You are on page 1of 20

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3 (Week 3)

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura


Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3 (Week 3): Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mgaiyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyong ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Estrella Rubio
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas Mila O. Inot
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent : Cartesa M. Perico, EdD
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, EdD.
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
EPSVR - LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 410-4525
Email Address: oliver.tuburan@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3 (Week 3)

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa aralin tungkol sa Suliranin sa Sektor ng Agrikultura.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa aralin tungkol sa Suliranin sa Sektor ng Agrikultura.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng


modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
Subukin laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang


Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

i
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o


talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isaisip

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong


Isagawa
kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Tayahin

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.


Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sapamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugangpagkatuto at
makakakuha ka ng malalimna pang-unawasakaugnaynamgakompetensi. Kaya mo ito!

ii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasiyam na Baitang!
Noong nasa unang bahagi ng ikaapat na markahan,napag-aralan mo ang bahaging
ginagampanan ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat sa ekonomiya ng bansa.
Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa mga dahilan at epekto ng
suliranin sa sektor ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat sa ekonomiya ng bansa.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo upang higit na mauunawaan ang sektor
ng agrikultura, napapanahong isyu sa ekonomiks at pambansang pag-unlad. Mahalagang
malaman mo ang kabuluhan ng pag-aaral ng dahilan at epekto ng suliranin sa sektor ng
pagsasaka, pangingisda at paggugubat sa bawat Pilipino at sa ekonomiya ng bansa.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin natin ang daan patungo sa karunungan!


Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura


Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda at paggugubat sa bawat Pilipino (MELC);
2. Natutukoy ang mga suliranin sa sektor ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat;
3. Nailalarawan ang kalagayan sa sektor ng agrikultura sa kanilang pagharap sa mga
suliranin at;
4. Nakapagmumungkahi ng mga solusyon sa mga suliranin ng sektor ng pagsasaka,
pangingisda at paggugubat.

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at pag-isipan kung ano ang tamang sagot.
Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa isang hiwalay na papel.
1. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong lalo na sa mga nakatira sa mga
probinsiya ang umaasa sa sektor ng agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod ang
hindi nabibilang sa sektor ng Agrikultura?
A. Pagmamanupaktura C. Paggugubat
B. Pangingisda D. Paghahayupan

2. Ang ekonomiya ay binubuo ng iba’t ibang sektor na magkabalikat upang isulong ang
pambansang kaunlaran. Alin sa sumusunod na sektor ang nagsusuplay ng mga hilaw
na materyales upang makabuo ng mga produkto?
A. Industriya C. Paglilingkod
B. Agrikultura D. Impormal na Sektor

1
3. Bagaman, malaki ang naitutulong ng agrikultura sa paglago ng GNP ng bansa , unti-
unting bumababa ang kontribusyon nito dahil sa mga suliraning kinahaharap ng sektor.
Anong suliranin ang tumutukoy sa pagkakulong ng init ng araw sa atmospera sanhi ng
carbon dioxide na nagmula sa pagsunog ng mga plastics at fossil fuel?
A. Soil erosion C. Polusyon
B. Global warming D. Climate change

4. Isang pangunahing suliranin sa sektor ng agrikultura ay ang pagliit ng lupang


pansakahan. Alin sa mga sumusunod ang posibleng dahilan nito?
A. Ibenebenta ng magsasaka ang lupain
B. Kawalan ng ganang magtanim
C. Paglaki ng populasyon
D. Kawalan ng suporta mula sa pamahalaan

5. Ang sektor ng agrikultura ay hinahati sa tatlong sub-sektor. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI kabilang sa pangkat?
A. Pagmamanupaktura C. Pangingisda
B. Paggugubat D. Pagsasaka

6. Isa sa mga suliranin ng pagsasaka ay ang kakulangan ng mga pasilidad at


imprastruktura sa kabukiran. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng imprastruktura?
A. Farm-to-market-road C. Paggamit ng mga pataba
B. Pamuksa ng peste D. Teknolohiya

7. Ang patuloy na pagkasira ng ating anyong-tubig ay dulot ng mga duming nanggagaling


sa tahanan at industriya. Ano ang sanhi sa suliraning ito?
A. Kamangmangan C. Populasyon
B. Polusyon D. Wala sa mga nabanggit

8. Ang mga magsasaka at mangingisda ay may pinakamababang sahod o kita kumpara sa


ibang manggagawa. Kung ikaw ay anak ng magsasaka o mangingisda, sa panahon
ngayon, mahihikayat ka bang mananatili sa sektor na ito?
A. Hindi C. Oo
B. Hindi tiyak D. Posible

