You are on page 1of 28

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Maikling Kuwento
Aginaldo ng mga Mago
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Maikling Kuwento (Aginaldo ng mga Mago)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

JUNIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Joey R. Cabrera


Co-Author - Content Editor : Rozell B. Lagas
Co-Author - Language Reviewer : Rosario Dela Rosa
Co-Author - Illustrator : Dennis M. Medina
Co-Author - Layout Artist : Gemi G. Nuque
Co-Author - Team Leader : Carolyn R. Reyes

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Maikling Kuwento
Aginaldo ng mga Mago
(Panitikan ng South Amerika at
mga Bansa sa Kanluranin)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino - Ikasampung Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maikling Kuwento ang
Aginaldo ng mga Mago !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino - Ikasampung Baitang ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Maikling Kuwento ang Aginaldo ng mga Mago !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

3
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maging


malawak ang pag-unawa ng mga salitang magkaugnay ang kahulugan sa pangungusap
at masuri ang nilalaman ng isang kuwento/akda.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda.


(F10PN-IIe-73)

2. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa


kahulugan. (F10PT-IIe-73)

3. Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang


pandaigdig. (F10-IIe-71)

4. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling


kuwento. ( F10PS-IIe-75)

Subukin

Suriin kung matatalakay sa aralin ang inilalahad ng mga sumusunod na


pangungusap . Isulat ang TOTOO kung matatalakay sa aralin at kung hindi naman ay
HINDI TOTOO ang isulat sa inyong sagutang papel.

___________ 1. Ang Tagpuan ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang


kwento.
___________ 2. Ang Maikling kuwento ay maikling salaysay na naglalaman ng isang
kwentong may mahalagang pangyayari.
___________ 3. Binubuo ng apat na bahagi ang Maikling Kuwento ito ang Pamagat,
Simula, Gitna at Wakas.
___________ 4. Sina Jim at Della ay may kayamanang pera na naitatabi sa tahanan.
___________ 5. Ang mga Haring Mago ay mga taong marurunong – napakarurunong
na nag-alay ng regalo sa Sanggol sa sabsaban.
___________ 6. Tawag sa tumutukoy sa problemang na kinakaharap ng tauhan sa
kwento ay Suliranin.
___________ 7. Nagalit si Jim kay Della ng ipinaputol nito ang kanyang
napakahabang buhok.
___________ 8 Ang kuwentong Aginaldo ng mga Mago ay galing sa bansang
Australia.
___________ 9. Tawag sa tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa akda ay
banghay.
___________ 10. Ang relong pinakaiingat-ingatan ni Della ay minana pa niya sa
kanyang lolo.
___________ 11. Si Deogracias Rosario tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento sa
Pilipinas.
___________ 12. Sa Simula, bahagi ng kuwento ipinapakilala ang mga tauhan at mga
tagpuan ng kwento.
___________ 13. Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may
dalawang ari-ariang ipinagmamalaki nila nang labis.
___________ 14. Ang Saglit na Kasiglahan ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhan sa kwento.
___________ 15. Nagsalin sa wikang Filipino ng kuwentong aginaldo ng mga Mago
ay si Edgar Allan Poe.

Aralin

2 MAIKLING KUWENTO

Sa araling ito ay matutuhan ng mga mag-aaral ang pagiging mapanuri sa mga


dayalogo ng mga tauhan sa akda at mahahasa ang kanilang pagiging masining sa
pagkukwento ng mga akda na kanilang nagawa.
At Narito ang ilang mahahalagang impormasyon, manunulat na may malaki ang
naging kontribusyon sa kasaysayan at hindi matatawaran ang kanilang kahusayan sa
pagsulat ng Maikling Kuwento.
Sinasabi ang maikling kuwento ay maikli at masining. Isang upuan at sandaling
panahon lamang ang ginugugol, agad itong matutunghayan, mababasa at
kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.

2
Edgar Allan Poe – tinaguriang Ama ng Maikling Kwento sa buong Mundo. Ayon
sa kanya, ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan, likha ng guniguni
at bungang-isip o hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Deogracias A. Rosario – Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas.


Magasing Amarant at Forget Me Not – sinasabing unang sumibol ang isang
sangay ng salaysay.
Kung kaya’t hanggang sa kasalukuyan pinag-aaralan pa rin ang kanilang mga
naging akda sa buong bansa at mundo.

