You are on page 1of 24

6

Homeroom
Guidance Program
Unang Markahan – Modyul 1:
Pagpapahalaga sa Sarili
Homeroom Guidance – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pagpapahalaga sa Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elsa S. Ramos


Editor: Jocelyn C. Pasag, EdD / Evelyn G. Regala
Tagasuri: Gelliza Z. Quiambao
Tagaguhit: Reicy L. Due
Tagalapat: Jennifer G. Cruz
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC - Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/HRGP : Jacqueline C. Tuazon
District Supervisor, Dinalupihan East/West : Rodger R. De Padua, EdD
Division Lead Book Designer : Lhoumel D. Alvaro
District LRMDS Coordinator, Dinalupihan East : Miralou T. Garcia, EdD
School Principal : Alma Q. Flores
District Lead Layout Artist, EsP/HRGP : Jennifer G. Cruz
District Lead Illustrator, EsP/HRGP : Reicy L. Due
District Lead Evaluator, EsP/HRGP : Ma. Luisa R. Bacani

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Homeroom
Guidance
Unang Markahan – Modyul 1:
Pagpapahalaga sa Sarili
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Homeroom Guidance - Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Pagbabago
sa Sarili!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Homeroom Guidance at Ikaanim na Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapahalaga sa Sarili!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mapahalagahan


ang iyong sarili, matutuhan at maunawaan ang mga pagbabagong nagaganap sa iyo
at upang higit na mapaunlad ang sarili.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Nakikilala na ang mga pagbabago sa sarili ay bahagi ng pag-unlad
(HGIPS-Ia)
a. naipaliliwanag ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon
ng pagdadalaga at pagbibinata
b. natutukoy ang mga pagbabagong pisikal,mental,emosyonal at sosyal
c. nauunawaan ang epekto ng pagbabagong nagaganap sa sarili sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata

1
Subukin

A. Pagmasdan at kilalanin ang mga larawang may kaugnayan sa mga pagbabagong


nagaganap sa sarili kung pangkatawan, pangdamdamin, pangkaisipan o
pakikipag-ugnayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 3.

2. 4.

2
5. 6.

B. Tukuyin at ipaliwanag ang mga pagbabagong nagaganap sa isang batang katulad


mo sa panahon ng “Puberty” (Pagdadalaga o Pagbibinata). Kumpletuhin ang tsart
sa ibaba gamit ang iyong sagutang papel.

Mga Pagbabago sa Sarili Mga Pagbabagong Nagaganap

7. Pagbabagong Pangkaisipan
(Mental)

8. Pagbabago sa Katawan
(Pisikal)

9. Pagbabago sa Pakikipag-ugnayan
(Sosyal)

10. Pagbabago sa Damdamin


(Emosyonal)

3
Aralin

1 Mga Pagbabago sa Sarili

Ang pagbabago sa sarili ay likas na nararanasan natin mula sa pagsilang hanggang


sa pagtanda. Ang batang katulad mo na nasa edad sampu hanggang labing-anim ay
kabilang na sa panahon ng “Puberty” o ang tinatawag na yugto ng buhay na
“pagdadalaga o pagbibinata”. Sa panahong ito, marami kang dapat isaalang alang
na malaman, maunawaan at matutuhan tungkol sa mga pagbabagong magaganap
sa iyong sarili upang ikaw ay magkaroon ng lubos na pagtitiwala sa iyong sarili.

Ang mga pagbabagong iyong mararanasan tulad ng pagbabagong pisikal


(pangkatawan) na tumutukoy sa mga pagbabagong nakikita sa panlabas na anyo,
pagbabagong emosyonal (emosyon) na may kaugnayan sa iyong nararamdaman ,
pagbabagong mental na may kaugnayan sa iyong kaisipan at pagbabagong sosyal
(pakikipag-ugnayan sa kapwa) ay bahagi ng iyong pag-unlad upang maging ganap
ang iyong pagkatao. Ang mga pagbabagong ito na nararanasan ay dapat tanggapin
nang maluwag sa kalooban para sa higit na ikauunlad ng iyong sarili.

Ang iba’t – ibang aspeto ng pagbabagong nararanasan sa panahon ng pagdadalaga


o pagbibinata ay may iba-ibang epekto din sa sarili tulad ng pagbabago ng ugali,
pagiging responsable sa mga nakaatang na gawain at pagkakaroon ng tiwala sa
sarili. Ang mga nabanggit ay pangkabuuang epekto ng mga pagbabagong nagaganap
sa sarili.