9. Ang pagguho ng lupa dahil sa kawalan ng nga puno at natatangay ng agos ng tubig ang
masustansiyang lupa sa ibabaw ay karaniwan ng nangyayari sa iilang lugar. Anong sub-
sektor ng agrikultura ang may ganitong suliranin?
A. Paggugubat C. Pagsasaka
B. Pangingisda D. Paghahayupan

10. Sa thrawl fishing, ang mga mangingisda ay gumagamit ng malaking lambat na may
pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madadaanan, maliit man o
malaki at sumisira sa mga korales. Ano ang tawag sa itlugan at bahay ng mga isda na
nasisira sa ganitong pangingisda?
A. Kolares C. Daungan
B. Sea Shells D. Bakhaw

2
Aralin
Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
3
Isang masayang pagtuntong sa Ikasiyam na Baitang!
Sa naunang aralin, natutunan mo ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya at kahalagahan nito
sa pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.
Ngayon, mas mapapalawak at mapapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga
dahilan at epekto ng suliranin sa sektor ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat sa bawat
Pilipino. Ating tandaan na ang mga suliraning hinaharap ng ating lipunan tungkol dito ay
sadyang nakakaapekto sa nakakarami lalo na sa mga mahihirap na mamamayan.

Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin natin ang daan patungo sa karunungan!

Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at pag-isipan kung ano ang tamang sagot.
Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa isang hiwalay na papel.

1. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7, 100 na isla. Dahil sa lawak ng lupain ay


napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural. Bakit sinasabing malaking
bahagi ng ekonomiya ay nakasalalay sa sektor ng agrikultura?
A. Dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang
pangangailangan sa hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon
B. Lumiliit na ang lupang pansakahan
C. Pagbibigay ng prayoridad sa sektor ng industriya
D. Kakulangan ng suporta mula sa ibang sektor

2. Ang ekonomiya ay binubuo ng iba’t ibang sektor na magkabalikat upang isulong ang
Pambansang Kaunlaran. Alin sa sumusunod na sektor ang nagsusuplay ng mga
hilaw na materyalis upang makabuo ng mga produkto?
A. Industriya C. Paglilingkod
B. Agrikultura D. Impormal na Sektor

3. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong lalo na sa mga nakatira sa


mga probinsiya ang umaasa sa sektor ng agrikultura para mabuhay. Alin sa
sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng Agrikultura?
A. Pagtotroso C. Paggugubat
B. Pangingisda D. Paghahayupan

3
4. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tapagapagtustos ng isda
sa buong daigdig. Isa sa pinakamalaking daungan ng mga huling isda ay
matatagpuan sa ating bansa. Alin sa sumusunod ang hindi uri ng pangingisda?
A. Komersyal C. Aquaculture
B. Munisipal D. Horticulture

5. Sinasabing ang sektor ng Agrikultura ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng


ekonomiya. Alin sa sumusunod ang hindi produkto ng paggugubat?
A. Troso C. Lapis
B. Papel D. Marmol

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: SEeKTOuR Connect!
Panuto: Pagdugtungin sapamamagitan ng tuwidnalinya ang mgaletrangbumubuo ng
mgasalitangnakatagosapalaisipan ang satinginmoay may kaugnayansaSektor ng
Agrikultura. Isulat ang inyongnabuongsalitasatalahanayan at ilarawan ang bawatisa.

A B K D E G P L M N P R S C U W Y A B
B C L B B K A C A B A K K O B M L B C
C D A C C A G D B C G O A M C U A C D
P A N G I N G I S D A M Q M D N N D A
E I O E E I U I D A N E U A E I O E I
G U Y G G M G X E D E R A N O S Y G U
P A G H A Y U P A N S S C O D I L H A
L B I C O M B A N D E Y U N O P Y L B
M C D M E P A G H A H A L A M A N M C
N M A R K E T E C O N L T Y M L Y N M
R D R K E E I E I D A N U O T A F R D
R S T U W Y O E E I E I R A N D O R S
S I S T E M A Q U A C U E O N O M I Y

Mga nahanap na salita na may kaugnayan sa


sektor ng agrikultura

1.

2.

3.

4
4.

5.

6.

7.

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: HALINANG MAGBASA AT MATUTO
Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa ibaba at gawin ang Data Analysis Chart upang
matukoy mo ang mga suliraning kinakaharap ng mga sub-sektor ng Agrikultura.

