You are on page 1of 25

9

  
    
   
   
 
   
   
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: LIPUNANG SIBIL, MEDIA, SIMBAHAN, GENDER
EQUALITY AT PANGANGALAGA SA KAPALIGIRAN

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida Palay-Adornado, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elsa M. Asuncion at Nurjanna H. Ahmad


Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Clemencia G. Paduga
Glenda O. Mendoza

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
9
  
    
   
   
 
    
  

iii
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-Baitang -9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Natatanging Ako: Pakikipag-ugnayan
sa mga Kasapi ng Komunidad.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao-Baitang -9 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Natatanging Ako: Pakikipag-ugnayan sa mga
Kasapi ng Komunidad.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

iv
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

v
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

vi
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin
ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Social Distancing at iba pang gawain ayon sa “ Standard Health Protocols
ng ating New Normal sa lipunana. Magandang araw sa iyo sana’y marami ka ng
natutunan mula sa mga nagdaang modyul at hindi na bago sa iyo ang pagsagot sa mga
gawain sa modyul na ito na sadyang inihanda upang lalong maragdagan ang iyong
kaalaman para sa pagkamit mo ng iyong tagumpay kahit sa kabila ng mga nangyayari sa
lipunan dulot ng COVID 19. Sa ayaw at sa gusto mo kailangan nating tanggapin ang
panibagong sistema ng edukasyon sa ating bansa na distance learning (e.g. modular)
dahil para sa iyong kaligtasan. Sa modyul na ito ay iyong matatalakay ang patungkol sa
Lipunang Sibil, Gender Equality, Espiritwalidad at layunin ng Media sa buhay mo. Ang
mga gawain dito ay sadyang pinili upang maging madali para sa iyong maunawaan at
mabigyan ng tamang sagot sa tulong ng iyong pamilya. Sana ay matapos mo ang modyul
na ito na nasa mabuti kang kalagayan at ng buo mong pamilya.
Sa iyong araw-araw na pamumuhay napapansin mo ang malaking
pagbabago dulot ng COVID 19 mula telebisyon, radyo, pahayagan, internet at social
media. Hindi nawawala sa pinag-uusapan ang nangyayaring pandemya sa buong mundo
na walang pinipili babae man o lalaki, bata man o matanda.
Kaya nga gumagawa ng iba’t ibang paraan ang ating gobyerno para
maipagpatuloy parin ang pag-aaral ng mga kabataan, ang kailangan mo lang gawin ay
maging masipag, matiyaga sa pag-aaral at masunurin sa mga batas na pinapatupad ng
ating gobyerno para lang mapanatili ang kaligtasan mo.
Sa pagpapatuloy mo ng pag-aaral sa modyul na ito malalaman mo ang
kahalagahan ng lipunang sibil, ang papel na ginagampanan ng babae at lalaki, ang tibay
ng pananampalataya at papel ng media sa ating buhay.
Sa iyong pagganap sa mga gawain sa module na ito ay manatiling sumunod sa
mga patakarang ipinatutupad ng ating gobyerno, palaging pagsuot ng face mask,
paghuhugas ng kamay, at social distancing.

Ano ang tiyak na matutuhan mo?


Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matamo mo sa modyul na ito:
1. Natutukoy ang halimbawa ng lipunang sibil at ang kani kaniyang papel na
ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat. ( ESP9 PLIg-
4.1)
2. Nasusuri ang mga adhikahing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos
tungo sa kabutihang panlahat. (( ESP9 PLIg-4.2)
3. Nahihinuha na ang layunin ng lipunang sibil ang likas kayang pag-unlad, ay isang
ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panglipunang pagpapahalaga tulad ng
katarungang panlipunan, pang ekonomiyang pag-unlad ( economic
viability), Pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran,
pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan ( Gender Equaltity) at Espiritwalidad.