Balikan

Sariwain natin sa inyong isipan at pag-usapan na tayong mga Filipino ay likas


sa pagiging malibangin sa pagbabasa ng mga akdang Pampanitikan tulad ng Maikling
Kuwento. Kung kaya’t tutungo tayo sa mundo ng Maikling Kuwento. Bago ka tumungo
sa iyong araling pag-aaralan kailangang mo munang maging handa sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman.

Narito ang Pagtalakay Kung Ano ang Maikling Kwento , Mga Halimbawa at mga
Elemento nito!

MAIKLING KWENTO – Narito ang pagtalakay sa kahulugan ng maikling kwento


at ang mga halimbawa nito.

Pagdating sa mga maliit na bata, isa sa mga paraan ng mabisang pagtuturo ng


mabuting asal sa pamamagitan ng mga maikling kwento. Mula sa mga kwentong ito
makakakuha ng ideya ang mga bata tungkol sa tamang pag-uugali.

3
Subalit, bago tayo magbasa ng maikling kwento, tayo ay magbabalik-tanaw sa
tunay nito at ang mga halimbawa.

Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maikling salaysay na
naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari.

Sa kabila ng pagiging maikli nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng
maikling kwento. Kadalasan, ito ay kapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng
panibagong karunungan sa isip ng mga mambabasa.

Bahagi ng Maikling Kwento

Mayroong tatlong bahagi ang maikling kwento – ang simula, ang gitna, at ang wakas ng
kwento.

Sa simula, dito ipinapakilala ang mga tauhan at mga tagpuan ng mga gumaganap sa
kwento. Bahagi ng magiging suliranin sa kwento ay mababasa rin sa bahaging ito.
Sa gitna ng maikling kwento ang lubusang pagtalakay sa suliranin ng mga tauhan.
Narito ang tunggalian at pati na rin ang kasukdulan. Ang mga pangyayari ay unti-
unting bababa patungo sa wakas na siyang katapusan ng kwento.

Mga Halimbawa ng Maikling Kwento:


▪ Si Juan At Ang Kanyang Mga Paboritong Chichirya
▪ Si Bb. Lucia At Ang Mga Mag-aaral Ng Klase Sampaguita
▪ Ang Mga Munting Hiling Ni Kiko Sa Pasko
▪ Ang Mahiwagang Singsing ni Reyna Marikit
▪ Ang Bahay Na Napapalibutan Ng Mataas Na Pader
▪ Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa
▪ Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


kwento. Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:

a. Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.


b. Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan
sa kwento.
c. Kasukdulan – Pinakamagandang bahagi ng kwento kung saan nagkaroon
ng solusyon sa problema sa kwento.
d. Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos
ang problema.
e. Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.
4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang kinakaharap ng tauhan sa kwento.

4
7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa
lipunan, o tao laban sa kalikasan.
8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay subhektibo na kinakailangan ng malawak na
paggalugad ng kaisipan at pananaw ng mga mag-aaral. Ito rin ay
maghahanda sa mga mag-aaral upang makabuo at makasuri ng
isang maikling kuwento. May link din para i-access ng mag-aaral
ang video para sa interaktibo pagkatuto. Pinapaalala na maging
mapanuri rin sa pagbabasa ng mga akda lalo na ang Maikling
Kuwento at isabuhay ang mga kaalaman na inyong natutuhan .

Tuklasin

Mag-umpisa ka rito sa pagbabasa at unawain mong mabuti ang nilalaman ng


bawat bahagi ng maikling kuwento.

Tara simulan mo ditong mag-aral ng bagong leksyon!

Ang Aginaldo ng mga Mago ay kaugnay ng salaysay sa Banal na kasulatan sa


tatlong haring Mago na matatagpuan sa ibanghelyo ni Mateo 2:1-12. Ang mga
Mago ang nag-alay ng mga handog sa Batang Hesus noong natagpuan ito sa isang
sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalim. Sila ang sinasabing nagpasimula sa
pagbibigayan ng regalo.