KILALANIN NATIN
Estrella C. Rubio

PAGSASAKA: Magandang araw po mga kaibigan, kapuso at kapamilya.


Pamilyar ba kayo sa pangalan ko?
Sabi nila ako raw ay napakahalaga dahil sa akin umaasa ang
ibang sektor para sa mga hilaw na sangkap upang makabuo ng mga
bagong produkto.
Ako ay hindi masyadong binigyang-pansin ng pamahalaan, kung kaya hindi
Masyadong malaki ang aking naiambag sa ating ekonomiya.
Ang iyong lingkod, sub-sektor ng pagsasaka po.
Buong buhay ko, ako ay binabato ng maraming suliranin na naging
Dahilan sa pagkaudlot ng aking paglago. Magbasa at isa-isahin ko po:

1. Pagliit ng lupang pansakahan


2. Paggamit ng teknolohiya
3. Kakulangan ng pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
4. Kakulangan ng suporta mula sa ibang sektor
5. Pagbibigay ng prayoridad sa sektor ng industriya
6. Pagdagsa ng dayuhang kalakal
7. Climate change

5
Nais kong ipakilala sa inyo ang aking mga kaibigang sub-sektor. Sina G. Pangingisda at
Bb. Paggugubat. Halina at pakinggan natin ang kanilang mga hinanaing.

PANGINGISDA: Kumusta po kayong lahat? Alam n’yo ba na ang Pilipinas ay isa sa


pinakamalaking nagsusuplay ng isda sa buong daigdig? Ngunit ako
ay nalulungkot sa mga pangyayari at kasalukuyang naghahanap ng
solusyon sa aking mga suliranin gaya ng:

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersyal na mangingisda


2. Epekto ng polusyon sa palaisdaan
3. Lumalaking polusyon sa bansa
4. Kahirapan sa hanay ng mangingisda

Ako’y umaasa na inyong matutulungan sa paglutas ng aking mga suliranin.

PAGGUGUBAT: Hello po! Ako naman si Paggugubat, isang pangunahing pang-


ekonomikong gawain sa sektor ng Agrikultura. Sa akin nagmumula ang
plywood, tabla, troso at veneer. Pinagkakakitaan din ako ng rattan,
nipa, anahaw, kawayan, pilo’t pukyutan at dagta ng almaciga.
Mabilis ang pagkaubos ng mga kagubatan na naging sanhi ng
malawakang suliranin sa pagkaubos ng mga likas na yaman na
nagdudulot sa sumusunod na suliranin:

1. Nababawasan ang mga hilaw na sangkap sa produksiyon


2. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop
3. Naging sanhi ng pagbaha na sumisira sa mga pananim taon-taon
4. Naapektuhan sa pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na
ginagamit sa mga irigasyon ng mga sakahan
5. Nagdudulot ng pagguho ng lupa at soil erosion

Sana po ay dinggin ninyo ang aming mga hinanaing mga matalik naming
kaibigan. Ika nga, that’s what friends are for. Oh, di ba?

6
DATA ANALYSIS CHART

SEKTOR NG AGRIKULTURA
Markahan ng tsek (/)
SULIRANIN

PAGSASAKA PANGINGISDA PAGGUGUBAT

1. Pagliit ng lupang pansakahan


2. Paggamit ng teknolohiya
3. Kakulangan ng pasilidad at imprastruktura
sa kabukiran
4. Kakulangan ng suporta mula sa ibang sekto
5. Pagbibigay ng prayoridad sa sektor ng
industriya
6. Pagdagsa ng dayuhang kalakal

7. Climate change
8. Mapanirang operasyon ng malalaking
komersyal na mangingisda
9. Epekto ng polusyon sa palaisdaan
10. Lumalaking polusyon sa bansa
11. Kahirapan sa hanay ng mangingisda
12. Nababawasan ang mga hilaw na sangkap
sa produksiyon
13. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop

14. Naging sanhi ng pagbaha na sumisira sa


mga pananim taon-taon
15. Nagdudulot ng pagguho ng lupa at soil
erosion
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang binabanggit sa binasang teksto?

2. Ano ang iyong naramdaman matapos basahin ang teksto?


3. Kung pagbabatayan ang mga impormasyon sa Data Analysis Chart, masasabi mo
bang malinaw mo ng naiintindihan ang aralin?
4. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura?
5. Anong konklusyon ang mabubuo mo mula sa tekstong binasa?

7
Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: SULIRANIN, SOLUSYUNAN MO
Panuto: Basahin at unawain ang mga nakatalang suliranin sa loob ng bawat kahon.
Magmungkahi ng mga posibleng solusyon sa bawat suliranin at isulat sa kahon ang iyong
sagot.

