You are on page 1of 21

9

  
    
   
  

i
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan- Modyul 2: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo
ng Pagkakaisa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyaon Sangay
ng Palawan.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan
Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida Palay-Adornado, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eden C. Favila T1
Emelyn M. Coching T1
Mico G. Lucas T1
Almer C. Braganza T1
Editor: Julieta A. Rieza P1, Shiela Mar Carbonel MT2, Nelly P. Suyat HT
Tagasuri: Lavelyn S. Talan P2, Leah Rondael P2, Mylin S. Billones HT3, Ma. Elena
Magada HT1, Glenda O. Mendoza ESDS
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Clemencia G. Paduga
Glenda O. Mendoza
Inilimbag sa Pilipinas, ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan

Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City


Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
9
 

    
   
  
 

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-Baitang


Siyam ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling pinamagatang
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Siyam ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol na pinamagatang Lipunang Politikal, Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul
Alamin

iv
Sa Pagsusulit na ito, makikita natin kung anon
a ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat mg tamang sa (100%),
Subukin maari mong laktawan ang bahagi ng ito ng
modyul

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin ng leksyon
Balikan

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
Tuklasin Gawain o isang siywasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
Pagyamanin mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
Tayahin natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
Gawain aralin.

v
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Susi ng
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?


IISANG PRINSIPYO PARA SA LAHAT. ISANG TAGUMPAY PARA SA
LAHAT

Hindi mabubuo ang isang lipunan o isang pamayanan kung iisa lamang ang
nakatira rito, mas mainam ang maraming ideya para mas magandang awtput.
Kailangang makialam tayo! sabi nga. Sa isang lipunan dapat lahat kumikilos, dapat
lahat nakikilahok at may matalinong namumuno na nangingialam sa mga
suliraning dapat mabigyan ng solusyon para sa mamamayan. Iisa ang ating mithiin,
sa kabila ng maraming tinig na dapat dinggin sa nagkakaibang lahi na nasa ating
paligid, sino nga ba ang dapat na pakinggan? Sinu-sino ang dapat dinggin?
Marahil ay nakasalubong mo na rin ang kasabihang, “No man is an Island”.
Hindi tayo maaaring mabuhay ng nag-iisa lamang, ang isang lipunan ay nagsisimula
sa isang maliit na pangkat na kinabibilangan ng isang tao at yun ay pamilya, ngunit
sa ating pagiging aktibo na nakikilahok sa labas ng ating mundo, nagkakaroon tayo
ng kaibigan, barkada, kasamahan at iba pa na syang nagiging dahilan kung
papaano makita ang pagtutulungan. Ngunit ano nga ba ang pinakamainam na
sangkap upang maging mabuting mamamayan sa isang lugar? Anu nga ba ang
mga responsibilidad na dapat nating gampanan upang upang makamit ang
pagkakaisa? Anu nga ba ang ating tungkulin sa ating lipunan?
Gusto mo bang malaman ang kasagutan sa mga tanong na ito, magpatuloy
ka sa pag-aaral ng modyul na ito at gawin ang mga gawain nang sa gayun ay
malaman mo ang iyong tungkulin bilang isang mabuting mamamayan. HANDA
KA NA BA?

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:
1. Naipapaliwanag ang (ESP9 PLIC 2.1)
a. Dahilan kung bakit may lipunang Politikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
2. Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, barangay,
pamayanan o lipunan/bansa ng: (a) Prinsipyo ng Subsidiarity at (b)
Prinsipyo ng Pagkakaisa (ESP9 PLCI 2.2)

TIYAK NA LAYUNIN:

✓ Nakatutukoy ng mga mahahalagang dulot ng pagkakaroon ng may


maayos at magandang lipunang politikal, prinsipyo ng subsidiarity,
at prinsipyo ng pagkakaisa sa isang pamayanan na kinabibilngan ng
isang indibidwal.
✓ Nakapaglalahad ng impormasyon ukol sa mga pagtulong na nagawa
ng pamahalaan sa mamamayan sa pagpapanatili ng lipunang
politikal, prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa
✓ Nakagagawa ng isang konkretong paraan na magpapakita ng
kagustuhan na maabot ang kabutuhang panlahat.

