

Office Address: ​Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (​ 078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: ​region2@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan

2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ​Araling Panlipunan 1
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan​.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng


paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang

3
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa ​Araling Panlipunan 1​ ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa ​Ang Kahalagahan ng
Aking Paaralan. ​Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa
iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo
Alamin ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita


Subukin natin kung ano na ang kaalaman
mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o
Balikan balik-aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

4
Sa bahaging ito, ang bagong
Tuklasin aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para


Pagyamanin sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang

Isaisip

patlang ng pangungusap o talata


upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

5
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon
o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong


Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Karagdagang iyong panibagong gawain upang
Gawain
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang
Susi​ ​sa sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng

6
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang ​Subukin ​bago lumipat sa
iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

7
Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin Ang Kahalagahan


ng Aking Paaralan.​ ​Ang mga batang nag-aaral ay dapat na
magsisikap sa kanilang pag –aaral. Mahalaga ang pagsisikap
upang makamit ang mga mithiin a buhay.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

​Naipapaliwanag
ang kahalagahan ng paaralan sa sariling
buhay at sa pamayanan o kumunidad.

1
Subukin

Panuto:​ ​Iguhit ang iyong paaralan at kulayan. Ilagay sa ibaba


ang pangalan ng iyong paaralan.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________

2
Modyu
Ang Kahagahan ng Aking
l
Paaralan
4

Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa


tulong ng paaralan, mapaunlad mo ang iyong mga kakayahan,
mga kaalaman at magsumikap ka upang marating mo ang
tagumpay.

3
Balikan

Panuto:​ Sagutin ang mga sumusunod na tanong.​ ​Isulat ang


sagot sa guhit.

1. Ano ang pangalan ng inyong punongguro sa inyong


paaralan?

2. Ano ang pangalan ng iyong guro sa kasalukuyan?

3.Ano ang pangalan ng iyong guro noong nakaraang taon?

4
​Tuklasin
Bigkasin ang “Bata pa Ako “

Bata Pa Ako
Isinulat ni Julia Abueva

‘​Di kaba nagtataka


Ako’y nasa lansangan
At ikaw ay nasa sasakyan
Papuntang paaralan

Makatapos kaya ako


Kahit mga libro’y pinaglumaan mo
Pangarap lang ba
Pagka’t mahirap lang ako.

Pwede bang sumali sa inyong laro


Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako
Dala ba ng tadhana na tayo’y magkaiba
Paano bang sumulat,magbasa ng gaya mo
Bata alam mo ba,na bata rin ako?

Musmos pa rin ako


Di lang napapansin
Magulang at kapatid,

5
Nakaasa sa akin.
Bata sino ba
Ang nagtuturo’t gumagabay sa’yo
May pag-asa pa bang
Maturuan din niya ako

Sa lahat ng inaasam
Isa ang pinakagusto
Na sana’y pagtanda natin
Wala ng batang tulad ko

Ano ang pamagat ng binasa mo?

Sa iyong palagay sino ang tinutukoy nito?

6
Suriin

Panuto:​ Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga salita
na tinutukoy ng bawat bilang.

1. Dito tayo natutu na magbasa, magsulat at gumuhit.

a​ ​p​ ​r​ ​a​ ​a​ n


​ ​ ​l​ ​a​ - __ __ __ __ __ __ __ __

2. Mag-aral na mabuti upang makamit ang ______ sa


buhay.

p​ ​n​ ​a​ ​g​ ​r​ ​a​ ​p​ a


​ ​ - __ __ __ __ ___ ___ ___ __

3. Ang _____ ay hindi hadlang upang makamit ang


mithiihn sa buhay.

h​ ​r​ ​a​ ​i​ ​p​ ​a​ ​k​ ​n​ ​a​ - ___ ___ ___ ___ ___ ___ ____ ____
____

4.Sa paaralan ako natutung __________ at _________.

​u​ ​m​ ​s​ ​u​ ​t​ ​a​ ​l​ - ___ ____ ____ ____ _____ ______
_____

​a​ ​s​ ​u​ ​b​ ​a​ ​m​ - ______ _____ ____ _____ _____
_____

7
Pagyamanin

​Panuto:​ Iguhit ang masayang mukha kung ang pahayag


ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag-aaral.Iguhit naman
ang malungkot na mukha kung hindi.

1. “Mag-aaral akong mabuti .”

2. “Tara, maglaro na lang tayo kaysa mag-aral.”

2. 3. “Halina at sabay tayong magbasa.”

3. 4. “Huwag tayong pumasok sa paaralan.”

5. “Tatapusin ko muna ang mga takdang –aralin bago ako


maglaro.”

Isaisip

Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay


kapag nag-aaral ka at tatapusin mo ito.
Kaya mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad
mo.Sa tulong ng paaralan,mapapaunlad mo ang iyong mga
angking kakayahan at mga kaalaman.
At hindi hadlang ang kahirapan o anumang pagsubok sa
pagkamit ng iyong pangarap sa buhay.Magsumikap ka upang
marating mo ang tagumpay.

8
Isagawa
Panuto:​ Kulayan ang mga larawan na maaaring mangyari sa
iyo kapag nakapagtapos ka ng iyong pag-aaral.

Tayahin

Panuto: ​Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

9
1. Ang mga batang mag-aaral ay dapat magsikap sa
kanilang pag-aaral.
a. Tama
b. Mali
c. Wala sa nabanggit
2. Sa tulong ng ___________,mapaunlad mo ang iyong mga
angking kakayahan, mga kaalaman at mararating mo ang
tagumpay.
a. Paaralan b. Kaibigan C.Paglalaro
3. Magsumikap para marating ang__________.
a. Bahay b. Tagumpay c. Paaralan
4. Hindi hadlang ang kahirapan o ano mang pagsubok sa
pagkamit ng iyong pangarap sa buhay.
a. Mali b.Wala sa nabanggit c.
Tama
5. Malaki ang ______ mong mapaunlad ang iyong buhay
kapag nag-aaral ka at tatapusin mo ito
a. Pangarap b. Pag-asa c.
Tagumpay

Panuto: ​Gumupit
ng mga larawan
kung ano ang
pinapangarap o
ninanais mo paglaki mo. Idikit ito sa kahon.

10
Susi sa Pagwawasto

11
12
​Sanggunian

K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan


Baitang 1-10. (2016).

Aralin Panlipunan 1 Kagamitan ng Mag-aaral


Tagalog

You might also like