Ang tunay na pag-ibig ay pagpapakasakit. At ang sinumang nagmamahal nang


tunay at tapat ay handing ialay ang pansariling kaligayahan alang-alang sa
kasiyahanng taong minamahal. Tuklasin natin sa kasunod na maikling
kuwento kung paano pinatunayan nina Jim at Della ang wagas na
pagpapakasakit para sa isa’t isa. Basahin mo ito nang may pag-unawa sa
gayo’y maunawaan mo kung paano maisasabuhay ang mga mahahalagang
tema o kaisipang nakapaloob sa akda?

5
AGINALDO NG MGA MAGO
O. Henry
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito
ay barya. Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos. At
kinabukasan noon ay Pasko.

Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing sopa
at magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della.

Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi.
Siya’y nagpulbos. Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang
isang abuhing pusang nanunulay sa isang abuhing bakod sa abuhing likod bahay.
Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t
pitong sentimos lamang para ipambili ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang buwan
siyang nagtabi ng pera-pera at ito ang kaniyang natipon. Gaano ba naman ang itatagal
ng kitang dalawampung piso isang linggo! Naging malaki ang kaniyang mga gastos
kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon ang nangyayari. Piso at walumpu’t pitong
sentimos lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa kaniyang Jim. Maraming
oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-aginaldo kay Jim. Isang
pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang sabihing
karapat-dapat ariin ni Jim.

Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin.


Nagniningning ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan
ng kulay ang kaniyang pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang
buhok.

Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang


ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa
kaniyang ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.

6
At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok ni Della, alon-alon at kumikislap
na parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon. Abot hanggang sa ibaba ng
kaniyang tuhod at mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing pinusod
niyang muli na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan
samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig.

Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang
lumang sombrerong kulay-kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang
ang kaniyang mga mata nang siya’y humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at
lumabas sa lansangan.

Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme.


Sofronie. Lahat ng Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa
unang hagdanan at saka naghinto upang bigyang-panahon ang kaniyang paghingal.

“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della.

“Bumibili ako ng buhok,” sabi ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang
makita ko ang hitsura niyan.” ni Della ang alon-alon niyang buhok.

“Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang
makapal na buhok.

“Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della.

O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob


ng dalawang oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang
mga tindahan sa paghahanap ng maipang-aaginaldo kay Jim.

Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya.
Walang ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang
disenyo ay simpleng-simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang
makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-dapat sa relos. Pagkakitangpagkakita
niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang bagay na iyon kay Jim.
Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang
ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t
pitong sentimos na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang relos ay
pihong madalas na titingnan ni Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan.
Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang tingnan
ang oras dahil sa lumang katad na nakakabit.

Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-
iingat. Kinuha niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang
kasiraang nilikha ng pag-ibig na pinalubha pa ng kagandahang loob.

Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne. Si Jim
ay hindi kailan ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at
naupo sa sulok ng mesang malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim. Narinig niya
ang mga yabag ni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutlang sandali. Ugali na niya
ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari sa araw-araw

7
at ngayo’y bumulong siya ng ganito, “O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya
na ako’y maganda pa rin.”

Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang
nangayayat siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!
Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kaniyang
pamilya! Kailangan niya ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang
guwantes.

Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay
Della at ang tingin niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka,
ni pagpipintas, ni hilakbot, ni ang alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni
Della. Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga mata’y nagpapahayag ng isang
damdaming hindi mahulaan.

Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit


kay Jim.

“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang
papaganyan. Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako
makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo.
Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang
gawin ko iyon. Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong
Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda
ang aginaldong binili ko para sa iyo.”

“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng


pagsasalita.

“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit
na putol ang aking buhok?”

Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa.

“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay
ko’y walang makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa
pabango, o ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo
kung bakit ako nagkagayon noong bagong dating ako.”

Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas


na tili ng galak, at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng
masaganang luha.

Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga
suklay na malaon nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya
sa isang bintana ng tindahan sa Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang
dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging hilam sa luha ang winika,
“Malakas humaba ang buhok ko, Jim.”

At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!”

8
Hindi pa nakikita ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della
sabay pagbubukas ng kaniyang palad. Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng
apoy ng kaniyang kaluluwa.

“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita
ko iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses
maghapon. Akina ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit
na ang kadena.”

Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang


kaniyang ulo sa kaniyang mga palad, at saka ngumiti.

