You are on page 1of 22

9

  
    
   


i
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan- Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyaon Sangay
ng Palawan.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan : Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida Palay-Adornado, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Eden C. Favila T1
Emelyn M. Coching T1
Mico G. Lucas T1
Almer C. Braganza T1
Editor: Julieta A. Rieza P1, Shiela Mar Carbonel MT2, Nelly P. Suyat HT
Tagasuri: Lavelyn S. Talan P2, Leah Rondael P2, Mylin S. Billones HT3, Ma. Elena
Magada HT1, Glenda O. Mendoza PSDS
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Clemencia G. Paduga
Glenda O. Mendoza

Inilimbag sa Pilipinas, ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan


Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
9
 

    
   


iii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-Baitang


Siyam ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling pinamagatang
Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao-Baitang Siyam ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol na pinamagatang Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul
Alamin

Sa Pagsusulit na ito, makikita natin kung anon a


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat mg tamang sa (100%),
Subukin maari mong laktawan ang bahagi ng ito ng
modyul

iv
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin ng leksyon
Balikan

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
Tuklasin Gawain o isang siywasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
Tayahin natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
Karagdagang kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Susi ng
Pagwawasto

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Ang mundong ating ginagalawan ay nagkakaroon ng pabagong-bagong


sitwasyon. Naalala mo pa ba nung ika’y bata pa maraming tanong sa iyong isipan na
tila’y hindi mo alam ang kasagutan, kung ano pa ang mangyayari sa lipunan habang
tayo’y lumalaki at nagkakaroon ng hustong pag-iisip. Handa ka na ba sa New Normal
na edukasyon ng lipunan? Alam kong nagtataka ka kung ano ang pwedeng mangyari
sa iyong pag-aaral o kinabukasan.

Ang New Normal ay pagbabago sa kalidad ng edukasyon mula


Elementarya, Sekondarya, at Kolehiyo hindi lamang n gating bansa o ng buong
mundo at higit sa lahat, syempre sa bansang Pilipinas. Ito ay nagdudulot malaking
pagbabago mula mismo sa iyong sarili at sa lipunang mayroon ka ngayon. Huwag
mong sabihin na hindi ka kabilang sa lipunang kinabibilangan mo. Nakikita ang
pangyayaring nagaganap, tiyak mayroon ka nang pakialam sa lipunang iyong
kinatatayuan. Tayong lahat ay hindi nabubuhay para sa sariling interes at gusto,
tayo ngayon ay nabubuhay sa new normal na lipunan. Baka nagtatanong ka, bakit
naging New Normal? Ito na nga ang sinasabing mayroon ka nang pakialam sa
lipunang iyong kinabibilangan. Dahil iyan sa pandemyang ating nararanasan na
siyang nagpabago sa galaw ng tao at komunidad. Mababago rin ang paraan ng
pagtuturo, makikita rito ang kabutihan mo para sa lipunan. Maaaring makatulong
nang Malaki sa iyo ang mga aralin sa balitang na ito.

Sa pag-aaral mo sa Edukasyon sa Pagpapakatao, ngayon mo


mararanasan ang pagbabago dahil sa covid19 na matinding virus na kumakalat.
Magkakaroon ng pagkakataong masuri ang iyong pananagutan para sa sarili at sa
iyong kapwa. Sa panahong ito malalaman mo at mamumulat na ang iyong sarili sa
New Normal na lipunan na iyong kinbibilangan. Mauunawaan mo ang pagkakaiba at
pagkakaugnay nito sa mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa baitang na ito.

Narito ang mga tiyak na kasanayang inaasahang matamo mo sa modyul na ito.


1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat ( ESP9 PLIa-1.1)
2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang
panlahat para sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan (ESP9 PLIa-1.2)
3. Napangangatwiran na ang pagsisikap ng bawat taong makamit at mapanatili
ang kabutihan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na
pagpapahalaga ay mga pwersang magpapatatag sa lipuan (ESP9 PLIb-1.3)
4. Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o
sector sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan. (ESP9 PLIa- 1.1)

TIYAK NA LAYUNIN:
✓ Naiisa-isa ang mga elemento ng kabutihang panlahat para sa pamilya,
paaralan, pamayanan o lipunan
✓ Nakapagbibigay ng halimbawa ng kabutihang panlahat para sa
pamilya, paaralan pamayanan o lipunan.

