You are on page 1of 11

SANAYSAY

Ano ang SANAYSAY?


nagmula sa 2 salita,
ang sanay at pagsasalaysay

isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman


ng punto de vista (pananaw) ng may katha

pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-


kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng
nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao
Ano ang SANAYSAY?
komposisyon na prosa na may iisang diwa at
pananaw

sistematikong paraan upang maipaliwanag


ang isang bagay o pangyayari

uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng


lathalain na may layuning maihatid ang nais na
maipabatid sa kapwa tao
Uri ng SANAYSAY

Pormal
Di-pormal
Uri ng SANAYSAY

Pormal tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng


masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa

naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang


ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng
bumabasa

ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may


mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa
asignaturang ginawan ng pananaliksik
Uri ng SANAYSAY
Di-pormal tumatalakay sa mga paksang magaan,
karaniwan, pang-araw-araw at personal

karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro


at paglalarawan ng isang may akda

naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t


ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at
nararanasan ng may akda
Elemento ng SANAYSAY

Tema at • anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay


itinuturing na paksa dahil sa layunin
Nilalaman sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi

Anyo at • maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o


pangyayari
Istruktura
• mga ideyang nabanggit na kaugnay o
Kaisipan panlinaw sa tema
Elemento ng SANAYSAY

Wika at • mabuting gumamit ng simple, natural at


matapat na mga pahayag
Istilo

Larawan
• nilalarawan ang buhay sa isang
makatotohanang salaysay
• masining na paglalahad na gumagamit ng
ng Buhay sariling himig ang may akda
Elemento ng SANAYSAY

• naihahayag ang damdamin nang may


Damdamin kaangkupan at kawastuhan sa paraang may
kalawakan at kaganapan

Himig • naipapahiwatig ang kulay o kalikasan ng


damdamin
Bahagi ng SANAYSAY
• pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
titingnan ng mga mambabasa
Panimula • dapat nakapupukaw ng atensyon

• makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at


nilalaman ng sanaysay,
Katawan

• nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay


Wakas
MARAMING
SALAMAT ! 

Sources:
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-
sanaysay.html
http://maamgare.blogspot.com/2011/07/sanaysay-uri-
sangkap-at-bahagi.html
http://donians83.blogspot.com/2015/06/mga-elemento-
ng-sanaysay.html

You might also like