You are on page 1of 24

6

Homeroom
Guidance Program
Unang Markahan – Modyul 2:
Pagpapahalaga sa Sarili
Homeroom Guidance – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2 : Pagpapahalaga sa Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elsa S. Ramos


Editor: Jocelyn C. Pasag, EdD / Evelyn G. Regala
Tagasuri: Gelliza Z. Quiambao
Tagaguhit: Reicy L. Due
Tagalapat: Jennifer G. Cruz
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC - Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/HRGP : Jacqueline C. Tuazon
District Supervisor, Dinalupihan East/West : Rodger R. De Padua, EdD
Division Lead Book Designer : Lhoumel D. Alvaro
District LRMDS Coordinator, Dinalupihan East : Miralou T. Garcia, EdD
School Principal : Alma Q. Flores
District Lead Layout Artist, EsP/HRGP : Jennifer G. Cruz
District Lead Illustrator, EsP/HRGP : Reicy L. Due
District Lead Evaluator, EsP/HRGP : Ma. Luisa R. Bacani

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Homeroom
Guidance Program
Unang Markahan – Modyul 2:
Pagpapahalaga sa Sarili
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Homeroom Guidance - Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Angkop
na Pag-uugali!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Homeroom Guidance at Ikaanim na Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Angkop na Pag-uugali!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
Pagyamanin pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

iii
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang mapahalagahan


ang sarili at matutuhan ang mga angkop na pag uugali na dapat taglayin ng batang
katulad mo upang higit mong mapaunlad ang iyong sarili.

1. Nasusuri ang sariling kaisipan, damdamin, paniniwala at ang pagkakaiba ng


angkop at ‘di naaangkop na pag-uugali (HGIPS-Ia-3)
a. natutukoy ang angkop at ‘di- angkop na pag-uugali ayon sa sariling
kaisipan, damdamin at paniniwala
- sa tahanan,
- sa paaralan at
- sa pamayanan
b. naisasagawa ang angkop na pag-uugali ayon sa sariling kaisipan,
damdamin at paniniwala

1
Subukin

Suriin at tukuyin kung angkop o di- angkop ang mga pag-uugaling ipinapakita sa
bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa papel.

ANGKOP O ‘ DI - ANGKOP

1. Kahit napapagalitan ng kanyang nanay si Jazmine, tinatanggap niya ito nang


buong-puso dahil ito ay para rin sa sarili n’yang kabutihan.
2. Kahit maraming baon si Andrew ay hindi siya namimigay sa kamag-aral na
walang baon bagkus ay iniinggit pa niya ang mga ito.
3. Sa bawat pagkakataong nakakapagsimba ako ay hindi ko nakakalimutang
magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang aking natatanggap.
4. Laging nanggugulo sa klase si Ron dahil naghahanap siya ng atensyon sa
kaniyang mga kaklase at guro.
5. Habang naglalakad si Angelo pauwi sa kanilang bahay ay kumakain siya ng
sitsiria at umiinom ng softdrinks, pagkaubos niya sa pagkain ay inihulog na
lamang niya ang kanyang pinagkainan sa daan.
6. Tuwing inuutusan si Sharon ng kaniyang ina ay dali-dali itong sumusunod
sa kaniyang ipinag-uutos.
7. Nakaupo si Noli sa silid-aralan habang ngumunguya ng bubble gum at
pagkatapos ay idinikit niya ito sa upuan ng kaklase habang walang
nakatingin.
8. Bilang pinuno ng YES-O Club, si Arvy ay nangunguna sa mga proyekto ng
kanilang samahan tulad ng pakikiisa sa paglilinis ng tabing-ilog at
pagtatanim ng mga puno.
9. Tuwing nakikipag-usap si Celso sa kaniyang mga magulang ay lagi siyang
gumagamit ng po at opo gayundin sa iba pang nakakatanda.
10. Kapag inuutusan si Levy ng kaniyang guro ay ipinapasa niya ang utos sa
ibang kaklase lalo na kung hindi ito nakatingin.

2
Aralin

2 Mga Angkop na Pag-uugali

Sa iyong pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao ay nililinang ang mga angkop na


pag-uugaling dapat taglayin ng batang tulad mo upang ikaw ay maging mabuting
tao na may pagpapahalaga sa sarili at sa iba. Ilan sa mga angkop na pag-uugaling
dapat mong maipakita ay ang pagkamagalang, pagkamapanagutan at
pagkamasunurin. Isa din sa mga angkop na pagpapahalagang nililinang sa
Edukasyon sa Pagpapkatao ay ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip upang
malinang ang Pananagutang Pansarili at maging mabuting kasapi ng pamilya,
paaralan at pamayanan.

