You are on page 1of 19

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 8 (Week 8)
Dignidad at Ang Pagkabukod-tangi ng Tao
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Dignidad at Ang Pagkabukod-tangi ng Tao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ildefonso T. Balansad
Editor’s Name: Czarina Ritzko J. Sagarino Fe M. Gultiano Earl Adrian C. Cejas
Reviewer’s Name: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Illustrator’s Name:
Layout Artist Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Management Team:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold Cardente
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagarawan ng Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 8 (Week 8)
Dignidad at Ang Pagkabukod-tangi ng Tao

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador


mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralin 8 Dignidad at Ang Pagkabukod-tangi ng Tao

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Malugod na pagbati sa pag-abot mo sa modyul na ito! Tara! At ating aalamin ang
Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Dignidad at Ang Pagkabukod-tangi ng Tao.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


Alamin modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


Subukin aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa na unang leksyon.

ii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
Tuklasin paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin


Suriin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


Isaisip pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula
sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto


Tayahin sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong Gawain upang


Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng


modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

iii
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!

Noong nasa ikapitong baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa isip at kilos-loob
na siyang nakapagbukod-tangi ng tao. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman
ukol dito dahil busisahin natin ang mga yugto ng makataong kilos at ang mga hakbang sa
moral na pagpapasiya gamit ang dignidad ng tao.

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang malugod mong maintindihan at


mapapatunayan na ang dignidad ng isang tao ay nakabatay sa kanyang pagkabukod-tangi.
Mahalagang malaman mo rin ang mga puntong ito upang maipakita mo sa iyong kapwang
itinuring na mababa ang tingin sa sarili na siya ay mahalaga at may dignidad dahil sa siya
ay kawangis ng Diyos.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Dignidad at Ang Pagkabukod-tangi ng Tao

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Napatutunayan na ang dignidad ng isang tao ay nakabatay sa kanyang pagkabukod-


tangi (EsP10MP-Ig-4.3);
2. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na
mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang
tao (EsP10MP-Ig-4.4);
3. Nasusuri ang mga angkop na kilos at gawain ng isang may dignidad at bukod tangi
na tao;
4. Nailalapat ang mga angkop na kilos ng isang may dignidad at bukod tangi na tao

tungo sa isang moral na pagpapa

1
Subukin
Panuto: Basahin ang mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Si Zimo ay isang batang masinop at matulungin sa magulang. Nakaugalian ng batang
ito ang pagtitipid ng kahit ilang halaga para sa kaniyang pagkokolehiyo. Isang araw,
nakita niya si Marvin ang kaniyang kaibiganna may hawak ng pinaka LATEST na iphone
sa mercado. Damang-dama ni Zimo na talagang gusto rin niyang magkaroon ng iphone
na ito tulad ng kay Marvin pero may nauna pa siyang plano para sa kaniyang ipon na
pera. Sa anong yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino ang nadaramang
kalitohan ni Marvin?
A. Pagkaunawa sa layunin C. Nais ng layunin
B. Paghuhusga sanais makamtan D. Intensiyon ng layunin
2. Matagal ng pinangarap niAna na makapunta sa Baguio City at makapamasyal kasama
ang kaniyang pamilya. Dahil sa kapos sa budget lalo na’t nasa kalagitnaan ngayon ng
pamdemyang Covid19, ang planong iyon ni Ana ay napako dahil hindi na nakabalik sa
bapor ang kaniyang ama bilang isang seaman na may destinasyong China, Thailand at
Singapore. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ana, ano ang gagawin mo?
A. Manahimik nalang dahil alam ko naman na hindi pa pwedi
B. Magrerebelde ako kay ama dahil ito ay matagal na niyang promise sa akin
C. Maglalakwatsa kasama ang aking mga kaibigan
D. Maghanap ako ng kahit anong mapagkakitaan upang makatulong sa aking mga
magulang lalo na’t hindi pa nakabalik sa trabaho si ama
3. Sinasabing araw-araw kaakibat nasa buhay ng tao ang pagpapasiya. May mga panahon
na hindi naging mabuti ang bunga ng ginawa nating pagpapasiya sa kadahilanang lalo
lang itong nagpalala sa sitwasyon. Ang pagkakaroon ng GCQ sa isang lugar na may
maraming kaso sa covid19 ay isa sa mga halimbawa nito. Nasaang bahagi ng hakbang
ng pagpapasiya ang sitwasyong ito?
A. Tingnan ang sitwasyon C. Isaisip ang posibleng mangyari
B. Maghanap ng ibang paraan D. Umaasa at magtiwala sa Diyos
4. Sa makabagong estadistika sa may pinakamataas na kaso sa covid19 ayon sa WHO,
ang USA ang nangunguna sa listahan. Makikita, maririnig at mababasa natin ang
kadahilanan kung bakit nagkaganito at lubha ang pag lobo sa kaso. Isa sa mga dahilan
nito ay ang pagkakaroon ng matigas na ulo sa mga residente sa United States of
America. Sa iyong pagninilay, iniisip ba ng mga taong ito ang kahihinatnan ng kanilang
ikinikilos?
A. Oo, dahil sigaw nila ay kalayaan lamang
B. Oo, dahil gusto nilang iparating sa mundo na sila ay matatapang
C. Hindi, dahil sarili lamang nila ang kanilang iniintindi
D. Hindi, dahil ang makataong kilos ay may pagmamalasakit sa kapwa tao
5. Tinatayang may iba na namang virus ang tatama sa mundo ayon sa mga Chines experts
– ang tinaguriang swine flu. Ang kaso ng swine flu ay matagal na pero kaagarang nalutas
sa mga panahon na ang transmission nito ay sa kapwa baboy lamang nangyari.
Kinatatakutan ngayon na ito ay may potensiyal na makahawa ng tao ayon sa mga
dalubhasa. Bilang isang miyembro sa lipunan na iyong kinabibilangan, paano mo
matutulungan at maipapakita ang makataong kilos upang masugpo ang pagbunsod sa
kaso ng swine flu sa iyong lugar?
A. Mag lunsad ako ng kampanya sa paglilinis ng kapaligiran