viii
4. Nahihinuha na ang layunin ng midya ay pagpapalutang ng katotohanang
kailangan ng mga mamamayan sa pagpasya.
5. Nahihinuha na sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng
katuturan ang mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong
ng estado at sariling pagkukusa. (ESP9 PLIh-4.3)
6. Nakatataya ng Adbokasiya ng ibat ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng
mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (Economic
Viability) pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran, kapayapaan,
pagkakapantay ng kalalakihan at kababaihan ( Gender Equality) at ispiritwalidad (
mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable)
7. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy ang
adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan at matasa ang antas ng pagganap
nito sa pamayanan. ( ESP PLIh-4.4)
TIYAK NA LAYUNIN
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng media at simbahan at kanilang papel na
ginagampanan para sa kabutihang panlahat.
2. Nakikilala ang mga adhikahing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos
tungo sa kabutihang panlahat.
3. Nakapagbibigay ng mga layunin ng lipunang sibil tungo sa likas kayang pag-
unlad.
4. Nasusuri ang katotohan mula sa nilalaman ng media.
5. Nakapagbibigay ng tiyak na tulong ng bahay-dalanginan na nagbibigay ng mas
mataas na antas ng katuturan sa mga materyal na pangangailangang tinatamasa
natin sa tulong ng estado at sariling pagkukusa.
6. Mailapat ang adbokasiya ng iba’t- ibat lipunang sibil sa sarili, sa pamilya at sa
lipunang kinabibilangan na may kaugnayan sa pang-ekonomiyang pag-unlad
(Economic Viability) pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga sa kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng kalalakihan at kababaihan ( Gender Equality) at
ispiritwalidad ( mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable).
8. Makapagtitipon ng iba’t ibang lipunang sibil na kumikilos sa sariling pamayanan,
kanilang adbokasiya at antas ng kanilang pagganap sa pamayanan.

ix
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong.Piliin at isulat ang titik lamang na
kumakatawan sa tanong isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng lipunang sibil MALIBAN sa__________.
a. Simbahan c. Gabriela
b. MNLF d. Paaralan

2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pangunahing layunin ng medya?


a. Magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan
b. Pagsasabi ng katotohanan sa lipunan
c. Pagbabantay sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan
d. Paghahatid ng maramihang impormasyon

3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng layunin ng lipunang sibil?


a. Ang pagreklamo ng isang mamamayan na hindi nabigyan ng ayuda
b. Pagkakasundo ng isang pamilyang nagkaroon ng hidwaan
c. Pagtugon sa mga suliraning panlipunan na hindi nasasaklaw ng pamahalaan
d. Pagkakaroon ng protesta dahil sa hindi maayos na pamamalakad ng pamahalaan

4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gender equality


a. Ang babae at lalaki ay may pantay na oportunidad sa paghahanap-buhay para sa
pamilya
b. Babae lamang ang maaaring sumali sa mga patimpalak sa lipunan
c. Babae at lalaki ang pangunahing bumubuo ng pamilya
d. Kapwa babae at lalaki ay binibigyan ng patas na oportunidad sa mga programang
panlipunan.

5. Bakit kailangan ng mass medya ang pagsasaad ng katotohanan?


a. dahil sa media tayo umaasa ng mga impormasyon
b. dahil tayo ay nagdidesisyon batay sa impormasyong ating napanood, narinig, o
nabasa.
c. dahil ito ay naglalaman ng opinion ng mga awtoridad
d. dahil nagkakaroon ng iba’t ibang reaksyon ang mga mamamayan

6. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng katangian ng lipunang sibil


maliban sa__.
a. Isang taon lang sa panunungkulan ang isang mayor ng bayan dahil sa isyu ng
korapsyon
b. Pagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga namumuno at mamamayan
c. Mainit na pagtanggap sa mga dayuhan para mamuno sa ating bansa
d. Pagbibigay proteksyon sa kapwa mamamayan laban sa mga tiwaling opisyal

1
7. Sa anong paraan mapanitili tayong kaanib ng isang institusyong panrelihiyon
a. dahil kayamanang tinatamasa at minana mula sa ating magulang
b. dahil relihiyong kinabibilangan ng ating mga ninuno at pangalang ibinigay sa atin
sa pag bautismo
c. dahil tanyag ang relihiyong ating kinabibilangan saanmang panig ng mundo
d. dahil sa paniniwalang hindi ka nag-iisa at ang May Kapal ang nagbibigay katuturan
sa ating buhay