Balikan

Tukuyin kung tungkulin sa tahanan, paaralan at pamayanan.


1. Paggalang sa mga guro at iba pang kasapi ng paaralan.
2. Pagsunod sa mga utos ng magulang.
3. Pakikiisa sa mga proyekto sa inyong lugar.
4. Pagpapaalam sa mga magulang kung aalis ng bahay.
5. Paggalang sa mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya.
6. Gumawa ng takdang-aralin at makinig ng mabuti sa pagtuturo ng guro.
7. Pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad sa inyong lugar.
8. Pagtulong sa gawaing-bahay.
9. Pagsunod sa mga alituntunin sa tahanan.
10. Pagpasok nang maaga sa eskwelahan.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
masuri at matukoy ang angkop at di-naaangkop na pag-uugali
sa tahanan, paaralan at pamayanan ayon sa sariling kaisipan,
damdamin at paniniwala at maisagawa ang angkop na pag-
uugali.

3
Tuklasin

Pagmasdang mabuti ang larawan sa ibaba at pagkatapos ay basahin at unawain mo


ang kuwento sa susunod na pahina.

Isip ay Gamitin, Pag-unlad ay Tahakin!

Si Luna ay isang mag-aaral sa ika-anim na baitang. Siya ay may kakambal


na nagngangalang Liza. Isang araw ay inutusan ni Aling Karing ang kaniyang anak
na si Luna na bumili ng suka at toyo kina Aling Bebang.
“Luna, halika nga dito puro ka selpon diyan,” malakas na tawag ni Aling
Karing kay Luna. “Bakit po, nay?” tanong ni Luna. “Bumili ka nga muna ng suka at
toyo kina Aling Bebang,” utos ng nanay niya sa kanya.
“Si Liza na lang po ang utusan ninyo, naglalaro pa po ako eh,” sagot ni Luna
sa kanyang nanay.
“Hindi pwede, nagluluto pa si Liza eh, Dalian mo at bumili ka na nang toyo,
kailangan na ‘yan ngayon,” utos sa kanya ng nanay.

4
Padabog na lumabas si Luna upang bumili ng toyo at suka. Habang siya ay
naglalakad, napansin niyang may nagkalat na basura sa paligid. Hinayaan na
lamang niya ito at nagpatuloy sa paglalakad.
Kinabukasan ay pumasok siya sa eskwelahan. Nakita niya ang kanyang guro
na maraming dalang gamit ngunit hindi niya ito tinulungan.
Nakita ito ng kanyang kakambal na si Liza kaya ito na lamang ang tumulong
sa guro. Pagdating naman sa pag-aaral ay laging bagsak ang grado ni Luna kaya
palagi na lamang siyang iritable at galit sa kanyang kapatid.
Isang umaga, araw ng Sabado, napagtanto niya na dapat ay tularan niya si
Liza upang maging maayos din ang kanyang buhay. Simula ng itama niya ang
kanyang mga kilos at gawi ay mas naging magaan ang kanyang resposibilidad sa
lahat. Naging mas maayos na ang lahat kaysa sa dati niyang buhay.
Mabilis na lumipas ang panahon, si Luna ngayon ay isa nang magaling na
doktor na may mabuting puso na handang kumalinga sa lahat. Ang kanyang kapatid
naman na si Liza ay isa ng sikat na mananayaw. Nakamit nila ang kanilang pangarap
dahil sa kanilang pagiging mapanagutan sa sarili, mabait at masunuring mga anak.

Suriin

A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Sino ang kambal sa binasa mong kwento?


2. Anong pag-uugali mayroon sa tahanan si Luna sa simula ng kuwento?
3. Paano sumunod sa utos ni Aling Karing si Luna? Sa iyong palagay, angkop
ba ang kanyang ginawang pagsunod? Bakit?
4. Ano-ano naman ang angkop na pag-uugaling ipinakita ni Liza sa tahanan
at paaralan?
5. Dapat bang tularan si Liza? Bakit?
6. Sa katapusan ng kuwento, nagtagumpay ba ang magkapatid? Paano nila
nakamit ang kanilang mga pangarap?

