You are on page 1of 22

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 7 (Week 7)

Ang Layunin, Paraan at mga


Sirkumstansiya ng Makataong Kilos
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7 (Week 7): Ang Layunin, Paraan at mga
Sirkumstansiya ng Makataong Kilos

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jusil C. Linao
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Tagasuri: Marigold J. Cardente Teresita A. Bandolon
Tagaguhit:
Tagalapat: Ma. Teresa Amoin
Plagiarism Detector Software: Plagiarism Detector.com
Grammar Software: Citation Machine.com
Tagapamahala: Dr. Wilfreda D. Bongalos Dr. Marcelita S. Dignos
Dr. Oliver M. Tuburan Marigold J. Cardente
Teresita A. Bandolon Czarina Ritzko J. sagarino
Ma. Teresa Amion Marrieta Ferrer

Inilimbag sa Pilipinas
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 7 (Week 7)

Ang Layunin, Paraan at mga


Sirkumstansiya ng Makataong Kilos

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao10


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang
Layunin, Paraan at mga Sirkumstansiya ng Makataong Kilos.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan
ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral
ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaktao10


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang
Layunin, Paraan at mga Sirkumstansiya ng Makataong Kilos.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


Subukin na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
Tuklasin isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

iv
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikasampung Baitang!
Ngayong nasa Ikasampung Baitang ka na naisip at napagtanto mo na
basa iyong sa iyong sarili kung nakatulong ba ang konseptong mga natutuhan
mo sa mga nagdaang baitang sa Edukasyon sa Pagpapakatao?
Sa unang aralin natutuhan mong ang lahat ng iyong kilos maging mabuti
man o masama ang resulta nito ikaw ay may pananagutan sa lahat ng
pagkakataon sapagkat ikaw ang nagpasiya at gumawa ng kilos. Dapat nating
tandaan na hindi lahat ng kilos ay maituturing na makatao. Ngunit paano mo
nga ba masasabi na masama o mabuti ang isang kilos? Paano mo masasabi
na makatao ang isang kilos?
Sa modyul na ito lubos kang makapagninilay kung paano nga ba
masasabing mabuti o masama ang isang kilos. Sa paanong pagkakataon nga
ba natin masasabi na makatao ang isang partikular na kilos?
Handa ka na ba? Halina’t lakbayin natin ang daan patungo sa
karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Ang Layunin, Paraan at mga Sirkumstansiya ng Makataong Kilos

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Naipaliliwanag ng mag -aaral ang layunin, paraan at mga sirkumstansya
ng makataong kilos (EsP10MK -IIg -8.2);
2. Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa
isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at sirkumstansya nito
(EsP10MK -IIh -8.3) at;
3. Nakapagbigay ng sariling sitwasyon mula sa karanasan na nabibigyan
ng tamang layunin, paraan, at sirkumstansiya na nagbunga ng
makataong kilos.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang hinihingi
ng tanong. Piliin at isulat ang titik ng iyong mga napiling sagot sa hiwalay na papel.

Para sa katanungan 1 – 5.

Si Shana ay laging nagpupunta sa bahay ng kaniyang tiyahin. Pinagkakatiwalaan siya ng


kaniyang tiyahin sapagkat siya ang inuutusan nito sa mga gawaing bahay, pagbili ng gamot
sa sakit nito at iba pa. Kaya’t alam ni Shana ang pasikot – sikot ng buong bahay nga
kaniyang tiyahin. Alam ni Shana kung saan itinatago ng kaniyang tiyahin ang kaniyang mga
mahahalagang gamit lalo na ang pera nitong pambili ng gamot para sa sakit nito. Isang
araw, may kailangang bayaran si Shana sa paaralan at kapag hindi siya nakapagbayad ay
maari siyang bumagsak. Sa parehong araw, pumunta siya sa bahay nga kaniyang tiyahin
tiyempong wala ito, kinuha niya ang pera nito sa lagayan at ibinayad niya sa kaniyang
bayarin sa paaralan.