8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pangangalaga sa


kalikasan?
a. Ang pagtapon ni Ana ng basura kahit saan dahil wala namang nakakikita
b. Ang pagsuway ni Pedro sa batas na ipinapatupad dahil paniniwalang marami
naming gumagawa nito
c. Ang pagsisiskap ni Maria na makapagtapos ng pag-aaral
d. Ang pagkukusa ni Liza na sumunod sa batas panglakikasan at pagiging disiplinado
sa sarili sa lahat ng bagay

9. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para


sa kalikasan, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
a. Pakikiisa sa patuloy na pangangalaga ng Mt. Mantalingahan.
b. Gagawa ng programang pangkalinisan na ipatutupad sa barangay.
c. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
d. Magplanong magdasal para sa patuloy na pag-unlad ng kalikasan.

10. Ang kalikasan ay tumutukoy sa____________.


a. Lahat ng nakapaligid sa atin may buhay man o wala.
b. Lahat ng nilalang na may buhay.
c. Lahat ng mga bagay na nagpapayaman sa tao.
d. Lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may
buhay.

11. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay


nangangahulugang_________________.
a. Paggamit ng kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
b. Paggamit sa kalikasan nang may pananagutan.
c. Paggamit sa kalikasan nang may pakundangan.
d. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba.

12. Alin sa mga sumusunod na parirala ang tumutukoy sa tunay na kahulugan ng gender
equality?
a. Katangian ng isang lipunanang pantay-pantay lahat ng tao.
b. Katangian ng isang lipunang pantay na pamahalaan.
c. Katangian ng isang lipunang pantay sa katayuan sa buhay.
d. Katangian ng isang lipunang may pantay na pagtrato sa babae at lalaki.

13. Ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos na tumutukoy sa kanyang malayang


desisyon na malaman at
tanggapin ang katotohanan sa kanyang pagkatao ay tinatawag na;
a. Espiritwalidad.
b. Pananampalataya.
c. Panalangin.
d. Pag-ibig.

2
14. Ang mga sumusunod ay pantay na pagturing sa babae at lalaki maliban sa:
a. Pareho silang maaaring lumahok sa mga gawain sa lipunan tulad ng pagtrabaho
ng may sweldo.
b. Pareho silang pinahahalagahan ng mga batas at programa sa lipunan.
c. Pareho silang bahagi ng mahahalagang desisyon sa lipunan tulad ng pagboto.
d. Pagtatalaga ng ng babaeng pulis sa opisina at lalaking pulis sa digmaan.

15. Ang mga sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa;


a. pagtapon ng samu’t saring basura sa iisang compost pit.
b. Paghihiwalay ng basura sa nabubulok at di nabubulok.
c. Pagtapon ng basura sa mga anyong tubig.
d. Pagsunog ng basura.

Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Piliin sa loob ng kahon at isulat sa
sagutang papel ang titik ng salitang tumutukoy sa mga pangungusap.

A. Gender Equality B. Espiritwalidad C. Lipunang Sibil D. Media

1. Makikisuyo sa pag-abot ng pamasahe sa loob ng dyip


2. Ang mga mamamayan ay sama-samang naglilinis ng pamayanan
3. Pagpapaayos ng mga tulay, daan, at mga gusali ng ating pamahalaan
4. Medical Mission ng mga sundalo
5. Pagbibigay ng ayuda sa panahon ng COVID-19.
6. Pag-uulat tungkol sa panahon
7. Pagbenta ng Online sa panahon ng COVID-19
8. Pag-aral gamit ang Internet, cellphone at Tablet
9. Ipinapaubaya sa may Kapal ang nararanasang pagsubok dulot ng COVID-19
10. Pagpapasalamat sa mga biyayang natatanggap at pagbabahagi nito sa kapwa
lalo na sa panahon ng kalamidad.
11. Pakikilahok sa politika ng mga kababaihan.
12. Babae lamang ang pwedeng maging Ina, ate, lola, tita, ninang.
13. Pagpapahalaga sa karapatan ng mga kababaihan
14. Lalaki lamang ang pwedeng maging ama, kuya, lolo, tito at ninong.
15. Lahat ay may karapatang mag pahayag ng opinion, idea at sa loobin at sumali sa
aktibidad sa lipunan.