1
Subukin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot. Titik lamang ang isulat.
1. Ito ay gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya at mga hangarin ng isang
pamayanan?
a. batas
b. relihiyon
c. organisasyon
d. kultura
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa may tungkulin na pangalagaan
ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan pamayanan
a. Batas
b. Kabataan
c. Mamamayan
d. Pinuno
3. Sino ang kinikilalang BOSS sa lipunang pampulitika?
a. Mamamayan
b. Pangulo
c. Pinuno ng simbahan
d. Kabutihang panlahat
4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
a. Pagsasapribado ng mga gasolinahan
b. Pagsisingil ng buwis
c. Pagbibigay daan sa public bidding
d. Pagkakaloob ng lupang matitirikan para sa pabahay
5. Alin sa mga sumusunod ang maari nating ihambing sa pamayanan?
a. pamilya
b. organisasyon
c. barkadahan
d. magkasintahan
6. Siya ay isang halimbawa ng may puso para sa lipunan dahil sa adbokasiya niya
ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.
a. Ninoy Aquino
b. Malala Yuosafzai
c. Martin Luther King
d. Nelson Mandela
7. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng Mass Media ___________?
a. impormasyong hawak ng marami
b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon
c. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami
d. paghahatid ng maraming impormasyon
8. Ano ang pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:
a. pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
b. pagbibigay-lunas sa suliraning panlipunan
c. pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
d. pakikipagtulungan sa pamahalaan
9. Bakit gumagawa at nagpapatupad ng batas ang pamahalaan?
a. upang sundin ng mga mamamayan
b. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
c. bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
d. magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang bawat isa

2
10. Bakit nararapat na manaig sa lipunan ang kalayaan at pagkakapantay-
pantay?
a. dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang panggalang sa mga
karapatan ng tao.
b. dahil ito ang inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na
Batas.
c. dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal.
d. dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa
pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.

Balikan

Gawain 1: GUHIT-IDEYA
PANUTO: Gumuhit ng mga bagay ayon sa ideyang naiisip mo na pwedeng
maiugnay sa salitang LIPUNANG POLITIKAL. Anu-anong mga salita o larawan ang
kaya mong iguhit tungkol sa lipunang politikal.

LIPUNANG
POLITIKAL

3
Tuklasin

Gawain 2: “4 pics 1 word”

PANUTO: Pag-aralan ang mga larawan. Anu-ano ang nais ipahiwatig ng mga
larawang iyong nakikita. Punan ang mga nawawalang letra sa ibaba upang mabuo
ang salita na tinutukoy ng apat na larawan.

1.

P A K K I A

2.

P O R A A

4
3.

L I U A

Suriin

Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa.


Natanong mo na ba kung paano nagsimula ang inyong barkada? paano
kayo naging magkaibigan? Bakit sila ang naging matatalik mong kaibigan?

Isang mahiwagang paraan, nagsasama-sama ang mga magkakatulad sa


mga interes, hilig, mga pangarap, pananampalatay o pilosopiya sa buhay. Maaring
magkakatulad ng pananampalataya o ng pilosopiya sa buhay.

ANG PAMAYANAN: ISANG MALAKING BARKADA


Hawig sa barkadahan ang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila, una na, ang
kanilang kinatatayuang lugar.

Kultura. Ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga tradisyon,
nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasiya, at mga hangarin na kanilang
pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.

LIPUNANG POLITIKAL

Paano makagagawa at magiging produktibo ang isang lipunan sa harap ng


maraming mga kulturang bumubuo nito? Paano magiging isa pa rin ang direksyon
ng bayan sa dami ng mga tinig at direksyong gustong tunguhan ng mga tao?