1. Mayroong apat na iba’t ibang sirkumstansiya. Si Shana na kumuha ng pera kaniyang


tiyahin. Alin sa mga sirkumstansiya naangkop si Shana?
A. Ano C. Saan
B. Paano D. Sino

2. Ang pagkuha ni Shana sa pera ng kaniyang tiyahin ay pagnanakaw. Alin sa


sirkumstansiya sa ibaba naaangkop ang pagkuha ni Shana ng pera?
A. Ano C. Saan
B. Paano D. Sino

3. Alin sa mga sirkumstansiya naangkop ang pagpunta ni Shana sa bahay ng kaniyang


tiyahin at pagkuha sa pera nito sa kaniyang bahay?
A. Ano C. Saan
B. Paano D. Sino

4. Alin sa mga sirkumstansiya naangkop ang ginawa ni Shana na nakapagbayad siya


ng bayarin niya sa paaralan gamit ang perang kinuha niya mula sa kaniyang tiyahin?
A. Ano C. Saan
B. Paano D. Sino

5. Masama ba ang naging kilos ni Shana?


A. Hindi, dahil mabuti ang kaniyang layunin
B. Oo, dahil kahit alam niyang mali ang pagnanakaw, ginawa niya pa rin ito
C. Hindi, dahil hindi naman alam na kaniyang tiyahin, malay mo ibabalik niya din ang
pera

2
D. Oo, dahil bagama’t mabuti ang kaniyang layunin masama ang kaniyang
pamamaraan

6. Matagal ng gustong magkaroon ni Shaw ng cellphone, isang araw habang sakay ng


traysikel nakita niyang nahulog ang cellphone ng kaniyang katabi at hindi ito
napansin ng may – ari. Kung ikaw si Shaw, ano ang gagawin mo na magdudulot ng
mabuting kilos?
A. Kukunin ko ang cellphone.
B. Kukunin ko ang cellphone hindi naman niya alam
C. Kukunin ko ang cellphone at isasauli ko sa may – ari
D. Wala sa mga nabanggit

7. Matagal ng gustong magkaroon ni Shaw ng cellphone, isang araw habang sakay ng


traysikel nakita niyang nahulog ang cellphone ng kaniyang katabi at hindi ito
napansin ng may – ari at patuloy ito sa pagbaba hanggang sa makaalis na ang
traysikel kaya kinuha ni Shaw ang cellphone at itinago. Masama ba o mabuti ang
naging kilos ni Shaw?
A. Masama, dahil kinuha niya ito ng walang paalam
B. Mabuti, dahil hindi naman alam ng may – ari na nahulog ang kaniyang cellphone
C. Masama dahil bagama’t gusto na niyang magkaroon ng cellphone hindi naman
ito sa kaniya
D. Mabuti, dahil hindi naman niya ninakaw ang cellphone, napulot niya ito dahil
nahulog at hindi napansin ng may – ari

8. Si Jon, ay isang empleyado ng city hall. Kilala siyang matulungin sa kanila kaya’t
lahat ng kapitbahay nila ay mahal si Jon at bilib sa kaniya ngunit lingi sa kaalaman
ng mga tao sa kanila na lahat ng kaniyang perang itinutulong sa kaniyang mga
kapitbahay ay galing sa kaniyang pagiging fixer at panghihingi ng suhol sa mga
mayroong transaksiyon sa city hall. Tama ba o Mali ang kilos ni Jon?
A. Tama, dahil mabuti ang kaniyang layunin.
B. Tama, dahil marami siyang natutulungan.
C. Mali, dahil hindi niya naman sariling pera ang kaniyang itinutulong.
D. Mali, dahil bagama’t mabuti ang kaniyang layunin masama naman ang kaniyang
pamamaraan.