3
Tuklasin

Gawain 1
Panuto: Sa iyong kwaderno ay kopyahin at sagutin ang talaan sa ibaba.

May naaalala ka bang mga organisasyong dumayo sa inyong lugar upang


maghatid ng kawanggawa sa panahon ng COVID-19? Nabiyayaan ka ba o ng
iyong pamilya ng mga donasyon o paglilingkod-bayan? Anong mga serbisyo o
tulong ang naipaabot sa iyong pamilya sa panahon ng pandemya?

Panuto: Sa iyong kwaderno ay kopyahin at sagutin ang talaan sa ibaba.


1. Gumawa ng talaan ng mga natatandaan mong kahalintulad na Gawain sa
iyong lugar sa panahon ng COVID-19. Gawin ito sa kwaderno.

Pananaw ng mga
Pangalan ng Adbokasiya o Uri Panahong inilaan tao tungkol sa
Lipunang Sibil ng paglilingkod sa paglilingkod resulta o epekto
ng serbisyo o
kawanggawa

2. Sagutin sa papel ang tanong na Ano kaya ang nagtulak sa mga taong ito
upang magpakaabala at magpakagastos, gayong hindi naman nila tayo kilala?
Ipaliwanag.

Gawain 2
Panuto: Sa iyong kwaderno ay kopyahin at sagutin ang talaan sa ibaba

May nabalitaan ka bang mga organisasyon na nagsasagawa ng kilos protesta sa


panahon ng COVID-19? Tungkol sa anong usapin ang kanilang ipinoprotesta?
1. Gumawa ng talaan sa kuwaderno ng mga natatandaan mong kahalintulad na
pagkilos na iyong nabalitaan.

Usaping ipinoprotesta Pangalan o uri ng organisasyon Petsa o taon

2. Sagutin ang tanong na ito: Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito upang
iprotesta ang mga ganitong usapin?

4
Suriin

Lipunang Sibil
Ang lipunang sibil ay kusang pag-oorganisa ng mga tao sa lipunan tungo sa kabutihang
panlahat. Ang layunin ng samahang ito ay hindi isinusulong para sa pansariling interes.
Hindi isinusulong ng mga politikong ang tanging nais ay maipanatili ang kanyang estado sa
pamahalaan. Hindi rin ng mga negosyanteng may interes na palawigin lamang ang kanilang
negosyo at patuloy na magpayaman.Ito ay binubuo ng mga taong may magkakatulad na
layunin at interes para sa ikabubuti ng lahat.

Ang Media at Simbahan

Ang impormasyon ay
patuloy na dumadaloy sa
iba’t ibang panig ng
mundo kasabay ng
globalisasyon dulot ng
patuloy na pag-unlad ng
media.Ang media ay
anumang instrumento na
ginagamit sa paghahatid
ng maramihang
impormasyon upang ito ay
https://fourthambit.com/fa/blogs/102048 maiparating sa bawat
nangangailangan nito
saan mang sulok ng mundo. Layunin nito ang magsulong ng kabutihan para sa bawat
kasapi ng lipunan kaya naman tungkulin nitong magparating ang katotohanan dahil tayo
ay nagpapasya base sa kung ano ang hawak nating impormasyon mula sa media. Maaring
ito’y ating napanood, nabasa, narinig, naamoy at nadama. Isa sa mga impormasyon
inihahatid ng media ay mga kultura ng iba’t-ibang pangkat ng tao sa daigdig. Kabilang sa
mga kulturang ito ay ang paniniwala ng iba’t-ibang instutusyong panrelihiyon na kinikilala
ng karamihan bilang simbahan. Ang simbahan ang itinuturing nating sagradong tahanan
na pag-aari ng Poong Lumikha kung saan sa kanya tayo sama-samang sumasamba at
nagpupuri sa ating Poong Maykapal sa kabila ng ating iba’t-ibang paniniwala at paraan ng
pagsamba ngunit iisa ang ating layunin na magbibigay ng papuri at pasasalamat sa Poong
Maykapal. Dahil sa patuloy nating pakikibaka sa paghahanap ng tunay na kahulugan ng
ating layunin sa buhay at paniniwalang hindi tayo nag-iisa at tayo ay pag-aari ng Poong
Lumikha at sa kanya tayo magbabalik ay kusa nating inooraganisa ang ating sarili bilang
kaanib ng isang institusyong panrelihiyon.