Hindi madali ang sagot sa mga tanong na ito. Isang pagsisikap na abutin at tuparin
ang makabubuti sa nakararami ang pagpapatakbo ng lipunan. Pampolitika ang
tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay
malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin
sabay ang kabutihang panlahat.

5
Ang pamahalaan ang magpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at
mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailngan sa pagiging
produktibo ng lipunan.

ISANG KALOOB ANG TIWALA

Sa laki ng tungkulin at kapangyarihan, may tukso na tingnan ang pamahalaan bilang nasa itaas
ng mga tao. Ang pamamahala ay usapin ng pagkakalob ng tiwala.

PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG PAGKAKAISA

Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga


mamamayan na magawa nila ang makapaguunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na
walang hahadlang sa Kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa
pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino. Hindi
panghihimasukan ng mga lider ng pamahalaam kung gaano mapauunlad ng mga
mamamayan ang kanilang sarili.

Sa Prinsipyo ng Pagkakaisa, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at


ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan
ang mga mamamayan.

Mailalagay sa ganitong balangkas ang Prinsipyo ng Pagkakaisa” “May kailangan


kang gawing hindi mo kayang gawin nang mag-isa, tungkulin ko ngayong tulungan
ka sa abot ng makakaya ko. Ako naman ay may kailangan gawin nang mag-isa,
tungkulin mo ngayon na tulungan ako sa abot ng makakaya mo.” Tungkulin nating
magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

PANANAGUTAN NG PINUNO AT MAMAMAYAN

Ang lipunang politikal ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan- ang


pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng
pamayanan. Iginagawad sa kanila ng buong pamayanan ang tiwala na pangunahan
ang pangkat-ang pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan
ng bawat kasapi, ang pangangasiwa sa pagsasama ng grupo. Kasama nito ang
pananagutan ng mga kasapi sa lipunan na maging mabuting kasapi sa lipunan.

Ang pag-unlad sa isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng pag-aambag
ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan.

ANG PANANAGUTAN NG MGA PINUNO

Ang bayan ay ipinagkatiwala lamang sa mga namumuno. Ang namumuno ay hindi


espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at ng bayan. Nangunguna
lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Bahagi pa rin sila sa kuwento at
kinabukasan ng bayan. Utang na loob nila sa taumbayan na ipinaubaya sa kanila
ang pangunguna sa mga hangarin ng bayan.

“Hindi nabubuo ang walis tingting kung walang isang tangkay”

Si Ninoy ay isang tinig lamang na nagpasimula ng pagsasalita ng marami pang ibang


sinisikil sa diktadurang Marcos. Si Martin Luther King ay isang tinig lamang ng mga
African-American na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.

LIPUNANG POLITIKAL- Proseso ng Paghahanap sa Kabutihang Panlahat


Sa lipunang pampolitika ang ideya ay mabigyang prayoridad at pagpapahalaga ang
mga ugnayan sa loob nito. Hindi ang mga personalidad ang mahalaga. Ang mahalaga
ay ang kabutihang panlahat, ang pag-unlad ng bawat isa. Ang modelo ay ang
relasyon ng magkakabarkada. Walang “boss” sa barkada. Hindi ang pinuno, hindi

6
ang mas marami, hindi rin naman ang iilan. “Boss” ng bayan ang pinuno-
magtitiwala ang bayan sa nangunguna ng pinuno dahil may nakikitang higit at
dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat.

Pagyamanin

Gawain 3:
PANUTO: Suriin kung saan napapabilang ang sumusunod na mga larawan. Piliin
ang tamang salita sa loob ng kahon sa ibaba at Isulat ang iyong sagot sa blangko.

_____________________ _________________________
__________________________

Pangkultura Pangkapayapaan Pangkabuhayan Panlipunan

Paano makakamit o matutugunan ng tao ang kaniyang pangangailangang


pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan kung ito ay napapabilang sa di
maayos na pagpapalakad ng isang pamayanan? Kung gusto mong maging isang
produktibo, magbigay ng mga halimbawa na kayan mong gawin upanag matugunan
mo ang ang iyong pangangailangan.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________

Sa iyong palagay, anu ang magandang naidudulot ng pagkakaroon ng maayos na


lipunang Politikal? Bakit may lipunang politikal?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________.