Della, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw.
Sayang na gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili
ng mga suklay para sa iyo. Mabuti pa’y prituhin mo na ang karne.”

Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong –


napakarurunong – at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may
imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong, pihong
ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay yaong
maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinaginutan kong
isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na nakatira sa
isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit na mawala
ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan.

Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat


sabihin dito na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang
pinakamarunong. Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang
pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago.

Maaring panoorin sa link na ito ang kuwento:


https://www.youtube.com/watch?v=4dU3kGA2Bjs

9
https://www.youtube.com/watch?v=uIXwbAiFVUM

Suriin

Para lalo mong maunawaan ang araling iyong binasa sikapin mong matukoy ang
mga salitang mag-kakaugnay sa bawat isa!

Gawain A - Sagutan ang Paglinang ng TALAS-salitaan para madagdagan ang


bokabularyong na iyong nalalaman. Hanapin sa pagpipilian sa ibaba ang salitang
kasingkahulugan o may kaugnayan sa bawat isa. Gamitin sa makabuluhang
pangungusap ang mga salita. Ilagay ang iyong sagot sa talahanayan.

hal. gusgusin - marumi

Gusgusin ang mga batang naglalaro sa kalye.

1. sumalagmak

2. humagibis

3. umalembong

4. halukayin

5. simbuyo

6. hagulgol

7. ginugol

8. nagpatihiga

9. kulabo

10. maliksi

11. giliw

10
12. lumukso

13. manaog

14. aginaldo

15. kagalakan

malakas na iyak silakbo inilaan mabilis

halungkatin lumandi bumaba masaya

humarorot lumuklok regalo napatalon

mahal napahiga umakyat panlalabo

Gawain B - Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang lalo mong maunawaan ang
nilalaman ng akda. Magsimula ka rito!

1. Ilarawan ang katangian ng dalawang pangunahing tauhan sa kuwento. Paano nila


ipinamalas ang masidhing pagmamahal sa bawat isa?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Dala ng kahirapan kaya naging suliranin nina Jim at Della ang paghahanda ng
pamasko sa isa’t-isa. Sa iyong palagay makatuwiran ba ang ginawa nilang paraan
upang malutas ang kanilang suliranin? Pangatuwiranan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Naging mapanghamon ba sa iyong isipan ang wakas ng kuwento?Bakit?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigay ng regalo sa Pasko ang ipinakita
sa maikling kuwento? Patunayan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, maisasakripisyomo ba ang mga bagay na mahalaga sa iyo
mapaligaya mo lamang ang iyong mahal sa buhay?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

11
6. Bakit kaya pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
7. Anong mahalagang kaisipan ang nais palutangin ng may-akda sa kuwento?
Patunayan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

8. Naging mapanghamon ba sa iyong sarili ang naging wakas ng kwento? Patunayan.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Pagyamanin
Alam kong nagustuhan mo ang nilalaman ng maikling kuwento
“Aginaldo ng mga Mago”. Ngayong nasa panahon tayo ng pandemya
paano ninyo ipagdiriwang ang Pasko. Kung kaya’t isalaysay mo ito
gamit ang masining na pagkukwento.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

12
Narito ang Rubriks na gagamitin sa pagbibigay puntos sa inyong ginawa.
Rubriks sa Pagsulat nang Maikling Salaysay

Krayterya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


4 3 2 1

Nilalaman

Presentasyon

Organisasyon ng
mga salita

Baybay,
gramatika, mga
bantas

Isaisip

Dugtungan mo ang panimula ng pangungusap upang maipakita ang iyong


nalaman mo sa aralin.

1. Ayon sa nilalaman ng kuwento saan bahagi ng akda ipinapakita ang ugnayang


pandaigdig? Patunayan.
Ang nilalaman ng kuwento kung saan ipinapakita ang ugnayang pandaigdig
sa__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Sa kabuuan ng aralin pinag-aralan mo ano ang mahahalagang natutuhan mo?


