You are on page 1of 19

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 6 (Week 6)
Impluwensiya ng mga Kaisipang
Lumaganap sa Gitnang Panahon
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6 (Week 6): Impluwensiya ng mga Kaisipang Lumaganap sa
Gitnang Panahon

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Segundino E Estrada Jr. Joena P. Tampus
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Tagasuri: Marigold J. Cardente Teresita A. Bandolon
Tagaguhit:
Tagalapat: Ma. Teresa Amoin
Plagiarism Detector Software: Plagiarism Detector.com
Grammar Software: Citation Machine.com
Tagapamahala: Dr. Wilfreda D. Bongalos Dr. Marcelita S. Dignos
Dr. Oliver M. Tuburan Marigold J. Cardente
Teresita A. Bandolon Czarina Ritzko J. sagarino
Ma. Teresa Amion Marrieta Ferrer
Inilimbag sa Pilipinas
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph
8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6 (Week 6)

Impluwensiya ng mga Kaisipang


Lumaganap sa Gitnang Panahon

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Impluwensiya ng mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Impluwensiya ng mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa


Alamin
modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa


Subukin
aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


Balikan
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming


paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

ii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong sa iyo upang maisalin


ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain nanaglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa


sa Pagwawasto modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahayna mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Matapos mong masuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa gitnang panahon,
ngayon ay alamin natin ang mga impluwensiya o ang mga naging ambag ng mga
kaganapang ito tungo sa transpormasyon sa Europa.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang lubos na mauunawaan ang kaugnayan ng
mga kaisipang lumaganap sa gitnang panahon sa pag-unlad ng mga bansa sa Europa at
naging daan sa mga pagbabago sa buong daigdig.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!


Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Impluwensiya ng mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa gitnang panahon
(AP8DKT-IIi-13);

2. Nailalarawan ang mga pamanang naiambag ng mga kaisipang lumaganap sa


gitnang panahon;

3. Nakahahayag ng kanilang mga kuro-kuro hinggil sa mga naging impluwensiya ng


mga kaisipang lumaganap sa gitnang panahon sa kasalukuyan at;

4. Napahahalagahan ang mga impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa gitnang


panahon na nagbigay-daan sa paglakas ng mga bansa sa Europa.

Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang
pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Isa sa naging kontribusyon sa panahong midyibal ay ang tinatawag sa tatlong-patlang
na sistema ng pagsasaka o thee-field system kung saan hinahayaan ang mga
magsasaka na magtanim ng mas maraming pananim upang madagdagan ang
produksiyon. Sa anong kaisipan ito nabibilang?
A. Simbahang Katoliko C. Manoryalismo
B. Krusada D. Piyudalismo