9. Si Amanda ay isang Red Cross volunteer sa kanilang paaralan. Bilang isang Red
Cross volunteer kailangan mong sumali sa isang pagsasanay upang matuto ka sa
mga kailangang gawin sa pagbibigay ng first aid sakaling may mangailangan. Ang
pagsasanay ay mangyayari sa loob ng 2 araw. Alam mong hindi ka papayagan ng
iyong mga magulang na umalis sa inyong bahay at hindi umuwi. Kaya’t naisipan ni
Amanda na humingi ng pahintulot sa kaniyang mga magulang na gagawa ng
proyekto sa bahay ng kaklase at kailangang manatili doon ng 2 araw at sabi ni
Amanda sa kaniyang mga magulang kung hindi siya makakasali sa proyektong iyon
ay maaring siyang bumagsak sa klase kaya’t kahit labag man sa kalooban ng mga
magulang ni Amanda wala silang nagawa kundi ang payagan si Amanda. Tama ba
o Mali ang ginawang kilos ni Amanda?
A. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang layunin
B. Mali, dahil nagsinungaling si Amanda sa kaniyang mga magulang
C. Tama, dahil matututo siya ng mga bagay na maaring makatulong sa kapwa
D. Mali, dahil mabuti man ang kaniyang layuning matuto at makatulong, masama pa
rin ang kaniyang ginawang paraang pagsisinungaling sa kaniyang mga magulang

3
10. Kaarawan ni Julie, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan sa kanilang bahay at sila’y
nagkasiyahan at nagvideoke ng kaniyang mga kaibigan na umabot ng madaling
araw. At dahil madaling araw na, marami sa kanilang mga kapit-bahay ang
naperwisyo at nainis dahil sa kanilang ingay. Anong prinsipyo kaya ang sumasakop
sa sirkumstansiya ang makikita sa naging kilos ni Julie at ng kaniyang mga kaibigan?
A. And sirkumstansiya ay lumilikha ng mabuti o masamang kilos.
B. Ang sirkumstansiya ay maaari mong magawang mabuti ang masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuting kilos kahit na masama.
D. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kaibang kilos ng mabuti o
masama man.

Aralin Ang Layunin, Paraan at mga


7 Sirkumstansiya ng Makataong Kilos
Sa nakaraang modyul, iminulat ka na sa lahat ng pagkakataon ikaw ang nag – isip
at gumawa ng kilos kaya’t pananagutan mo anuman ang kalabasan nito, masama man o
mabuti. Samakatuwid, bilang tao nararapat nating suriing mabuti ang bawat kilos na
ginagawa natin.

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyong pag-uunawa kung ano ang mga layunin,
paraan at mga sirkumstansiya ng makataong kilos. Ang mga ito ay kailangan ng maayos
na pagtitimbang gamit ang isip at kilos loob para malaman at makukuha ang kung ano ang
dapat piliin at gawin na kilos. Kailangan ang ginawang kilos ay naayon sa makataong
pagkilos.
Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Balikan
Napagtanto mo sa nakaraang aralin na nararapat mong suriing mabuti ang iyong
gagawing kilos bago mo ito gawin sapagkatpananagutan mo ang magiging resulta ng kilos.
Ngayon subukan nating balikan ang iyong mga natutuhan sa nakaraang modyul.
Panuto: Hanapin at ayusin ang mga salitang nakasulat pabaliktad o scrambled na nasa
kahon na tumutugma sa hinihingi ng sitwasyon. Isulat ang tamang sagot sa iyong
kuwaderno.

SI YTILIBATNUOCCA BOOL GNASUK NOYSAGILBO

LOK GNOATAKAM OAT GN SILOK

4
1. Tungkulin ng tao na pag – isipang mabuti ang kaniyang kilos sa lahat ng
pagkakataon. Ano ang ibig sabihin ng tungkulin sa pangungusap?
SAGOT: ___________

2. Anong kilos ng tao na ginagawa niya ng may kamalayan, malaya at pagkukusa?


SAGOT: ___________

3. Ang iyong puso ay kusang tumitibok, hindi mo ito kontrolado at hindi mo maaring
piliin kung kailan ito dapat huminto o magpatuloy. Anong kilos ang nagaganap sa
iyo?
SAGOT: ___________

4. Si Jack ay laging maingat sa kaniyang mga kilos sapagkat alam niyang may
pananagutan siya sa lahat ng kaniyang kilos. Ano ang ibang salita ng
pananagutan?
SAGOT: ___________

5. Si Jana ay gustong pumasa ng high school kaya’t siya’y nag – aaral ng mabuti.
Alam at nauunawaan ni Jana ang kalikasan at kahihinatnan ng kaniyang kilos.
Anong uri ng kilos ang isinasagawa ni Jana?
SAGOT: ___________

Tuklasin

Gawain sa Pagkatuto Blg.1: PAGKUKULANG KO, PUPUNAN KO


Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento at piliin mula sa mga salitang nasa
habilog ang angkop na salitang para sa patlang. Isulat ang tamang sagot sa iyong
kuwaderno.