2
B. Sasabihin ko sa gobyerno na bawal muna ang bintahan ng karne sa mercado lalo na
ang baboy
C. Magpasimuno ako ng isang adbokasiya laban sa mga pagdagsa ng mga sakit na
nakakahawa
D. Iaanunsiyo ko ang pagkain ng karneng baboy ay nakakamatay
6. Masaklap isipin ang nangyari sa ating mga magigiting na kapatid na militar sa kanilang
pagbisita sa ibang kampo. Ang intensiyon na makatulong ay isang makataong kilos at
ang pagpapasiya na ito ay ginagamitan ng isip at kilos-loob bilang sangkap sa isang
taong may dignidad.Sa anong yugto ng makataong kilos ang naging malabo sa mga
akusadong mga pulis?
A. Pagkaunawa sa layunin C. nais ng layunin
B. Paghuhusga sa nais ng layunin D. intensiyon ng layunin
7. Isang araw, inanyayahan ka sa isang birthday party ng iyong kaibigan. Dahil ginagabi
ka at mas delikado ang maglakad pauwi sa bahay lalo na curfew na ang oras,
pinagpasiyahan mo nalang na makitulog sa bahay ng iyong kaibigan na kanina pa’y may
salo-salo dahil kaarawan niya. Ilang saglit lamang habang ikaw ay nahimbing sa
pagtulog, nadama mo ang kamay ng iyong kaibigan na dumapo sa pribadong parte ng
iyong katawan. Bilang isang tao na may dignidad, ano ang gagawin mo sa sitwasyong
ito?
A. Hindi na magalit dahil kung tutuusin pareho kami ng kasarian
B. Hindi na iimik pa dahil wala namang nangyayaring masama
C. Susuntokin ko siya ng direktahan
D. Sasabihin ko sa kanya na igalang naman niya ako dahil sagrado ang angkin kung
pagkatao
8. Sa NEW NORMAL na paraan sa pagkatuto ng aralin, ang mga mag-aaral ay iwang may
kasama sa kaniyang paglalakbay tungo sa pagkatuto. Nangyari isang araw sa oras
nakinuha na nang guro ang modyul dahil deadline na, hindi naibigay mo na may sagot
ang modyul na inilaan sa iyo ng guro. Anong pagkukulang ang ipinakita mo sa puntong
ito?
A. dignidad B. pagpabaya C. pagkabukod-tangi D. pagkamasunurin
9. Si Otadoy ay nilalagnat at inuubo sa kasulukuyan. Ito ay mga simtomas sakaso ng
covid19. Hindi mo batid na ang kanyang dinaramdam ay may kinalaman sa kanyang
pagod at puyat dahil nag-iisa siyang naghahanap-buhay para sa kaniyang pamilya.
Anong angkop na kilos bilang taong may dignidad at bukod-tangi ang ipamalas mo sa
sitwasyong ito?
A. Kaagad ipaalam sa otoridad ang kalagayan ni Otadoy
B. Manahimik muna bago sabihin ang kalagayan ng kapitbahay
C. Bigyan siya ng nararapat na gamut sa kaniyang dinaramdam
D. Magsisiwalang kibo dahil wala ka namang pera
10. Napag-alaman mo na ang kapitbahay mo ang nagnakaw ng perang naiwan mo sa salas.
Sinundo mo siya upang tanungin kungsiya ba ang nakadampot sa pitaka mong
naglalaman ng pera pang bayad saMECO. Tumanggi ang kapitbahay mo sa kabila ng
katotohanan na siya talaga ang kumuha nito. Paano mo maipakita ang angkop na kilos
upang upang lilitaw ang katotohanan?
A. Sabihin sa kaniya na ang perang nawala mo ay pambayad talaga sa MECO
B. Sasabihin sa kaniya na masama ang magsinungaling
C. Sabihin sa kaniya na isusumbong mo siya sa pulis kung hindi siya makikinig sayo
D. Sabihin sa kaniya na ang dignidad ng tao ay mas lalo pang mahalaga kay sa maliliit
na halaga ng pera
3
Aralin Dignidad at Ang Pagkabukod-
8 tangi ng Tao
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Taon!
Likas sa bawat isa na may isip at kilos-loob. Ito ang nagpapabukod-tangi ng tao sa ibang
nilalang. Sa kabila ng katotohanang ito, hindi parin maipagkaila na ang taglay na faculdad
ng tao ay hindi nagagamit ayon sa kagustuhan ng Diyos. Maaaring hindi namalayan ng tao
na ang kilos na minsa’y kaniyang ginawa, ay may saklaw na kasakiman at pagkamakasarili.
Sa bahaging ito, subukan nating tahakin ang daan patungo sa pag-unawa kung bakit
ang dignidad ng tao ang siyang nakapagbukod-tangi sa kaniya. Ang dignidad na siyang
dahilan na kung bakit kailangan ng tao na maging maingat sa kaniyang pagkilos at
gagawing pagpapasiya. Dahil gustuhin man natin at hindi, ang tagapagtanggap ng lahat ng
ating ginagawa ay tulad rin nating tao-may dignidad at bukod-tangi na parehong wangis ng
Diyos.