1
2. Noon at ngayon ay malaki ang ginagampanang papel ng Simbahang Katoliko sa buhay
ng tao. Naimpluwensiyahan nito ang desisyon ng mamamayan sa panahon ng
eleksyon. Sa anong aspeto tinutukoy ito?
A. Moral C. Politikal
B. Sosyal D. Ekonomikal
3. Ang pinagsamang sistemang pangmilitar at pampulitika kung saan ang may-ari ng
lupain na ipinapatrabaho sa mga magsasakang naglilingkod sa isang may-ari nito.
Ipinahihiwatig ng sistemang ito, na dati pa ay mayroon ng diskriminasyon sa pagitan
ng mga mayayaman at mahihirap lalung-lalona sa pagmamay-ari at pangangalaga ng
lupain.
A. Piyudalismo C. Krusada
B. Manoryalismo D. Simbahang Katoliko
4. Pinayagan ng mga Muslim at Hudyo ang ibang mga relihiyon na pumunta sa Jerusalem
upang magsagawa ng kanilang relihiyon, kahit na mayroon silang iba't ibang
paniniwala. Anong salita ang pinakamahusay na naglalarawan sa isipan mo?
A. Nagpapasalamat C. Pagpaparaya
B. Kawalann ng interes D. Paghihiganti
5. Karamihan sa mgamaharlika at mgamayayamangmangangalakal ay sumama sa
Krusada. Ang isangpangunahingresulta ng Krusada ay angpaglago ng kalakalan sa
pagitan ng Europa at Asya.Bukoddito, dala din ang impluwensiya ng Krusada ang
pagpapalaganap ng kultura.
A. Griyego C. Amerikano
B. Asyano D. Kristiyanismo-Islam
6. Sa panahong midyibal ang Simbahang Katoliko ay nagsilbi upang bigyan ang mga
taong espirituwal na patnubay at nagsilbi rin bilang pamahalaan. Ngayon, ang papel
ng simbahan ay nabawasan. Ano sa tingin mo ang dahilan?
A. Nagkakaroon ang iba’t-ibang relihiyon
B. Nawalan ng tiwala ang mgamamamayan
C. Hindi nagkakaisa ang mganamumuno sa simbahan
D. Pagkaroon ng hiwalaynabatasang simbahan at pamahalaan
7. Ang GitnangPanahon ay isang marahas at mapanganib na yugto ng kasaysayan lalo
na sa mga pangkaraniwang mamamayan. Ano ang ginawa ng mga karaniwang
mamamayan para manatiling ligtas noong Gitnang Panahon?
A. Nagsagawa ng malakihang rebolusyon
B. Nagbuo sila ng armadong pangkat bilang pamprotekta sa kanila
C. Naglakbay patungong Israel para makahanap ng bagong tirahan
D. Nanilbihan sa mga maharlika kapalit ng proteksyon

8. Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong


sa pagpalawak ng katanyagan at kapangyarihan ng simbahan sa ilalim ng Papa. Ang
pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ay ang kanilang
pang-ebanghelyong gawain. Ang salitang ebanghelyong gawain ay tumutukoy sa?
A. Pagtatanim C. Pakipagdigmaan sa mga barbaro
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo D. Pagbibinta ng religious items
9. Sa Panahong Midyibal, bihira na lamang ang magsasakang nagmamay-ari ng lupa.
Marami ang nagbigay ng kanilang lupain kapalit ng proteksyon; ang iba naman, bilang
kabayaran sa utang. Ang mga magsasaka ang naging serf o alipin na nakatira sa lupa

2
ng panginoon na tinawag na manor. Sa kaisipang manoryalismo, sa anong aspeto ito
nabibilang?
A. Pangkabuhayan C. Pampolitikal
B. Sosyo-kultural D. Pang-ispiritwal
10. Sa sistemang piyudalsmo at manoryalismo, malaki ang naitulong nito sa pagdami ng
populasyon sa Panahong Midyibal. Dahil sa pagdami ng populasyon, ito ay nagbigay-
daan sa pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod. Ano sa tingin mo ang naging
dahilan sa paglubo ng populasyon?
A. Marami ang nagsibalikan dala ng karahasan
B. Maraming Arabo ang pumunta sa Europa upang mangangalakal
C. Dahil sa pag-aasawa ng mas maaga
D. Dahil sa pagbabago ng klima nakabuo ito ng lipunan

Aralin
Impluwensiya ng mga Kaisipang
6 Lumaganap sa Gitnang Panahon

Isang masayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!


Sa naunang aralin, natutunan mo ang mga pagbabagong naganap sa Europe sa
gitnang panahon. Sa bahagi ng modyul na ito naman ay masusuri mo ang mga
impluwensiya o ang mga naging ambag ng mga kaisipan o mga pangyayari sa gitnang
panahon.
Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga mahalagang
kaganapan sa Europe na naghatid ng panibagong katangian sa sistema ng pamumuhay ng
mga tao sa gitnang panahon. Ang mga impluwensiyang ito ay lumaganap hindi lamang sa
mga bansa sa Europe kundi sa ibat-ibang panig ng daigdig. Tumingin ka sa iyong paligid at
tuklasin ang mga impluwensiyang hatid ng mga kaisipan sa gitnang panahon sa aspektong
pampulitikal, kultural, ekonomikal at panrelihiyon.