LAYUNIN KAHIHINATNAN

PARAAN SIRKUMSTANSIYA

Mayroon kang kaklase na matagal mo ng gusto. Ngunit tila ba hindi ka niya


napapansin kaya’t napagpasiyahan mong gumawa ng 1. ________________upang
mapansin niya. Kaya naging 2. ___________________mo nang bago matapos ang
pasukan ay dapat mapansin ka na niya. Isa sa iyong naging paraan ay ang pabibigay ng
liham ng pasekreto sa kaniya.
Naging 3. _____________________mo ang pagbibigay ng liham at iba pang paraan
ang iyong ginawa para lang kaniyang mapansin hanggang isang araw nga’y napansin ka
na niya. Ang naging 4. ________________ ng lahat ng iyong kilos ay napansin ka ng iyong
crush at nalaman mong crush ka din ng iyong crush.

5
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: HATOL KO ‘TO!
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon sa tsart at tukuyin kung masama ba o mabuti ang kilos
at ipaliwanag kung bakit iyan ang napili mong hatol. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
SITWASYON MASAMA O PALIWANAG
MABUTI

1. Si Vito ay nanalo bilang mayor sa kanilang lungsod. Sa


kaniyang pagkapanalo, walang inaksayang panahon si Vito
at ibinigay ang kaniyang sarili sa paglilingkod ng wasto at may
buong katapatan.

2. Si Jay ay gustong tulungan si Allen upang pumasa sa


kanilang klase kaya’t sa lahat ng mga pasulit sa paaralan
pinapakopya niya ito.

3. Habang nasa klase at habang nagtatalakay ang kaniyang


guro si Jerry naman ay patagong naglalaro ng Mobile
Legends.

4. May tindahan na maliit si Rudy, pero ngayong mayroong


pandemiya marami sa kanilang mga kapit – bahay ang
nangungutang sa kaniyang tindahan. Kahit alam ni Rudy na
hindi siya sigurado kung mababayaran ba na kaniyang mga
kapit-bahay ang kanilang mga utang sa kaniyang tindahan,
pinanapautang pa rin niya ang mga ito dahil alam niyang wala
na itong makain.

PAMPROSESONG MGA TANONG:


1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang mga gawain?
2. Ano ang iyong naramdaman matapos magawa ang mga gawain?
3. Nakatulong ba ang gawain upang mabigyang linaw ang katanungan mo tungkol
layunin, paraan at sirkumstansiya ng makataong kilos? Sa paanong paraan?
4. Para sa iyo, paano mo masasabi mabuti o masama ang isang kilos batay sa iyong
layunin, paraan at sirkumstansiya?

6
Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: CHIKA - MINUTO
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang mga susunod na Data Retrieval
Chart at gabay na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