5
B. Unawain ang mga pangyayaring naganap sa kuwento. Tukuyin kung tama o mali
ang ipinakitang pag-uugali.
1. Padabog na sumunod si Luna sa utos ng ina.
2. Habang naglalakad, hindi niya pinulot ang kalat na nakaharang sa
daanan niya.
3. Masipag na nagluluto si Liza ng kanilang pagkain.
4. Hindi tinulungan ni Luna ang guro na magdala ng kanyang mga gamit.
5. Palaging iritable si Luna dahil lagging bagsak ang kanyang grado.

May mga angkop na pag-uugali tayong dapat isagawa sa tahanan, paaralan at


pamayanan upang maipakita natin ang ating pagkatuto sa mga nangyayari sa ating
buhay. Ilan sa mga ito ang pagiging masunurin, mapanagutan sa ating kapwa at ang
paggalang. Ang mga maling gawain ay dapat ituwid upang makamit ang inaasam na
pag-unlad ng sarili.

Pagyamanin

A. Pares na Gawain:
Kumuha ka ng kapareha, maaaring ang iyong ina, ama o kapatid at pagkatapos ay
sagutan ninyo ang mga sumusunod na pagsasanay. Tukuyin ang angkop na pag-
uugaling dapat mong ipakita sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa papel.
1. Inuutusan ka ng iyong ina na maglinis ng bahay dahil may darating kayong
mga panauhing kamag-anak mula sa probinsya.
2. May programang inilunsad ang inyong barangay na “Tapat Mo, Linis Mo”!
3. Inatasan ka ng iyong guro na manguna sa pag-eensayo ng sayaw para sa
nalalapit na pagdiriwang ng “Buwan ng Wika”.
4. Pinapagalitan ka ng nanay mo dahil wala ka ng ginagawa sa bahay kundi
mag-cellphone.
5. May pinapagawa sa iyong proyekto subalit hindi mo ito kayang gawin.
6. Kasalukuyang nakasailalim ang inyong lugar sa Enhanced Community
Quarantine dahil sa Covid-19 Pandemic.
7. Abalang-abala sa paglilinis ng inyong bahay at bakuran ang lahat ng
miyembro ng inyong pamilya dahil katatapos lamang ng baha. Inutusan ka
ng nanay mo na linisin ang iyong silid.
8. May kaklase kang hirap at mabagal bumasa, nilapitan ka niya sa inyong
bakanteng oras at ibinahagi niya sa iyo ang suliraning ito.
9. Sinira mo ang mga halaman sa isa sa mga hardin na nasa tapat ng inyong
klasrum sa paaralan, ipinatawag ka ng inyong punongguro sa kanyang
opisina.
10. May dumating na liham para sa iyong nanay mula sa kapatid niyang nasa
malayong lugar na iniabot sa iyo ng mensahero.

6
B. Suriin kung angkop o ‘di – angkop na pag-uugali ang ipinapakita sa bawat
sitwasyon.

1. Uwian na at sobrang lakas ng ulan. Walang dalang payong si Jazel kayat hindi
siya makauwi. Inalok siya ni Maye na sumukob sa kanyang payong upang
makauwi.

2. Walang baon si Charles kayat hinatian siya ni Luke ng kaniyang baon.

3. Kinantiyawan ni Ericson si Joshua dahil araw-araw ay itlog ang baon nito.

4. Lagi na lamang nagkukulong sa kwarto si Nida upang makaiwas sa gawaing


bahay.

5. Malapit na ang pista sa baranggay nila Lino. Abalang-abala ang kaniyang mga
kabarangay sa paggawa ng banderitas, inanyayahan siyang tumulong sa
paggawa subalit pinanood niya lamang ang mga ito.

6. Naging ugali na ni Romilyn na pintasan ang kaniyang mga kamag-aral at


tuwang-tuwa siya kapag napipikon ang mga ito.

7. Sina Enrica at Julieta ay matalik na magkaibigan. Hindi batid ni Julieta na


sinisiraan siya ni Enrica sa iba nilang mga kaibigan kapag nakatalikod siya.

8. Magiliw na sumusunod sa mga ipinag-uutos si Joshua sa kanilang tahanan


at buong-sipag niyang ginagampanan ang mga nakaatang na gawain sa
kaniya.

9. Hindi nalilimutan ni Rosa ang paggamit ng “po” at “opo” at iba pang mga
magagalang na salita sa pakikipag-usap sa kaniyang mga magulang at iba
pang nakatatanda.