4
Balikan

Sa tulong ng graphic organizer; isulat ang mga katangiang naglalarawan sa iyo


noong ikaw ay limang taong gulang pa lamang (maaaring may kinalaman sa iyong
panlabas na anyo at sa iyong pag- uugali). Isulat ang iyong pangalan sa gitna ng
bilog gamit ang iyong sagutang papel.

“Ang Dating Ako”

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makilala, matukoy, maipaliwanag at maunawaan ang mga
pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata.

5
Tuklasin

Pagmasdang mabuti ang larawan at isipin kung ano ang mensaheng nais nitong
ipabatid. Pagkatapos ay bigkasin nang may damdamin ang tula sa susunod na
pahina at unawain itong mabuti.

Kaaya-ayang Pagbabago, Kinagigiliwan Ko!

ni: Hazel S. Ramos


Pagmulat ng mata sa isang magandang umaga
Iba ang pakiramdam na tila may nag-iba
Pagharap sa salamin aking nasaksihan
Aking sarili na may malaking kaibahan.

Pisikal at mental, sosyal at emosyon


Lahat ay maganda at naaayon
Naging maingat sa bawat kilos at gawa
Gayundin sa pagdedesisyon at sa pakikipagkapwa.

Isinasaalang-alang ang mga nararapat gawin


“di lamang sa iba, at maging sa sarili din
Ang mga pagbabago na sa aki’y naganap
Dapat lamang na ito’y aking matanggap.

Isa itong regalo na dapat ikatuwa


Na may pagbabago, sa ating maganda
Lubos kong tatanggapin at mamahalin
Ang aking sarili pati ang mga pagbabagong darating.

6
Suriin

1. Sagutin ang mga tanong: Isulat ang iyong sagot sa papel.

a. Ano-ano ang mga aspeto ng pagbabagong pansariling binanggit sa tula?


b. Ano ang naging epekto ng mga pagbabagong nararanasan niya sa kanyang
sarili?
c. Paano niya tinanggap ang mga pagbabagong naganap sa kanyang sarili?

2. Ngayon naman ay tingnan mong mabuti ang “flow chart” upang higit mong
maunawaan ang aralin. Kilalanin ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata at unawain ang epekto ng mga
pagbabago. (Tukuyin kung ang mga ito ay aspetong Pisikal, Mental, Emosyonal
o Sosyal).

Mga Pagbabago: Epekto:

1. • Pagsulong nang taas at • Nagbabago ang pag-


bigat; uugali.

• Nagbabago ang sukat • Nagkakaroon ng tiwala


ng katawan; sa sarili.

• Pag-umbok ng dibdib at • Nagiging malinis at mas


pagkitid ng balakang ng maingat sa
mga babae; pangangatawan
kaugnay ng mga
• Pag-unlad ng mga pagbabgong
bahaging nararanasan sa
pangkasarian; katawan.

• Paglabas ng lalagukan o
adam’s apple ng mga • Nakararanas ng
lalaki. pananakit ng dibdib
ang mga babae dahil sa
pagtubo ng dibdib,
• Pagkakaroon ng pagsakit ng ulo, puson
buwanang regla ng mga
at pagkahilo pag
babae.
malapit ng reglahin ang
mga babae.

7
2.
Pagbabago: Epekto :

• Nagkakaroon nang
pabago- bagong • Pagiging mahiyain at
emosyon o “Mood maramdamin.
Swing” (minsan
masaya, malungkot at • Paghahanap ng
kadalasan ay madaling palagiang atensyon
mainis) mula sa kapwa at
magulang.

Pagbabago: Epekto :

• Nakagagawa ng mga
3. pagpapasya;
• Lumalawak ang
kaisipan • Nakapagbibigay ng
desisyon;

• Nalalaman ang tama at


mali.

• Nagiging responsable
sa mga gawain

4.
Pagbabago: Epekto:

• Nagkakaroon ng
• Pagiging palakaibigan malalim na ugnayan sa
iba;

• Nagkakaroon ng
maraming kaibigan.

8
Pagyamanin

A. Kilalanin at tukuyin kung ang mga pagbabagong pansarili na nararanasan ng


nagdadalaga o nagbibinata ay pagbabagong pisikal, mental, emosyonal o sosyal.
Isulat ang sagot sa papel.