Balikan
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga katanungan tungkol sa mga pagbabagong
nagaganap sa Europa sa Panahong Medieval sa aspektong pampulitika, pang-ekonomiya,
panrelihiyon at pangkultura.
1. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pang-ekonomiya ng Gitnang Panahon?
A. Agrikultura B. Outsourcing C. Pangangaso D. Pangingisda

2. Ano ang sistemang pampulitika ng Gitnang Panahon?


A. Sosyalismo B. Piyudalismo C. Manoryalismo D. Krusada

3. Ano ang tawag sa ekspedisyong military na inilunsad ng Kristiyanong Europeolaban


sa Turkong Muslim upang bawiin ang Jerusalem sa kamay ng mga ito?
A. Digmaan B. Kolonyalismo C. Krusada D. Jihad

3
4. Paano nagbago ang mga istruktura ng pampulitika sa Gitnang Panahon?
A. Ang kapangyarihan ay lumipat sa mga maharlika sa mga Hari at Popes
B. Binigyan ng karapatan ang mga alipin na magkaroon ng lupa
C. Ang mga pari ay may mataas na posisyon sa lipunan
D. Dahil sa kaguluhan, napilitan ang mga tao na magkaroon ng eleksyon
5. Paano naiiba ang buhay ng mga prayle sa buhay ng mga monghe?
A. Ang mga monghe ay mga guro; ang mgaprayle ay hindi
B. Ang mga prayle ay nanirahan kasama ang pangkalahatang publiko; ang mga
monghe ay nakatira bukod sa mga monasteryo
C. Pinayagan ang mga prayle na magpakasal; ang mga monghe ay hindi
D. Nabuhay ang mga monghe sa mga monasteryo; ang mga prayle ay nanirahan sa
mga kumbento

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: CROSSWORD-PUZZLE
Sa gawaingito ay masusubok ang iyong kakayahan sa pagbuo ng mga salita na may
kaugnayan sa mga pangyayari at kaisipan na lumaganap sa Gitnang Panahon.
Panuto: Basahing mabuti ang ibinigay na mga katanungan sa ibaba at sikaping mabuo ang
mga salitang tinutukoy nito. Makikita ang mga salita sa mga katayuang PAHALANG at
PABABA.

4 5

8
Created using the Crossword Maker on TheTeachersCorner.net

PABABA
1. Kumakatawan sa isangrelihiyongkristiyanong Romano Katoliko.
2. Lupang ipinagkaloob ng Lord sa vassal
4. Taong tumatanggap ng lupa mula sa lord
5. Ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo laban sa
mga turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem

4
PAHALANG
3. Panahon o oras sa pagitan ng pagbagsak ng Imperyong Roma at ang simula ng
maagang modernong Europa
6. Matapang at malakas na kalalakihan na kusang-loob maglingkod sa mga hari
7. Sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na pagmamay-ari ng lupa
8. Pangalawa sa pinakamaliit na kontinente ng mundo na kung saan dito nagmula ang mga
bansang mayayaman at makapangyarihan

Gawain sa Pagkatuto Blg.2: LARAWAN MO, ILARAWAN KO


Masusubok ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa mga kaisipang lumaganap sa Gitnang
Panahon at ang impluwensiya nito sa gawain o pamumuhay ng mga tao sa buong
daigdig.
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at sumulat ng maikling paglalarawan ukol sa mga
gawaing ipinapahayag nito. Pagkatapos makabuo ng maikling paglalarawan ay tukuyin
kung alin sa mga kaisipang naitala sa ibaba ang naging bahagi o impluwensiya ang mga
gawaing iyong napuna sa mga larawan.