Balikan

Pagsasanay: Ayusin ang mga salitang nakasulat pabaliktad o scrambled ayun sa hinihingi
ng sitwasyon. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.
A. DADINGDI C. PISI
B. NALOKABO D. PETOSER E. INGAT BUKOD
1. Ito ay nagmula sa salitang latin na nangangahulugang “karapat dapat”.
2. Ang tao ay sinasabing isang _________dahil siya ay kawangis ng Diyos.
3. Ang taglay ng tao upang siya ay makaunawa ng mga konsepto, kadahilanan, at
bunga ng bawat kilos ng tao.
4. Ito ay taglay ng tao upang malaman niya ang nais at intensiyon ng layunin ng kilos.
5. Isa sa mga konteksto sa dignidad ng tao ay ang________.

Tuklasin
Opss, Tuklasin Mo, Yaman Mo!
Gawain 1: Bawat araw, naging hamon sa iyo kung paano mo maipapakita ang iyong
pagkatao sa pamamagitan ng iyong makataong kilos na nakakubli sa iyong dignidad at
pagkabukod-tangi.
Panuto:
1. Ano para sa iyo ang dignidad?
2. Isulat sa kahon ang iyong sagot
3. Gawin ito sa sangkapat na papel

4
_____________________________________________
DIGNIDAD
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________

Gabay na mga katanongan::


1. Bakit iyan ang napili mong kahulugan sa salitang dignidad?
2. Paano mapapatunayan ng isang tao na siya ay may dignidad?
3. Ano ang pinakamalapit na salita na kaakibat sa salitang dignidad?