1. Nagkakaroon nang matapat na pakikisama sa matalik na kaibigan.


2. Natututuhang magtimbang ng mga pangyayari kung ito ay tama o mali.
3. Nakakaranas nang pabago - bagong emosyon kung minsan.
4. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang dalaw o regla.
5. Ang ibang mag – aaral na kasing gulang mo ay nagiging mahiyain at
maramdamin habang lumalaki.
6. Nagkakaroon nang maraming kaibigan.
7. Bumibilis ang antas ng pagtaas at ang karamihan ay bumibigat ang timbang.
8. Nagiging mas malawak ang pang – unawa sa mga sitwasyong nagaganap.
9. Nakapagbabahagi ng isang lihim sa nanay o malapit na kaibigan.
10. Umuunlad ang mga bahaging pangkasarian.

B. Ipaliwanag ang mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga o


pagbibinata sa ikalawang hanay at isulat ang epekto ng pagbabagong
nararanasan sa ikatlong hanay.

Mga Pagbabagong Epekto ng Pagbabagong


Mga Pagbabago sa Sarili
Nararanasan Nararanasan

1. Pagbabago sa
katawan

2. Pagbabago sa
kaisipan

3. Pagbabago sa
emosyon

4. Pagbabago sa
pakikipag-ugnayan

9
C. Unawain ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
wastong sagot sa papel.

1. Ang isa sa pagbabagong pisikal na nagaganap sa mga babae sa panahon ng


pagdadalaga ay ang pagkakaroon ng buwanang regla. Ano ang nagiging epekto
nito?
a. Bumabagal ang paglaki ng mga babae.
b. Nakakaranas ng pananakit ng puson bago magregla at habang nireregla, at
nagiging mabilis din ang pagtaas dahil sa hormones.
c. Nagiging masigla sa pagkilos ang mga babae.

2. Ang nagiging epekto ng pagkakaroon ng “mood swing” ay ang ___________.


a. Pagiging bugnutin at mahiyain kung minsan.
b. Nagiging palakaibigan.
c. Pakikitungo nang maayos sa barkada.

3. Anong pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ang parehong


nararanasan ng babae at lalaki?
a. Pagkakaroon nang buwanang regla.
b. Paglaki ng boses.
c. Pagsulong ng taas at timbang.

4. Ang paglawak ng kaisipan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay


nagdudulot ng ___________.
a. laging nagkakaroon ng kaaway.
b. napagtitimbang-timbang kung ano ang tama at mali.
c. laging nakikipag-asaran sa kasing-edad.

5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pangkalahatang epekto ng pagdadalaga


at pagbibinata maliban sa isa. Alin ito?
a. Pagkawala ng tiwala sa sarili at sa ibang tao.
b. Pagbabago sa ugali.
c. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

6. Ano kaya ang nagiging epekto ng paglaki ng katawan at pagtaas ng timbang ng


mga lalaki sa kanilang mga gawain?
a. Hindi sila nakakatulong sa pagbubuhat na gawain tulad ng pag-iigib ng tubig at
paglilipat ng puwesto ng mga upuan at mesa sa tahanan kapag naglilinis ng
bahay.
b. Nakakatulong sila sa pagbubuhat ng mga bagay at iba pang mga gawaing
nangangailangan ng pwersa.
c. Walang nagiging epekto dahil nasanay lamang sila sa paglalaro.

7. Anong pagbabago mayroon sa mga lalaki na hindi nararanasan ng mga babae sa


panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?
a. Pagkakaroon ng buwanang regla.
b. Pagsulong ng taas at timbang.
c. Paglabas ng “lalagukan” o “adams apple”.

10
Isaisip

Isulat ang mahalagang konseptong iyong natutuhan sa aralin sa pamamagitan


nang pagsagot sa bawat puwang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sa panahon ng _____________, maraming mga ___________ sa sarili


tulad ng mga pagbabagong _____________, _________________,
________________ at _______________. Ang mga pagbabagong ito ay may
epekto sa aking sarili at nakakatulong sa aking ________________.

Mayroon ding iba’t-ibang epekto ang mga pagbabagong


nararanasan tulad ng _____________, pagiging _____________ sa mga
gawain at pagkakaroon ng ______________ sa sarili.

Isagawa

A. Sumulat ng isang repleksyon o pagninilay sa iyong sarili tungkol sa mga


pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Gamitin
mong gabay ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa papel.