7
Isaisip

Gawain 4:
PANUTO: Itala sa mga kahon ang mga magagandang hangarin ng Prinsipyong
Sunsidiarity at Prinsipyong Pagkakaisa.

Magandang hangarin ng Prinsipyong Magandang hangarin ng Prinsipyong


Subsidiarity Pagkakaisa

a. Mahalaga ba ang pagpapairal ng dalawang prinsipyong ito? Pangatwiran.


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________
b. Paano maiwasan ang kawalan ng pag-iral ng dalawang prinsipyo?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________

c. Paano ka maging instrumento sa pagpapairal ng Prinsipyo ng Subsidiarity


at prinsipyo ng Pagkakaisa sa inyong pamilya, barangay/pamayanan, at sa
bansa?

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
___________________________

8
ANG PAG-UNLAD NG ISANG LIPUNAN
AY HINDI GAWA NG PINUNO. GAWA
ITO NG PAG-AAMBAG NG TALINO AT
LAKAS NG MGA KASAPI SA KABUUANG
PAGSISIKAP NG LIPUNAN.

9
Isagawa

Gawain 5:
PANUTO: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba.

Anu-ano ang konsepto Ano ang aking ANU-ANONG HAKBANG


at kaalamang pagkaunawa at ANG AKING GAGAWIN
pumukaw sa akin? reyalisasyon sa bawat UPANG MAILAPAT ANG
konsepto at kaalamang MGA PANG-UNAWA AT
ito? REYALISASYONG ITO SA
AKING BUHAY?

Gawain 6:

PANUTO: Gabay ang pormat sa ibaba isulat ang iyong naranasan o nakita sa
pamayanan, nabasa sa pahayagan, narinig sa radio o napanood sa telebisyon
tungkol sa mga nagawa ng pamahalaan para sa mga mamamayan.

Mga pagtulong na nagawa ng pamhalaan Mga pagtutulungan ng mga mamamayan


sa mga mamamayan sa kapuwa mga mamamayan at ang
suporta ng pamahalaan sa kanila

10
Tayahin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa iyong sa blangko bago
ang numero.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng prinsipyo ng pagkakaisa?


a. Si aling belyn ay palihim na nagtatapun nG basura sa likod bahay ng
kanyang kapitbahay
b. Si mang Lito at kasamahan nito ay nagiinuman tuwing gabi sa kanto sa
kabila ng ipnigbabawal ng barangay dahil sa covid19

c. Ang mga guro ng isang eskwelan ay nagsagawa ng isang programa tungkol


sa kung paano maging mapanatiling ligtas ang mga estudyante sa kabila
ng dinaranas na pandemya, maraming magulang at mga estudyante ang
dumalo upang mapakinggan ito.
d. Ang mga miyembro ng barangay ay nagtulong tulong sa pag disinfect sa
quarantine area sa pamayanan, ngunit ilan sa kanila ay hindi dumalo.

2. Alin sa sumusunod ang di nagpapakita ng mabuting katangian ng isang


mamamayan?
a. Pamamalasakit sa kapwa tao
b. Pakiki-isa sa lahat ng programa ng isang pamayanan
c. Pagdedesisyon ng mag-isa ayon sa kagustuhan niyang makamit
d. Pagbibigay respeto sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya

3. Ano ang nais ipahiwatig ng katagang “Hindi nabubuo ang walis tingting kung
walang isang tangkay”
a. Pagkakaisa para sa lahat
b. Pagkakaisa para sa iilan
c. Pagkakaisa para sa tunguhin ng iba
d. Pagkakaisa para sa ikakauunlad mo bilang isang indibidwal