5
Pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (Gender Equality)

Isa sa mga tiyak na tunguhin ng lipunang sibil ay ang Gender Equality, pangangalaga sa
kalikasan, at economic viability.

Noong nasa Baitang 7 ka pinag-aralan mo ang iba’t ibang kilos na inaasahang sa dapat
linangin ng isang babae at lalaki. At nang ikaw ay nasa ikawalong baiting na, natalakay mo
rin ang tungkol sa sekswalidad ng tao at inaasahan na may sapat ka ng kaalaman sa
pagkatao ng tao at naunawaan mo na ang mga kakayahan at kilos tulad ng pagtatamo ng
bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relation) sa mga kasing-edad mo, ang
pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki at paghahanda para sa pag-
aasawa at pagpapamilya. Ngunit sa bahaging ito ng talakayan ay inaasahan na iyong
mauunawan sa kabila ng pagkakaiba ng babae at lalaki sa ilang aspeto ng lipunan tulad
ng pisikal at emosyonal ay may tinatawag na Gender Equality o ang pagkakapantay ng
kababaihan at kalalakihan.

Ano nga ba ang Gender Equality? Ang Gender Equality ay katangian ng isang lipunang
may pantay na pagtrato sa babae at lalaki. Pantay na ang pagturing kung makikita na ang
mga sumusunod:

• Pareho na silang maaring lumahok sa mga gawain sa lipunan tulad ng pagtatrabaho ng


may sweldo, pag-aaral
at iba pa.
• Pareho silang pinahahalagahan ng mga batas at programang panlipunan
• Pareho silang bahagi ng mahalagang desisyon sa lipunan tulad ng pagsasagawa ng
batas, pagpapatupad ng batas
at pagbibigay interpretasyon sa mga batas ng bansa.
• Pareho ng binibilang ang kanilang mga kotribusyon sa pag-unlad ng bansa tulad ng
pagbibigay halaga sa mga
Gawain sa loob at labas ng bahay.
• Pareho na nilang tinatamasa ang suporta ng lipunan upang magawa nila ang kanilang
pinakamahusay na
gampanin bilang tao.

Pangangalaga sa kalikasan

Ano ba ang kalikasan? Ano ang kahalagahan nito sa atin bilang tao? Paano ba natin ito
pangalagaan upang mapanatili ang kapakinabangan nito sa ating buhay?
Kung ating babalikan ang kwento ng paglikha ayon sa aklat ng Genesis sa
kabanata 1, talatang 27-31binigyan ng kapangyarihan ng Diyos ang tao na pamahalaan at
pangalagahan ang lahat ng kanyang nilalang at ito ay patunay na minamahal tayo ng Diyos
kaya’t binigay nya sa atin ang kalikasan.
Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay
o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop
mula sa maliit hanggang sa malaki. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik
na siyang nagbibigay daan o tumugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang na may
buhay upang ipagpatuloy ang kanilang buhay. Kabilang ditto ang hangin, lupa, tubig, at iba
pang anyo nito. May buhay man o wala, kapag sumusuporta sa pagpapatuloy ng buhay ng
mga nabubuhay na nilalang ay maituturing na bahagi ng kalikasan.

6
Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan
1. Maling pagtapon ng basura
2. Iligal na pagputol ng mga puno
3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa
4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
5. Malabis at mapanirang pangingisda
6. Global warming at climate change
7. Komersiyalismo at urbanisasyon

Karagdagang kaalaman para sa pamanatili ang kasaganaan ng kalikasan


1. Itapon ang basura sa tamang lugar
2. Pagsasabuhay ng 4R (reduce, re-use, recycle, replace)
3. Pagtatanim ng mga puno
4. Sundin ang batas at makipatultungan sa mga tagapagpatupad nito
5. Mabuhay ng simple

Lipunang Pang-ekonomiya

Maaari mong balikan ang module 3 upang mabalikan ang mga natutunan patungkol
sa lipunang pang-ekonomiya (economic viability). Natalakay sa modyul 3 na ang lipunang
ekonomiya ay isang sector ng lipunan na nagtataguyod ng adbokasiya nan aka pokus sa
pangkabuhayan.