Gawain 2
Panuto:
Basahing mabuti ang mga sumusunod. Gawin ito sa iyong kwaderno.
1. Inanyahahan ka ng iyong kaibigan na lumabas ng bahay at mag lakwatsa sa mall.
Sa kabila ng pagbabawal na lumabas ng bahay dahil sa covid19, ang kaibigan mo
ay patuloy parin sa pag-anyaya sa iyo. Sa pagkakataong ito, ano ang gagawin mo?
2. Isang araw habang ikaw ay naglalakad patungo sa paaralan, nakita mo ang taong
grasa na minsa’y nag viral sa FB. Nag viral dahil minsan minahal siya ng isang
Chinese sa kabila ng kaniyang kalagayan. Ano ang reyalisasyon ang pwedi mong
mabuo dito?
3. Sa panahon ngayon, milyon-milyon na nating mga kababayan ang nawalan ng
trabaho at nagugutom. Paano mo tutugunan ang pangangailangan ng iyong
kapitbahay sa simple mong pamamaraan?
4. Isang araw, nagkaroon ng palitan ng mga GOODSsa FB page. Nakita mo ang isang
matandang nagpo post ng kaniyang panggatong para ipagpalit ng iilang kilo ng
bigas. Paano ka tutugon sa sitwasyong ito?

Gawain 3
Panuto: Lagyan ng mga angkop na kilos ang puwang na nasa kanang bahagi ng kahon.
Gawin ito sa isang buong papel.

SITWASYON ANGKOP NA KILOS

1. Nagtapat sa iyo ang iyong nanay na nagdadalang tao siya


sa kasalukuyan sa kabila ng dami ninyo sa bahay. Ano ang
maging tugon mo dito?
2. Ikaw ay nakakita ng isang pulubi sa gilid ng Jollibee sa
Mactan Newtown. Kitang-kita mo ang pagpakawalang bahala
ng mga tao na dumaan sa kaniyang pwesto sa kabila ng
pamumutla ng kaniyang mga labi dahil sa gutom. Paano mo
ipakita ang iyong pagkatao sa puntong ito?
3. kamakailan lang ay nalaman mong nagpositibo sa covid19
ang iyong kaibigan. Anong uring pakikisama ang pwedi mong
ibigay kaniya sa kabila ng lahat?

5
Suriin
Halina’t USAP Tayo!

MARIO

Si Mario ay isang batang laki sa hirap. Sa kabila ng kaniyang kahirapan, si Mario ay


nagpupursige sa kaniyang pag-aaral. Di alintana ni Mario ang layo ng kaniyang lalakbayin
makaabot lamang nang hindi huli sa paaralan. Humigi’t kumulang sa sampung kilometro
ang kaniyang lalakbayan araw-araw na nakapaa maabot lamang ang tuktok ng kaniyang
pinapangarap – ang makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho ng maayos at marangal.
Dahil si Mario ay salat sa buhay, tuwing Sabado at linggo, siya ay nagmamalimos sa
may simbahan. Hindi niya maikubli ang sarili sa mga taong nakakilala sa kaniya lalo na sa
mga mata sa kaniyang mga kaklase. Kung minsan nga’y ipipikit na lamang ni Mario ang
kaniyang mga mata, lamang hindi niya makita ang kaniyang mga kaklase sa pagpasok ng
simbahan dahil nahihiya siya sa mga ito.
Kinaumagahan sapaaralan, ramdam at damang dama ni Mario ang mga kilos at
salita na nangungutya sa kaniya sa nangyari kahapon sa simbahan. Pero wala siyang
magawa dun maliban sa pagtanggap sa katotohanan. Bagsak man ang dignidad ni Mario
sa mata ng mga batang namuhay ng marangya, pero siya naman ay may halaga sa mata
ng Diyos at mata ng taong may busilak na puso.
Panuto: Sa loob ng kahon, isulat ang sagot sa mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang binabanggit sa kuwento?
2. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang kuwento?
3. Kung pagbabasehan ang impormasyon sa kuwento, masasabi mo bang
matatagumpayan ni Mario ang lahat ng mga pagsubok sa buhay?
4. Paano mo maipapakita ang pagmamahal at paggalang sa kapwa bilang tao na may
dignidad at wangis ng Diyos?
5. Anong konklusyon ang mabubuo mo sa binasang kuwento?