SI MARIA AKO
Jusil C. Linao

Si Maria isang ulirang anak, matulungin at masipag sa gawaing bahay. Walang


reklamo ang kaniyang mga magulang sa kaniya lalo pa’t isa siyang matalinong mag – aaral
at laging nasa Top 10 ng kaniyang klase. Ang tanging gustong makamit ni Maria sa
kaniyang buhay ay ang makapasok sa isang prestihiyosong unibersidad, makapagtapos at
matulungan ang kaniyang mga magulang. Sa lahat ng pagkakataon ay nag – aaral ng
mabuti si Maria at lagi namang nagbubunga ang kaniyang mga pagsisikap, gaya ng
pagiging laging kabilang sa Top 10 ng klase.
Ngayong nasa huling baitang na siya ng high schoolmayroong ipinagkaloob sa kanila
na makapasok sa prestihiyosong unibersidad na pangarap niya ng may scholarship ngunit
kailangan nilang pumasa sa isang pasulit. Kaya’t pinaghandaang mabuti ni Maria ang
pagsusulit upang makuha ang scholarship. Ngunit habang sumasagot siya sa pagsusulit
mayroon siyang hindi maalalang sagot sa tanong. Nanghihinayang si Maria na hindi ito
masagutan sapagkat alam niya ito, iyon nga
lamang ay nalimutan niya. Napatingin si Maria sa papel ng kaniyang katabi at nakita niya
ang sagot. Naisip ni Maria na kung kokopyahin niya ang sagot, siguradong makukuha
niya ang scholarshipsamantalang kung hindi niya ito kokopyahin maaring hindi na niya
makuha ang scholarship.
Labis ang pagdadalawang – isip ni Maria kung ano ang kaniyang gagawin. Sa
bandang – huli napagdesisyunan ni Maria na huwag kopyahin ang sagot. Naisip niyang
makuha niya man ang scholarshipna iyon ngunit hindi naman naging mabuti ang kaniyang
kilos sa pagkamit nito.

Panuto.Gamit ang data retrieval chart, punan ang mga katanungan. Kopyahin ang data
retrieval chart sa iyong kuwaderno at isulat ang iyong mga sagot.

7
Mga Gabay na tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong mabasa ang kuwento? Bakit mo iyon
naramdaman?
2. Ano ang naging layunin ni Maria, mabuti ba ito o masama?
3. Ano ang naging paraan ni Maria upang makamit ang kaniyang layunin? Naging
mabuti baito o masama?
4. Ano ang sirkumstansiyang kinalalagyan ni Maria?
5. Kung pagbabasehan ang data retrieval chart, masasabi mo bang naging mabuti
ang desisyon ni Maria?
6. Para sa iyo, ano ang iyong natuklasang kahulugan ng layunin, paraan at
sirkumstansiya ng makataong kilos?
7. Ano ang iyong kongklusyon na mabubuo mula sa nabasang kuwento?

Nararamdaman Ko!

Tanong Pandamdamin:
Katulad ng ginawa ni Maria, kung sakaling maharap ka sitwasyong kailangang mong
magdesisyon. Paano mo kayang magagawang magdesisyong nakabatay sa iyong layunin,
paraan at sirkumstansiya? Ipaliwanag.

Pagyamanin

Gawain sa Pagkatuto Blg.4: BALIKAN NATIN ANG KAHAPON


Panuto: Gamit ang dayagram, punan mo ito ng iyong sariling sitwasyon mula sa iyong mga
naging karanasan na nabigyan mo ng tamang layunin, paraan, at sirkumstansiya na nagbunga ng
makataong kilos. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

• Layunin
• Paraan
Iyong
sitwasyon • Sirkumstansiya

• Layunin
• Paraan
Iyong
sitwasyon • Sirkumstansiya

• Layunin
• Paraan
Iyong
sitwasyon • Sirkumstansiya

8
PAMPROSESONG MGA TANONG:
1. Ano ang iyong masasabi sa iyong mga sagot? Nasiyahan ka ba o hindi?
Ipaliwanag.

2. Ano ang iyong nahinuha sa iyong mga naging kilos? Naging mabuti ka ba o
masama? Ipaliwanag.

3. Paano nga ba makatutulong sa iyo ang pagsusuri ng iyong kilos bago mo ito
isagawa?

4. Bilang isang kabataan, gaano kahalaga ang pagsusuri ng iyong kilos bago mo ito
isagawa?

Isaisip
Pukawin natin ang natutulog mong diwa!

Layunin Paraan

Sirkumstansiya

MAKATAONG KILOS
-> ang kinalabasan at ang ating pagkatao ay nakabatay sa ating
pagpapasiya. Ibig sabihin, hindi lahat ng kilos natin ay mabuti kaya
may mga bagay na dapat tayong pagbatayan upang matukoy natin
ang kasamaan at kabutihan ng isang kilos.