1
✓ Nailalarawan ang mga kabutihang panlahat para sa pamilya, paaralan,
pamayanan o lipunan.
✓ Naipapaliwanag ang mga kabutihang panlahat para sa pamilya,
paaralan, pamayanan o lipunan.
✓ Naisasagawa ang mga kabutihang panlahat para sa pamilya, paaralan,
pamayanan o lipunan.
✓ Nakapagbibigay halimbawa ng mga pagsisikap ng bawat tao na
makamit at mapanatili ang kabutihan sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga pwersang
magpapatatag sa lipunan
✓ Naipapaliwanag na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at
mapanatili ang kabutihan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral
na pagpapahalaga ay mga pwersang magpapatatag sa lipuan
✓ Natutukoy ang mga proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o
sector sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkabuhayan.

Subukin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang panlahat.


a. Si Ana ay may mabuting palad upang tumulong
b. Si Mark ay tumutulong sa kanyang kapwa kung kailan niya gusto.
c. Si Lucia ay walang pakialam sa kanyang paligid
d. Si Coby ay naghihintay lamang ng tulong ng kanyang kapitbahay.

2. Ano ang iyong mahalagang tungkulin sa lipunan?


a. Pagsunod sa mga ipinapatupad sa komunidad
b. Pagsasawalang bahala sa mga proyektong ipinapatupad.
c. Panghihikayat sa mga gawaing hindi makabubuti sa lahat
d. Pagiging makasarili

3. Anu-anong elemento ang ang binubuo sa isang lipunan


a. Barangay, Tahanan, Pamilya
b. Tahanan, Kusina, Bintana
c. Pamilya, Hayop, Bagay
d. Barangay, Bahay, Kalsada

4. Ano ang pangunahing layunin ng lipunan?


a. Pagkakabuklod-buklod
b. Pagkakaisa
c. Pagbibigayan
d. Kabutihang Panlahat

5. Ang pinakamaliit na yunit ng lipunan ay tinatawag na ________.


a. simbahan b. paaralan c. pamilya d. baranggay

2
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang panlahat.
a. Pagiging makasarili c. Pakikiisa sa pamayanan
b. Walang paggalang sa kapwa d. Hindi pagsuporta sa programa ng lipunan

7. Ano ang magandang maidudulot ng kabutihang panlahat.


a. Kapayapaan c. katiwasayan
b. pagkakaisa d. Kasaganaan

8. Alin sa mga sumusunod na paraan ang nagpapakita ng kalayaan at pagkakapantay-


pantay sa lipunan.
a. Kapag nangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao.
b. Kawalan ng malasakit sa kapwa
c. Naisasakripisyo ang kabutihan para sa sarili lamang
d. Pagmamalasakit at pakikiisa ayon sa kanyang gustong matamo dahil sa
inaasahang kapalit

9. Ano ang ipinahihiwatig ng kasabihang,” Ang Kabataan ang Pag –asa ng bayan”?
a. kabataan ang magsisilbing daan para sa ikauunlad ng bayan
b. kabataan ang pamumuno sa pag-papaunlad ng komunidad
c. nasa kamay ng mga kabataan kung paano uunlad ang isang pamayanan
d. ang mabuting kabataan ang magiging instrumento para mapaunlad ang isang
pamayanan

10. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging hadlang sa pagkamit ng kabutihang
panlahat.
a. Pagsasawalang kibo sa lipunang kinagagalawan
b. Pakikipagtulungan at pakikibahagi sa kapwa
c. Pagtaggap at pagsasagawa ng tungkulin sa lipunan para sa kabutihan.
d. Pakikiisa mga programa ng lipunan.