LARAWAN A

Photo Credit:https://www.pngfuel.com/free-png/jlfen/download

Paglalarawan: __________________________________________________________
_________________________________________________________
Kaisipang impluwensiya ng: _______________________P________________________

LARAWAN B

Photo Credit: https://clipartstation.com/wp-content/uploads/2017/11/mass-clipart-2.gif

Paglalarawan: _______________________________________________________
______________________________________________________
Kaisipang impluwensiya ng: ____________________________________________

5
LARAWAN C

Photo Credit: https://paintingvalley.com/download-image#marketplace-drawing-35.jpg

Paglalarawan: _________________________________________________________
________________________________________________________
Kaisipang impluwensiya ng: _______________________________________________

LARAWAN D

Photo Credit: https://www.uihere.com/free-cliparts/middle-ages-knight-feudalism-cartoon-king-arthur-knight-6547672/download

Paglalarawan: _________________________________________________________
________________________________________________________
Kaisipang impluwensiya ng: _______________________________________________

Mga Kaisipan sa Gitnang Panahon

Krusada Simbahang Katoliko


Manoryalismo Piyudalismo

Pamprosesong mga tanong:


1. Batay sa iyong napupuna sa mga larawan, isulat ang kaugnay nito na mga kaisipan
o pangyayari na nakapaloob sa kahon na lumaganap sa Gitnang Panahon?
Larawan A: ______________
Larawan B: ______________
Larawan C: ______________
Larawan D: ______________

2. Masasabi mo ba na ang mga gawain na ipinapakita sa larawan ay ilan lang sa mga


impluwensiya ng mga kaisipan na lumaganap sa Gitnang Panahon? Ipaliwanag.

6
Suriin
Panuto: Maraming mga kaisipan ang umiral noong Gitnang Panahon na nagdulot ng
malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga tao sa aspektong pulitikal, ekonomiya,
relihiyon at kultura. Basahin ang kasunod na sanaysay tungkol sa iba’t-ibang mga kaisipan
na lumaganap sa Gitnang Panahon at bigyang pansin ang mga mahalagang ambag ng
bawat paksa.
1. Sistemang Piyudalismo
Matatandaang sa panahon ng piyudalismo ay mahalaga ang pagmamay-ari o
pagkakaroon ng mga lupain dahil ito ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa
Europe sa Panahong Midyebal. Sa sistemang piyudalismo, ang madalas na pagsalakay
ng mga barbaro ay nagbibigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad
ng lahat na mabigyan ng proteksiyon laban sa pananalakay ng mga mandirigmang
mananakop. Ang mga kabalayero ang nagsisilbing tagapagtanggol at tapat na
naglilingkod sa mga hari upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Kapalit ng
paglilingkod na ito ay pinagkalooban ng hari ang mga magigiting at matatapang na
kabalyero ng kapirasong lupain dahil sa panahong ito hindi pa umiiral ang paggamit ng
salapi. Ang makakapangyarihan ay mayroong mga tauhan na nagsisilbi sa kanila, lalo na
ang pagsisilbing militar kapalit ng proteksiyon nila.

2. Manoryalismo

Ang Manoryalismo ay isa sa mga kaisipang sumibol sa Panahong Midyebal sa


bandang kanluran ng Europe. Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na gumagabay
noong Gitnang Panahon sa paraan ng pagsasaka. Ang panginoong may lupa ay
nagmamay-ari ng malaking bahagdan ng lupain na sinasaka ng mga magsasakang
nakatira sa lupaing ito o tinatawag na Serf. Ang serf ay binubuo ng masa ng tao noong
Gitnang Panahon na nakatali ang pamumuhay sa pagsisilbi sa panginoong may lupa at
pagsasaka ng mga malalawak na lupain nito. Ang panginoong may lupa o Lord ay umaasa
sa kita ng manor o tinatawag ding lupang sakahan gayundin ang mga magsasakang
nakatira dito ay higit na umasa sa mga lupang kanilang sinasaka.