4. Walang tinuturing na “boss” sa lipunan, may namumuno rito ngunit ito ay


para magabayan ang isang indibidwal upang maging produktibo sa isang
lipunang kanyang ginagalawan, sa iyong palagay sino ang itinuturing na
pangunahing sangkap upang mabuo ang lipunan?
a. Lider
b. Mamamayan
c. Pamilya
d. Kasapi ng Gobyerno

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng prinsipyong subsidiarity?


a. Pagbibigay ng mga livelihood program para sa ikauunlad ng mga
mamamayan
b. Paniningil ng subra subrang taripa sa mga nagtitinda sa palengke
c. Pagpapatalsik ng mga bahay sa lupang pag-aari ng Gobyerno
d. Pagpapatigil ng libreng check-up sa lahat hospital sa buong kumonidad

6. Ano ang ating mapapansin kapag tagumpay na itinataguyod ang prinsipyo ng


pagkakaisa?
a. Mabilis na pag-unlad ng tindahan ni Mang Ben
b. Pagiging aktibo ng mga guro na makilahok sa programa ng barangay

11
c. Maayos at mapayapang pamumuhay ng lahat ng tao sa isang pamayanan
d. Pagtatayo ng pasugalan sa isang baryo

7. Alin sa mga sumusunod na relasyon inihahambing ang salitang lipunan?


a. Relasyon ng pamilya
b. Relasyon ng barkadahan
c. Relasyon ng kapitbahay
d. Relasyon ng magkasintahan

8. Sino sa sumusunod ang may malaking responsibilidad at may pananagutan


kung sakaling hindi maayus ang pagpapatakbo ng isang lipunan?
a. Ang mga namumuno at mamamayan sa lipunan
b. Ang mga guro
c. Ang mga estudyante
d. lahat ng tao sa lipunan

9. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang


bawat isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang
pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat?
a. Panlipunan
b. Pampolitika
c. Prinsipyo ng pagkakaisa
d. Prinsipyo ng subsidiarity

10. Anong prinsipyo ang nagsasabing “tungkulin ng mga mamamayan ang


magtulungan at ng pamahalaan ang magtayo ng mga akmang estruktura
upang makapagtulungan ang mga mamamayan.
a. Panlipunan
b. Pampolitika
c. Prinsipyo ng pagkakaisa
d. Prinsipyo ng subsidiarity

12
Karagdagang
Gawain

Gawain 7:
Panuto: Gumawa ng isang ACROSTIC. Ang iyong acrostic ay naglalaman ng iyong
mga kagustuhan upang maabot ang kabutihang panlahat, ang salitang iyong
bibigyang kahulugan ay ang salitang LIPUNAN.
HALIMBAWA:

L- AKAS NG BAWAT ISA PARA SA LAHAT.

I- PAPAKITA ANG SUPORTA SA


P-AMAMAGITAN NG PAGTULONG SA PAMAYANAN

U-PANG MAS MAPAUNLAD NG ISANG INDIBIDWAL ANG KANYANG MITIHIIN

N-A MAPANATILI ANG PAGKAKAISA AT PAGMAMAHALAN.


A-KO, IKAW TAYONG LAHAT MAY IISANG

N-AIS NA ANG TAGUMPAY MAKAKAMTAN NG ISANG PAMAYANAN KUNG


MAGTUTULUNGAN AT MAGDADAMAYAN.

ANG AKING ACROSTIC

L
I
P
U
N
A
N

13
14
TAYAHIN SUBUKIN
1.C 1. d
2.C 2. a
3.A 3. a
4.B 4. d
5.A 5. c
6.C 6. d
7.B 7. d
8.A 8. d
9.B 9. d
10.C 10. d
Pagwawasto
Susi ng
Sanggunian
Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing
Corporation Department of Education -Insructional Materials Counsil
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
1600
ESP Budget of Work (BOW)
Curriculum Guide- MELC 2020-2021, pahina 74-79

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SDO Palawan
Curriculum Implementation Division Office
2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone np. (048) 434-0099

15

You might also like