1. Ikumpara mo ang iyong sarili noon at ngayon.


2. Nagustuhan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili ngayong ikaw ay
nagdadalaga o nagbibinata na? Bakit?
3. Ano kaya ang ipinahihiwatig ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang
nagdadalaga o nagbibinata? Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay makakatulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa
paanong pamamaraan?
5. May naidulot bang masama sa iyong sarili ang mga pagbabagong iyong
naranasan? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

11
B. Gumuhit ka ng larawan ng iyong sarili noong ikaw ay pitong taong gulang pa
lamang at sa kabilang kahon ay ang iyong kasalukuyang anyo. Magbigay ka nang
kaunting paglalarawan tungkol sa pagkakaiba.

“Ako Noon” “Ako Ngayon”

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________

Tayahin

A. Punan nang wastong sagot ang bawat puwang. Isulat ang sagot sa papel.

Maraming pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagdadalaga o


pagbibinata. Ito ay nasa iba’t-ibang aspeto tulad ng pagbabagong ____(1)____
na tumutukoy sa mga pagbabagong nagaganap sa katawan, pagbabagong
Mental na tumutukoy sa mga pagbabagong may kaugnayan sa ____(2)___,
pagbabagong Emosyonal na nagsasabi nang pagbabago sa ating ___(3)______,
at pagbabagong _____(4)_____na tumutukoy sa ating pakikipag-ugnayan sa
kapwa. Nararapat lamang na ___(5)_______ natin ang mga pagbabagong ito
nang maluwag sa ating kalooban para sa sarili nating pag-unlad.

12
B. Kilalanin at tukuyin ang mga pagbabago/ epekto ng mga pagbabagong
isinasaad. Pag-ugnayin ang titik ng wastong sagot.
Isulat ang sagot sa papel.

Hanay A Hanay B

1. Lumalawak ang kaisipan. A. Emosyonal

2. Nakakaranas ng pabago-bagong B. Sosyal


emosyon.
3. Nagbabago ang sukat ng katawan C. Pisikal

4. Nakakagawa ng pagpapasya. D. Mental

5. Nagiging palakaibigan.

Karagdagang Gawain

Kumuha ka ng isang naiibigan mong larawan ng iyong sarili sa ngayon pagkatapos


ay idikit mo ito sa coupon bond. Sa ibaba ng iyong larawan ay sipiin mo ang tsart sa
ibaba at ibigay mo ang mga hinihinging impormasyon. Isulat mo ang mga pagbabago
sa iyong sarili na naranasan na at kasalukuyan mong nararanasan.

Profyl ko Ngayon

Idikit ang iyong larawan


sa gitna ng coupon bond.

Aspeto ng Pagbabagong Pagbabagong


Nararanasan Nararanasan/Naranasan na

13
14
Karagdagang Tayahin: Isagawa: Pagyamanin:
Gawain:
1. Pisikal A at B. A.
2. Isipan
Depende sa sagot 3. damdamin Depende sa sagot 1.Sosyal
ng bata /emosyon 2.Mental
4. Sosyal ng bata 3.Emosyonal
5. tanggapin 4.Pisikal
6. D 5.Emosyonal
(Gamitin ang (Tingnan ang 6.Sosyal
7. A
rubrik) 7.Pisikal
8. C
9. D rubrik) 8.Mental
10. B 9.Sosyal
10.Pisikal
B. Depende sa
sagot ng bata
(Tingnan ang
flow chart)
C. 1. B 5. A
2. A 6. B
3. C 7. C
4. B
Suriin:
Subukin:
1. a. pisikal, mental, sosyal, emosyonal Balikan:
b. Naging maingat siya sa kilos at 1.Pangkatawan
gawa, maging sa pagdedesisyon at 2.Pangkaisipan
pakikipagkapwa 3.Pakikipag-
c. Tinanggap niya ang mga Depende sa sagot ng ugnayan
pagbabagong naganap nang lubusan bata 4.Pangkatawan
o maluwag sa kanyang kalooban. 5.Pangdamdamin
2. 1. Pisikal 6.Pakikipag-
2. Emosyonal ugnayan
3. Mental 7.Mas nagiging
4. Sosyal malawak ang
kaisipan
8.Pagsulong ng taas
at bigat, atbp.
9.Nagiging
palakaibigan
10.Nagiging
maramdamin, atbp.
Susi sa Pagwawasto
(Isagawa A)