Kumusta na?
Naisakatuparan mo ba ng maaayos ang mga gawain sa modyul na ito? Kung
OO, binabati kita!
Maaari ka ng magpatuloy sa bahaging pagyamanin
Kung hindi, balikan ang mga gawaing di natapos. Katangian ng isang
mapanagutang mag-aaral ang sumangguni at humingi ng tulong o paggabay
mula sa iyong mga magulang o guro.

Pagyamanin

Gawain 1: Panuto sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno batay sa iyong
naunawaan.

1. Ano-anong mga pangangailangan ng iyong pamilya ang hindi ninyo kayang


matamo kung sa iyong pamilya lamang aasa? Ipaliwanag.
2. Sa ano-anong paraan tinutugunan ng lipunang sibil ang mga pagkukulang ng
lipunan? Ipaliwanag.
3. Ano ang naitutulong ng media sa pamilya mo sa panahon ng COVID-19?

7
4. Bilang kabataan paano ka makakatulong sa pangangalaga ng kalikasan?

Pagsasanay 1

Panuto: Sumulat ng isang maikling slogan na may kaugnayan sa iyong natutunan sa


gender equality, lipnang sibil, at pangangalaga sa kalikasan.

Gender Equality
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
___________________________________________________________

Lipunang Sibil

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________

Pangangalaga sa kalikasan

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________________

Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.

1. Si Ana at Jane ay matalik na magkaibigan mula pa sa kanilang pagkabata


hanggang sa ngayon pareho na silang nasa ikasiyam na baitang. Kapwa rin mag
kaibigan ang kanilang mga magulang. Isang araw nakita ni Ana ang tatay ni Jane
na nagtapon ng basura sa gilid daan at napag alaman nya na matagal na pala niya
itong ginagawa. Kung ikaw si Ana, ano ang gagawin mo?

2. Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, isa sa mga planong gustong gawin ng


ating Gobyerno ang paggamit ng gadget at online na pagtuturo. Marami sa mga
magulang ay tutol dito dahil ayon sa kanila ito ay dagdag pasanin ng pamilya. Bilang
isang mag-aaral ano ang gagawin mo?

8
3. May isang pamilya ang nawalan ng mahal sa buhay, nawalan din ng hanapbuhay
ang ama dulot ng COVID-19, wala ding trabaho ang ina. Para sa kanila wala nang
pag-asa ang kanilang buhay. Bilang isang mananalig sa Diyos paano mo sila
bigyan kapanatagan?

4. Si Beth isang batang babaeng kapos sa pamumuhay ang kanyang pamilya, subalit
nag-aalab sa kanyang puso ang makapagtapos ng pag-aaral para magkaroon ng
magandang kinabukasan ngunit ayon sa kanyang ama hindi na niya kailangang
mag-aral dahil babae sya at mag-aasawa lang din balang araw. Bahala na ang
kanyang mapapangasawa sa pamumuhay nila. Kung ikaw si Beth ano ang gagawin
mo?

5. Isa kang pangulo ng samahan ng mga kabataan sa inyong barangay. At isa sa mga
adbokasiya mo ay ang pangangalaga sa kalikasan, Ngunit ang iyong ama ay
nagtatrabaho sa isang kompanya na ang layunin ay sirain ang kalikasan at ito lang
ang tanging ikinabubuhay ng inyong pamilya. Ano ang gagawin mo?

Gawain 3: Panuto sagutin ang tanong na may kaugnayan sa Gawain 2.


Anu-ano ang mga nagging basehan mo sa pagsagot sa mga tanong sa Gawain 2?