3. Ang Simbahang Katoliko


Marahil ay naitanong mo sa iyong sarili, ano ba ang naging papel ng Simbahang
Katoliko at ang impluwensiyang hatid nito sa lipunan ng Europe sa Gitnang Panahon?
Ang bumagsak ang Imperyong Roman noong 476 CE ay nagbunsod upang
mapalawak ang kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Bumagsak ito
dulot sa ilang mga kadahilanan, isa sa mga dahilang ito ay ang palasak na kabulukan ng
pamahalaan sa imperyo at ang mga namumuno ay walang tigil sa pagsasamantala sa
tungkulin at lubhang nasilaw sa mga kayamanang umagos papasok sa Rome.
Matatandaang sa kamay ng mga barbaro bumagsak ang Imperyong Roman na dati ng
naninirahan sa loob ng imperyo ngunit sa kabutihang palad, ang Simbahang Katoliko lang
ang natatanging institusyon na hindi ginalaw o pinakialaman ng mga barbaro.

7
Sa panahong ito, tanging ang Simbahang Katoliko lamang ang nangangalaga sa
mga pangangailangan ng mga mamamayan maging sa pamumuno at sa pangakong
mailigtas ang kaluluwa sa ikalawang buhay sa pamamagitan ni Kristo. Nagawang
maituwid at mailagay sa ayos ang pamumuhay ng mga tao sa pamumuno ng simbahan
at ito ang nag-udyok upang maingat ang kapangyarihan ng mga kapapahan o “Pope”,
nanangangahulugang “Ama” mula sa salitang Latin na “Papa”. Ilang mga kapapahan ang
namumuno at tagumpaynanaitaguyod ang pamamahala sa buong imperyo at sa
pagpapalaganap ng paniniwalang Kristiyanismo. Naging matagumpay ang mga Pope sa
gawaing ito at maging ang iba-ibang tribo ng mga barbaro ay nagawang yumakap o
sumampalataya sa relihiyong Kristiyanismo na ipinalaganap ng Simbahang Katoliko.
Lalo pang pinalawak ng Simbahang Katoliko ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo at
maraming mga misyonero ang pinapadala sa ibat-ibang mga bansa sa daigdig.

4. Ang Krusada
Minsan bang sumagi sa iyong isipan ang salitang Krusada? Ano nga ba ang
krusada at ano ang mahalagang naidulot nito sa pamumuhay ng mga tao? Ang Krusada
ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan
ni Pope Urban II noong 1095. Bumagsak ang Holy Roman Empire sa dahilang nawalan
ito ng malakas na mga pinuno at sa kabilang banda ay nagsimulang palawakin ng mga
Muslim ang kanilang imperyo upang palawigin ang relihiyong Islam. Noong 637 CE ay
nakuha ng mga Muslim ang Jerusalem at ito ang nagtulak sa mga Papa upang
maglunsad ng Krusada.
Matatandaang maraming mga krusada ang nagaganap sa kasaysayan upang labanan
ang mga Turkong Muslim sa pagsakop nito sa banal napook sa Jerusalem. Minsang
nabawi ng Kristiyanong Europeomula sa kamay ng mga Turkong Muslim ang Holy Land
at napanatili ito sa loob ng isang daang taon ngunit muli na naman itong napasakamay
ng mga Muslim ang lupaing ito. Maraming sumunod na mga krusada ngunit lahat na ito
ay pawang bigo sa kanilang layunin dahil sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad
ng tunay na mga layunin ng mga taong sumama sa gawaing ito. Maraming tao ang
nahikayat na sumama sa krusada hindi dahil sa pagmamalasakit nito sa simbahan kundi
ang pagkakataong makapaglakbay at makapangalakal. Sa kadahilanang ito, nagbigay
ng magandang dulot ang krusada sa larangan ng kalakalan na lubos na napalaganap
ang komersiyo at nagsisilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking mga
daungan. Nang dahil sa krusada, nagkaroon ng pagpapalitan ng produkto mula sa ibat-
ibang mga bansa sa Europa at ito rin ang naging tulay upang mapaunlad ang sistemang
agrikultura dahil sa pagtuklas ng bagong kaalaman sa teknolohiya o ang makabagong
pamamaraan sa pagtatanim. Habang patuloy ang pag-unlad ng kalakalan, natuklasan
ang paggamit ng salapi bilang midyum ng pangangalakal bunsod ng mga ginawang
krusada. Kung sa maagangbahagi ng panahonmedyebalginagamit ang “barter system”
bilangparaan ng pagpapalitan ng produkto sa kalaunan ay salapina ang ginagamit sa
pagbili ng produkto.