Balikan

PANUTO: Hanapin ang mga salita batay sa ibinigay na kahulugan. Maaring ito ay
pahalang o pababa.

b g s s t l i p u n a n h c b n o y p k s n
e r i h l n b a z c s w e a b h k l a i p e
d n m d h z v n h m k l d y e w a f a g t g
g h b z v b t l t y d n a l q r a f r d n o
k p a m i l y a n m c v k k s a w e a d f s
l q h s g h b h l k r y t a b c f h l k s y
o x a c f g t a e t g r d p b h k l a s z o
f b n k l p g t r t p a m a y a n a n x s v
g s d r c b l b f a q u o y n c x m b g r t
n m k l s x c r d c g m q a z d g b n j l m
e t y e u o p n v b m a s p c g d a f h b m
y g d f r e s c p a m a h a l a a n v n j k
s g j l v n m d s a r t u a a e u o n m b z
e d u k a s y o n d g y o n c e t y o n m l

3
Pahalang:

1. Ito nanggaling sa salitang lipon” na nangangahulugang pangkat.


2. Tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o pakikipagkapwa na mas Malaki
kaysa sa isang tahanan, mag-anak, o pamamahay na may pinagsaluhang
pagpapahalaga.
3. Isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas
sa isang nasasakupang teritoryo, at kapangyarihang magbigay ng mga
pangangailangan ng mga mamamayan
4. Pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at ang pagbahagi ng kaalaman,
mabuting paghusga, at karunungan. Isang puhunan ng bawat mamamayan
ng isang partikular na bansa upang maging produktibo ang bawat isa sa
pagpapataas ng ekonomiya.

Pababa:

1. Katawagan sa lahat ng mga tagasunod ni Hesus. Tumutukoy rin ito sa


mamamayang mananampalataya na nagtitipon-tipon.
2. Makakamit lamang kung ang lahat ng tao ay magtulungan at nagiging
maintindihan para sa lahat, at konektado sa pagiging mabuti, marespeto
para sa kaayusan ng lahat ng tao.
3. Ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasaya. Ito ang
katayuan sa panahon ng walang gulo, away, alitan, o digmaan.
4. Ikalawang tahanan ng mga bata, dahil halos araw-araw silang nandito upang
matuto. Tinuturuan ang mga mag-aaral upang magkaroon sila ng mga
kaalaman.
5. Ito ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga
mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita at
mapalago ng higit pa.

Tuklasin

Gawain 1: Pagsusuri sa Larawan


PANUTO: Suriin ang nais ipahiwatig ng mga nasa larawan.

Unang Larawan Ikalawang Larawan

4
Ikatlong larawan Ikaapat nalarawan

Gawain 2:
SAGUTIN: Isulat ang iyong kasagutan sa iyong kwaderno.

1. Magbigay ng maikling pagpapaliwanag sa bawat larawan.


2. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos mong suriin ang mga nasa
larawan?
3. Sa anong paraan mo maisasagawa ang mga pagbabago sa Sistema ng
Edukasyon ngayon?

PALIWANAG
Unang
Larawan

Ikalawang
Larawan

Ikatlong
Larawan

Ikaapat na
Larawan

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

5
Sa anong paraan mo maisasagawa ang mga pagbabago sa Sistema ng Edukasyon
ngayon?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Suriin

PANUTO: Tingnan ang larawan at basahin ang teksto pagkatapos ay magtala ng


impormasyon mula rito.

Ano ang
mga naiisip
mo batay sa
mga nasa
larawan?

_________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

‘’Kung lahat ay nakikiayon, lahat ay makikinabang’’

Ang ating pagiging kasama-ng-kapuwa ay isang pagpapahalaga na nagbibigay


ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao.

6
Ang salitang Lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na ngangahulugang
pangkat. Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o
layunin.

Halimbawa: ang pangkat ng mga mamahayag ay may iisang tunguhin o layuning


maghatid ng mga bagong nagaganap sa bansa at sa daigdig. Tinitiyak nilang
makakarating ito sa mga tao sa ibat-ibang paraan. Ang pangkat ng mga Guro ay may
iisang layuning magpadaloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang lipunan o pangkat
ng mga indibidwal ay patungo sa iisang layunin o tunguhin.
Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang Komunidad upang tukuyin
ang lipunan. Mahalagang maunawan ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang
salitang ito upang hind imaging sanhi ng kalituhan. Ang salitang komunidad ay
galing sa Latin na “communis” na nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang
isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakaparehong mga interes,
ugali, o pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Sa isang komunidad,
mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi.