1. 2. 3._______________
________________ __________________ ________________
________________ __________________ ________________
________________ __________________ ________________
________________ __________________ ________________

4.
5._______________
________________
________________
________________
________________
________________
_______________
________________
TANONG
PANDAMDAMIN:
(Affective Side Question)
Tulad ng ginawa ni Mario na nag-aral ng mabuti upang makatulong sa kaniyang mga
magulang, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa mga mahal mo sa buhay
gamit ang iyong dignidad at angpagkabukod-tangi?
6
Pagyamanin

Panuto: Balikan ang naging karanasan mo sa buhay. Pagninilayan kung sa anong


sitwasyon nagamit mo ang iyong dignidad bilang tao upang makagawa ng isang angkop
na kilos.
SITWASYON KILOS NA NAGAWA

1.

2.

3.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang masasabi mo sa ibinigay mong sagot?
2. Sang-ayon ka ba o hindi sa binanggit mong sagot?
3. Mula sa ibinigay mong sagot, paano ito makatutulong sa iyo upang mahubog ang
iyong pagkatao na may dignidad at takot sa Diyos?

ISAISIP

HALINA AT SABAY TAYONG MATUTO

Dignidad – ang salitang dignidad ay hango sa salitang


dignitas na galing sa salitang dignus na nangangahulugang
“karapat-dapat”. (Maglupay, Viena Mae, Slide Share Dignidad ng Tao,
2005.) Mula rito, nangibabaw ang paggalang at respeto ng tao.

KATANGIAN DESKRIPSIYON

Isip Pag-unawa sa layunin ng kilos


Pangangatwiran Praktikal na paghuhusga
Pagmumuni-muni Pangkaisipang kakayahan ng tao
Pagpili Masusing pagpili sa kilos

Ang likas na kakayahan ng tao ang siyang humubog upang mapaunlad ang kaniyang sarili.
Ang kaniyang pagkabukod-tangi ang siyang mabigat na dahilan ng kaniyang dignidad.
7
• Igalang at respetuhin angbuhay at buhay ng kapwa
DIGNIDAD • Isaisip ang kapakanan ng kapwabagokumilos
• Pakikitunguhan ang
kapwaayonsanaismongpakiktungonilasaiyo

MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS

YUGTO MAKATAONG KILOS

Pagkaunawa sa layunin Ang unang hakbang sa gagawing kilos


Nais ng layunin Suriin kung ano ang ninanais ng isasakilos
Paghuhusga sa nais makakamtan Busisahin ang bagay o kilos bago ito gawin
Intensiyon ng layunin Alamin kung ano ang intensiyon mo sa
pagkakaroon ng ganong layunin
Masusing pagsusuri ng paraan Kilalanin ang mga paraan sa pagkamit ng isang
bagay at pagsasagawa ng kilos
Paghuhusga sa paraan Sisiyasatin ang paraan bago ito gawin
Praktikal na paghuhusga sa pinili Kung ito ay naaayon ba sa kagutuhan
Pagpili Pagpili sa bagay na nais makamtan
Utos utos na gawin ang isang kilos
Paggamit Paggamit sa bagay na ninais makamtan
Pangkaisipang kakayahan ng layunin Pagtitimbang timbang sa layunin ng isang kilos
Bunga Ang kinahihinatnan ng lahat ng kilos at
pagpapasiya

Isagawa
DAHIL ALAM MO: GAWIN MO!
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Sitwasyon A
Alam mong hirap ang iyong pamilya sa kasalukuyan dahil sila ay nawalan ng trabaho dahil
sa covid19. Alam rin nila na ikaw ay may naipong halaga mula sa iyong baon nung nakalipas
na pasukan. Ano ang gagawin mo, at bakit?

8
Sitwasyon B
Marami sa iyong mga kapitbahay ang pumunta sa laot upang makatulong at matugunan
ang pangangailangan sa kani-kanilang pamilya. Kitang-kita sa iyong mga mata ang
matinding pangangailangan sa pagkain ng mga ito. Paano mo haharapin ang hamong ito
sa pagkilos kung ano ang nararapat para sa kapwa tao?

