You are on page 1of 14

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Modyul 8
(Week 8)

Kahalagahan ng Pakikilahok
at Boluntarismo
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8 (Week 8): Kahalagahan ng Paggawa Bilang
Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Al-duane B. Esmoso
Editor’s Name: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Reviewer’s Name: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Illustrator’s Name:
Layout Artist Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Management Team:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent : Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon-Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.
Website: http://depedlapulapu.net.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 8
(Week 8)

Kahalagahan ng Pakikilahok
at Boluntarismo

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Kahalagahan ng Pakikilahok at Boluntarismo.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul para sa araling Kahalagahan ng Pakikilahok at Boluntarismo.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin


ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
Subukin mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay


Balikan
ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan


Tuklasin
tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

i
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Pagyamanin
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap


Isaisip
o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Karagdagang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.


Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul


na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasiyam na Baitang!
Hanggang saan mo kayang makilahok? Hanggang saan mo kayang magsagawa ng
bolunterismo? O may hangganan ba ito?
Sa naunang modyul, ay napatunayan mo na sa pamamagitan ng paggawa, na bunga ng
paglilingkod ay maaring maiangat ang lipunan at makamit ang kaganapan ng iyong
pagkatao. Inaasahan na sa modyul na ito, ang tunay na diwa at kabuluhan ng paglilingkod
sa kapwa ay lalo pang mapapalalim sa iyong puso. Magiging makabuluhan lamang ang
iyong buhay kung ito ay patuloy mong ibinabahagi sa iyong kapwa. Kung kaya’t layunin ng
modyul na ito ang unlad ng lipunan. Dito ay gagabayan ka na makapagsuri sa mga tao na
naglaan ng kanilang tulungan ka upang ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo ay
iyong maiugnay sa pag-buhay sa pagtugon sa pangangailangan ng iba. Mula dito, ay
masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit mahalaga ang pakikilahok at
bolunterismo?
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daanpatungosakarunungan!
Nakapaloobsamodyul na ito ang araling:
Kahalagahan ng Pakikilahok at Boluntarismo
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Napatutunayan na: a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa
mga gawaing pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento,
kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay
nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang
personal na pananagutan (EsP9TT-IIh-8.3) at;

2. Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sektor na may


partikular na pangangailangan, Hal. mga batang may kapansanan o mga
matatandang walang kumakalinga. (EsP9TT-IIh-8.4).

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at tukuyin kung ito ba ay
“PAKIKILAHOK”o “BOLUNTERISMO. Isulat ang sagot sa patlang.

_________ 1. Sumali si Mario sa “Poster Making Contest”ng Paaralan.

_________ 2. Sumang-ayon si Darrel na sasali sa isang halalan.

_________ 3. Nagkaroon ng isang clean up drive ang inyong barangay at halos lahat ng
mga kabataan ay sumalisa panawagan.
1
_________ 4. Mayroong pangkatan Gawain na pinapagawa ng guro.

_________ 5. May isang lalaki na humihingi ng tulong dahil siya ay ninakawan ng cellphone.
Nakita mo na may isang tao na tumulong at walang takot na hinabol ang
magnanakaw.

_________ 6. May pagpupulong na gaganapin sa inyong barangay at isa ka sa


inaanyayahan para dumalo.

_________ 7. Nananawagan ang inyong punong bayan na mag ambag-ambag para sa


nasalanta ng bagyo sa karatig na lugar.

_________ 8. Sasali si Maria sa isang debate na gagawin sa paaralan.

_________ 9. Ang iyong kaklase ay biktima ng sunog. Halos lahat ng kamag aral mo ay
nagbigay ng kaunting tulong upang maitaguyod ang pang araw araw na
pangangailangan nila.

_________ 10. Sabi ng iyong mga magulang na magkakaroon kayo ng isang “house
general cleaning”sa darating ng sabado.

Aralin Kahalagahan ng Pakikilahok at


8 Boluntarismo
Isang masayang pagtuntong sa Ikasiyam na Baitang!
Sa naunang modyul, natutunan mo ang tungkul sa Paggawa bilang Paglilingkod at
pagtaguyod ng Dignidad ng tao. Ngayon, mas mapapalawak at mapapalalim pa ang iyong
kaalaman tungkol saPakikilahok at Bolunterismo.
Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyongkaalamantungkol sa Pakikilahok at
Bolunteismo. Dito ay gagabayan ka na makapagsuri sa mga tao na naglaan ng kanilang
tulungan ka upang ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo ay iyong maiugnay sa
pag-buhay sa pagtugon sa pangangailangan ng iba.
Handa ka na ba? Tayo na at lakbangin ang daan patungo sa karanungan!