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang napapansin mo sa iyong mga sagot?
2. Mula sa iyong mga sagot, natutukoy mo ba ang dahilan at epekto ng mga
suliranin sa sektor ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat sa buhay ng
bawat Pilipino?
3. Batay sa iyong obserbasyon sa sektor ng agrikultura sa inyong lugar, maayos
ba ang pagpapatakbo nito? Pangatwiranan

8
Isaisip
Panuto: Basahin at unawain ang diagram sa ibaba at pag-isipan ang epekto na naklahad
kung paano ito makahadhadlang sa pag asenso na isang bansa at sa mamamayan nito.
Sagutin ang pamprosesong katanungan para lalo mong maintidihan ang paksang inilahad.

9
MGA PAMPROSESONG TANONG:

1. May mga bahagi ba ng buod ng paksa ang hindi mo nakuha sa mga nagdaang gawain
sa pagkatuto?
2. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan mong malaman at maintindihan ang paksa ng
araling ito?
3. Ano ang konklusiyon na mabubuo mo tungkol sa paksa ng araling ito?

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: PANUNUMPA KO, SOLUSYON MO
Panuto: Gumawa ng isang panunumpa o pledge kung paano ka makikilahok upang
mabigyang-solusyon ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura. Gawing
gabay sa paglikha ang rubriks sa ibaba.

PANUNUMPA
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

10
RUBRIK SA PAGMAMARKA SA PANUNUMPA O PLEDGE

Napaka Katam Papa Nanganga-


husay Mahusay taman unlad ilangan ng Iskor
Kategorya (10) (7-9) (5-6) (2-4) gabay
(1)
Ang Ang May May Walang
1. Nilalaman kalinisan ay nilalaman kaunting maramingb kabuluhan at
(Kalinisan at nakikita sa ng pledge bura sa ura at ang kalinisang
kahalagahan) kabuuan ng ay pledge pledge ay makikita sa
pledge makabulu gayundin hindi pledge
gayundin han at ang gaanongm
ang malinis nilalaman akabuluha
nilalaman ay hindi n
ay gaanong
makabulu makabulu
han han
Ang Ang pledge Iilan sa mga Karami han Walang
2. Pagkama kabuuan ng ay masining salitang sa mga pagkamalikha
likhain pledge ay at natatangi ginamit ay salitang in ang nakita
(Disenyo at makulay, karaniwan ginamit ay sa paggawa
masining at karaniwan ng pledge
kagamitan)
natatangi
Ang ginamit Ang istilo ng Iilan sa Karami han Walang
3. Istilo ng na istilo ay pagsusulat salita ay sa salita ay kalinawan at
Pagsusulat malinaw, ay malinaw hindi hindi pagkamalikha
masining at at nababasa malinaw malinaw in ang nakita
nababasa
Ang Karamihans Iilan sa Karami han Walang
4. Tema kabuuan ng a nilalaman nilalaman sa kaisahan at
(Kaisahan) pledge ay ay kaugnay ay hindi nilalaman kaugnayan sa
may sa tema kaugnay sa ay walang tema at
kaisahan at tema kaugnayan nilalaman
kaugnayan sa tema

5. Pagsulat Lahat ay Karamihan Iilan ay Karami han Lahat ay mali


sa wastong nasa ay nasa nasa ay mali
balarila wastong wastong wastong
balarila balarila balarila
(grammar)

KABUUAN:

11
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at pag-isipan kung ano ang tamang sagot.
Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa isang hiwalay na papel.
1. Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita sa mga sektor ng
ekonomiya. Ang sektor ng agrikultura ay isa sa katuwang ng pamahalaan sa
pagkamit ng kaunlaran. Aling pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto
B. Lumiliit ang lupang pansakahan dahil tumataas ang populasyon
C. Pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa sektor ng Industriya
D. Kakulangan ng suporta mula sa ibang sektor

2. Isa sa mga masamang naidudulot sa pagkaubos ng kagubatan ay ang “ soil erosion”.


Alin sa mga pahayag ang naglalarawan nito?
A. Ito ay nagaganap dahil sa hindi wastong paggamit ng teknolohiya
B. Ang pagkakasira ng sistemang pangkalikasan
C. Natatangay sa agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasabay ang pagkawala ng
sustansiya nito
D. Malimit ang pagdating ng bagyo, tagtuyot at iba pang kalamidad