10. Palagi na lamang ipinapasa ni Norie ang mga iniuutos sa kaniya ng kaniyang
tatay sa kaniyang nakababatang kapatid lalo na kapag hindi ito nakatingin.

7
C. Suriin ang mga larawan. Lagyan ng tsek (✓) ang kahon kung ito ay nagpapakita
nang angkop na pag-uugali sa tahanan, paaralan at pamayanan at ekis(X) kung
hindi. Isulat ang sagot sa papel.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

Sige po, Inay


5. 10.

8
Isaisip

Sagutin:
Ano – anong angkop na pag-uugaling dapat taglayin sa tahanan, paaralan at
pamayanan ang natutuhan mo sa aralin?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Isagawa

A. Ikuwento Mo!

Magkuwento ka ng tig- isang pangyayaring naranasan mo mula sa iyong ama at ina


na kinapulutan mo nang angkop na pag-uugaling sa ngayon ay nagiging
pamantayan mo at isinasabuhay mo. Isulat mo ito sa papel.

_______________________________________

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

9
B. Alin ang nagpapakita ng pagsasagawa nang angkop na pag-uugali? Piliin at isulat
ang titik nang wastong sagot.

1. Nakita ni Arlene ang kaniyang guro na maraming dalang gamit isang umaga
habang papasok ito sa paaralan. Halos magkasunod lamang sila sa
paglalakad.
a. Patay-malisya si Arlene kunwari ay hindi niya nakita ang guro habang
naglalakad.
b. Nakita ni Macy na kaklase ni Arlene ang kanilang guro at nagmamadaling
tinulungan ito sa pagdadala ng kaniyang mga gamit.
c. Inagaw ni Peter ang gamit ng guro upang matulungan ito.

2. Sina Nathan, Hanna at Biel ay anak ng mag-asawang Ben at Cora. Sa


kanilang tahanan, sila ay kinakikitaan ng mga sumusunod na pag-uugali.
a. Si Nathan ay laging nakikipag-away sa kanyang bunsong kapatid na si
Biel.
b. Si Hanna ay lagi na lamang nagpapasensiya sa kaniyang kuya Nathan
upang hindi na lamang sila mag-away.
c. Si Biel ay tuwang-tuwa kapag nag-aaway sila ng kaniyang kuya kasi
napapagalitan si Nathan ng kanilang ina.

3. Oras ng recess at kayo ay pinapila ng inyong guro papuntang kantina.


a. Nag-unahan sa pagpila ang iyong mga kamag-aral.
b. Nakipagsiksikan ang iba mong mga kaklase pagdating sa kantina upang
makauna sa pagbili.
c. Nagtiyaga kang pumila nang tama at naghintay ka ng sariling
pagkakataon upang makabili kahit na nahuli ka sa pagbili.

4. Nagpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa inyong lugar


dahil sa kumakalat na pandemiyang Covid 19.
a. Nag-uumpukan pa rin ang mga tsismosa sa isang bakuran malapit sa
inyo.
b. Nag-iinuman sa isang bahay ang mga mahihilig sa alak na
magkukumpare.
c. Nananatili sa tahanan ang ibang mga pamilya sa inyong lugar at
sumusunod nang mabuti sa patakarang ipinatutupad upang hindi na
kumalat pa ang virus.

5. Nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno ang iba’t-ibang pamilyang


naghihirap na nawalan ng trabaho dahil sa Covid 19.
a. Ibinili agad ng bigas at pang-ulam sa loob ng dalawang lingo ang tinanggap
na pera ni Mang Nestor para sa kaniyang pamilya.
b. Si Mang Kanor ay bumili ng alak at nagyayang mag inuman sa kaniyang
mga tropa.
c. Ibinili ni Aling Rina ng bagong damit, pabango at sapatos ang ayudang
natanggap.

10
6. Panahon ng Brigada Eskwela sa inyong lugar.
a. Ikaw at ang iyong kamag-aral ay nagtatago sa isang kubling lugar habang
pinagmamasdan mo ang lahat na abala sa paggawa.
b. Ang lahat ay abala sa pakikiisa sa paglilinis at pagkukumpuni sa mga
sirang gamit sa paaralan tulad ng mga bintana, upuan, mesa at iba pa.
c. Ang isang grupo ng kabataan sa inyong lugar ay masayang nag-uumpukan
habang pinapanood ang mga naglilinis.