9
Samakatuwid, ang bawat kilos ay may layunin, may paraan kung paano
mo ito makakamit at may iba’t ibang kalagayan kang susuungin. Ang
mahalaga dapat mong isapuso’t isaisip na ang kilos ay dapat palaging
mabuti hindi lang sa kalikasan nito kundi nagsisimula dapat sa motibo
ng iyong kilos, paano mo ito ginagagawa at ang iyong sirkumstansiya.
Sa madaling salita, sa pagsasaalang – alang mo sa layunin, paraan at
sirkumstansiya ng iyong kilos, madali mong makikita at matutukoy kung
magiging mabuti ba o masama ang iyong kilos.

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: ALAM MO NA HA!
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon, at magsagawa ng iyong desisyon na
nakabatay sa layunin, paraan at sirkumstansiya upang makagawa ng makataong kilos.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Unang Sitwasyon
Mayroon kayong pasulit at nangungulit sa iyo ang iyong matalik na kaibigan na
pakopyahin siya ng sagot dahil babagsak siya kapag hindi mo pinakopya. Huling
pagkakataon na lamang ang pasulit na iyon sa iyong kaibigan at kapag bumagsak pa siya
ay maaaring hindi siya pumasa para sa susunod na baiting. Gusto mong tulungan ang iyong
kaibigan na pumasa. Ano ang iyong gagawin?

Ikalawang Sitwasyon
Lagi kang nasa Top 10 ng inyong klase, ngunit ngayong araw na ito ay hindi ka
nakapag – aral para sa inyong pagsusulit. Kapag hindi ka makakakuha ng mataas na marka
sa pasulit na iyon ay maaaring hindi ka na mapabilang sa Top 10. Katabi mo ng upuan ang
isa mong kamag-aral na matalino rin at nakikita mo lahat ng kaniyang sagot. Ano ang
gagawin mo?

Ikatlong Sitwasyon
Nasa loob kayo ng simbahan ng iyong mga kaibigan para magsimba. Nakita niyo
ang isa niyong kamag – aral na may kasamang may edad na lalaki, kayakap at
naglalambingan. Ang iba mong mga kaibigan ay pinag – uusapan na ang isa niyong kamag-
aral sa gitna ng misa. Ano ang gagawin mo? Sasali ka ba sa usapan?

10
PAMPROSESONG MGA TANONG:
1. Ano ang napansin mo sa iyong mga naging sagot?
2. Mula sa napansin mo, natukoy mo ba ang kabutihan ng kilos o kasamaan nito batay
sa iba’t ibang layunin, paraan at sirkumstansiyang inilatag ng bawat sitwasyon?
3. Paano mahuhusgahan kung ang isang layunin o paraan ay mabuti o masama?
Magbigay ng halimbawa.
4. Bilang isang kabataan, paano mo matutukoy kung ang iyong kilos na gagawin ay
magiging mabuti ba o masama?
5. Bakit kaya mahalagang pag – isipan mong mabuti ang isang kilos bago mo ito
isagawa? Ipaliwanag.

Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang hinihingi
ng tanong. Piliin ang titik ng napiling sagot. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Para sa katanungan 1 at 2.

Mayroong markahang pagsusulit si Jan sa susunod na linggo. Gusto ni Jan ang


makakuha ng mataas na marka. Kaya kahit na mahirap, pinagsikapan ni Jan na hindi muna
gumamit ng cellphone sa linggong ito. Sa gabi, pagkatapos kumain ay nag – aaral si Jan at
maagang natutulog. Pagkatapos ng pagsusulit, nakakuha ng mataas na marka si Jan at
siya’y nasiyahan.

1. Mabuti ba o masama ang layunin ni Jan?


A. Oo, dahil gusto niyang pumasa sa pasulit.
B. Hindi, dahil hindi ito bukal sa kaniyang kalooban.
C. Hindi, dahil napipilitan lamang si Jan sa kaniyang desisyon.
D. Oo, dahil gusto niyang pumasa sa pasulit at tungkulin niya iyon bilang mag – aaral.