Balikan
1. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi
mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng tulong
B. Mali, sapagkat ang hindimo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo
C. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon
sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon
D. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin at ito dapat ay
manggaling sa puso

2
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
A. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aaral
sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat
B. Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito
tuwing bakasyon
C. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang tunay na
karapat-dapat na mamuno
D. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang
makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga
kapit-bahay

3. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya
ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis
tulad ng walis tingting at sako na paglala- gyan ng basura. Ano kayang antas ng
pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
A. Impormasyon C. Sama-samang Pagkilos
B. Konsultasyon D. Pagsuporta

4. Ano-ano ang dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?


A. Pagmamahal, Malasakit at Talento C. Talento, Panahon at Pagkakaisa
B. Panahon, Talento at Kayamanan D. Kayamanan, Talento at Bayanihan

5. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang
taos pusong pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagkakaisa C. Pag-unlad
B. Kabutihang Panlahat D. Naitataguyod ang Pananagutan

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: KAHALAGAHAN MO, ARAL KO
Ang pakikilahok at bolunterismo sa panahon na ating tinatamasan ngayon ay isang
malaking paggawa upang tayo ay makapagpatuloy sa ating pang araw araw na
Gawain.

Panuto:
1. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno ang mga pakikilahok na naibigay mo sa
pamilya, komunidad, paaralan, simbahan at sa otoridad.
2. Isulat mo sa loob ng kahon ang iyong mga kasagotan.

Institusyon Mga Nagawang Pakikilahok


o Bolunterismo
Pamilya
Komunidad

3
Paaralan
Simbahan
Otoridad

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang iyong naradaman noong ikaw ay nakilahok o nagbolantaryo sa isang
gawain?

2. Bakit mahalaga ang nagagawa ng pakikilahok at boluntarismo?

B. Panuto: Punan ang kahon sa ibaba at isulat ang iyong kasagutan sa kwaderno.

Magandang Hindi
Pakikilahok naidudulot nito magandang
/Bolunterismo naidudulot nito

1. Gumawa ng mga Gawain sa Bahay.

2. Paglilinis sa kapaligiran

3. Pagsunod sa alituntunin ng Paaralan

4. Pagdarasal sa Dios

5. Pagsusuot ng face mask at face shield


kapag lumabas ng bahay.

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: HALAGA KO, SURIIN MO
Panuto: Matapos mong natuklasan ang magagandang naidudulot ng pakikilahok at
bolunterismo, maari itong ibahagi sa iyong mga kasama sa bahay at gumawa ng isang pag-
uulat sa pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay. Maaari itong isulat sa iyong
kwaderno.

4
Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: HALAGA KO, YAMAN MO
Panuto: Magsagawa ng isang linggong pagpaplano na magpapakita ng iyong kakayahang
makatulong sa pamamagitan ng pakikilahok at bolunterismo. Punan ang kahon sa ibaba.

Araw Pakikilahok o bolunterismo Resulta


Monday

Tuesday

Wednesday

Thursday

Friday

Isaisip
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: SANAYSAY-SURI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.
Nang nilikha ng Dios ang tao sinabi Niya “hindi mainam na magisa ang tao bibigyan ko siya
ng makakasama at makakatulong” (Genesis 2:18). Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay
may kapuwa sapagkat hindi siya mabubuhay na mag-isa. Ang kapuwa ay bahagi rin ng
lipunan. Kung kaya tang bawat tao ay may pananagutan sa kaniya. Hindi makakamit ng tao
ang kaniyang kaganapan kung hindi siya nakikipamuhay na kasama ng iba.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala na tao na kailangan
niya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at binubuo niya ang lipunan. Sa lipunan
nagkakaroon ng saysay ang buhay sa kaniyang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.
Tunay ngang nagkakaroon ng saysay ang buhay kung ito ay ginagamit nang makabuluhan
tuwing siya ay ginagamit nang may kabuluhan tuwing siya ay nagbabahagi ng kaniyang
sarili sa kapuwa, sa lipunan dahil bilang tao na nilikha ng Diyos, ang tao ay may
pananagutan ng magbahagi sa kaniyang kapuwa at sa lipunang kaniyang kinabibilangan.

Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat namayroong


kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito mahalaga dahil
maisasakatuparan ang isang Gawain na makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan
ng lipunan, magagampanan ang mga Gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
at maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat.

5
Ang bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa
kapuwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
Ito ay marami ring katawagan tulad ng bayanhan, damayan, kawanggawa o bahaginan.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. May mga bahagi ba ng buod ng paksa ang hindi mo nakuha sa mga nagdaang gawain
sa pagkatuto? Ano ang mga ito?

2. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan mong malaman at maintindihan ang paksa ng
araling ito?

3. Ano ang konklusiyon na mabubuo mo tungkol sa paksa ng araling ito?

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: LAHOK AT BOLUNTERISMO, I-APLAY
Panuto: Gawin ito at isulat sa iyong dyornal notebook.
Pagsasagawa ng bolunterismo Kailan ito naganap Ano ang mga kabutihang
na maaring nagawa mo na o naidudulot nito
kaya nakikita sa paligid

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot?

2. Batay sa iyong mga sagot, natutukoy mo ba na ito ay ginagamitan ng mga yugto ng


makataong kilos? Ipaliwanag.

3. Bakit kailangan mo ang mga yugto ng makataong kilos sa pagsasagawa ng mga


kilos?

4. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang mga bawat yugto sa


makataong kilos na isasagawa sa araw-araw na pamumuhay?

6
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at ibigay
ang titik ng may pinakatamang sagot.

1. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi
mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng tulong
B. Mali, sapagkat ang hindimo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo
C. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon
sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon
D. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay
manggaling sa puso

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?


A. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aaral
sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
B. Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito
tuwing bakasyon.
C. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang tunay na
karapat-dapat na mamuno
D. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang
makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga
kapit-bahay

3. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya
ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis
tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng
pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
A. Impormasyon C. Sama-samang Pagkilos
B. Konsultasyon D. Pagsuporta

4. Ano-ano ang dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at


bolunterismo?
A. Pagmamahal, Malasakit at Talento C. Talento, Panahon at Pagkakaisa
B. Panahon, Talento at Kayamanan D. Kayamanan, Talento at Bayanihan

5. Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang
taos pusong pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagkakaisa C. Pag-unlad
B. Kabutihang Panlahat D. Naitataguyod ang Pananagutan

6. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:


A. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na
mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
7
B. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao
upang isagawa ito.
C. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
D. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa

7. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at


paggalang mula sa kaniyang kapwa.
A. Bolunterismo C. Pakikilahok
B. Dignidad D. Pananagutan

8. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?


A. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
B. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
C. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat
D. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan

9. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang _________.
A. Pananagutan B. Tungkulin C. Dignidad D. Karapatan
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?
A. Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago
B. Nagkakaroon siya na makilalang higit ang sarili
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba

Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: NATUTUNAN KO NA
Panuto: Isulat sa ibaba ang mga makabuluhang natutunan mo sa araling tinalakay ng
modyul.
EXIT VISA YOUR REALIZATION
Task: 3-2-1 chart Task: Share it to us!

Marami ka na bang natutunan sa modyul na ito? Tingnan Congratulations! Malugod at ikina-


at alamin natin sa pamamagitan nitong 3-2-1 chart. gagalak namin ang iyong matagumpay at
makabuluhan na pagsagot sa modyul na
3 pinakamagandang natutunan ko ito.
1. ____________________________ Nagkaroon ka na ng sapat na kaalaman
2. ____________________________ tungkol sa paksa at aralin ng modyul na
3. ____________________________ ito at makatutulong ang iyong pag-unawa
sa magiging desisyon mo sa totoong
2 nakakuha ng aking atensyon buhay.
1. _____________________________ Ibahagi ang iyong personal na mga ideya
sa mga sumusunod:
2. _____________________________
Natutunan ko na _______________
1 gusto ko pang matutunan at alamin Napagtanto ko na _______________
1. _____________________________ Gagamitin ko ito sa _____________

8
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral pahina 111-126
AKLAT:
Gayola,Sheryll T.,Guevara,Goeffrey A., et.al.2015.Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Modyul para
sa Mag-aaral.pp 111-126. FEP Printing Corporation

You might also like