7. Pumunta sa palengke ang inyong nanay at naiwan kayong tatlong


magkakapatid sa bahay.
a. Nagtulong-tulong kayong magkakapatid sa paglilinis ng bahay habang
wala ang inyong nanay.
b. Nag-away ang mga kapatid mo dahil sa isang laruan.
c. Pinabayaan mo ang mga kapatid mo at nagkulong ka sa iyong silid.

8. Isa sa patakarang ipinatutupad upang hindi kumalat ang Covid 19 ay ang


palagiang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol at face mask.
a. Binabalewala ni Tony at ng kaniyang pamilya ang patakaran.
b. Hinihikayat ni Celine ang kaniyang buong pamilya na palaging isagawa
ang patakarang nabanggit para sa kanilang kabutihan at ikabubuti ng
lahat.
c. Pinagtatawanan lamang ni Jose ang kanilang mga kapitbahay na
sumusunod sa patakaran.

9. Napagkasunduan ng buong klase ni Gng. Cruz na pananatilihin ang kalinisan


at kaayusan ng kanilang silid-aralan.
a. Palaging iniiwang maputik ni Dindo ang palikuran ng silid-aralan
pagkatapos niya itong gamitin.
b. Nanguna si Marc sa pagsasaayos ng mga upuan, kagamitan at
pagpupunas ng mga bintana.
c. Nagkalat ang mga gamit ni Lino sa iba’t-ibang bahagi ng silid-aralan.

10. Alin ang nagpapakita ng pagtupad sa panuntunang “Huwag mong gawin sa


iba, ang ayaw mong gawin sa iyo?”
a. Sinisiraan mo ang iyong pinsan sa kaniyang matalik na kaibigan.
b. Pinagbibintangan mo ang iyong kaklase sa kasalanang hindi niya ginawa.
c. Iniiwasan mong makasakit ng damdamin ng iyong kapwa dahil ayaw
mong masaktan din ng iba ang iyong damdamin.

11
Tayahin

Tukuyin kung angkop o ‘di angkop ang pag-uugaling ipinapakita.

1. Nagdadabog sa tuwing inuutusang gumawa sa bahay.

2. Laging huli kung pumasok si Jay sa paaralan at pagkatapos ay nag-iingay


pa ito habang nagtuturo ang guro.

3. Nagbibingi-bingihan si Portia sa tuwing may naririnig na utos.

4. Nagdarasal nang taimtim at hindi lumilikha nang anomang ingay si Allen


kapag nasa loob ng simbahan upang hindi makaabala sa iba.

5. May kusa si Emil sa paggawa ng mga gawain sa paaralan.

6. Laging magalang sa pakikipag-usap si Nica sa kanyang mga kasambahay.

7. Gumagawa ng kusa sa mga gawaing bahay si Nathan.

8. Nakikipagsiksikan si Jasper kapag bumibili sa kantina ng paaralan.

9. Sumasagot-sagot si Amy sa kaniyang ina sa tuwing pinangangaralan siya


nito.

10. Bilang pagsuporta sa proyektong “Clean and Green” ng pamayanan, tuwing


umaga ay nagwawalis ng bakuran si Aling Martha habang si Mang Roman
na kaniyang asawa ay abala sa pagtatanim ng mga halamang gulay at puno
sa likod bahay.

12
Karagdagang Gawain

Gumawa ka ng sariling talaarawan at itala mo dito ang angkop na pag-


uugaling nagagawa mo sa araw-araw sa loob ng limang araw mula sa araw
na ito.