2. Mabuti ba o masama ang paraan ni Jan?


A. Oo, dahil hindi siya nangopya.
B. Oo, dahil nagsikap siyang mag – aral araw – araw.
C. Hindi, dahil nahirapan siya sa kaniyang ginawang kilos.
D. Wala sa nabanggit.
Para sa katanungan 3 - 8.

Matalik na magkaibigan si Lance at Cody, matalino si Lance at masipag mag – aral


at sakto lang ang kalagayan sa buhay. Samantalang si Cody ay hindi kasing talino ni Lance
at ayaw niyang mag-aral at may kaya sa buhay ang pamilya. Magkasalungat man silang
dalawa ay matalik silang magkaibigan. Kaya sa lahat ng mga pagsusulit ay pinakokopya ni
Lance si Cody dahil ayaw niyang bumagsak ang kaniyang kaibigan. Si Cody naman ay
laging nililibre si Lance dahil magkaibigan sila at pinakokopya siya nito.

3. Nililibre ni Cody si Lance dahil pinakokopya siya ng kaniyang kaibigan sa lahat ng


pasulit. Mabuti ba ang layunin ni Cody sa kaniyang kilos?

11
A. Oo, dahil ang panglilibre niya kay Lance ay dahil kaibigan niya ito.
B. Oo, dahil gusto lamang tulungan ni Cody ang kaniyang kaibigang si Lance.
C. Hindi, dahil nililibre niya lamang si Lance dahil may nakukuha siyang kapalit.
D. Walang sagot.

4. Si Cody na nangongopya sa kaniyang kaibigang si Lance upang pumasa. Anong angkop


na sirkumstansiya mailalapat si Cody?
A. Ano C. Saan
B. Paano D. Sino

5. Si Lance na pinanapakopya ang kaniyang kaibigang si Cody dahil ayaw niya itong
bumagsak. Ang pagpapakopya ni Lance kay Cody, anong angkop na sirkumstansiya ito
mailalapat?
A. Ano C. Saan
B. Paano D. Sino

6. Pumasa si Cody dahil lagi niyang pangongopya kay Lance. Ang pangongopya ni Cody
kay Lance, anong angkop na sirkumstansiya ito mailalapat?
A. Ano C. Saan
B. Paano D. Sino

7. Pumasa si Cody dahil sa lagi niyang pangongopya kay Lance. Mabuti ba o masama ang
kilos ni Cody?
A. Mabuti, dahil hindi niya pinilit si Lance, kusa siyang pinapakopya nito.
B. Mabuti, dahil magkaibigan sila ni Lance at kagustuhan din ito ni Lance.
C. Masama, dahil mabuti man ang kaniyang layuning pumasa mali ang kaniyang
paraan.
D. Masama, dahil ano pa man ang kaniyang layunin hindi kailan man magiging tama
ang pangongopya sapagkat nagpapakita ito ng kawalang – respeto sa kaniyang
kaibigan at higit sa lahat sa kaniyang mga guro.

8. Kung ikaw si Lance, ano ang gagawin mo sa iyong kaibigang si Cody?


A. Gaya ng ginawa ni Lance, pakokopyahin ko rin si Cody.
B. Gaya ng ginawa ni Lance, pakokopyahin ko rin si Cody dahil kaibigan ito
C. Hindi na ako makikipagkaibigan kay Cody dahil masama siya
D. Kakausapin ko si Cody, kukumbinsihin ko siyang mag - aralat magtutulungan
kaming mag – aral.

9. Mayroon kayong markahang pasulit kinabukasan ngunit hindi ka nakapag-aral dahil


ginabi ka nang umuwi galing sa bahay ng iyong kaibigan. Sa pasulit, nakikita mo ang
lahat ng sagot ng iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ang sagot ng iyong
katabi?
A. Tama, dahil hindi ko hiningi ang sagot, kusa ko itong nakita.
B. Tama, dahil ang layunin kong makapasa sa pagsusulit ay mabuti.
C. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin ang sagot ng walang paalam ng aking katabi.
D. Mali, dahil kung ano lang dapat ang nalalaman ko, iyon lang dapat isulat kong
sagot sa pagsusulit

12
10. Ano ang ibig sabihin nito, “Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan
na nagsasabi ng ating katangian kung ano tayo at kung ano ang kalalabasan na ating
kilos ay batay sa ating pagpapasiya”.
A. Lahat ng ating ginagawang kilos ay mabuti.
B. Hindi lahat ng ating ginagawang kilos ay mabuti
C. Wala tayong pananagutan sa ating mga ginagawang kilos.
D. Mas lalong mabigat ang pananagutan natin sa ating mga ginagawang kilos.