Patunayan.
Ang mahalagang natutunan sa aralin
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

13
Isagawa

Balikan mo ang kuwentong “Aginaldo ng mga Mago” at kunin ang mga


dayalogong nagpapakita ng masining na pagpapahayag na nakatulong sa pagiging
masining ng akda at sagutan ilan pang mga tanong na ibinigay. Isulat sa kwaderno
ang iyong sagot.
A.1.”Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Delia”,Sa palagay ko’y
walang makakabawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok
o sa pabango o ano pa man. Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay
mauunawaan mo kung bakit ako nagkagayon noong bagong dating ako.”
Tanong : Kung ikaw si Jim ganoon din ba ang iyong magiging reaksyon? Bakit?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2.”Jim mahal ko,” huwag mo sana akong pagmasdan nang papaganyan.


Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa
hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito
naman ay hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang
gawin ko iyon. Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong
Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano
kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.”
Tanong: Anong katangian ni Delia ang tipikal na ipinapakita sa pahayag? Natural lang
ba ito sa isang asawang babae?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. “Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko
iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses
maghapon. Akina ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit
na ang kadena.”

Tanong: Anong pagpapahalagang pangkatauhan ang ipinakita sa pahayag? Anong


klaseng maybahay si Delia? Ipaliwanag

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

14
Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka na sa bahaging ito. Tiyak akong
marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa modyul . Kung kaya’t ating
tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin…Tara simulant mo na….

15
Tayahin

A. Basahin ang bawat pangungusap at Tukuyin ang tamang sagot na


inilalarawan sa bawat bilang. Letra lang ang isulat sa inyong sagutang papel.
a. Maikling Kuwento f. Amerika l. Gitna

b. Banghay g. Wakas m. Kasukdulan

c. Jim h. Madame Sofronie n. Della


d. Edgar Allan Poe i. Diogracias Rosario o. Paksang diwa

e. Alijandro Rufino j. Mga Haring Mago p. Wakas

k. O Henry q. Suliranin
1. Ang asawang ipinagbili ang mahabang buhok makabili lamang ng regalo
ang kabiyak sa araw ng pasko.

2. Sa bansang ito nanggaling ang kuwentong Aginaldo ng mga Mago.


3. Tinaguriang Ama ng Maikling kuwento sa buong mundo.

4. Sila ang marurunong na nag-alay nang regalo sa batang si Hesus sa


sabsaban.
5. Ang bahagi ng storya makikita o mababasa ang katapusan ng kuwento.

6. Nagsalin sa wikang Filipino ng Maikling kuwento Aginaldo ng mga Mago.

7. Nagmamay-ari ng tindahang namimili ng Lahat ng Uri ng Kagamitang


Yari sa Buhok.

8. Isang anyo ng panitikan na isang maikling salaysay hinggil sa isang


mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng ilang mga tauhan na
may iisang kakintalan.

9. Sumulat ng akdang Aginaldo ng mga Mago.

10. Ang elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa pinakakaluluwa ng


akda.

11. Ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento sa Pilipinas.

12. Sa bahaging ito ng banghay makikita ang mataas na damdamin ng mga


mambabasa.

13. Tawag sa tamang pagkasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.

14. Sa bahaging ito ng kuwento isinasalaysay ang problema at pangyayaring


kinatatampukan ng pangunahing tauhan.

15. Ang asawang bumili ng ibat ibang hugis ng suklay bilang aginaldo sa
kanyang kabiyak.

16
Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito lalo pa nating pagyamanin ang iyong kaalaman sa pagsusuri ng


isang maikling kuwento. Kung kaya’t basahin nang may pag-unawa ang buod ng isa
pang kuwento.

SANDAANG DAMIT

Fanny A. Garcia

May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin ang


kanyang pagiging walang imik sa klase at madalas na nakaupo lamang siya sa isang
sulok. Siya ay madalas na tinutukso ng kanyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik
lamang ang kanyang damit at kung oras na ng kainan ay nakikita nilang ang kanyang
baon ay kapiraso lamang ng tinapay na madalas pang walang palaman.

Sa tuwing siya ay umuuwi sa kanilang bahay ay sinasabi niya sa kanyang ina


ang kanyang dinaranas. Totoong naawa ang kanyang ina sa kanyang kalagayan.
Sinasabi na lamang nito sa batang babae na ibibili na lamang siya ng bagong damit at
masarap na baon kung makakakuha na ng trabaho ang kanyang ama.

Dumating ang araw na naintindihan na niya ang kalagayan ng kanilang pamilya.


Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang panunukso mula sa
kanyang mga kaklase at natuto na siyang sarilinin ang kanyang nararamdaman.

Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang panunukso ng kanyang mga kaklase
at natuto na siyang lumaban. Sinabi niya sa kanila na siyaay may sandaang damit sa
kanilang bahay. Hindi naniwala ang kanyangmga kaklase. Upang mapaniwala sila,

17
inisa-isa niya ang mga disenyo ng bawat damit niya at dahil dito ay naniwala na sila sa
kanya.

Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga kaklase. Naging kaibigan na siya
ng mga ito. Naging palasalita na siya at hindi na siya mahiyain. Minsan nga ay
binabahagian pa siya ng mga ito ng kanilang masarap na baon.

Subalit, isang araw ay hindi nagawang pumasok sa klase ng batang babae. Nang
lumipas ang isang lingo ng kanyang pagliban ay nagpasiya ang kanyang mga kaklase
na dalawin siya sa kanilang bahay.Nang nakarating sila ay nadatnan nila ang isang
paytat na babae at nakita nila ang isang bahay na tagpi-tagpi lamang, luma at salat sa
marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay natagpuan nila ang batang babae na
nakahiga at may sakit pala.

Sa tabi ng papag ay nakita nila ang napakaraming papel na nakapaskil sa


dingding. Nakita nila ang mga larawang tulad ng binanggit ng batang babae. Totoong
naroroon ang sandaang damit na ni minsan ay hindi pa nila nasilayan. Sandaang damit
na pawang drawing lamang.

Pwedeng panoorin sa link na ito ang buod kuwento:


https://www.youtube.com/watch?v=jl89QHfF8QA&t=9s
https://www.youtube.com/watch?v=qsoCMrNyQ5I

Matapos mong basahin o mapanood ang buod ng kuwentong SANDAANG DAMIT


Subukin mo namang gawan ito nang pagsusuri gamit ang Story Ladder at ang
Banghay ng Maikling kuwento. 15 pts

Wakas

Kakalasan

Kasukdulan

Saglit na Kasiglahan

Panimula

Binabati kita mahal kong mag-aaral sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain
na inilaan sa araling ito. Inaasahan ko na ang lahat ng mahahalagang konsepto na iyong
natutunan at nalaman sa araling ito ay makatulong ng malaki sa pag-unawa mo sa mga
kasunod pang aralin.

18
19
Suriin: Balikan:
Subukin:
Gawain A Nasa
1.Totoo
1.lumuklok guro na ang
pagpapasya. 2.Totoo
2. humarorot
3.Hindi Totoo
3.lumandi
4.Hindi Totoo
4.halungkatin
5.Totoo
5.silakbo
6.Totoo
6. malakas na iyak
Pagyamanin:
7.Hindi Totoo
7. inilaan
Nas
8.Hindi Totoo
a guro na 8. napahiga
ang 9. Totoo
pagpapasya 9. panlalabo
10. Hindi Totoo
10. mabilis
11. Totoo
11. mahal
12. Totoo
12. napatalon
13. Totoo
13. bumaba
14. Totoo
14. regalo
15. Hindi Totoo
15.masaya
Gawain B.
Nasa guro na ang
wasto
Susi sa Pagwa
20
Karagdagang Tayahin:
Gawain:
1. N Isagawa:
Nasa guro na ang
2. F Nasa
pagpapasya sa
guro ang
pagbigay puntos sa 3. D
pagpapasya
sagot ng mag-aaral.
4. J sa sagot ng
mag-aaral
5. G
6. E
7. H
8. A
9.K
10. 0
11. I
12. M
13. B
14. Q
15. C
Sanggunian

● http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/ang-matanda-at-
ang-dagat.html
● http://ranieili2028.blogspot.com/2011/08/mga-gabay-para-sa-
pagsusuri- ng-isang.html
● https://philnews.ph/2019/07/25/ano-ang-maikling-kwento-
kahulugan-mga- halimbawa/
● https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-
elemento- kahulugan/
● https://www.youtube.com/watch?v=4dU3kGA2Bjs
● https://www.academia.edu/8731298/Pagsusuri_sa_Sandaang_Damit_ni_
Fanny _A_Garcia
● Filipino 10- Panitikang Pandaigdig : Modyul Para sa Mag-aaral
pp.218-223.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

22

You might also like