DATA RETRIEVAL CHART


PARTIKULAR NA RESULTA
KAISIPAN KAGANAPAN Lagyan ng tsek (/)
Mabuti Masama

1. PIYUDALISMO

ROLES AND FUNCTIONS OF COMMUNICATORS


2. MANORYALISMO

3. KRUSADA

4. SIMBAHANG KATOLIKO

Pamprosesong mga tanong:


1. Batay sa binasang teksto, bakit pinagkalooban ng hari o panginoong may lupa ang
mga kabalyero ng mga lupain sa sistemang piyudalismo?
2. Sa iyong palagay, naipagkaloob ba ng isang manor ang mga panga-ngailangan ng
mga mamamayan? Patunayan
3. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Simbahang Katoliko noong Gitnang
Panahon?
4. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit maraming mga krusada ang bigo sa
kanilang layuning mabawi ang banal na lupa ng Jerusalem?

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: TALAHANAYAN, PUNAN MO
Panuto: Batay sa mga naganap na talakayan at pagtupad sa bawat gawaing inihanda,
anu-ano ang kontribusyon ng sumusunod na impluwensiya ng kaisipan sa pag-usbong ng
Europe sa Panahong Midyebal?

KONTRIBUSYON KAHALAGAHAN

Pamprosesong mga tanong:


1. Anu-ano ang mga naging kontribusyon ng mga kaisipan sa Panahong Midyebal?
2. Sa mga naging kontribusyon, alin sa tingin mo ang may malaking epekto sa ating
bansa?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang mga naging impluwensiya
nito sa kasalukuyan?
Paalala: Ang sagot sa gawaing ito ay batay sa pagkaunawa ng mag-aaral

9
Isaisip

Panuto: Punan ang patlang ng iyong sagot tungkol sa katanungan na mababasa


sa Thought Bubble Cloud.

Ano nga ba ang mga


impluwensiya ng kaispan na
lumaganap sa Gitnang
Panahon?

AHA!

SAGOT:
___________________
___________________
___________________
___________________
_.

Photo Credit: https://www.kindpng.com/imgv/hohixix_book-


child- clip-art-school-boy-clip-art/#gal_book-child-clip-art-school-boy-
clip- art-hd-png-download_hohixix_4343572.png

Isagawa

Panuto: Ibigay ang iyong pananaw hinggil sa sitwasyon na ibinigay sa ibaba.


Sitwasyon 1
Malaki ang impluwensiya ng kaisipang piyudalismo sa ating bansa dala ng mga
Espaňol na tinawag nating Encomienda. Ang pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng
mga Pilipino bago paman dumating ang mga mananakop. Ito ay nagbibigay ng malaking
kontribusyon sa ating araw-araw na pangangailangan. Sa ngayon, ang ating bansa ay
nahaharap sa malaking problema sa pagsasaka dala ng iba’t-ibang problema at isa na dito