Isaisip

May mga bagay na kaya mong gawin, ngunit may mga bagay din na hindi mo
kayang gawin kayat mahalaga ang ating pakikitungo sa ating kapwa sa lipunan.
Ang media na nariyan upang magpaabot ng mga impormasyos sa lipunan at hindi
para magkalat ng kasinungalingan.
Ang pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae ay magbibigay daan upang lubos na
maging magkatuwang sila sa pagpapatupad ng mga alituntunin ng lipunan na may respeto
at tiwala sa kani-kanilang kakayahan.
Ang kalikasan ay mahalaga sa ating buhay dahil ito ang siyang tumutugon sa ating
pangangailangan sa araw-araw upang tayo ay mamuhay ng matiwasay.

Tandaan:

Ang Lipunang Sibil ay kusang loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-
samang pagtuwang sa isa’t isa. Hindi ito isinusulong ng mgs politikong maaaring may
pansariling interes.

Ang Media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan para sa


ikabubuti ng bawat kasapi nito.

Ang Simbahan ay isang institusyon panrelihiyong na sama-sama natin inoorganisa bilang


isa pang anyo ng lipunang sibil.

9
Ang Gender Equality ay katangian ng isang lipunang may pantay na pagtrato sa babae
at lalaki.

Ang Kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o


wala.

Isagawa

Panuto: Sumulat ng pagninilay sa journal tungkol sa mga pagkatuto gamit ang talahanayan
sa ibaba.

Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang
kaalamang pumukaw sa at reyalisasyon sa bawat aking gagawin upang
akin? konsepto at kaalamang ito? mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito
sa aking buhay?

Panuto: Sagutin ang mga kaugnay na tanong.


Paano makakatulong sa ating pang araw-araw na bubay ang wastong kaalaman tungkol
sa iba’t ibang konsepto at reyalisasyon sa buhay? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________________________________________

Rubrik
Puntos Pamantayan
5 Napakahusay na paliwanag
4 Mahusay na paliwanag
3 Nangangailangan ng pag-unlad
0 Walang naisulat

10
Tayahin

Panuto: Sagutin sa iyong Journal

1. Pumili ng isang aspeto sa mga sumusunod:


a. Katarungang Panlipunan
b. Pag-unlad ng kabuhayan
c. Pakikilahok ng pamayanan
d. Pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan
e. Kapayapaan
f. Espirituwalidad
g. Gender Equality

2. Magplano ng bubuuing lipunang sibil kasama ang iyong pamilya, kamag-aral at kapwa
kabataan sa hinaharap. Pagpasyahan ang format ng plano.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pangwakas na Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong.Piliin ang tamang sagot at isulat
ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. 1.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng katangian ng
lipunang sibil?
a. Isang taon lang sa panunungkulan ang isang mayor ng bayan dahil sa isyu
ng korapsyon
b. Pagkakaroon ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga namumuno at
mamamayan
c. Mainit na pagtanggap sa mga dayuhan para mamuno sa ating bansa
d. Pagbibigay proteksyon sa kapwa mamamayan laban sa mga tiwaling
opisyal

11
2. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng lipunang sibil MALIBAN
sa__________.
a. Simbahan c. Gabriela
b. MNLF d. Paaralan

3. Ano ang pangunahing layunin ng media?


a. Magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan
b. Pagsasabi ng katotohanan sa lipunan
c. Pagbabantay sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan
d. Paghahatid ng maramihang impormasyon

4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng layunin ng lipunang sibil?


a. Ang pagreklamo ng isang mamamayan na hindi nabigyan ng ayuda
b. Pagkakasundo ng isang pamilyang nagkaroon ng hidwaan
c. Pagtugon sa mga suliraning panlipunan na hindi nasasaklaw ng pamahalaan
d. Pagkakaroon ng protesta dahil sa hindi maayos na pamamalakad ng
pamahalaan

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gender equality


a. Ang babae at lalaki ay may pantay na oportunidad sa paghahanap-buhay
para sa pamilya
b. Babae lamang ang maaaring sumali sa mga patimpalak sa lipunan
c. Babae at lalaki ang pangunahing bumubuo ng pamilya
d. Kapwa babae at lalaki ay binibigyan ng patas na oportunidad sa mga
programang panlipunan.