Ang bawat indibidwal ay may kani-kaniyang mga layunin o tunguhin sa buhay. Mas
magiging madali ang pag-unawa nito gamit ang sumusunod na halimbawa:
mayroong dalawang guro na nagtuturo sa ng magkaibang paaralan. Sila ay bahagi
ng isang lipunan, isang pangkat ng mga mag-aaral. Ngunit walang malalim na
ugnayan sa dalawang guro na ito. Limitado ang nalalaman nila tungkol sa isa’t isa.
Ngunit dumarating ang pagkakataon na nagsama sila sa isang scholarship at naging
malapit na magakaibigan, naging nagkumare at nabuo ang kaniyang bagong
kaibigan para sa paggabay sa kaniyang anak kung kaya niya ito ginawa. Sa
pagkakataong ito, hindi lamang bahagi ng isang lipunan ang dalawang guro kundi
naging bahagi na ng isang komunidad.

Mulat tayo sa isang mundo na KApatid, KAmag-anak, KAklase, KAbabayan, at


marami pang ibang kasama na naayon sa lipunang ating ginagalawan.

Hindi gawa ng dalawang tao ang WIKA…. Galing ito sa LIPUNAN.

Binubuo ang tao ng lipunan,


binubuo ng lipunan ang tao

Naransan mo na ba ang tumulong sa iyong kapwa-


tulad ng pagbabahagi ng iyong baon para sa isang
matandang nagugutom o pagbibigay ng iyong mga
damit para sa mga nasalanta ng kalamidad? Sa
ganitong pagkakataon, nakaakit ka ba ng kapwa mo
mag-aaral na tumulong? Nakaramdam kaba ng galak
dahil sa iyong ginawa? Ano ang magandang
maidudulot ng iyong ginawa para sa lipunan?

7
Gawain 3:

Panuto: Ilarawan ang lipunang iyong kinabibilangan sa pamamagitan ng pagguhit


sa loob ng kahon sa ibaba

Kabutihang Panlahat
Ito ay kabutihan para sa bawat isa nasa lipunan. Ang tunay na tunguhin ng lipunan
ay ang kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal.

8
Pagyamanin

Gawain 4:

Ano ang layunin ng bawat sector o institusyon na nasa bawat larawan na para sa
kabutihang panlahat? Sumulat ng maikling paliwanag para sa layunin ng bawat
larawan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


Ang kabutihang panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang elemento
1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Dahil ang kabutihang panlahat ay
nagpapahalaga sa kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung hindi kikilalanin
at pahahalagahan ang kaniyang dignidad. Sa dignidad nakakabit ang ibat ibang
karapatang kailangan igalang at dapat matamasa ng lahat ng tao sa lipunan.
2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. Ang pag-
unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangan maibigay sa
mga tao.
3. Ang Kapayapaan. kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon
ng katahimikan, kapanatagan, o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng aspeto ng
buhay tulad ng isip, kalooban, pamilya, lipunang ginagalawan, at iba pa, subalit

9
ang kapayapaan ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at
kawalan ng kaguluhan. May kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal
at umiiral ang katarungan.

Bilang isang kabataan, ano na ba ang nagawa mo para sa bansa o sa iyong komunidad?
Mayroon ka bang kayang gawin ngunit hindi mo pinagsisikapang gawin?
Ano kaya ang maitutulong ng munting magagawa ng kabataan para sa bansa?

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat


Narito ang mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat

1. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit


tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit
nito. Nakikinabang lamang siya subalit walang ambag o pakikibahagi mula
sa kaniya.
2. 2. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin
lamang. Ayaw ng tao na magambala ang kaniyang personal na buhay.
Nais lamang niya na mapag-isa
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas Malaki ang naiaambag niya
kaysa sa nagagawa ng iba.

Mga kondisyon sa pagkamit ng Kabutihang Panlahat


Tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon kay
Joseph de Torre (1987)

1. Ang lahat ng tao ay dapat mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya


na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal, at katarungan.
2. Ang pangunahing karapatang karapatang pantao ay nararapat na
mapangalagaan
3. Ang bawat indibidwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang
kaganapan.

10
Isaisip

Gawain 5: Tayahin

PANUTO: Suriin kung anong uri ng elemento ang tinutukoy sa bawat larawan.

1.

2.

3.

Gawain 6

PANUTO: Magbigay ng mga halimbawa na naisasagawa ang kabutihang panlahat


na nakatutulong sa bawat sector.

1.Pamilya

Sagot:
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

1. Paaralan
sagot:
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Simbahan

sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Negosyo

sagot:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

11
4. Pamahalaan

sagot:
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

Gawain 6.1

PANUTO: Gumuhit ng isang bagay ng sumisimbolo ng kapayapaan na nagpapakita


ng kabutihang panlahat para sa Pamilya, Paaralan, Pamayanan, Bansa, at Simbahan.