3. Isang pangunahing suliranin sa sektor ng agrikultura ay ang madaling pagkasira ng


kanilang mga ani. Bakit nangyayari ito?
A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka
B. Kawalan ng mga mamimili sa mga pamilihan
C. Kawalan nang maayos na daan patungo sa pamilihan
D. Kulang sa kaalaman

4. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayamang bansa kung ang pag-uusapan ay likas na
yaman. Mataba ang lupain at hitik ang ating mga anyong tubig sa iba’t ibang yamang
dagat. Ngunit sinasabing ang agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa
ekonomiya ng bansa. Ano ang nais na ipahihiwatag nito?
A. Kulang ang pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura
B. Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo
C. Kulang ang suporta na natatanggap ng mga kababayan natin
D. Lahat ng nabanggit

5. Itinuturing ang sektor ng agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya


samantalang ang industriya naman ang tinatawag na sekundaryang sektor.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng
pambansang ekonomiya. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
epektibong ugnayan ng dalawang sektor?
A. Sa malawak na lupain nagaganap ang produksiyon ng agrikultura samantalang
sa bahay kalakal ang industriya
B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga
entrepreneur ang kapitan ng industriya
C. Ang mga hilaw na materyalis na nagmumula sa sektor ng Agrikultura ay lubhang
mahalagang sangkap sa sektor ng Industriya upang gawing panibagong uri ng
produkto
D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay
nananatilisa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka

12
6. Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Alin sa
mga pahayag ang nagpatotoo nito?
A. Lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang
pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na materyales na kailangan sa
produksiyon
B. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa pagmimina, paghahayupan,
pangingisda, paggugubat at paghahalaman
C. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain
D. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking tagatustos ng isda sa
buong mundo

7. Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng
ekonomiya. Ang sektor ng agrikultura ay isa sa katuwang ng pamahalaan sa
pagkamit ng kaunlaran. Aling pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto ang sektor ng
Agrikultura
B. Lumiliit ng lupang pansakahan
C. Pagbibigay ng prayoridad sa sektor ng Industriya
D. Kakulangan ng suporta mula sa ibang sektor

8. Kung ikaw ay nakapagtapos na ng pag-aaral, gugustuhin mo bang mapabilang sa


mga manggagawang napabilang sa sektor ng agrikultura? Bakit?
A. Hindi, dahil ang mga suliranin sa sektor na ito ay hindi pa nalulutas
B. Hindi pa ako tiyak kung saang sektor papasok
C. Hindi, dahil nakakapagod ang mga gawain sa sektor na ito
D. Hindi, dahil di-biro ang magtatanim

9. Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Alin sa


mga pahayag ang nagpatotoo nito?
A. Lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang
pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na materyales na kailangan sa
produksiyon
B. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa pagmimina, paghahayupan, pangingisda,
paggugubat at paghahalaman
C. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain
D. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo

10. Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita sa mga sektor
ng ekonomiya. Ang sektor ng agrikultura ay isa sa katuwang ng pamahalaan sa
pagkamit ng kaunlaran. Aling pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto
B. Lumiliit ang lupang pansakahan dahil tumataas ang populasyon
C. Pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa sektor ng Industriya
D. Kakulangan ng suporta mula sa ibang sektor

13
Karagdagang Gawain
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: BULAKLAK NG PAGKATUTO
Panuto: Punan ang Flower Chart ng iyong mga personal na natutunan sa paksa ng araling
ito. Isulat ang iyong mga natutunan sa paligid ng bulaklak.

1 4
Mga natutunan ko
sa paksa ng araling
ito:

Susi sa Pagwawasto

14
Sanggunian
Book
Corpuz, Onofre D. An Economic History of the Philippines. Quezon City: University of the Philippines Press,
1997 Inc

Balitao, B., Cruz N., Rillo, J. (2004). Ekonimiks: Pagsulong at Pag-unlad


Makabayan Serye. Quezon City :Vibal Publishing House, Inc.

https://image.slidesharecdn.com/ibalon-170730063614/95/ibalon-19-638.jpg?cb=1501396652
https://lh3.googleusercontent.com/proxy/sUxMSYHKObqHC668Ob8gH7TMqTXBf4gGEqvMkTwJ18jPB5gs6
fEzD6g3kdcCE5_G44u1tYuHZCiPWYTWvrj-72DztvI1gDxPIb6y6wxFN0CWvXT2kVye7kQLE6hdI3Y
https://st2.depositphotos.com/4769585/11051/v/950/depositphotos_110511048-stock-illustration-heavy-
loaded-logging-truck-in.\

15

You might also like