6. Bakit kailangan ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan?


a. dahil sa media tayo umaasa ng mga impormasyon
b. dahil tayo ay nagdidesisyon batay sa impormasyong ating napanood,
narinig, o nabasa.
c. dahil ito ay naglalaman ng opinion ng mga awtoridad
d. dahil nagkakaroon ng iba’t ibang reaksyon ang mga mamamayan

7. Ano ang gender equality?


a. Katangian ng isang lipunanang pantay-pantay lahat ng tao.
b. Katangian ng isang lipunang pantay na pamahalaan.
c. Katangian ng isang lipunang pantay sa katayuan sa buhay.
d. Katangian ng isang lipunang may pantay na pagtrato sa babae at lalaki

8. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na
malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad
b. Pananampalataya
c. Panalangin
d. Pag-ibig

12
9. Ang mga sumusunod ay pantay na pagturing sa babae at lalaki maliban sa:
a. Pareho silang maaaring lumahok sa mga gawain sa lipunan tulad ng
pagtrabaho ng may sweldo.
b. Pareho silang pinahahalagahan ng mga batas at programa sa lipunan.
c. Pareho silang bahagi ng mahahalagang desisyon sa lipunan tulad ng
pagboto
d. Pagtatalaga ng ng babaeng pulis sa opisina at lalaking pulis sa digmaan

10. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.


a. pagtapon ng samu’t saring basura sa iisang compost pit.
b. Paghihiwalay ng basura sa nabubulok at di nabubulok
c. Pagtapon ng basura sa mga anyong tubig
d. Lahat na nabanggit

11. Sa anong paraan mapanitili tayong kaanib ng isang institusyong panrelihiyon


a. dahil kayamanang tinatamasa at minana mula sa ating magulang
b. dahil relihiyong kinabibilangan ng ating mga ninuno at pangalang ibinigay
sa atin sa pag bautismo
c. dahil tanyag ang relihiyong ating kinabibilangan saanmang panig ng
mundo
d. dahil sa paniniwalang hindi ka nag-iisa at ang May Kapal ang nagbibigay
katuturan sa ating buhay

12. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pangangalaga sa


kalikasan?
a. Ang pagtapon ni Ana ng basura kahit saan dahil wala namang nakakikita
b. Ang pagsuway ni Pedro sa batas na ipinapatupad dahil paniniwalang
marami naming gumagawa nito
c. Ang pagsisiskap ni Maria na makapagtapos ng pag-aaral
d. Ang pagkukusa ni Liza na sumunod sa batas panglakikasan at pagiging
disiplinado sa sarili sa lahat ng bagay

13. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo


para sa kalikasan, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
a. Pakikiisa sa patuloy na pangangalaga ng Mt. Mantalingahan
b. Gagawa ng programang pangkalinisan na ipatutupad sa barangay
c. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
d. Magplanong magdasal para sa patuloy na pag-unlad ng kalikasan

14. 14. Ang kalikasan ay tumutukoy sa____________.


a. Lahat ng nakapaligid sa atin may buhay man o wala
b. Lahat ng nilalang na may buhay
c. Lahat ng mga bagay na nagpapayaman sa tao.
d. Lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na
may buhay.

13
15. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay
nangangahulugang_________________.
a. Paggamit ng kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan.
b. Paggamit sa kalikasan nang may pananagutan
c. Paggamit sa kalikasan nang may pakundangan
d. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik sa iyong pamayanan o maaaring magtanong sa iyong mga magulang


tungkol sa adbokasiyang lipunang sibil sa pamayanan at mga programang ginagampanan
nito para sa pag-unlad ng mamamayan.

14
15
Pangwakas na Balikan Subukin
Pagtataya
1. C 1. D
1. C
2. C 2. B
2. D
3. C 3. C
3. B
4. C 4. D
4. C
5. C 5.B
5. D
6. D 6. C
6. B
7. D 7. D
7. D
8. D 8. D
8. B
9. B 9. A
9.. D
10. B 10.A
10. B
11. A 11. b
11. D
12. A 12. D
12. D
13. A 13. B
13. A
14. A 14. D
14. A
15. A 15. A
15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP
Printing Corporation Department of Education -Insructional
Materials Counsil Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines 1600
ESP Budget of Work (BOW)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SDO Palawan
Curriculum Implementation Division Office
2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone no. (048) 434-0099

16

You might also like