10
ang kawalan ng interes ng mga tao lalo na ang mga anak na dapat ipagpatuloy ang
hanapbuhay ng kanilang magulang na magsaka ng lupain. Marami ang lumuwas ng siyudad
at iniwan ang kanilang nagisnang hanapbuhay dahil dito humina ang sektor ng agrikultura.
Bilang sumusunod ng henerasyon, paano mo mahihikayat ang mga kabataan na tangkilikin
ang hanapbuhay ng pagsasaka?
Pananaw: ______________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Sitwasyon 2
Ang simbahan ang siyang sandigan ng mga tao kapag ito ay nagkaroon ng problema.
Malaki ang impluwensiya nito lalo na sa larangan ng politika, ekonomiya at sosyo-kultural.
Hindi makakaila na ang simbahan ay nababalot ng kontrobersya maging noon pa man sa
Panahong Midyebal. Sa kasalukuyan nababalot pa rin ng kontrobersya ang Simbahang
Katoliko lalo na sa may kinalaman sa mga usaping pang-gobyerno. Bilang isang mag-aaral,
ano ang iyong pananaw ukol sa usapin ng panghihimasok ng Simbahang Katoliko sa mga
isyung pampolitikal?
Pananaw: _______________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isiping mabuti ang sa tingin mo ang
pinakawastong sagot sa mga tanong.
1. Ano ang tawag sa mga sagradong ritwal ng simbahan?
A. Mga Sakramento B. Mga Sakripisyo
B. Pagpapako sa Krus D. Mga Pagdiriwang

2. Karamihan sa mga maharlika at mga mayayamang mangangalakal ay sumama sa


krusada. Alin sa mga pahayag ay isang pangunahing resulta ng Krusada?
A. Ang pagpapahina ng kapangyarihan ng gitnanguri sa Europa
B. Pagbabago ng nakararami ng mga taga-Europa sa Protestantismo
C. Paglago ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya
D. Pag-unlad ng pyudalismo sa Europa

3. Ano ang papel na pang-kultura na ginampanan ng Simbahang Romano Katoliko sa


buhay ng mga tao sa panahon ng Gitnang Panahon?
A. Nagbigay ito sa kanila ng mga trabaho at nakakuha sila ng paycheck
B. Binigyan sila ng pagsasanay at sandatang military depensa sa sarili
C. Nagkaisa sila at mas naging malakas laban sa mga barbaro
D. Walang nagampanan na mabuting kontribusyon ang Simbahan

4. Alin ang pinakamahusay na naglalarawan ng impluwensya ng Simbahan sa panahon ng


Gitnang Panahon?
A. Isang bata mula sa isang pamilya ay naging monghe o madre
B. Hiwalay ang simbahan at hari sa pamamahala sa nasasakupan
C. Ang mga tao ng ibang mga relihiyon ay nanirahan sa Europa

11
D. Ang buhay sa mga nayon at bayan ay umiikot sa simbahan

5. Sa Panahong Medyibal, paano na iimpluwensyahan ng mga pinuno ng relihiyon na


Katoliko ang mga hari at panginoon (landlords) ng Europa?
A. Ang mga obispo at cardinal ay ginawa bilang mga hari
B. Ang simbahan ay may isang hukbo na mas malaki
C. Kontrolado ng simbahan ang suplay ng pagkain sa Europa
D. Itinuro ng simbahan na ito ay may kapangyarihan sa bawat tao
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting epekto ng piyudalismo?
A. Nalinang at napakinabangan ang mga nakatiwangwang na mga lupain
B. Napangalagaan din ang mga mamamayan sa kaaway
C. Pinahalagahan ang pagiging maginoo na naging huwaran ng
kagandahang asal ng mga kalalakihan
D. Lumaki ang agwat ng mayaman sa mahirap sa pangkat lalong
yumaman ang panginoon samantalang lalong naghirap ang mga taga-
bungkal ng lupa