LUNES

Talaarawan
MARTES

MIYERKULES HUWEBES BIYERNES

13
14
Isagawa: Pagyamanin:
A.(Depende sa sagot A.(Depende sa sagot
Tayahin: ng bata) Tingnan ang ng bata)
Karagdagang rubric)
Gawain: 1. ‘di-angkop B. B.
2. ‘di angkop 1. b 1. angkop
3. ‘di angkop
Depende sa sagot 4. angkop 2. b 2. angkop
ng bata 5. angkop 3. c 3.’di-angkop
6. angkop 4. c 4. ‘di-angkop
(Gamitin ang 7. angkop 5. ‘di-angkop
5. a
Rubrik) 8. ‘di angkop
9. ‘di angkop 6. b 6. ‘di-angkop
10. angkop 7. a 7. ‘di-angkop
8. b 8. angkop
9. b 9. angkop
10. c 10. ‘di-angkop
C.1. / 6. x
2. / 7. x
3. x 8. /
4. x 9. x
5. / 10. /
Suriin: Balikan:
A.1. Sina Luna at Liza 1.Paaralan
2. matamad at bugnutin 2. Tahanan
Subukin:
3. padabog (depende sa sagot ng bata) 3. Pamayanan
1.angkop
4. sa tahanan- responsible, sa paaralan- 4. Tahanan 2.’di angkop
masipag mag-aral, matulungin 3.angkop
5. Tahanan 4.’di angkop
5. Oo, (depende sa sagot ng bata) 5.’di angkop
6. Paaralan
6.angkop
6. Oo, dahil sa pagiging mapanagutan,
7. Pamayanan 7. ‘di angkop
mabait at masunurin.
8.angkop
B. 1. Mali 8. Tahanan 9.angkop
10. ‘di angkop
2. Mali 9. Tahanan
3. Tama 10. Paaralan
4. Mali
5. Mali
Susi sa Pagwawasto
(Isagawa A)

RUBRIKS PARA SA PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO

Mga
Krayterya 5 4 3 2 Puntos

Hindi
Napakalaki Malaki ang gaanong Walang
Paksang ng kaugnayan kaugnayan sa makita ang kaugnayan
Diwa (5 sa paksa paksa kaugnayan sa paksa
pts.) sa paksa

Napaka- Mahusay ang Hindi Walang


Organisasyo husay ng pagkaka- gaanong kahusayan
n pagkaka- sunod-sunod mahusay ang
(5 pts.) sunod-sunod ng mga ang pagkaka-
ng mga detalye sa pagkaka- sunod-
detalye sa kuwento sunod-sunod sunod ng
kuwento ng mga mga
detalye sa detalye sa
kuwento kuwento

Napakalinis Malinis at Hindi Walang


Presentasyo at maayos ang gaanong kaayusan
n napakaayos pagkakasulat malinis at at hindi
(5 pts.) ng ng kuwento maayos ng maintindih
pagkakasulat pagkaka- an ang
ng kuwento sulat ng isinulat na
kuwento kuwento

Napaka- Mahusay ang Hindi Walang


Wika husay ng paggamit ng mahusay kahusayan
(5 pts.) paggamit ng wika at may ang sa
wika at kaunting mali paggamit ng paggamit
walang mali sa grammar wika ng wika
sa grammar

15
(Karagdagang Gawain)

RUBRIKS PARA SA PAGSULAT NG TALAARAWAN

Mga 10 8 6 4 Puntos
Krayterya

Napakahusa Mahusay Hindi Walang


Organisasyon y ng ang gaanong kahusayan
(10 pts.) pagkakasuno pagkakasuno mahusay ang
d-sunod ng d-sunod ng ang pagkaka-
mga detalye mga detalye pagkakasuno sunod-sunod
sa sa d-sunod ng ng mga
talaarawan talaarawan mga detalye detalye sa
sa talaarawan
talaarawan

Napakalinis Malinis at Hindi Walang


Presentasyon at maayos ang gaanong kaayusan at
(10 pts.) napakaayos pagkakasula malinis at hindi
ng t ng detalye maayos ng maintindiha
pagkakasula sa pagkakasula n ang
t ng detalye talaarawan t ng detalye isinulat na
sa sa detalye sa
talaarawan talaarawan talaarawan

Napakahusa Mahusay Hindi Walang


Wika y ng ang mahusay kahusayan
(10 pts.) paggamit ng paggamit ng ang sa
wika at wika at may paggamit ng paggamit ng
walang mali kaunting wika wika
sa grammar mali sa
grammar

Paksa Napakalinaw Malinaw ang Hindi Walang


(10 pts.) ng kaugnayan malinaw ang kaugnayan
kaugnayan sa paksa pagkakaugn sa paksa
sa paksa ay sa paksa

16
Sanggunian
DepEd (2020). K to 12 MELC. Homeroom Guidance Program. Intermediate Level

Calamlam, Flora, Gasingan, and Lopez. "Huwaran 6". Google Books. Accessed 27
June 2020.
https://books.google.com.ph/books?id=m7iFXifp3FgC&printsec=frontcover
&dq=huwaran+6&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjA-rSimZ3qAhWR-
mEKHZStDJUQuwUwAHoECAIQBw#v=onepage&q=huwaran%206&f=false.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like