Isagawa

Gawain 7:

PANUTO: Anong mahahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa aralin? Buuin ito
gamit ang Graphic organizer sa ibaba. Gabay mo ang mahalagang tanong na: paano
makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay
makamit at mapanatili?

AY MGA PUWERSANG
MAGPAPATATAG SA
_____________________

KABUTIHANG SA PAMAMAGITAN ______________________


NG….
PANLAHAT ______________________

12
Tayahin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang mga tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot. Titik lamang ang isulat sa inyong sagutang
kwaderno.

1. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


a. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o
layuninsamantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang
pagkakabuklod-buklod ng mga kabilang dito.
b. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao may pagkakaisang interes,
mithiin at pagpapak_ahalaga samantalang sa komunidad, ang
namumuno ang nagbibigay ng direksyon sa mga taong kasapi nito.
c. Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na
kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad,
ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga
mithiin.
d. Sa lipunan, ang mga mamamayan ang dapat sundin ng mga
namumuno samantalang sa komunidad, ang mga namumuno ang
may kararapatang magdesisyon upang makamit ang mithiin ng
komunidad.

. 2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nangangahulugan na, ”ang


buhay ng tao ay lipunan”
a. Ang tao ay sa lipunan lamang nakakapamuhay
b. Lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
c. May mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na mapag-isa
d. May iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.

3. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga elemento ng kabutihang


panlahat?
a. kapayapaan
b. walang katiwasayan
c. hindi paggalang sa indibidwal
d. tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

4. Ano ang pinakalayunin ng lipunan?


a. kapayapaan
b. kabutihang panlahat
c. katiwasayan
d. kasaganaan

5. Ano ang pinakamalapit na kahulugan ng kabutihang panlahat?


a. kabutihan ng lahat ng tao
b. kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
c. kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
d. kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi ng
lipunan

6. Paano kumikilos ang isang mahusay na namamahala?


a. mula sa mamamayan patungo sa namumuno
b. mula sa namumuno patungo sa mamamayan

13
c. sabay silang namumuno para sa mamamayan
d. mula sa mamamayan para sa mamamayan

7. Paano nagiging pinuno ng isang indibidwal?


a. Mmay personal na katagiang pinagtitiwalaan ng pamayanan
b. May angking talino at kakayahan
c. Nanalo sa halalan
d. May kakayahang gumawa ng batas
8. Ano ang iyong mahalagang tungkulin sa lipunan?
a. Pagsunod sa mga ipinapatupad sa komunidad
b. Pagsasawalang bahala sa mga proyektong ipinapatupad.
c. Panghihikayat sa mga gawaing hindi makabubuti sa lahat
d. Pagiging makasarili

9. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating


magpatulong sa iba:
a. May iba’t ibang kakayahan ang bawat isa
b. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating mga nais
gawin
c. Hindi lahat ng ating pangangailangan ay matatamo nating mag-isa
d. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba

10. Bakit kailangan nating magkusang mag-organisa at tugunan ang


pangangailangan ng
nakararami?
a. Upang maipakikita ang ating pagkakaisa
b. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa Gawain
c. Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin kundi tayo
d. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tugunan ang
pangangailangan ng nakararami

Karagdagang
Gawain

Gawain 8:

PANUTO: Magtala ng mga programa/proyekto sa inyong pamayanan kung saan


kabilang ka sa pagsasakatuparan nito.

1.
2.
3.
4.
5.

Sa iyong palagay, naipakita ba ang kabutihang panlahat sa mga naisakatuparang


mga proyekto at programa? Patunayan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________.

14
Susi ng
Pagwawasto

10. a 10. a
9. d 9. c
8. a 8. a
7. a 7. a
6. c 6. b
5. c 5. c
4. d 4. b
3. a 3. d
2. a 2. b
1. a 1. b
SUBUKIN TAYAHIN

Sanggunian
Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing
Corporation Department of Education -Insructional Materials Counsil
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
1600
ESP Budget of Work (BOW)
Curriculum Guide- MELC 2020-2021, pahina 74-79

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO Palawan
Curriculum Implementation Division Office
2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone np. (048) 434-0099

16

You might also like