7. Paano nakatulong ang sistemang Manoryalismo sa pagbuo ng mga bagong bayan at


lungsod?
A. Pagkamatay ng panginoong may lupa
B. Sa isang manor ay madaming produktong iniluluwas, dumami ang
bilang ng tao at umunlad ang isang nayon
C. Nagkaroon ng madugong labanan ang mga serf at kabalyero
D. Umalis ang mga magsasaka at sumama sa krusada

8. Paano nakaimpluwensiya ang kaisipang krusada sa kasalukuyan?


A. Naniniwala sa paglaban sa karapatang pantao o mga iligal na gawain
B. Lumaganap ang simbolong krus
C. Namumuhay na mapayapa ang mga Kristiyano at mga Muslim
D. Lumaganap ang inpluwensiya ng Kristiyanismo sa Gitnang Asya

9. Paano napananatili ng Simbahang Katoliko ang impluwensiya nito sa kabila ng mga


iskandalo o isyung kinakaharap nito?
A. Dahil marami ang tagasunod ng Simbahang Katoliko
B. Tinatakpan kaagad ang pang-aabuso at iba pang isyu
C. Pinaparusahan sa pamamagitan ng paglipat ng pari sa ibang Diocese
d. Gumagawa ang simbahan upang masolusyonan ang mga kontrobersya

10. Paano na impluwensyahan ang paglitaw ng pyudalismo sa Panahon ng Medyibal sa


Europa ang Simbahang Katoliko?
A. Hinikayat ng simbahan ang mga paglalakbay sa paggalugad
B. Inilathala ng simbahan ang Bibliya sa vernacular
C. Pinagtibay ng simbahan ang Latin bilang opisyal na wika
D. Ang simbahan ay nagsilbing unifying power sa lipunan

12
Karagdagang Gawain
Panuto: Sa puntong ito, susukatin ang kabuuang kaalaman, pag-unawa, at ang
pagpapahalaga ng isang mag-aaral na kanyang natutunan sa bahaging ito ng ating aralin.
Punan ang patlang ng iyong sagot tungkol sa mga katanungan na mababasa sa Dialogue
Box Clip Art.

Bagay na aking natutuhan: Bagay na nakapukaw sa akingisipan:


____________________________ ________________________________
__________________. ____________________.

Ano ang nabuo mong konklusyon hinggil sa araling ito?


____________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Photo credit: https://www.thoughtco.com/cartoon-strip-social-interactions-3110699

Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian
Suriin

Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Esperitu, Edna L. De Jesus,
Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis, Dir. Jocelyn DR. Andaya,
Jose D. Taguinayo Jr., EdD. Rosalie B. Masilang, PhD. Enrique S. Palacio,Phd, at ArmiSamalla Victor.
Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig. (Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc., 2016), 229-256.

Prezi Inc., “Piyudalismo at Manoryalismo.” Accessed July 20, 2020,


http://angpeudalismo.blogspot.com/2017/12/manoryalismo.html

Module
EASE Modyul 8: Ang SimbahangKatoliko: Isang MakapangyarihangInstitusyon sa GitnangPanahon
EASE Modyul 9: Sistemang Piyudal sa GitnangPanahon sa Europa
Websites
https://quizizz.com/admin/quiz/5ba8f2261134c10019f42f98/ch7-the-rise-of-europe

https://study.com/academy/lesson/the-medieval-warm-period-and-new-agricultural-technologies.html

Images
Larawan A
https://www.pngfuel.com/free-png/jlfen/download
Larawan B
https://clipartstation.com/wp-content/uploads/2017/11/mass-clipart2.gif
Larawan C
https://paintingvalley.com/download-image#marketplace-drawing-35.jpg
Larawan D
https://www.uihere.com/free-cliparts/middle-ages-knight-feudalism-cartoon-king-arthur-knight-
6547672/download
KaragdagangGawain

https://www.thoughtco.com/cartoon-strip-social-interactions-3110699

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

14

You might also like