Sitwasyon C

Inakay ng kumpare ang iyong ama na pumunta sa isang sabong sa kabilang baryo.
Sumama naman ang iyong ama sa kabila ng lahat na ECQ at bawal ang sugal sa panahon
ngayon. Ikaw na nalaman mo ang lakad ng iyong ama, ano ang gagawin mo upang
maipakita mo sa iyong ama ang iyong dignidad bilang anak?

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang napapansin mo sa iyong mga sagot?


2. Mula sa napapansin mo, natutukoy mo ba ang mga angkop na kilos na dapat
isaalang-alang bilang tao na may dignidad?
3. Bilang Junior High School na mag-aaral, paano mo maipapakita ang angkop na kilos
doon sa mga taong may mababang tingin sa kaniyang sarili?

Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga tanong. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Napag-alaman mo na ang kapitbahay mo ang nagnakaw ng perang naiwan mo sa salas.
Sinundo mo siya upang tanungin kung siya ba ang nakadampot sa pitaka mong
naglalaman ng pera pang bayad sa utang. Tumanggi ang kapitbahay mo sa kabila ng
katotohanan na siya talaga ang kumuha nito. Paano mo maipakita ang angkop na kilos
upang upang lilitaw ang katotohanan?
A. Sabihin sa kaniya na ang dignidad ng tao ay mas lalo pang mahalaga kay sa maliliit
na halaga ng pera
B. Sasabihin sa kaniya na masama ang magsinungaling
C. Sabihin sa kaniya na isusumbong mo siya sa pulis kung hindi siya makikinig sayo
D. Sabihin sa kaniya na ang perang nawala mo ay pambayad talaga sa MECO
2. Sa NEW NORMAL na paraan sa pagkatuto ng aralin, ang mga mag-aaral ay iwang may
kasama sa kaniyang paglalakbay tungo sa pagkatuto. Nangyari isang araw sa oras na
kinuha na nang guro ang modyul dahil deadline na, hindi naibigay mo na may sagot ang
modyul na inilaan sa iyo ng guro. Anong pagkukulang ang ipinakita mo sa puntong ito?
A. pagpabaya C. pagkamasunurin
B. dignidad D. pagkabukod-tangi