Karagdagang Gawain

Gawain sa Pagkatuto Blg.6: AKING NATUTUNAN NGAYON


Panuto: Punan ang tsart ng iyong natutuhan at napagtanto mula sa aralin at ano ang
maari mong gawin upang mailapat ang iyong natutuhan mula sa araling ito. Kopyahin ang
tsart sa iyong kuwaderno at ang iyong sagot.

MULAT NA AKO

Mga bagay na natutuhan ko....

Napagtanto ko sa araling ito....

Paraan kong gagawin upang mailapat


ang aking natutuhan....

13
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Aklat
P.J. Arnedo. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 10: Modyul Para sa Mag - aaral. Pasig City: FEP
Printing Corporation. (2015). pp. 92 – 102, 107 – 123

Dy, Manuel B. Jr, and Hidalgo, Fe A. Edukasyon sa Pagpapakatao 10. DepEd-IMCS: FEP Printing
Corporation, 2015
Mary Jean B. Brizuela et. al., Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (DepEd-IMCS: FEP Printing
Corporation 2015) page 65-79.

Covey, S. (1998) The 7 Habits of Highly Effective Teens: The Ultimate Teenage Success Guide.
Ontario: Fireside

Dy, Manuel Jr. B. (2012). Philosophy of Man (Selected Readings). Quezon City: Katha Publishing
Co., Inc.

Lipio, F. (2004).Konsensiya Para sa mga Katolikong Filipino.Mandaluyong City. National Bookstore

14
Philip, J. (2006). I Choose to Be Free: The Power of Faith Hope & Charity. Manila: Sinag-Tala
Publishers
Articulo, A.C. et al. 2003 Values and Work Ethics. Trinita, Publishing Inc. Meycauayan, Bulacan.

De Torre, J. M. et al. 1992. Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values
Southeast Asian Science Foundation Sinag-tala Publisher. Inc.

Pablo, P.J II, 1991. Laborem Exercens (Ukkols sa Pagtratrabaho ng Tao), Archdiocese of Manila
Labor Center.
Plattele M. G. (1965) Social Philosophy. Pittsburg: Duquesne University Press.

Mga Dyornal

Cross-Sectoral Study of Corruption in the Phil. Committee for the Evangelization of Culture Phil.
2002. Province of Society of Jesus, Published by Ateneo de Naga University

Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Education Series for Fourth Year
High School. 1992. Manila: Sinag-Tala Publisher. Inc.

Mula sa Internet:
Dy, Manuel Jr. B. Liberation and Values.Chapter VIII.Retrieved October 16, 2014, from
www.books.google.com.ph/books?id=GT7KOQ

McKay B. & K. (2012).A Man’s Life, on Manhood, Personal Development. Retrieved October 14,
2014, from http://www.artofmanliness.com/2012/02/21/freedom-from-freedom-to/

XinhuaNet.U.S., Filipino soldiers participate in "Balikatan 2018"


drillshttp://www.xinhuanet.com/english/2018-05/09/c_137166660_7.htm
Etika 107.blogspot.com/2004/09 – Ikalawang aklat ng etika nikomekayo. Retrieved July 5,2014
https:// secure.ethicspoint.com/domain/media/fil/gui/27241/ code.pdf
Integridad Retrieved July 14,2014, form http://votenetphilippines.weebly.com/
uploads/6/7/0/8/6708089/aralin_10_integridad.pdf
Korapsyon (March 2012) Retrieved March 18,2014, from http://
www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.youtube.
com%2Fwatch%3Fv%3DnpNF9ByzIsE&h=BAQFhHfNz
Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan. Retrieved March 28,2014,from http://
reura,os.tripod.com/values-education-subject.html

15

You might also like