RUBRIK PARA SA PAGSULAT NG REPLEKSYON

Mga
Krayterya 5 4 3 2 Puntos
Mahusay ang Maayos ang Hindi Magulo,
pagkakasunod- pagkakasunod- masyadong Walang
Organisasyon sunod ng ideya sunod ng ideya maayos ang maayos na
(5 pts.) mula sa simula mula sa simula pagkakasunod- panimula at
hanggang sa hanggang sa sunod ng ideya kongklusyon
kongklusyon kongklusyon
Napakalalim ng Malalim na Mababaw at Napaka-
pag-uugnay ng makikita ang hindi malinaw babaw at
Lalim ng dating kaalaman pagkakaugnay ang walang pag-
Repleksyon sa bagong ng dati at pagkakaugnay uugnay sa
(5 pts.) kaalaman bagong ng dati at dati at
kaalaman bagong bagong
kaalaman kaalaman
Napakahusay Mahusay dahil Maraming mali Napakaramin
Paggamit ng ang paggamit ng kakaunti sa wika at hindi g mali sa
wika at wika at pagsagot lamang ang mali nasagot ng wika at hindi
pamatnubay sa mga sa wika at maayos ang nasagot ang
na tanong pamatnubay na pagsagot sa mga pamatnubay na pamatnubay
(5 pts.) tanong pamatnubay na tanong na tanong
tanong
Presentasyon Malinis at Malinis ngunit May kahirapang Hindi maayos
(5 pts.) maayos ang hindi maayos maunawaan ang ang pagkaka-
pagkakasulat ng ang pagkakasulat ng sulat ng
talata pagkakasulat ng talata talata.
talata

(Isagawa B)
RUBRIK PARA SA PAGGUHIT NG LARAWAN

Mga
Krayterya 10 8 6 4 Puntos

Pagka- Nagpamalas ng Nagpamalas ng Hindi gaanong Walang


malikhain lubos na pagka- pagka- nagpamalas ng ipinamalas na
(10 pts.) malikhain malikhain pagka- pagka-
malikhain malikhain
Walang
Kumpleto ang May sapat na Kulang sa malinaw na
Organisas- detalye at buo detalye at detalye at detalye at
yon ang kaisipang kaisipang kaisipang kaisipang
(10 pts.) ipinakita ipinakita ipinakita ipinakita

Kaang- Angkop na Angkop sa Hindi gaanong Hindi angkop


kupan sa angkop sa paksa ang angkop sa sa paksa ang
paksa paksa ang ginawang paksa ang ginawang
(10 pts.) ginawang paglalarawan ginawang paglalarawan
paglalarawan paglalarawan

15
(Karagdagang Gawain)

RUBRIKS PARA SA PAGDIDIKIT NG LARAWAN

Mga
Krayterya 5 4 3 2 Puntos

Pagkamalik- Nagpamalas Nagpamalas Hindi Walang


hain ng lubos na ng gaanong ipinamalas na
(5 pts.) pagkamalik- pagkamalik- nagpamalas pagka-
hain hain ng pagka- malikhain
malikhain

Kumpleto May sapat na Kulang sa Walang


Organisasyon ang detalye detalye at detalye at malinaw na
(5 pts.) at buo ang kaisipang kaisipang detalye at
kaisipang ipinakita ipinakita kaisipang
ipinakita ipinakita

Kaangkupan Angkop na Angkop sa Hindi Hindi angkop


sa paksa angkop sa paksa ang gaanong sa paksa ang
(5 pts.) paksa ang ginawang angkop sa ginawang
ginawang paglalarawan paksa ang paglalarawan
paglalarawan ginawang
paglalarawan

16
Sanggunian
Aurora, Sofia EdD.et.al.Vibal (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Kagamitan ng
Mag-aaral 44(Tagalog). Second Edition.

DepEd (2020). K to 12 MELC. Homeroom Guidance Program. Intermediate Level

Oliva, M., 2020. 1. Mga Pagbabago Sa Panahon Ng Pagdadalaga At Pagbibinata.


[online] Scribd. Available at: <https://pt.scribd.com/doc/275957916/1-Mga-
Pagbabago-Sa-Panahon-Ng-Pagdadalaga-at-Pagbibinata> [Accessed 29 June
2020].

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like