9
3. Si Otadoy ay nilalagnat at inuubo sa kasulukuyan. Ito ay mga simtomas sa kaso ng
covid19. Hindi mo batid na ang kanyang dinaramdam ay may kinalaman sa kanyang
pagod at puyat dahil nag-iisa siyang naghahanap-buhay para sa kaniyang pamilya.
Anong angkop na kilos bilang taong may dignidad at bukod-tangi ang ipamalas mo sa
sitwasyong ito?
A. Magsiwalang kibo dahil wala ka namang pera
B. Manahimik muna bago sabihin ang kalagayan ng kapitbahay
C. Bigyan siya ng nararapat na gamut sa kaniyang dinaramdam
D. Kaagad ipaalam sa otoridad ang kalagayan ni Otadoy.
4. Isang araw, inanyayahan ka sa isang birthday party ng iyong kaibigan. Dahil ginagabi ka
at mas delikado ang maglakad pauwi sa bahay lalo na curfew na ang oras,
pinagpasiyahan mo nalang na makitulog sa bahay ng iyong kaibigan na kanina pa’y may
salo-salo dahil kaarawan niya. Ilang saglit lamang habang ikaw ay nahimbing sa
pagtulog, nadama mo ang kamay ng iyong kaibigan na dumapo sa pribadong parte ng
iyong katawan. Bilang isang tao na may dignidad, ano ang gagawin mo sa sitwasyong
ito?
A. Sasabihin ko sa kaniya na igagalang naman niya ako dahil sagrado ang angkin kong
pagkatao
B. Hindi na iimik pa dahil wala namang nangyayaring masama
C. Susuntokin ko siya ng direktahan
D. Hindi na magalit dahil kung tutuusin pareho kami ng kasarian
5. Si RJ ay isang batang mabait. Araw-araw siyang umalis sa bahay upang maghanap ng
makakain dahil ulila na siya sa mga magulang. Isang nilalagnat ang batang ito at nakita
mo nalang ang kaniyang pamumutla sa kaniyang labi at mukha. Bilang isang tao na
wangis ng Diyos at may dignidad, ano ang gagawin mo?
A. Ipagtaboy ko si RJ
B. Magsiwalang kibo
C. Bibigyan ko si RJ ng makakain at paiinomin ko siya ng gamut pagkatapos
D. Sasabihin ko sa mga kapitbahay naming ang nangyari kay RJ upang siya ay kaawaan
6. Sinasabing araw-araw kaakibat na sa buhay ng tao ang pagpapasiya. May mga
panahon na hindi naging mabuti ang bunga ng ginawa nating pagpapasiya sa
kadahilanang lalo lang itong nagpalala sa sitwasyon. Ang pagkakaroon ng GCQ sa
isang lugar na may maraming kaso sa covid19 ay isa sa mga halimbawa nito. Nasaang
bahagi ng hakbang ng pagpapasiya ang sitwasyong ito?
A. Tingnan ang sitwasyon C. Isaisip ang posibleng mangyari
B. Maghanap ng ibang paraan D. Umaasa at magtiwala sa Diyos
7. Matagal ng pinangarap ni Ana na makapunta sa Baguio City at makapamasyal kasama
ang kaniyang pamilya. Dahil sa kapos sa budget lalo na’t nasa kalagitnaan ngayon ng
pamdemyang Covid19, ang planong iyon ni Ana ay napako dahil hindi na nakabalik sa
bapor ang kaniyang ama bilang isang seaman na may destinasyong China, Thailand at
Singapore. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ana, ano ang gagawin mo?
A. Manahimik nalang dahil alam ko naman na hindi pa pwedi
B. Magrerebelde ako kay ama dahil ito ay matagal na niyang promise sa akin
C. Maglalakwatsa kasama ang aking mga kaibigan
D. Maghanap ako ng kahit anong mapagkakitaan upang makatulong sa aking mga
magulang lalo na’t hindi pa nakabalik sa trabaho si ama
8. Masaklap isipin ang nangyari sa ating mga magigiting na kapatid na militar sa kanilang
pagbisita sa ibang kampo. Ang intensiyon na makatulong ay isang makataong kilos at

10
ang pagpapasiya na ito ay ginagamitan ng isip at kilos-loob bilang sangkap sa isang
taong may dignidad. Kung ikaw ang nasa sitwasyong ito, ano ang gagawin mo?
A. Padadaanin ko ang mga militar na ito papunta sa kampo
B. Hahadlangan ko ang kanilang pakay na pagpasok
C. Hihingian ko sila ng permiso mula sa pinakamataas na opisyal sa Pilipinas
D. Sisiyasatin ko ang kanilang pakay, tanungin ng maayos at tanggapin ang kanilang
pagdating
9. Sa makabagong estadistika sa may pinakamataas na kaso sa covid19 ayon sa WHO,
ang USA ang nangunguna sa listahan. Makikita, maririnig at mababasa natin ang
kadahilanan kung bakit nagkaganito at lubha ang pag lobo sa kaso. Isa sa mga dahilan
nito ay ang pagkakaroon ng matigas na ulo sa mga residente sa United States of
America. Sa iyong pagpapasiya, iniisip ba ng mga taong ito ang kahihinatnan ng kanilang
ikinikilos?
A. Oo, dahil sigaw nila ay kalayaan lamang
B. Oo, dahil gusto nilang iparating sa mundo na sila ay matatapang
C. Hindi, dahil sarili lamang nila ang kanilang iniintindi
D. Hindi, dahil ang makataong kilos ay may pagmamalasakit sa kapwa tao
10. Tinatayang may iba na namang virus ang tatama sa mundo ayon sa mga Chines
experts – ang tinaguriang swine flu. Ang kaso ng swine flu ay matagal na pero
kaagarang nalutas sa mga panahon na ang transmission nito ay sa kapwa baboy
lamang nangyari. Kinatatakutan ngayon na ito ay may potensiyal na makahawa ng tao
ayon sa mga dalubhasa. Bilang isang miyembro sa lipunan na iyong kinabibilangan,
paano mo matutulungan at maipapakita ang makataong kilos upang masugpo ang
pagbunsod sa kaso ng swine flu sa iyong lugar?
A. Mag lunsad ako ng kampanya sa paglilinis ng kapaligiran
B. Sasabihin ko sa gobyerno na bawal muna ang bintahan ng karne sa mercado lalo
na ang baboy
C.Magpasimuno ako ng isang adbokasiya laban sa mga pagdagsa ng mga sakit na
nakakahawa
D. Iaanunsiyo ko ang pagkain ng karneng baboy ay nakakamatay

Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat sa ilalim sa kahon ang ang iyong mga natutunan, nakakuha ng iyong
atensiyon at ang mga bagay na gusto mo pang matutunan.
Mga Bagay na Natutunan Ko, Nakakuha ng Atensiyon at Gusto Ko Pang Malaman

Mga Bagay na Natutunan Ko

Mga Bagay na Nakakuha sa Aking Atensiyon

Mga Bagay na Gusto Ko Pang Matutunan

11
Susi sa Pagwawasto
10. C 10. D
9. D 9. C
8. D 8. A
7. A 7. D
6. C 6. B
5. C 5. D 5. C
4. A vary 4. B 4. D
3. C Answers 3. C 3. C
2. A vary vary vary 1-3 2. E 2. A
1. A Answers Answers Answers Gawain 1. A 1. A
Tayahin Isagawa Pagyamanin Suriin Mga Balikan Subukin

Sanggunian
Aklat
Mary Jean B. Brizuela et. al., Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (DepEd-IMCS: FEP Printing Corporation 2015)
page 65-79.
Covey, S. (1998)The 7 Habits of Highly Effective Teens: The Ultimate Teenage Success Guide. Ontario:
Fireside
Dy, Manuel Jr. B. (2012). Philosophy of Man (Selected Readings). Quezon City: Katha Publishing Co., Inc.
Lipio, F. (2004).Konsensiya Para sa mga Katolikong Filipino.Mandaluyong City. National Bookstore
Philip, J. (2006). I Choose to Be Free: The Power of Faith Hope & Charity. Manila: Sinag-Tala Publishers
Articulo, A.C. et al. 2003 Values and Work Ethics. Trinita, Publishing Inc. Meycauayan, Bulacan.
De Torre, J. M. et al. 1992. Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Southeast Asian
Science Foundation Sinag-tala Publisher. Inc.
Pablo, P.J II, 1991. Laborem Exercens (Ukkols sa Pagtratrabaho ng Tao), Archdiocese of Manila Labor
Center.
Plattele M. G. (1965) Social Philosophy. Pittsburg: Duquesne University Press.

Mga Dyornal
Cross-Sectoral Study of Corruption in the Phil. Committee for the Evangelization of Culture Phil. 2002.
Province of Society of Jesus, Published by Ateneo de Naga University
Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Education Series for Fourth Year High School.
1992. Manila: Sinag-Tala Publisher. Inc.

Mula sa Internet:
Maglupay, Viena Mae, Slide Share (Dignidad ng Tao), 2005.
Dy, Manuel Jr. B. Liberation and Values.Chapter VIII.Retrieved October 16, 2014, from
www.books.google.com.ph/books?id=GT7KOQ
McKay B. & K. (2012).A Man’s Life, on Manhood, Personal Development. Retrieved October 14, 2014, from
http://www.artofmanliness.com/2012/02/21/freedom-from-freedom-to/
XinhuaNet.U.S., Filipino soldiers participate in "Balikatan 2018" drillshttp://www.xinhuanet.com/english/2018-
05/09/c_137166660_7.htm
Etika 107.blogspot.com/2004/09 – Ikalawang aklat ng etika nikomekayo. Retrieved July 5,2014 https://
secure.ethicspoint.com/domain/media/fil/gui/27241/ code.pdf

12
Integridad Retrieved July 14,2014, form http://votenetphilippines.weebly.com/
uploads/6/7/0/8/6708089/aralin_10_integridad.pdf
Korapsyon (March 2012) Retrieved March 18,2014, from http://
www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.youtube.
com%2Fwatch%3Fv%3DnpNF9ByzIsE&h=BAQFhHfNz
Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan. Retrieved March 28,2014,from http:// reura,os.tripod.com/values-
education-subject.html

Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:


Department of Education
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

13

You might also like